“Wala akong pakealam kung makapangyarihan silang pamilya o ano man, hindi na ako natatakot sa kaniya dahil wala naman ng mawawala sakin. Nawala na yung kaisa-isahan ko na pamilya dahil sa kasalanan nila, nananahimik ang Ama ko oo at may illegal kaming hanap-buhay tulad ng pagkakaroon ng illegal na palaruan pero sobra naman ang ginawa nila at ng mga tao sa paligid naming na parang pumatay kami ng tao.” Ang mga salita nito na may sakit at pighati, napakasalimuot ng pangyayari para sa pamilya nila.
Gaano nga ba kahirap kumuha ng tiwala ng lahat? Wala nga ba gustong maniwala sa kanila o dahil makapangyarihan lang talaga ang nakalaban nila? Pero kahit ano man doon ang totoo walang magbabago sa lahat ng nangyari, namatay ang Ama ni Kanor ng hindi man lang nito nalilinis a
Lumipas ang mga araw hanggang dumating ang araw na inilibing ang ama ng binata, hindi naging madali para sa mga naiwan nito na tanggapin agad pero kahit paano ay naging maayos naman ang lagay nito dahil hindi naman sila pinabayaan ng pamilya ni Maria. Isa-isa na rin nilang binenta ang mga ari-arian na naiwan, habang si Ramon ay hindi hinayaan na umalis ni Kanor dahil sinama nila ito sa paglipat ng bahay nila Maria.Ang tahimik na bahay at mundo ni Maria ay hindi na ngayon, nadagdagan sila ng kasama sa bahay at para silang buong pamilya talaga, nagkaroon na rin ng kausap ang matandang kasambahay nila simula ng dumating doon si Ramon, ang mga gusto nilang nobela ay talaga namang lagi nilang pinag-uusapan.Habang si Kanor ay tahimik pa rin naman at bihira na ngumiti, hindi na ito tulad ng dati na masayahin pero kahit paano ay wala na dito ang pag-iisip na gumanti sa pamilya ni Pelipe at Don. Vicente. Habang ang dalaga ay hindi pa rin naman nagk
Malamig ang simoy ng hangin habang nakaupo si Maria sa labas ng bahay nila, higit alas sais na rin kasi ng hapon at dumidilim na ang langit dahil sa nagbabadyang ulan ngunit wala pa rin si Kanor, mas kabado na tuloy siya kung nasa maayos na lagay lang ba ang binata kaysa kung natanggap ni Pelipe ang sulat niya. “Halika na dito sa loob, Maria ako na ang bahala na maghintay kay Kanor. Baka magkasakit ka sa lamig ng hangin at mukhang uulan pa, saan ba kasi nagpunta ang batang iyon.” Si Ramon iyon, halata rin na kinakabahan para sa binata pero pilit pinapatatag ang sarili, at tulad niya naghihintay lang din ito na makauwi ng ligtas si Kanor. “Hindi na po, ako
“Sabihin mo, may hindi ka sinasabi sakin na pinag-usapan ninyo. Imposible naman na hindi kayo nag-usap tungkol sakin pagkatapos mo na iabot ang sulat ko sa kaniya, isa pa anong dahilan bakit bukas na niya agad gustong makipagkita? Hindi man lang ba niya sinabi kung anong dahilan niya?” Sunod-sunod na tanong nito sa kaibigan, nakatingin lang naman ito sa kaniya na parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi niyang wala namang saysay. “Bakit mo naman iniisip na may hindi ako sinasabi sayo, kung meron man kaming pinag-usapan tungkol sayo ay sasabihin ko sayo dahil tungkol sayo yun at hindi sakin. Huwag mo sabihin na umaasa ka na nag suntukan kami dahil sayo?” May kung ano sa tono ng lalake na nang-aasar sa dalaga, hindi tuloy mapigilan ng dalaga na tignan ito ng ma
“Ibig po ba sabihin nito ay pumapayag na talaga kayo sa relasyon namin ni Pelipe at tanggap ninyo na talaga siya bilang kasintahan ko?” Tanong ng talaga gamit ang tono na hindi makapaniwala pero andoon ang saya. Natahimik naman ang lahat dahil sa tanong ni Maria at gumawi ang lahat ng tingin sa Ama nito dahilan para mapatikhim ang Ginoo at naibaba ang dyaryo na hawak niya at nalipat ang tingin nito sa dalaga, ang mga mga nitong seryosong nakatingin kay Maria ang nakapagbigay ng matinding kaba dito. Minsan ay hindi rin talaga maintindihan ng dalaga ang Ama kung ano ang tumatakbo sa isipan nito kaya kahit na alam naman niyang mabait ito ay nakakaramdam pa rin siya ng kakaibang emosyon pag seryoso ito.&nbs
“Kung pwede lang, kung pwede lang na pakasalan na kita agad at hindi na pakawalan ay ginawa ko na agad, Maria. Ayaw ko ng malayo sayo natatakot ako na baka pag hinayaan kitang lumayo sakin ay may kung anong problema na naman ang dadating satin at mauuwi na naman tayo sa hiwalayan.” Sabi nito habang magkadikit pa rin ang mga noo niya, kitang-kita ng dalaga sa mga mata nito ang sinseridad at pagmamahal ng binata sa kaniya. Alam niya ang ganoon pakiramdam dahil parehong-pareho sila. “Kahit ako natatakot, Pelipe. Natatakot ako na baka panaginip lang ang lahat ng ito at hindi talaga tayo nagkita, paano kung ang totoong nangyari ay natuloy ang kasal nyo ni Yola at hindi na ako ang mahal mo. Kahit ako hindi natatahimik ang utak ko noong hindi kita nakikita, gustong-gusto k
Dahan-dahang hinakbang ni Maria ang mga nanlalamig at nanlalambot niyang paa palapit sa kwarto ni Kanor, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon at hindi niya maipaliwanag kung parang napakatagal niyang makalapit doon kahit napakalapit lang naman talaga ng kwarto nya sa kwarto ng binata. At nang makarating na rin niya sa harap ng pinto ng kwarto ng binata ay doon na bumigay ang mga paa niya, parang isang malaking tinik ang nahugot sa puso niya ng makitang wala namang nangyari sa lalake pero ang problema ay wala talaga doon ang binata at tanging mga gulo-gulong gamit nito ang naiwan. “Asan na si Kanor, anong oras na at iba ang kilos niya kanin
“Huwag kang mag-alala darating din ang panahon na matatanggap nila tayo, hindi man ngayon ay darating na magiging masaya tayo at wala ng hahadlang kahit ang mga magulang mo.” Malambing nitong sabi. Kung darating nga ang tamang panahon, sana ay dumating na agad para sa kanilang dalawa.+++ “Gusto ko ng dumating ang tamang panahon na iyon, pero kahit hindi pa tamang panahon ngayon ay gusto ko ng gawin ito.” Lumuhod ang lalake sa harap ng dalaga na nakaupo at kinuha ang nasa bulsa nito na isang singsing at nilagay sa harap ng dalaga. “Alam ko dapat na hingiin ko muna ang pag sang-ayon ng buong pamilya mo pero gusto ko na ibiga
Pinikit ng dalaga ang mga mata niya, doon niya naalala ang mga pinag-usapan nila ni Pelipe kanina lang. Muling nagpatakan ng sunod-sunod ang mga luha niya, hindi pa siguro ito ang tamang panahon para sa kanila. Siguro wala talagang tamang panahon sa kanila sa buhay na ito, sana lang kung magkakataon man ng pagkakataon ay muli silang magkita sa susunod na buhay. “Halina kayo, at ikaw subukan mo na ituro ako ay alam mo na ang mangyayari sa buong pamilya mo naiintindihan mo ba?” Boses iyon ng matanda na tinatakot ang Ama ni Pelipe. “N-naiintindihan ko Don. Vicente.” Walang nagawa ang Ama ng binata kung hindi ang s
“Huy, Yuna lasing ka na tama na iyan!” Bawal ng mga kaibigan nito sa babae habang patuloy pa rin ito sa paglaklak sa alak na hawak nito. Hindi nila alam kung ano ang nagtulak sa dalaga para mag-inom ito ng marami ngayon, sa pagkakaalam naman niya ay maayos na ang lagay ng Papa nito at wala pa silang nababalitaan ulit na masamang balita pero para itong problemado na problemado.“Anong oras na oh, uuwi na kami.” Si Vince iyon dahil binilin ito na huwag masyadong magpakalasing sa graduation party nila,” hindi naman naming siya pwedeng isabay dahil iba ang daan ng bahay.” Pagpapaliwanag pa nito.“Lasing rin si Isabel, itong si Therese ay pwede naming isabay pero hindi ko rin masasabay si Yuna at iba rin ang direction papunta sa kanila.” Problemado din na sagot ni Philip habang inaalalayan ang lasing na si Isabel at Therese.Hindi makapaniwalang nakatingin si Ken sa kanila, mukh
“Congratulations, graduates!” Huling sabi ng school director at sabay-sabay nagsigawan ang lahat at masayang niyakap ang mga magulang at kaibigan. May mga nag-iiyakan at may iba na pilit inaayos ang nasirang relasyon ng mga nag daan na taon sa buhay nila.Gaano nga ba kabilis dumaan ang araw sa buhay ng tao para ayusin ang mga dapat ayusin at bigyan ng importansya ang mga bagay na mahalaga sa isang tao, paano ng aba masasama na kung hindi mo aayusin ngayon ay may pagkakataon ka pa na ayusin mamaya o bukas?Kung may nararamdaman ka sa isang tao, ano ng aba ang tamang oras, araw, at panahon para aminin iyon?Minsan mas mabuti kung gawin moa gad para wala kang pagsisisihan sa huli.Ang pangalawang pagkakataon na binigay para kay Philip para muling makita at makasama ang babaeng pinakamamahal niya ay sadya naman talagang pinagpapasalamat ng binata.“Isabel.” B
Years laterMatapos ng araw na iyon, naging mas lalong naging malapit ang pamilya nilang dalawa. Mas naging open din sa isa’t-isa si Isabel at Philip sa mga bagay-bagay at sa relasyon na meron sila. Naging madali sa mga ito na makahabol sa mga pag-aaral. “Wow! Hindi mo talaga aakalain na malapit na tayong mag-graduate, hindi na ako baby sa bahay tiyak na pipilitin na ako ni Papa na pagtrabahuin sa business nya.” Mabilis na reklamo ni Vince habang nag-iinat ng mga kamay dahil kakatapos lamang ng huli nilang exam. “Mabuti naman kung ganoon para hindi pangbababae ang inaatupag mo, hindi mo gayahin si Greg pagka-graduate niya ay sasali na agad siya sa nat
“Gusto ko lang po sabihin sa inyo na mahal ko si Isabel, mahal na mahal ko siya mula noon hanggang ngayon,” Huminto saglit sa pagsasalita si ken at himinga ng malalim. “kaya po andito pa rin ako sa tabi niya kahit na alam ko na hindi sya para sakin at ibang lalake ang mahal niya. Alam kop o na wala akong karapatan pero bilang kaibigan nilang pareho, gusto ko po sana na sabihin sa inyo na hayaan at pakinggan nyo po sila, huwag nyo agad tutulan yung relasyon na meron sila.” Magalang ang tono ng binata at halatang kinakabahan. “Hindi ko maintindihan, bakit tinutulungan mo ang binata na iyon kung may nararamdaman ka rin para sa Apo ko? Hindi ba dapat na mas humingi ka ng pagkakataon para sa sarili mo?” Tanong ng matanda dito. Napailing naman ang binata
Ilang linggo lang din naman ay nakalabas na sila ng hospital, tulad ng inaasahan napakarami nilang dapat habulin sa bawat subject. Kay Philip ay wala namang problema iyon pero kay Isabel na walang kasipag-sipag sa pag-aaral ay parang isang delubyo ang isang oras na maupo sa loob ng library para mag-aral. “Ayaw ko na! suko na ako dito wala naman akong naiintindihan e ilang oras ko ng paulit-ulit na binabasa pero wala namang pumapasok sa utak ko.” Naiinis na binagsak ni Isabel ang libro, lumalabas na naman ang pagiging maldita niya dahilan para hindi mapigilan ni Philip na tignan ito ng hindi makapaniwala. “Paanong may maiintindihan ka diyan e tignan mo nga
“Nagseselos ka ba?” Nang-aasar na tanong ng binata sa dalaga dahilan para matigilan ito, unti-unting bumaba ang nakataas niyang kilay at muling naupo sa upuan sa harap ng binata. “Kalokohan kung sasabihin ko na hindi ako nagseselos, nang maalala ko ang lahat tungkol satin ay sobra-sobra ang ingit na nararamdaman ko sa kaniya dahil sa sobrang lapit ninyo sa isa’t-isa pero anong magagawa ko, siguro nga ay nakatadhana na siya lagi ang unang babaeng makikilala mo kaysa sa akin.” Malungkot ang tono ng boses nito kaya hindi maiwasan ng binata ang magpakita ng pag-aalala sa mukha. “Huwag ka ng malungkot, kung ako naman ang masusunod ay pipiliin
“Nagising na yung pasyente bilisan nyo sa pagkilos!” Nagmamadali ang mga nurse sa pagpunta muli sa kwarto ni Philip. Alam naman niyang may kaya ang pamilya nito pero iba talaga ang asikaso ng hospital sa binata. Mula noon hanggang ngayon ay hindi nagbago ang estado ng buhay nito, ibang-iba pa rin tulad ng buhay nila ni Isabel. Hindi niya lang maintindihan kung bakit hindi na pwedeng siya naman ngayon para sa dalaga, kahit man lang sana saglit binigyan siya ng pagkakataon para sa dalaga pero kung mayaman rin ang pamilya niya ngayon ay baka hindi niya nakilala si Isabel dahil kung hindi dahil sa trabaho nila hindi naman sila magiging magkaibigan. “Sino ba iy
Hindi akalain ng binata na magagawa niya ang ganoong bagay, sinabi niya dati sa sarili na papatunayan niyang hindi totoo ang sinasabi ng iba na masama silang pamilya pero sa pagkakataon na ito ay wala na siyang dapat patunayan, ang mga taong nasa paligid niya ang nagtulak na gumawa ng masama kahit ayaw niya. Piliin ang mabuti? Hindi lahat ng sitwasyon ay masasabi at magagawa niya iyon, kung ngayon siya husgahan ng mga tao hanggang gusto nila dahil wala ng dahilan para masaktan siya. Iyon ang nasa isip ng binata pero nanginginig ang katawan niya habang dahan-dahang naglalakad palayo sa mga nakahandusay na katawan sa daan, muling isip
Ngunit kahit anong hiyaw ng binata at pagkalampag ng pintuan ay wala talagang gustong magbigay ng pansin sa kaniya, kahit isa sa mga ito ay ayaw magawa ng mali sa matandang lalake. Pero sino nga ba ang hindi matatakot sa matanda kung alam na ng mga ito ang kayang gawin ng isang Don.Vicente sa gustong kumalaban sa kaniya. Sa huli ay wala rin nagawa ang binata kung hindi ang tumigil at mahiga na lang sa malamig sa sahig, kahit pagurin niya ang sarili kung para sa mga taong nakapaligid sa kaniya ay wala siya doon ay wala siyang mapapala at magmumukha lang siyang baliw at nagsasayang ng lakas na pwede niyang gamitin sa pagtakas. Inikot niya ang tingin sa paligid, pero mukhang malabong mangyari iyon dahil wala man lang siyang makitang pwedeng daanan kung sakasakali k