Pinikit ng dalaga ang mga mata niya, doon niya naalala ang mga pinag-usapan nila ni Pelipe kanina lang. Muling nagpatakan ng sunod-sunod ang mga luha niya, hindi pa siguro ito ang tamang panahon para sa kanila. Siguro wala talagang tamang panahon sa kanila sa buhay na ito, sana lang kung magkakataon man ng pagkakataon ay muli silang magkita sa susunod na buhay.
“Halina kayo, at ikaw subukan mo na ituro ako ay alam mo na ang mangyayari sa buong pamilya mo naiintindihan mo ba?” Boses iyon ng matanda na tinatakot ang Ama ni Pelipe.
“N-naiintindihan ko Don. Vicente.” Walang nagawa ang Ama ng binata kung hindi ang s
“Sa wakas ay nasa tabi na ulit kita mahal ko na Apo. Huwag mon a ulit iiwan ang Lola mo mag-isa.” Umiiyak ang matanda habang yakap-yakap ang dalaga, kahit tuloy si Therese na walang kaalam-alam ay naiiyak na rin at nakiyakap-yakap sa kanilang mag Lola. “Masaya po ako, masaya po ako na makasama kayo ulit, Lola.” Iyak ng iyak na sabi ng dalaga. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit ayaw ng matanda na lumapit siya kay Philip habang pag dating kay Ken ay napakalapit ng loob nito, simula pala una ay naaalala na ng Lola niya ang lahat at ayaw na nitong maulit ang nangyari ng nakaraan. Kung ikukwento nila ito sa iba
“Nagkakagulo sa kwarto ni Philip, Maria!” Sabi ni Ken na may pag-aalala sa mukha. Mabilis lumabas sa kwarto ang dalaga at nakitakbo kasama ang mga nurse na nagmamadaling pumunta rin doon. Tanging tunog lang ang naririnig niya doon an gang boses ng Doctor na nag-uutos sa mga nurse kung ano ang dapat gawin.Nakita niya rin sa loob ang isang babae na may edad na rin na umiiyak habang hawak ng isang dalaga at binata. Pamilyar ang mga mukha nito sa kaniya kaya alam na agad niya na mga kapatid at Ina ito ni Philip. Ang Ama naman nito ay walang emosyon na makikita sa mukha ngunit balisa itong palakad-lakad sa hallway, may mga iilang pasyente na nga rin ang naagaw ang pansin dahil sa ingay.“Anong nangyayari bakit nagkakagulo sila sa loob?” Tanong ng isang matandang babae habang nakikisilip din sa kwarto. Hindi rin tuloy maiwasan ni Isabel na makinig dahil gusto niyang malaman ang
Dumiretso si Ken sa part-time niya pero okupado pa rin ang isip niya, hindi niya alam kung ano ang dapat gawin at kung dapat ba na sabihin niya kay Isabel ang lahat ng ala-alang meron siya. Kung tutuusin ay hindi naman na mahalaga sa dalaga ang nakaraan base sa mga kilos nito pero hindi pa rin mawala ang konsensya sa isip ng binata sa nangyari noon, dahil aminin man niya o hindi ay isa siya na naging parte ng isang krimen na nangyari dahil sa padalos-dalos niyang desisyon. Kailan nga ba nagsimula ang mga sunod-sunod na panaginip niya at ang nagpalinaw sa kaniya ng mga totoong nangyari noon, nagsimula lang naman iyon noon ng may lumapit sa kaniya na baliw at sinasabing kasalanan niya ang lahat. Noong una, inakala niya na dahil baliw ang matandang babae at dahil siya ang napagabutan ni
Bakit nagmamadali ka na umuwi hindi ko man lang tuloy nagawang makapag paalam kay Pelipe ng maayos dahil bigla mo na lang akong hinila." Pagrereklamo ng dalaga pero halata sa mukha nito ang pag-aalala sa mukha."Meron ka ba na nakaaway sa daan, meron ka ba narinig na hindi maganda o nag insulto na naman sayo? Kanor sagutin mo naman ang mga tanong ko oh." Tumigil ito sa paglalakad at hinawi ang kamay ng binata na nakahawak sa kaniya."Anong ginagawa mo, halika na at umuwi huwag ka ng tumigil diyan at tumulala." Sagot naman ng binata. Lumingon-lingon ito sa paligid, natatakot siya na baka may sumusunod sa kaniya at makita ang dalaga na kasama niya. Natatakot siya na may gawin ang mga lalake na iyon sa kaibigan, natatakot siya para sa dalaga dahil mukhang interesado ang mga iyon sa mukha at katawan nito.Sino nga ba ang hindi magkakai
Ngunit kahit anong hiyaw ng binata at pagkalampag ng pintuan ay wala talagang gustong magbigay ng pansin sa kaniya, kahit isa sa mga ito ay ayaw magawa ng mali sa matandang lalake. Pero sino nga ba ang hindi matatakot sa matanda kung alam na ng mga ito ang kayang gawin ng isang Don.Vicente sa gustong kumalaban sa kaniya. Sa huli ay wala rin nagawa ang binata kung hindi ang tumigil at mahiga na lang sa malamig sa sahig, kahit pagurin niya ang sarili kung para sa mga taong nakapaligid sa kaniya ay wala siya doon ay wala siyang mapapala at magmumukha lang siyang baliw at nagsasayang ng lakas na pwede niyang gamitin sa pagtakas. Inikot niya ang tingin sa paligid, pero mukhang malabong mangyari iyon dahil wala man lang siyang makitang pwedeng daanan kung sakasakali k
Hindi akalain ng binata na magagawa niya ang ganoong bagay, sinabi niya dati sa sarili na papatunayan niyang hindi totoo ang sinasabi ng iba na masama silang pamilya pero sa pagkakataon na ito ay wala na siyang dapat patunayan, ang mga taong nasa paligid niya ang nagtulak na gumawa ng masama kahit ayaw niya. Piliin ang mabuti? Hindi lahat ng sitwasyon ay masasabi at magagawa niya iyon, kung ngayon siya husgahan ng mga tao hanggang gusto nila dahil wala ng dahilan para masaktan siya. Iyon ang nasa isip ng binata pero nanginginig ang katawan niya habang dahan-dahang naglalakad palayo sa mga nakahandusay na katawan sa daan, muling isip
“Nagising na yung pasyente bilisan nyo sa pagkilos!” Nagmamadali ang mga nurse sa pagpunta muli sa kwarto ni Philip. Alam naman niyang may kaya ang pamilya nito pero iba talaga ang asikaso ng hospital sa binata. Mula noon hanggang ngayon ay hindi nagbago ang estado ng buhay nito, ibang-iba pa rin tulad ng buhay nila ni Isabel. Hindi niya lang maintindihan kung bakit hindi na pwedeng siya naman ngayon para sa dalaga, kahit man lang sana saglit binigyan siya ng pagkakataon para sa dalaga pero kung mayaman rin ang pamilya niya ngayon ay baka hindi niya nakilala si Isabel dahil kung hindi dahil sa trabaho nila hindi naman sila magiging magkaibigan. “Sino ba iy
“Nagseselos ka ba?” Nang-aasar na tanong ng binata sa dalaga dahilan para matigilan ito, unti-unting bumaba ang nakataas niyang kilay at muling naupo sa upuan sa harap ng binata. “Kalokohan kung sasabihin ko na hindi ako nagseselos, nang maalala ko ang lahat tungkol satin ay sobra-sobra ang ingit na nararamdaman ko sa kaniya dahil sa sobrang lapit ninyo sa isa’t-isa pero anong magagawa ko, siguro nga ay nakatadhana na siya lagi ang unang babaeng makikilala mo kaysa sa akin.” Malungkot ang tono ng boses nito kaya hindi maiwasan ng binata ang magpakita ng pag-aalala sa mukha. “Huwag ka ng malungkot, kung ako naman ang masusunod ay pipiliin