“Kung pwede lang, kung pwede lang na pakasalan na kita agad at hindi na pakawalan ay ginawa ko na agad, Maria. Ayaw ko ng malayo sayo natatakot ako na baka pag hinayaan kitang lumayo sakin ay may kung anong problema na naman ang dadating satin at mauuwi na naman tayo sa hiwalayan.” Sabi nito habang magkadikit pa rin ang mga noo niya, kitang-kita ng dalaga sa mga mata nito ang sinseridad at pagmamahal ng binata sa kaniya. Alam niya ang ganoon pakiramdam dahil parehong-pareho sila.
“Kahit ako natatakot, Pelipe. Natatakot ako na baka panaginip lang ang lahat ng ito at hindi talaga tayo nagkita, paano kung ang totoong nangyari ay natuloy ang kasal nyo ni Yola at hindi na ako ang mahal mo. Kahit ako hindi natatahimik ang utak ko noong hindi kita nakikita, gustong-gusto k
Dahan-dahang hinakbang ni Maria ang mga nanlalamig at nanlalambot niyang paa palapit sa kwarto ni Kanor, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon at hindi niya maipaliwanag kung parang napakatagal niyang makalapit doon kahit napakalapit lang naman talaga ng kwarto nya sa kwarto ng binata. At nang makarating na rin niya sa harap ng pinto ng kwarto ng binata ay doon na bumigay ang mga paa niya, parang isang malaking tinik ang nahugot sa puso niya ng makitang wala namang nangyari sa lalake pero ang problema ay wala talaga doon ang binata at tanging mga gulo-gulong gamit nito ang naiwan. “Asan na si Kanor, anong oras na at iba ang kilos niya kanin
“Huwag kang mag-alala darating din ang panahon na matatanggap nila tayo, hindi man ngayon ay darating na magiging masaya tayo at wala ng hahadlang kahit ang mga magulang mo.” Malambing nitong sabi. Kung darating nga ang tamang panahon, sana ay dumating na agad para sa kanilang dalawa.+++ “Gusto ko ng dumating ang tamang panahon na iyon, pero kahit hindi pa tamang panahon ngayon ay gusto ko ng gawin ito.” Lumuhod ang lalake sa harap ng dalaga na nakaupo at kinuha ang nasa bulsa nito na isang singsing at nilagay sa harap ng dalaga. “Alam ko dapat na hingiin ko muna ang pag sang-ayon ng buong pamilya mo pero gusto ko na ibiga
Pinikit ng dalaga ang mga mata niya, doon niya naalala ang mga pinag-usapan nila ni Pelipe kanina lang. Muling nagpatakan ng sunod-sunod ang mga luha niya, hindi pa siguro ito ang tamang panahon para sa kanila. Siguro wala talagang tamang panahon sa kanila sa buhay na ito, sana lang kung magkakataon man ng pagkakataon ay muli silang magkita sa susunod na buhay. “Halina kayo, at ikaw subukan mo na ituro ako ay alam mo na ang mangyayari sa buong pamilya mo naiintindihan mo ba?” Boses iyon ng matanda na tinatakot ang Ama ni Pelipe. “N-naiintindihan ko Don. Vicente.” Walang nagawa ang Ama ng binata kung hindi ang s
“Sa wakas ay nasa tabi na ulit kita mahal ko na Apo. Huwag mon a ulit iiwan ang Lola mo mag-isa.” Umiiyak ang matanda habang yakap-yakap ang dalaga, kahit tuloy si Therese na walang kaalam-alam ay naiiyak na rin at nakiyakap-yakap sa kanilang mag Lola. “Masaya po ako, masaya po ako na makasama kayo ulit, Lola.” Iyak ng iyak na sabi ng dalaga. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit ayaw ng matanda na lumapit siya kay Philip habang pag dating kay Ken ay napakalapit ng loob nito, simula pala una ay naaalala na ng Lola niya ang lahat at ayaw na nitong maulit ang nangyari ng nakaraan. Kung ikukwento nila ito sa iba
“Nagkakagulo sa kwarto ni Philip, Maria!” Sabi ni Ken na may pag-aalala sa mukha. Mabilis lumabas sa kwarto ang dalaga at nakitakbo kasama ang mga nurse na nagmamadaling pumunta rin doon. Tanging tunog lang ang naririnig niya doon an gang boses ng Doctor na nag-uutos sa mga nurse kung ano ang dapat gawin.Nakita niya rin sa loob ang isang babae na may edad na rin na umiiyak habang hawak ng isang dalaga at binata. Pamilyar ang mga mukha nito sa kaniya kaya alam na agad niya na mga kapatid at Ina ito ni Philip. Ang Ama naman nito ay walang emosyon na makikita sa mukha ngunit balisa itong palakad-lakad sa hallway, may mga iilang pasyente na nga rin ang naagaw ang pansin dahil sa ingay.“Anong nangyayari bakit nagkakagulo sila sa loob?” Tanong ng isang matandang babae habang nakikisilip din sa kwarto. Hindi rin tuloy maiwasan ni Isabel na makinig dahil gusto niyang malaman ang
Dumiretso si Ken sa part-time niya pero okupado pa rin ang isip niya, hindi niya alam kung ano ang dapat gawin at kung dapat ba na sabihin niya kay Isabel ang lahat ng ala-alang meron siya. Kung tutuusin ay hindi naman na mahalaga sa dalaga ang nakaraan base sa mga kilos nito pero hindi pa rin mawala ang konsensya sa isip ng binata sa nangyari noon, dahil aminin man niya o hindi ay isa siya na naging parte ng isang krimen na nangyari dahil sa padalos-dalos niyang desisyon. Kailan nga ba nagsimula ang mga sunod-sunod na panaginip niya at ang nagpalinaw sa kaniya ng mga totoong nangyari noon, nagsimula lang naman iyon noon ng may lumapit sa kaniya na baliw at sinasabing kasalanan niya ang lahat. Noong una, inakala niya na dahil baliw ang matandang babae at dahil siya ang napagabutan ni
Bakit nagmamadali ka na umuwi hindi ko man lang tuloy nagawang makapag paalam kay Pelipe ng maayos dahil bigla mo na lang akong hinila." Pagrereklamo ng dalaga pero halata sa mukha nito ang pag-aalala sa mukha."Meron ka ba na nakaaway sa daan, meron ka ba narinig na hindi maganda o nag insulto na naman sayo? Kanor sagutin mo naman ang mga tanong ko oh." Tumigil ito sa paglalakad at hinawi ang kamay ng binata na nakahawak sa kaniya."Anong ginagawa mo, halika na at umuwi huwag ka ng tumigil diyan at tumulala." Sagot naman ng binata. Lumingon-lingon ito sa paligid, natatakot siya na baka may sumusunod sa kaniya at makita ang dalaga na kasama niya. Natatakot siya na may gawin ang mga lalake na iyon sa kaibigan, natatakot siya para sa dalaga dahil mukhang interesado ang mga iyon sa mukha at katawan nito.Sino nga ba ang hindi magkakai
Ngunit kahit anong hiyaw ng binata at pagkalampag ng pintuan ay wala talagang gustong magbigay ng pansin sa kaniya, kahit isa sa mga ito ay ayaw magawa ng mali sa matandang lalake. Pero sino nga ba ang hindi matatakot sa matanda kung alam na ng mga ito ang kayang gawin ng isang Don.Vicente sa gustong kumalaban sa kaniya. Sa huli ay wala rin nagawa ang binata kung hindi ang tumigil at mahiga na lang sa malamig sa sahig, kahit pagurin niya ang sarili kung para sa mga taong nakapaligid sa kaniya ay wala siya doon ay wala siyang mapapala at magmumukha lang siyang baliw at nagsasayang ng lakas na pwede niyang gamitin sa pagtakas. Inikot niya ang tingin sa paligid, pero mukhang malabong mangyari iyon dahil wala man lang siyang makitang pwedeng daanan kung sakasakali k