Umawang parehas ang labi nina Danica at Orion at hindi makahanap ng tamang salita sa narinig. “What?!” Napatayo si Orion. Natutop ni Danica ang kanyang bibig at pagkatapos ay napaiyak siya. “Dad, is it true?” Tumango si Mr. Arvesso. “I met her mom in Master Walton's office. Nagkaroon ako ng relasyon sa kanya hanggang sa pinadala ako sa abroad dahil kailangan kong ilaban ang isyu sa property at ilang kayamanan ng magulang ko, and ilang aayusin sa business problems. Kailangan ko ring alagaan si Orion. Noong panahong iyon, walong taong gulang pa lang siya at tanging yaya ang nagbabantay sa kanya. "I had to stay abroad for a few months because Orion was with me. I was torn between my responsibilities as a father and my feelings for the woman I loved. Hindi ko nabalikan kaagad si Cristina dahil hindi naman ganoon kadali na basta bumalik dito sa Pilipinas noon. Nakatanggap na lang ako ng email mula sa daddy ni Drew na kinasal na si Cristina sa kinikilalang ama ni Lily ngayon, kay Ma
[This chapter may be unsettling for some readers due to the uncomfortable situations that Lily has had to confront in her past. If you prefer, you can skip this chapter and continue to the next one.] Nakaupo sa harapan, sa ilalim ng mapanuring tingin ng mga taong nagmamasid sa kaso, inipon niya ang lahat ng kanyang lakas ng loob. Tama! Wala na dapat siyang pakialam pa sa iba! “Lily, pwede mo bang sabihin kung ano ang relasyon mo sa apat na nasasakdal?” tanong sa kanya ni Attorney Gregory. “Kapatid ko si Kenneth. I was thirteen noong magpakasal ang daddy ko at mommy niya. Soon after, dinala siya ng daddy ko sa bahay namin… Nakilala ko si Keith dahil madalas siyang magpunta sa bahay. Nasa kolehiyo ako noong m-makilala ko ang tatlo pa nilang kaibigan,” tugon niya, nagsimulang pagpawisan ang kamay. “Nabanggit mo na nasa kolehiyo ka noong makilala mo si Jericho at Brian? Paano mo sila nakilala?” “I was nineteen. May ilang pagkakataon na rin na napagtitripan ako ni Kenneth.
HINDI nagkokomento si Lily habang nasa sasakyan. Nasasaktan ang damdamin niya matapos buksan ang nakaraan. Tahimik siyang lumuluha. Panay ang ring ng cellphone ni Drew mula sa tawag ng kung sino-sino kaya pinatay na lang nito iyon. “Shhh…” Hinaplos siya ng kanyang asawa sa likuran habang yakap siya nito. Nanginginig pa rin ang kanyang balat dahil sa takot. “I feel dirty…” malungkot niyang usal. Humigpit ang yakap sa kanya ni Drew at saka tumingin sa labas ng bintana. “I feel like an idiot. I met you that night, Lily. Kung sana ay nailigtas kita noon bago pa nagawa ni Kenneth sa ‘yo ang molestiyahin ka, o kaya naman ay paglaruan ka ng mga kaibigan niya. Kung sana ay nakilala na kita noon at naialis na kita sa bahay n’yo.” Nagkiskis ang ngipin ni Drew. Alam niya na mahirap tanggapin na isang linggo lang matapos ang araw na iyon ay nagawa siyang pagsamantalahan ni Kenneth. Napapikit siya nang mariin. Ayaw niyang sariwain ang bawat pangyayari. Kung paano nga ba na hindi niya
MADAMI ang naganap sa kaso ni Carmela. It was chaotic. Ang hindi inaasahan at nakasama sa loob ni Lily ay biglang binawi ng babae ang kaso laban sa grupo ni Kenneth. Nabigla doon si Lily at lalo siyang nasaktan. Nais niyang umiyak sa sobrang sama ng loob. “I’m going to Faye’s office,” hiling niya kay Drew. Nakapahinga siya sa loob ng ilang araw at alam niya sa sarili na handa siyang harapin kung ano man ang problema. She needed to face this before she could truly accept it. “Babe… Hindi ko alam kung makabubuti sa ‘yo ang pagpunta sa opisina nila,” ani Drew na nag-aalala. “Drew! Gusto kong malaman kung bakit walang nangyari sa kaso! Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang nasa posisyon ko? Nananahimik ako nang kasama ka. Nakahanda na akong ipagpaubaya kung ano ang mga naganap noon dahil gusto ko ng peace of mind. Sila itong nangulit sa ‘kin! Binuksan ko ang sarili ko at inalala ang nakaraan ko na pinilit ko nang kinalimutan! At pagkatapos ay biglang aatras si Carmela? Naniwala
NALUNGKOT si Lily nang bawiin ni Carmela ang kaso. Nanatili ito sa bahay habang kasama ni Drew. Nais ni Danica na sorpresahin si Kael—na ang bahay sa tapat nito na bigay ng kanyang ama—ang lilipatan niya. Masaya siya dahil siya mismo ang magde-decorate o mag-aayos nito. Dumating ang ilang gamit at nagsimula siyang ayusin ang mga kasangkapan na inabot ng tatlong oras. Nang dumating ang alas-sais ay nakatanggap siya ng tawag kay Kael. Mula sa bintana sa kuwarto sa itaas ay pasimple niyang sinilip ang kabilang bahay at natagpuan ang lalaki mula sa silid nito, nakahubad. Nasamid siya sa nasaksihan. Napalunok din habang pinapasadahan ang mala-adonis nitong katawan. Hindi niya inaasahan na balewalang nagtanggal lang ito ng saplot. Hindi ba nito alam na posible itong makita ng kapitbahay? They are neighbors now, right? “Hello, lady! Have you already taken your dinner?” tanong ng lalaki sa kanya. Hindi na iyon bago sa kanya. Madalas siya nitong ayain na kumain sa bahay nito. Bas
KOWLOON, Hong Kong. Alas siyete ng gabi, ibinaba ng taxi si Kael sa tapat ng Artus Hotel. Dito siya itinuro ni Faye. Nakailang pag-aatubili siya bago niya naisip na tumuloy dito sa ibang bansa. Nagwagi ang isipan niya na kailangan niyang samahan ang dalaga—kahit ngayon lang. Nagpunta siya sa opisina at hinintay ang oras ng flight niya. Nang sumapit ang tanghali ay sinabihan niya ang sekretarya niya at ikansela ang lahat ng kailangan niyang gawin sa araw na iyon dahil kailangan niyang umalis. Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta dahil sa tabil ng dila nito ay baka masabi pa nito kay Lauren na nangibang bansa siya. Dalawang palit ng damit lang ang dinala niya dahil wala naman siyang plano na magtagal dito sa ibang bansa. Kailangan niyang pilitin si Faye na umuwi sa Pilipinas dahil una, pakiramdam niya ay magtataksil siya kay Danica. Kaninang umaga nga ay iniwan niya ito nang tulog pa sa kanyang kuwarto. Hinayaan niyang magpahinga ang dalaga. Ikalawa, kapag nalaman ito
INAYA ni Danica si Lily na lumabas makalipas ang dalawang araw. Namimili sila ng mga damit nang mapag-usapan nila si Kael. “May gusto ka ba kay Engineer Kael?” tanong ni Lily sa dalaga. “Ha? Wala noh! Bakit mo naman naitanong?” tugon nito, namumula ang pisngi at halatang umiiwas. “Dahil hindi kita masisisi kuung sakali na magkaroon ka ng pagtingin sa kanya. Mabait si Kael, guwapo, at saka may maayos na buhay at relasyon sa pamilya nila… Higit sa lahat, gusto kong malaman kung kailangan ko bang protektahan ang damdamin mo. He’s still in love with Faye Burnham.” Natigilan ang kapatid niya sa pagkilos. “‘Y-yong abogada?” Tumango si Lily. “P-pero hindi ba’t may nobyo ‘yon? Magpapakasal na si Faye, ‘di ba? At saka, paano silang nagkaroon ng relasyon?” Hinaplos niya ang buhok ni Danica. Alam ni Lily na nagsisimula na itong makaramdam ng pagmamahal kay Kael kahit na i-deny nito ang lalaki. "Unfortunately, they have a history. Masyado lang metikuloso ang pamilya ni Lauren dah
[This chapter may be unsettling for some readers due to the uncomfortable situations encountered while uncovering the truth in the evidence.] “Ahhhhh!” Umalingawngaw ang sigaw nila ni Danica kasabay ng mga putok. Nahila siya ni Drew padapa. Nanginginig sa takot habang nanlalaki ang mata ni Lily na pumailalim sa kanyang asawa. Palibhasa ay alerto si Orion, nagawa nitong tumalikod para protektahan si Danica at saka tumalon sa pool ang mga ito, nagtago sa ilalim ng tubig. Nabasag ang mga vase, ang salamin at ang lahat ng nahagip ng mga bala. Matapos ang sandali ay narinig na lang ni Lily ang pagtigil ng mga putok kasunod ang papalayong motor. “Damn it!” mura ni Drew bago umupo. “D-Drew? Are you alright?” garalgal ang tinig na tanong ni Lily. “I’m fine!” “D-Danica!” Kinakabahan niyang tawag sa kapatid. “Orion!” Umahon mula sa kinatataguang tubig ng pool ang dalawa. “Kuya!” sigaw ni Danica matapos mapuna ang sumisirit nitong dugo sa braso. “Kuya Orion!