"Okay, I'm very sorry bro.""Okay, kasalanan ko rin naman. I'm sorry too.""Ayan, goods. Dapat magbati kayong dalawa, dahil magiging magulo ang pagkakaibigan natin kung sakaling may hindi nagkakaunawaan, mas lalo na kung mabawasan." I said."Okay, change topic na tayo." "Bro, kumusta pala ang mga bata? Ilang araw na rin namin hindi na bibisita." Prince said."Yeah, I want to see them too na." Dagdag pa ni, Alexander."The kids are okay. Maayos ang kalagayan nila sa mansion. Mabuti nga, at nakakalaro na rin sila ng mga lolo at lola nila. It's beautiful to spend their time with their grandparents." Ruan said while smiling. Well, it's true mabuti na 'yon kaysa sa mapahamak sa akin ang mga anak ko. "Ahm, bro, may nakuha pala kaming lead, about sa pinapahanap mo sa amin." Alexander said, then may kinuhang papers sabay lapag nito sa mesa."What is this?""Tingnan mo bro."Tiningnan ko nga ito. Isang litrato ng babae, nakatalikod, sa isang litrato naman ay naka-sideview subalit naka-suot
Matapos ang usapan kanina sa opisina ay napagdisisyunan namin na bisitahin ang puntod ng asawa ko. Nasa tapat kami ngayon ng kanyang puntod. Tahimik na pinagmamasdan, habang dumadampi ang lamig ng hangin sa kaibuturan ng aming damdamin. "Bro, mauna na kami sa sasakyan, bibigyan muna namin kayo ng oras." Pagputol ng katahimikan ni Prince. Hindi na ako nagsalita pa, tanging nakatuon pa rin ang amin tingin sa puntod. Then, nauna na silang umalis. Sa gitna ng katahimikan namin ni Dave. Hindi ko maiwasan ang mapa-isip sa asawa ko. Sana, ay masaya siya, kung na saan siya ngayon. Siguro nga, naka-masid siya palagi sa amin ng mga anak niya. Sa totoo lang din, hindi ko alam kung paano ko haharapin si, Dave. Dahil na rin, sa ramdam na ramdam ko ang kanyang kalungkutan. Kung tutuusin nga, siguro ay mas maraming masasayang araw ang napagsamahan nila ni, Zinnia. Dahil, mula nang bumalik sa akin si, Zinnia, puro pagdurusa at sakit ang kanyang nadama, kahit na naging masaya pa siya nang una. Halos
"Alam mo pala ang lahat." "Hindi lahat, kasi may hindi pa kayo sinasabi tungkol sa babaeng tinutukoy niyo. I'm curious, can you tell me." "Okay, let me explain to you, Dave." I said. "That woman that we are talking about. Ay ang tanging nagligtas sa buhay ng anak ko. She, sacrificed her self, para mailigtas si, Dion sa kamatayan. I'm very thankful to her, dahil sa kanya nagkaroon nang panibagong buhay ang anak ko. And now, I want na makita siya, dahil simula noon na matapos ang operasyon, hindi ko man lang nakilala. I just want to say thank you to her in person. But, I don't know how dahil hindi ko matukoy ko mung saan siya nakatira." "Ahm, I see. Kailangan ko rin pala siyang pasalamat. Thank you bro for sharing that. Now, I know na rin, kaya hindi na ako magtataka pa. " "And by the way, gusto ko sanang makita ang mga bata. Dahil dito rin kami magtatagal sa Philippines ngayon ni, Myrna, magkakaroon ako ng pagkakataon para makasama ko ang mga bata. Mabuti nga at naging maayos ang
MARK STEVE YOUTAN POV. Pinatawag ko ang iba't ibang CEO para pag usapan ang tungkol sa isang malaki at mahalagang proyekto na gaganapin sa susunod na tatlong buwan. Hindi ko inaasahan ang makikita ko ngayon. Hindi ko nga tinanggap pero tinanggap naman ng Mierre company si Mr. Escorido. Mukhang na-ikot ata ni Escorido ang ulo ni Ms. Mierre. Ganun pa man malamig at walang kibo lamang akong umupo sa kanilang harapan. Sininyasan ko ang aking secretary sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay upang umpisahan na ang lahat. Habang nag-present at nagpapaliwanag ang secretary ko, seryoso lamang akong nakikinig sa kanya. Ngunit hindi maiwasan na kunin ni Mr. Escorido ang attention ko kahit wala naman siyang ginagawa. Siguro nga, sadyang ayaw ko lang sa kanya. Ano ba naman ang naisip o nakita ni Ms. Mierre sa lalaking 'to, bakit parang dali niyang nakapasok? Wala bang alam si Ms. Mierre sa background ni Mr. Escorido? Sa kaka-alam ko malupit din si Ms. Mierre, at ayaw niyang kung sino sino lang ang lu
Sa aming pag-uusap, may biglang pumasok. Ang Daddy ni Miana, at galit pang nakatingin sa akin mukhang ako pa yata ang sinisisi sa pangyayari. Tsk! "Anak, don't worry, ililipat na kita sa mansion kasama ang bata." Seryosong tugon nito. Magsasalita na sana ako pero "Dahil, hindi naman kayo kayang protektahan ng lalaking ito! Sinayang niya lang ang tiwala ko, mukhang gusto niya atang ibalik kung paano maglaban ang pamilya niya sa pamilya natin!" Madiin na boses nito. Hindi naman ako nakaramdam ng takot, ngunit nababahala ako, dahil marami na akong ginagawa ngayon tapos idadagdag pa itong problema. Isa pa, ayaw kong ilayo sa akin ang anak ko. Kung si Miana lang, pwedeng pwede, pero kung ang anak ko, hindi talaga."Dad, hindi pwede, sa akin ang bata." Malakas loob kong aniya. Wala naman akong kasalan sa pangyayaring ito, hindi ko naman alam na ganito lang ang mangyayari sa kamay ni, Miana. Baka nga, kapag tuluyan ng mapunta sa kanila ang bata, mas malala pa ang mangyari. "No. Ngayon pa
Ilang oras na rin ang nakakalipas. Naisipan ko nang magpaalam upang balikan ang anak ko sa hospital. Nagtitiwala akong hindi nila ilalayo sa akin ang bata, hindi rin naman ako papayag. Mabuti na lang ay pinayagan ako agad ni Mom and Dad na umalis. So, wala rin akong oras na pinalampas. Kailangan kong makarating ngayon doon, para siguraduhin kung makukuha ko ang bata. Nang nakarating ako, dali-dali akong nagtungo sa kwarto. Laking gulat kong madatnan na ibang tao na ang naririto. What the fuck! Saan naman nila dinala ang anak ko. Dahil sa takot na mawalan ulit ng mahal sa buhay, katulad sa anak ko, kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Miana. Ngunit, hindi ito sumagot. Ilang beses ko pang inulit, pero wala pa rin sagot. Hanggang sa naisipan kong tawagan sina Simon sa mansion. Thanks naman at sumagot agad."Umuwi na diyan sa bahay si, Miana?" Deretsahang tanong ko. "Ahm, yes sir, kakarating pa nga lang po." "Dala niya ba ang bata?" Dagdag ko pa."Yes po sir, dala niya po.""T
Medyo nawalan ako nang gana, ngayon ko lang din naisip na may kailangan pa pala akong tapusin sa opisina ko. Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila. Kalaunan, nagtungo ako sa kwarto ko para magbihis, nadatnan ko pa doon si Miana, parang prinsesa kung umupo sa kama ko. Hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin at dumeretso agad ako sa bathroom. Nang matapos ako, agad din akong lumabas sa kwarto at bumaba. Ibinilin ko rin sa mga katulong ko at kay Simon, si Miana at ang bata. Hindi naman ako nag-aalala, pero nababahala akong baka ituloy niyang ilayo sa akin ang bata ngayon. Matapos ay tuluyan na rin akong lumabas at dumeretso sa sasakyan ko. Maayos akong nagmaneho, pero bago ako tuluyan na magtungo sa company, dumaan muna ako sa puntod ng asawa ko. Sa labas pa lang, tila'y may napansin akong tao sa loob. Kaya, agad naman akong bumaba sa sasakyan. Dali-dali akong nagtungo doon, upang klaruhin kung sino ang taong iyon. Based sa suot niya, isa siyang babae. Pero, sinong babae naman ang bib
MARK STEVE YOUTAN POV.Narito na ako ngayon sa opisina ko. Hindi ako masyadong maka-focos sa mga sinasabi ng mga kaibigan ko. Tanging laman ng utak ko ang Joyce, na iyon. Tila'y ayaw ko na siyang makita sa buong buhay ko. Iniisip ko na hindi rin maaaring magkita sila ng mga anak ko. Dahil, hindi malayong pagkakamalan nilang Mommy niya ang Joyce na iyon. Ang pagiging atat na atat na makilala ko ang taong tumulong sa anak ko, na wala na ang pakiramdam na iyon ngayon. "Bro, are you listening? Kanina pa kami nagsasalita dito, pero ang tahimik mo lang diyan. Is there a problem? Tell with us, bro." Biglaang narinig kong sinambit ni, Ruan. Kung sasabihin ko sa kanya ang nadiskubre ko ngayon, mas lalong hindi siya maniniwala sa sasabihin ko. Siguro, hindi na lang muna. Dahil, ayaw kong madagdagan pa ang mga problema namin ngayon."No." Tipid kong sagot naman malamig na boses. "Bro, are you sure about that?" Dagdag pa ni, Alexander. Tanging tango lang din ang isinagot ko. Sadyang mas mabuti
"Hindi ko alam. Hindi ko na alma kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kung paniwalaan. Siguro nga nagkamali ako. Pero, hindi ko kasalanan ang lahat ng 'to. Gusto ko lang maging masaya. Gusto kong makasama nang matagal ang anak ko at ang pamilya ko. Pero sa mga nalaman ko, sa mga narinig ko. Parang pakiramdam ko ngayon wala akong pamilya. Dahil puso panloloko ang nangyari ehh. Bakit ganun bakit parang ang daya ng lahat. Steve, kilala kita dahil sikat ka, pero hindi ko inaasahan na sasabihin niyo na asawa kita. Hindi ko alam na lubos at sobra sobra pa pala ang lahat." Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Dapat hindi ako umiiyak sa harap ng anak ko. Kailangan kong maging malakas, ngunit paano ko gagawin. Kung sa puntong 'to tila'y may mga punyal ang tumarak sa puso ko. Halos madurog at maguho na ang mundo ko."I'm sorry, it's all my fault. Still Zinnia, kailanman hindi kita sinisi at hindi kita sisisihin. Nawala ako sa tabi mo. Malaki ang naging pagkukulang at kas
JOYCE or ZINNIA POV.Hindi ko lubos maintindihan kung ano ang nangyayari. By the way, nandito ako ngayon sa tapat ng anak ko. Balot na balot ang buong katawan ko, dahil hindi maaaring hindi. Sobrang nasasaktan ang damdamin ko habang pinagmamasdan na walang lakas ang anak ko. Kahit ako ay unti-unting nang hihina. Lalo na hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon. I'm just hoping na maging maayos lang ang pamilya ko, na maging masaya lang kami. Pero, nang dumating sina Youtan, tila'y nagbago ang lahat. Bakit kasi, pinipilit nila ang sarili nila sa akin, kahit hindi ko naman sila lubos na nakikilala. Gusto kong sumigaw, pero hindi ko magawa. Ang aking mga luha, ay hindi man lang tumitigil sa pagbuhos. Pakiramdam ko, walang wala na ako. Kung alam ko lang na ganito lang din ang mangyayari sa ana ko, hiniling ko na lang sana . Na sana ay ako na lang ang tinutukoy nilang namatay na at kailan man hindi na babalik pa. "Anak, hindi ko maintindihan kung bakit ginawa sa atin ng dad mo ito. Si daddy
"Ano bakit ang tahimik niyo haa! Sabihin niyo sa akin ngayon, pinagloloko niyo lang ako! Wala ba kayong ibang magawa! Josh! Ipaliwanag mo sa akin ngayon ang lahat lahat! Ito ba ang dahilan huh? Bakit sinabi mong maayos lang ang lahat, sa tuwing tinatanong ko sayo na parang wala akong maalala. Bakit ka nagsinungaling sa akin, pwede mo naman sabihin ang totoo diba? Gagawin ko rin naman ang lahat para umintindi. Pero, bakit??? Bakit ganito ang malalaman ko ngayon, ang sakit sa dibdib." "Please, Joyce, calm down...." "How??? Paano ako kakalma! Ang sakit niyo! Mga sinungaling!" Tumalikod siya sa amin at akmang aalis na. "Joyce... Wait.." I shout. Napahinto naman siya, ngunit hindi lumingon sa amin. Maya-maya pa, may isang Yaya ang natatarantang biglang dumating na tila'y naguguluhan at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. "Ma'am, ang bata po, dumudugo ang ilong...." Natatakot na boses niya. "Ano????" Tila'y nadagdagan ng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Paanong dumugo ang
"Josh, what are you talking about?""Simple lang naman, Prince. Ito talaga ang hinihintay kung mangyari. At hindi nga ako nagkamali, natupad din ngayon." Tumayo siya at ngumiti sa amin."Alam niyo, natutuwa ako sa inyo. Ginagawa niyo ang lahat para kunin ang mahahalagang bagay sa buhay niyo. Ginagawa niyo ang lahat para ipaglaban ang mga mahal niyo sa buhay. Isa sa mga pagsisising nangyari sa buong buhay ko ang lumayo sa inyo. Nang una, akala ko mahaharap ko ang lahat lahat. Inakala kong magiging maayos lang, pero hindi pala. Ilang taon akong naging mag-isa sa ibang bansa. Hindi ako nakabalik agad dito sa inyo dahil gusto kong pagsisihan ang lahat. Pakiramdam ko noon, parang isa akong duwag na nagtatago at tinatakasan ang lahat. Simula nang na wala sa akin ang mga mahal ko sa buhay, inisip ko noon na lahat ng nagmamahal sa akin at minamahal ko ay iiwan lang din ako sa huli. Kaya, lumayo ako upang palawakin ang utak ko. Pero, sa kasamaang palad, parang naging isa lang akong malaking du
"Oh, ayan na sa wakas umandar din." Biglaang saad ni Prince, dahilan na nawala ang imahinasyon ko.Inumpisahan ko naman ulit ang pagmamaneho. Mabuti na lang, bumilis ang andar ngayon. Pero, sa dami dami na pinagdaanan namin ngayon. Hindi malayong gabi na kami makakarating kung saanna paroroon si, Josh kasama ang asawa ko at ang anak ko. "Oo nga pala noh, nakalimutan na natin kumain, kaya naman pala ang hapdi ng tiyan ko.""May gana ka pa bang kumain, Alexander? Nakaka-pagod, kaya na kaka-tamad kumain ngayon. Siguro, sa sunod ka na lang kumain, pagkatapos ng lahat.""Alam ko.""Alam mo Alexander, ang sarap bumalik sa nakaraan. Ang walang problema, walang kahit na anong ganitong sakit sa ulo na dapat isipin. Kung maaari nga lang, pipiliin ko talaga ang bumalik sa dating maayos, tahimik at masaya kasama ang kapatid ko. Kung hindi lang sana nangyari ang trahedyang 'yon, kasama ko pa sana ang kapatid ko ngayon." Masyadong kumirot ang puso ko. Ngunit, hindi na ako umimik pa at patuloy na l
"Baby, don't cry, nandito lang naman si Mommy, hinding hindi ka pababayaan ng Mommy. Sorry baby, busy ang Dad, kaya wala siya rito now. I love baby." Hinalikan ko ang anak ko sa kanyang noo at pisngi. Pakiramdam ko talaga na gawa ko na rin ito sa iba noon pa."Baby, matulog na ahh, kailangan nang magpahinga nang maaga ang baby, para madaling tumangkad at palaging healthy." Saad ko pa sabay halik sa noo niya ulit.Mabuti na nga lang at madaling tumahan ang anak ko ngayon. Inilapag ko siya ng dahan-dahan sa kama. Ang bait bait niya talagang tingnan.Habang lumilipas ang segundo, minuto, at oras. Tila'y may kung anong takot ang bumabagabag sa damdamin ko. Habang tumatagal parang mas lalong bumibigat. Pakiramdam ko, may darating na kung ano o kung sino. Subalit, hindi ko ito matukoy. Nakakaramdam ako nang takot, kaba at kung ano ano pang nagiging dahilan ng pagkabahala ko. Mahirap intindihin kaya mahirap din itong sabihin. Maya-maya pa, biglang tumunog ang pintuan, dahilan na bigla rin ak
RUAN POV. Kahit anong mangyari ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay ang mabawi ang kapatid ko at ang pamangkin ko. Minsan na kaming naghiwalay, paulit-ulit pa na nangyari, and now kailangan ko siyang ibalik. Wala mansiya sa kanyang pag-iisip, ede ipapaalala ko sa kanya kung sino siya. Sa mga sinabi kanina ni, Josh. Tila'y totoo ang lahat, hindi na bigyan ng oras ang kapatid ko, hindi ko siya naipagtanggol. Sa mga oras na kailangan niya ako, hindi ko siya na samahan, pero hindi naman ibig sabihin nito ay hindi ko na siya mahal bilang kapatid ko. Kanina pa kami pabalik balik, parang naglalaro lang kami sa araw na ito, ang dami daming humahadlang sa mga kailangan namin gawin. Ang sakit sakit sa ulo, gulong gulo ang isipan ko. Halos hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin ko. Si Tita Lorna, nagbago ang itsura niya. Ano kaya ang nangyari sa kanya, dati naman hindi siya ganun. Sino ba ang may gawa no'n sa kanya, nang una ko siyang makita ulit kanina, nagduda akong si, Josh ang may
Nang makarating kami roon, tila'y nagbago agad ang lahat. Parang may mali na rito, na wala pati ang mga bantay. Mas lalo lang binahidan ng pagtataka ang utak ko ngayon. "What's happening? Anong meron? Bakit ang tahimik rito?" Prince asked na may pagtatakang boses."Mag-iingat na lang tayo, baka mamaya may patibong lang dito." Tugon namn ni, Alexander."Wait, andiyan ang ale kanina, look ayon siya ohh... Ano kaya, ginagawa niya, mag-isa lang kaya siya diyan?" Sabay turo ni, Prince. Sabay sabay naman kaming napatingin roon. Sakto andoon nga si Tita Lorna. Naisipan kong bumaba sa kotse, tinawag pa nila ako ngunit hindi ko ito pinakinggan. Dali-dali rin akong lumapit kay Tita Lorna. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang nangyari sa kanya. Dahil, hindi ko rin inaasahan na makikita ko siya muli, na nagkaganyan pa ang kanyang itsura. Malayong malayo ito sa dating siya. Tinawag ko siya, ngunit tumingin lang siya sa akin, then umakbang naan siya upang lumayo sa akin. Wala akong ibang magawa
Kanina pa kami palibot libot dito matapos kami g maghiwalay kanina ng mga kaibigan ko. Nagtataka ako, kung bakit walang katao tao, kahit alam ko naman na pinadara nga ni, Alexander ang lahat. Kung hindi talaga nakatakas nang tuluyan sina, Josh. Dapat ay narito sila ngayon. Habang patuloy akong naglalakad para magahanap, nagkasalubong kaming magkakaibigan. Nagkatitigan kaming lahat sabay iling ng mga ulo namin. Hindi nga nila nakita."Wala ehh, ano ba naman.""Pero, imposible, dahil pinasara ko na kanina pa ang airport, at wala naman balita sa akin na, may nakalabas na eroplano." Smabit ni, Alexander, sabay hawak sa kanyang makabilang bewang. "Mukhang naisihan tayo.""Ikaw Ruan, anong balita ng mga tauhan mo? I asked."Wala rin silang nakita.""Ano? Pinagloloko lang ba tayo dito." Alexander said."Hindi naman kaya, nagsinungaling sa atin ang ale kanina?" Prince said."Balikan natin siya." I said with my deep tone. Ang ayaw ko sa lahat, ang pinagsisinungalingan ako at pinaglalaruan ak