HE ONLY texted me nang nakauwi na ako sa bahay. Tumawag rin siya pagkatapos ng mensahe niya. Tiningnan ko ang kabuuan ng Bonifacio Global City habang nasa kabilang linya siya."I'm sorry for not telling you about my trip. Kanina ko lang din iyon nalaman kay Marina," he told me."That's okay. I'm just really shocked," sabi ko."Hinatid ka ba ni Clyde sa condo mo?" matigas niyang tanong."Yup. Inimbitahan lang din ako ni daddy sa dinner na iyon because Clyde's there. I'm not usually involved with our business."Narinig ko ang buntong-hininga niya, "Yeah... I know... mahinahon niyang sinabi."Hmmm... So you and Marina will go to...'"Hong Kong for another convention. Actually she's already there with her crew. Susunod lamang ako,n ani AndréShe's with her crew? Ibig sabihin ay marami sila, kung ganoon? Bakit ko ba iniisip ito?Hinayaan ko iyon. If there's one thing good about André, iyon ay ang pagiging tunay niya sa kanyang mga salita. He may not be the most righteous person I know but
SA ISANG private jet kami sumakay patungong Cebu. Hindi ko alam na ganito palang airplane ang sasakyan namin. Lima lamang kaming nandoon, dalawa ay kaibigan di umano ni Avon. Ang isa naman ay isang matandang babae.Nang pumasok kami dito kanina ay ikinagulat ko ang pagmamano ni André sa matanda. Ang chinita nitong mga mata ay napapalibutan ng mga kulubot."Kamusta ka na, André? Kamusta si Armando?" tanong nito."He's okay, Manang.""Hindi ba siya sasama sa kasal?" tanong ng matanda sabay sulyap sa akin."Hindi. Abala siya sa negosyo."Umiling ang matanda. "Si Armando talaga,., Alam kong pareho kayong may iniiwasan. Mabuti at pupunta ka," anito.Hindi umimik si André. Simula noon ay hindi na rin siya umimik kahit sa akin. Inabala ko na lang ang sarili ko sa tanawin sa babae. Wala masyadong ulap kaya kitang kita ang mga isla at mga dagat."According to Google Maps, malayo pa ang Moalboal sa Cebu City. Are we going to ride a bus or car?" tanong ko habang tinitingnan ang niscreen cap na G
UMUPO ako sa sun lounger at tiningnan ang bata sa tabi ni Elisia, iyong asawa ni Lance. Maputi ang bata, halatang mana sa ina. Ang pisngi nito ay pulang-pula. Hanggang balikat ang kulot-kulot nitong buhok."Hi!" bati ni Elisia nang napansin ako."Hello! Ang cute naman ng baby mo! Anong pangalan?""Ross!" Ginalaw ni Elisiaa ang kamay ni Ross. "Say 'hi' to tita? Kaibigan ka ni Damon?" Bumaling siya sa akin."Uhmmm." Umiling ako. "I'm Gwen..."Tinanggap ni Elisia ang nakalahad kong kamay. Nanliit ang mga mata niya. Para bang narinig niya na ang pangalan ko o nakilala niya na ako kung saan. I saw here noong exhibit but I never really had a formal conversation with her."Kung ganoon ay kaibigan ka ni Avon?" tanong niya.Umiling din ako. "I'm with Lance's cousin. Si André Roble Coleman..." sabi ko, unsure if I should say that."Oh!" Tumango siya at ngumisi. "He's here?"Ngumisi ulit ako at tumingin sa batang may mapupulang labi. Manang mana ito kay Lance, ang namana nito kay Elisia ay ang p
PAPALUBOG na ang araw nang bumalik kami sa kwarto ni Andé para magbihis. He seriously can't get his hands off me the whole time we're at the beach. Nagboating kami, nag snorkeling at kung anu-ano pang activities.André's bombarded with calls from his office kaya hinayaan ko na lang siyang magtrabaho habang nasa kwarto. Naligo ako at nagpalit. Ganoon din siya.Just in time for dinner, lumabas kami sa aming kwato. Ang lahat ng mga panauhin ay nasa restaurant ng resort. Sa iba'tibang table ay alam mong magkakilala ang halos lahat ng tao roon.Kahit ako man ay may iilang kakilala sa mga panauhin. Ngumingiti lang ako tuwing may nakikita.Hinila ako ni André sa table kung nasaan si Lance at Elisia. Kitang kita ko ang ngitian ni Lance at Elisia nang mahagilap kami sa kakapalan ng mga tao."Vince!" narinig kong tawag ng isang bisita sa likod namin.Mas Ialong umingay ang mga tao dahil sa pagdating ng ikakasal. Magka holding hands si Avon at Vince sa pagbati sa mga taong naroon. Hindi sila mak
"MAHIRAP na maging anak sa labas, mas mahirap pa na hindi ka gusto ng kumupkop sa'yo. That's why I admire the girls who can handle the situation well. lyong mga anak sa labas na understanding, mabait, at mapagbigay..." Ngumiti si Vince sa akin.Huminga ako ng malalim. I am loved by my grandmama. I am so loved by her that I did not resent my parents. Pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko naisip na bakit hindi na lang ako pinalaglag ni mommy noon? I know I would never do that! If I ever get pregnant by accident and with the most unlikeable person, I will still love the child so much. Pero bakit sila, hindi nagawa? Ngunit sa huli, lagi kong iniisip na hindi nagawa ng mga magulang ko pero nagawa ng Iola ko. That's enough for me. I will not ask for anything. I am fine with it."Right, Gwen?" ani Lance.Tumango ako at ngumiti sa kanya. Nanatili ang mga mata ko kay Vince hanggang sa tumikhim si André at tinawag ako."Gwen!'Nilingon ko kaagad siya. His eyes were dark, almost
AYAW kong bumangon. lyon ang unang naisip ko nang nagising ako. Hindi ko pa nadidilat ang aking mga mata ay ramdam ko na ang sakit sa aking katawan. I'm sore all over. André took me over and over again last night. Nalalanghap ko ang bango ng kanyang balat. Pinaghalo itong perfume at mint. Nakapalapupot ang kanyang braso sa akin at ang pisngi ko ay nasa kanyang dibdib. Can we just stay like this forever? Ang call time ay ala-una ng hapon para sa mga may part. Si André ay isa sa mga groom's men. I know he should be awake by now but I'm too tired to wake him up. Unti-unti akong dumilat at nag-angat ng tingin sa kanya. Sa kaonting galaw ko ay naramdaman ko rin ang pag galaw niya. Hinalikan niya ang noo ko at mas Ialong hinigpitan ang yakap sa akin. "André..." tawag ko. "Hmmm.. " He's awake! Kinalas ko ang mabigat niyang braso na nakapalupot sa akin. Nahirapan pa ako sa pag-angat nito at sa paglagay nito sa kanyang tagiliran. Bumangon ako. Kinusot ko ang nanlalabong mga mata. Sinuklay
THE WEDDING was pretty amazing. Napakagandang tanawin ang binigay ng papalubog na araw at kalmadong dagat. It was magical! I'm so happy for Vince and Avon. Nakakapag-init ng puso na makitang may mga pangarap pala talagang nagkakatotoo. Something in that day made me want to paint again. Gusto kong ipinta ang alon ng dagat, ang kahel na mga langit, at ang sayang naramdaman ko para sa kay Brandon at Avon.Sa shore ang kainan. Bumaba kami sa cliff, para maupo sa mga nakahandang bilugang mesa para sa mga guests. May maliit na programme na naganap. Nagkaroon ng tsansang magsalita si Madame Diana Montero sa harap para sabihin kung gaano siya kasaya sa nangyayari sa dalawa.Avon's Mom and Dad also made their speeches. Napaiyak pa nga si Mr. Guillermo , isang sikat na abogado. Hindi siya makapaniwalang kinasal na nga ang kanyang anak.After the speeches was the usual rituals of a wedding. Nagsimula na ring ilagay sa aming mga mesa ang mga pagkain. Nasa tabi ko si André. Sa harap namin ay si El
NANUYO ang Ialamunan ko."Gwen? Are you there? Are you busy?" tanong ni mommy.Humugot ako ng malalim na hininga."You're busy? I can call later if you want."Tumikhim ako at pumikit ng mariin. Inisip kong kung ano iyong painting ko, akin parin naman iyon. Whoever will steal the concept or the name of it, hindi parin niya nakokopya ang pakiramdam ko noong ginawa ko iyon. That's the thing about artists, you can't really completely call yourself original. "Can I see the painting?"Narinig ko ang pagkakagulat ni mommy sa tanong ko. "Uh... It's not yet done but, of course, darling! We'll let you see it!"Binaba kaagad ni mommy ang tawag. Pinasadahan ko ang aking buhok ng aking mga daliri.Ang kagustuhan kong magpinta ulit ay mas Ialong lumakas. I want to paint again. I want to give my feelings a chance again... to be heard by the canvas, or the paints, or the colors."Are you done?" Isang malamig na tinig ang narinig ko sa likod.Napatalon ako sa gulat. Nilingon ko kaagad ang pamilyar na
I GIVE him this time. I give Katelyn this time to talk to Andrè dahil pagkatapos nito, maaaring ipagdamot ko na siya ng husto. I don't want this to happen but I also want to fight for us. "I said, no.. ulit ni Andrè sa akin, pinipigilan ako sa paglabas. Nanghina ako kaya tumigil ako sa pagpiglas. "Care to explain to me why she's crying?" mariing tanong ni André. "Andrè, like what my mom told you, she's just emotional." Hindi nagsalita si Andrè. Unti unting nanghina ang kanyang pagkakahawak sa akin. Makakawala na ako, "Please excuse us. I need to talk to Gwen..." Napatingin ako kay Andrè. Hinila niya ako palabas doon. Nakita kong nag uusap parin si Kier at ang ilang mga agents. Wala na si daddy doon. Hindi ko alam kung nasaan. "Let's go..." ani Andrè. Ang akala ko ay doon lamang kami mag uusap sa labas pero nagulat ako nang hinigit niya ako palayo roon. "We can talk here..." sabi ko nang hindi siya tumigil sa paglalakad. Bumaba kami sa palapag na iyon at hindi parin siya nag
LUMAYO ako doon para sagutin ang tawag ni mommy. Kahit nakalayo ay nakatingin parin ako sa kanila. Maja looked stunned. Nakakunot naman ang noo ni Clyde habang pinagmamasdan si Andrè at Sky."Mom," salubong ko sa kabilang linya."Gwen, we transfered in St. Lukes. Masyadong malayo ang Laguna sa business ng Tito mo kaya nagpalipat na kami. How's the case? Do you have any updates?" tanong ni mommy, bilang panimula."l... Uhm, I just know that Marina was caught. At ang ilan pang nakatakas na mga tauhan."What about the other people involved? Syndicates? Other allies in politics of Sen. Fuentes?" tanong ni mommy.Napatingin ako kay Andrè. Wala akong alam sa lahat ng gustong malaman ni mommy. I'm sure Andrè can help them though. Ayaw ko nga lang na istorbohin ito sa kay Sky."I'll ask Andrè later, mom. Ipapatawag ko siya sa inyo para sa updates.""Mabuti naman kung ganoon. Tell him I want to talk to him. Katelyn's looking for him. We need security and updates, okay?""Okay PO... Ayos na po
BUONG araw kong pinagmasdan si André at Sky na naglalaro. Panay ang tingin ni Sky sa akin, nagbabakasakaling sumali ako sa kanilang dalawa pero hindi ko ginawa. Malamig ang trato ni André sa akin at pakiramdam ko ay may malaking utang ako sa kanya. Hinayaan ko siyang makipaglaro sa anak namin."Mommy! Look!" sigaw ni Sky habang tinuturo sa akin ang mga nakahilerang mga sasakyan niya sa mat,Ngumiti lamang ako at pinagpatuloy ang panunuod sa kanila.Nang gumabi na ay pareho silang pagod. Humikab si André ngunit sinikap niya paring makipaglaro kay Sky. Humikab din si Sky at ngumingiwi na. 'Mommy!" sigaw niya sabay bitiw sa mga Iaruan.Alas otso pa lang ng gabi. Madalas ay masigla pa siya ng ganitong mga oras pero iba yata ang araw na ito.Nilingon ako ni André, hindi alam ang gagawin. Nilapitan ko si Sky at kinarga. Nakanguso siya habang tinitingnan ako.Kinukusot niya ang kanyang mga matang may kaonting Iuha."Are you sleepy?" tanong ko.Hindi siya sumagot. Niyakap niya Iamang ako. Hi
NAGMAMADALI akong umuwi. Hindi ko na pinatapos ni Mary sa mga sinasabi niya. Ang tanging naisip ko na lang ngayon ay ang umuwi.Maraming spekulasyon sa aking utak at lahat ng iyon ay puro nakakatakot. Pero sa huli tinanggap ko rin ang gusto kong iwasan. It is probably André. Hindi ito maaaring ibang tao.Sa isang tao lamang nagmana si Sky.Tinakbo ko ang distansya ng pinagbilhan ko ng pagkain patungong condo. Hindi ko alam kung bakit kumakalabog ang puso ko. Dahil ba iyon sa nangyayari o dahil sa pagtakbo ko."Good morning, ma'am!" anang guard na sumalubong sa akin malapit sa lift.Mabilis ang pindot ko sa mga buton doon, Habang tumataas naman ang lift ay para akong naiiihi sa kakahintay. Nang sa wakas ay tumunog ito sa tamang palapag ay mabilis ulit akong lumabas.Malamig ang pawis ko at pakiramdam ko ay nauubusan ako ng dugo. Butterflies are floating freely on my stomach. Ang sabi nila ay magandang pakiramdam daw iyon pero bakit hindi ako natutuwa?Mabilis kong pinihit ang doorhandl
TUMAWAG muli si Andre nang gumabi. I made sure I'm alone when he called."Hindi parin kami panatag," aniya, tinutukoy ang mga kasamahan ni Marina na maaaring nakatakas parin."Thank you so much for the help. Alam kong hindi kayo sangkot sa gulong ito pero-""The Fuentes' are our business partners and Marina is an old friend. Isa pa, pinagtangkaan niya rin ang buhay ng iyong ama and the result was you got shot, Gwen. How am I not involved here?"Bumuntong hininga ako. "I'm sorry... Thank you, really. How's my mom? And Katelyn? Pati si Tito?"Hindi siya agad nakapagsalita. Tila ba dinadama niya ang tono ng aking boses. It's frustrating."You're mom is calm. Katelyn's recovering. Ganoon din angTito Christopher mo. Mag sasampa ng kaso ang Tito Christopher mo kay Marina.""Kamusta ang sugat ni Katelyn?" tanong ko."Her spleen's affected," ani André."Oh God!" Napahawak ako sa aking labi. 'And? Kailangan ba siyang operahan muli?""No... It doesn't require surgical repair pero kailangang im
SUMAMA ako kay Kier at Daddy pagkauwi. Hindi ako kumibo sa tabi ni daddy at ng isa pang bodyguard habang papauwi kami."l want to transfer some patients..." pinipilit ni daddy ang gusto niyang mapadali ang transfer nina mommy sa Manila.Not that he doesn't trust André's agency, gusto niya lang ding mas malapit sila sa amin. Humalukipkip ako at tumingin sa daanan. May convoy din kaming mga bodyguards, pinaghalong kina Kier at kay André.Nasa front seat si Kier at kanina pa ako sinusulyapan sa likod. I know he's going to start once dad's done with his calls.Tumawag naman ngayon si daddy kay Tita Irene. Alam kong hindi maganda ang relasyon ni Tita at ni Mommy pero unti unti na rin silang nagiging civil sa isa't-isa."Tiningnan lang namin kung maayos sila. Pauwi na kami ng Manila-" natigilan si daddy. "Christopher got shot and their daughter Katelyn too!" paliwanag ni daddy.Ilang sandali pang tumagal ang mukhang pagtatalo ni Tita Irene at daddy sa cellphone bago niya ito binaba. Ngayon
ILANG TAWAG na ang ginawa ko kay Clyde at kay Maja.Natatakot ako para sa kanila. Alam kong malayo sila dito sa Laguna at malabong masali pero malubha parin ang takot ko."Where are you ba kasi?" tanong ni Maja sa isang iritado nang tinig."I'm in Laguna. I'm in the Headquarters of Trion," I confessed."What? Why... Why the hell are you there? What's wrong? What happened?""Asan siya, Maja?" tanong ni Clyde sa background.Natigil si Clyde sa pagtatanong nang mukhang may sinagot itong cellphone, The news probably reached my father."She's in Laguna... Why are you there?" tanong ni Maja sa akin."Something happened. Kina mommy, Katelyn, at TitoChristopher. May barilang naganap kanina sa isang Iiblib na intersection.""What? Sinong magtatangka? Wait! Why are you in the HQ of Trion? Gwen!" sigaw ni Maja."According to André, iyong mga tauhan daw ni Sen. Pancho Fuentes. Inutusan yata ng anak niyang si Marina Fuentes, Maja.""Marina? Why would Marina do that?" tumataas na ang boses ni Maja
HABANG naliligo ako at nagpapalit ng damit ay naririnig ko si André sa kwarto. Tinawagan niya si Katelyn at nakikipag cooperate din siya sa mga agents na nasa Monitoring Room. "Kate, I'm not in my condo..." Narinig kong sinabi ni André sa kabilang linya.Nagsusuklay ako ng buhok. I can hear the frustration in his voice. I wonder if Katelyn visits his condo?"Is your dad home?" tanong niya.Binuksan ko ang pintuan para makalabas na. Suot ko iyong puting longsleeve button down shirt niya at ang gray short pants na hanggang itaas ng tuhod ko. Napatingin siya sa akin at napahilot sa kanyang sentido. Bumaling siya sa computer."Where is he then?" tanong niya habang ginagalaw ang mouse ng computer.I took out my phone to text Clyde and Maja. I will check if they're fine too. Sa totoo lang, kahit walang kinalaman ang pamilya nina daddy dito ay natatakot parin ako para kay Sky. I don't want to freak out. It won't help.Ako:Maja, how's Sky? Lock the doors. Is your bodyguards with you?Ako pa
MAHABA ang byahe patungong Laguna. May isang sasakyang nakasunod sa amin. Naroon ang mga bodyguards ni André. 'May problema ba?" pang ilang tanong ko na ito sa kanya ngunit pareho parin ang kanyang sagot. "Wala..." Nakatitig siya sa daanan at seryoso habang nagpapatakbo ng sasakyan. Parang may tinatago siya sa akin pero hindi na ako nangulit. Malamang marami siyang iniisip sa ngayon. Nagkaproblema yata ang kanilang kompanya. Nakatulog ako sa byahe. Nagising lamang ako nang may nadaanan kaming lubak-lubak na kalsada. Kinusot ko ang mga mata ko at napansin ko ang kumot sa aking katawan. Nilingon ko si André na sumulyap din sa akin "You're awake? We're almost there." Kinusot ko ang mga mata ko para makita ng maliwanag ang paligid. Madilim at halos puro kagubatan ang nakikita ko. Mga matatayog na punong kahoy at matalahib na mga patag. "Nasa Laguna na tayo?" tanong ko. "Yup," sagot niya. Biglang bumagal ang kanyang patakbo. Tingin ko ay malapit na kami sa headquarters na sinasabi