Dasha's Point Of View."Huh? Buntis?" narinig kong bulong ni Emma na nasa gilid ko lang, sumilip siya sa amin."H-Hindi ko alam... Wala akong maalala," sagot naman ni Pauline kaya bumaba ang tingin ko sa kamay niya at napansin doon ang isang singsing.May asawa nga siya... Pero hindi niya iyon maalala.Nanahimik na lamang ako para hindi na siya mag-isip pa ng kung anu-ano, malaki ang possibilidad na buntis nga siya. Pero malakas ang pakiramdam kong hindi dapat iyon malaman ng lahat dahil baka may gawin sa kaniya si Dr. Reyes, baka pag eksperimentuhan din siya katulad ng ginagawa nila kay Caroline ngayon. At kung buntis nga talaga siya, sigurado akong madadamay ang dala-dala niyang bata lalo na kapag muli na namamg nagturok ng AQW3.Noong matapos kaming makinig sa walang saysay at paulit-ulit na pagsasabi ni Dr. Reyes na huwag namin siyang biguin bukas, parang gusto ko tuloy gumawa ng scene bukas at manggulo pero malabo iyon dahil sigurado namang binayaran na nila ang mag-iinspect."Po
Dasha's Point Of View.Napatingin ako sa orasan at malakas na napabuga ng hangin dahil malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin umuuwi ang aking asawa, bakit wala ba siya? Nag-overtime na naman ba siya sa kaniyang trabaho?O sadyang ayaw niya lang talagang umuwi dahil katulad ng palagi niyang sinasabi, ayaw niya 'kong makasama?Kinuha ko ang aking cellphone para tingnan kung may text ba sa akin si Elias ngunit nabigo ako ng makitang wala man lang siyang sinabi kung uuwi ba siya ngayong gabi o hindi. Palagi naman siyang ganito, bakit ba hindi pa rin ako sanay?"Hindi ka ba inaantok, Ma'am Dasha? Mukhang hindi uuwi si Sir Elias ngayong gabi."Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Manang Nina na mukhang naalimpungatan at naabutan ako rito sa sala. Hindi niya na kailangang magtanong pa kung anong ginagawa ko dahil alam ng lahat na palagi ko siyang hinihintay na umuwi.Ngumiti ako bago umilang. "Ayos lang po, hindi rin ako makatulog," kaswal na sagot ko. Hindi ito katulad ng ibang gabi n
Dasha's Point Of View.Hindi ako kumain buong araw kahit pa pinipilit ako ni Manang, wala akong gana sa lahat ng bagay. Hindi ko pa rin pinipirmahan ang divorcement paper na binigay ni Elias, naiinis ako sa sarili ko dahil pagkatapos ng lahat ng masasakit na salitang binitawan niya sa akin ay ang pagmamahal ko pa rin para sa kaniya ang nangingibabaw."Ipasok na kaya kita sa kombento, Dasha? Nasobrahan ka na sa pagiging martyr!" narinig kong saad ni Angela, ang matalik kong kabigan, sa kabilang linya. "Ang tagal tagal ko ng sinasabi sa'yong iwan mo na 'yang lalaki na 'yan, hindi ka naman nakikinig. Tignan mo tuloy ang nangyari ngayon, anong plano mo sa bata?"Malakas akong napabuntong hininga bago sumagot. "Kaya ko naman siguro maging single mother, hindi ba?" pagbibiro ko kahit na mabigat pa rin sa aking dibdib ang isipin na lalaki ang aking anak na walang ama."Alam kong kaya mo, hindi mo kailangan ng tulong ni Elias. Ikaw nga hindi niya mapakitaan ng pagmamahal, iyong anak mo pa ka
Dasha's Point Of View."Are you really sure that she's okay, Doc?" narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses."Yes, Samuel. Mabuti na lang talaga at nadala mo siya kaagad dito. . ."Nang marinig ko ang pangalan na iyon ay mabilis akong napadilat. Napaawang ang aking labi ng makita ko si Samuel, ang una kong naging asawa na nakatayo sa harapan ng hospital bed na hinihigaan ko at may kausap na Doctor."A-anong ginagawa mo rito?" nanghihinang tanong ko dahilan upang mapalingon sila sa akin, mabilis akong nilapitan ni Samuel."Are you okay? May masakit ba sa'yo, Dasha?" sunod-sunod niyang tanong, sinubukan kong tumayo at kaagad niya namang hinawakan ang likod ko upang tulungan ako. Napatingin ako sa kabuoan ng aking katawan, ang dami kong bandage sa braso at binti ko. Naramdaman ko ang matinding kaba sa puso ko ng may bigla akong maalala"A-Ang baby ko. . .Kamusta ang baby ko?" kinakabahang tanong ko ngunit mabilis iyong nawala noong ngumiti ang Doctor sa akin."Wala kang dapat ipag
Dasha's Point Of View.Namatay si Mama dahil sa sakit sa puso, ilang taon niya na ring iniinda iyon ngunit masyado kaming mahirap para bilhin lahat ng gamot na kailangan niya. Naalala ko noon, palagi niyang sinasabi sa akin na mag-asawa ako ng mayaman. Alam niya kasing hindi niya ako mapagtatapos ng pag-aaral.Kaya siguro isang golddigger ang palaging tinatawag sa akin ni Elias, dahil sa tingin niya ay pera lang ang habol ko sa kaniya. Kahit ilang beses kong sabihin na mahal ko siya, hindi niya iyon pinaniniwalaan.Alam kong kaya palaging sinasabi sa akin ni Mama na mag-asawa ako ng mayaman ay dahil isang walang kwentang lalaki ang napang-asawa niya. Iniwan ni Papa si Mama noong nalaman niyang buntis ito, hindi pa raw kasi handang magpamilya.Nakakatawang isipin na parehas kami ng landas na tinatahak ni Mama. . . "Mama, magkakaroon ka na ng apo," bulong ko sa libingin niya habang hawak-hawak ko ang tiyan kong may kalakihan na. 7 months na akong buntis at ilang buwan na lang ang hihin
Dasha's Point Of View.Sa mismong kasal namin ay nandoon si Angela at ang mga magulang ni Samuel, ang sakit isiping kailangan niyang magsinungaling na anak niya ang batang nasa sinapupunan ko.Noong una ay nagtatampo sina Tita Selena at Tito Simon noong nalaman nila iyon dahil bakit daw malapit na akong manganak saka lang namin sinabi. Pero mas nangingibabaw sa kanila ang tuwa dahil magkakaroon na sila ng apo."Kinakabahan ako," bulong ko kay Angela, nandito kami sa loob ng isang kwarto at naghahanda, isang oras bago magsimula ang kasal. Maraming tao ang invited, mula sa mga kaibigan ni Samuel hanggang sa mga business partner ng kanilang pamilya. Noong una ayoko sana pero nagpumilit sina Tita Selena at Tito Simon."Pangatlong beses mo ng kasal 'to, kinakabahan ka pa rin?" natatawang sagot ng matalik kong kaibigan pero hindi naman iyon ang bagay na kinababahala ko."Pakiramdam ko kasi niloloko namin sina Tita Selena," tugon ko. "Hindi nga ako makapaniwalang naniwala silang matagal na k
Elias's Point Of View. I never thought I would become an attorney, noong bata pa lang ako hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. Everyone pressured me to be like this, to be like that, I need to be like that person, everyone around me made me feel like I have to be better than everyone. Sinabi pa nilang huwag akong maging cause ng disappointment dahil walang Macini ang nabubuhay sa mundo na isang failure. But my Mom, she never made me feel that I have to be someone far from who I am. Kaya noong nawala siya, matindi ang naging galit ko sa mundo. She is the only person who understands me, so why did the world take her from me? Ang akala pa ng mga tao ay namatay siya dahil sa kaniyang allergy, pero hindi nila alam ang totoong nangyari na kaya siya namatay ay dahil may pumatay sa kaniya. It's a murder case. . . Ang sakit isiping isa akong tanyag at successful na attorney pero hindi ko magawang hanapin at ipakulong ang pumatay sa Mom ko. I have been successful in
Dasha's Point Of View.Nanginginig ang mga kamay ko habang naglalakad palabas ng banyo, hawak ko sa aking kanang kamay ang pregnancy test. Kakatapos ko lang ito gamitin, paglabas ko ay naabutan ko si Samuel na nakaupo sa aking kama at hinihintay ako.Nang makita niya ako ay mabilis siyang tumayo, bakas sa mukha niya ang kaba. "Is it positive? Are you pregnant, Dasha?" kaagad niyang tanong, may ngiti pa sa kaniyang labi.Yumuko ako at napailang, "N-Negative pa rin, Samuel," kinakabahang saad ko, wala akong narinig na sagot mula sa kaniya kaya nag-angat ako ng tingin. Nakita ko siyang seryosong nakatulala sa akin, wala na ring ngiti sa kaniyang labi."This is fvcking impossible! Siniguro kong mabubuntis ka na, baka hindi lang maayos ang paggamit mo?" seryosong wika niya at muli akong umilang."Dalawang beses akong gumamit ng pregnancy test at parehas na negative ang lumabas," paliwanag ko, malakas siyang bumuntong hininga, halata na ang galit sa kaniyang mukha."Damn it! Ilang buwan na
Dasha's Point Of View."Huh? Buntis?" narinig kong bulong ni Emma na nasa gilid ko lang, sumilip siya sa amin."H-Hindi ko alam... Wala akong maalala," sagot naman ni Pauline kaya bumaba ang tingin ko sa kamay niya at napansin doon ang isang singsing.May asawa nga siya... Pero hindi niya iyon maalala.Nanahimik na lamang ako para hindi na siya mag-isip pa ng kung anu-ano, malaki ang possibilidad na buntis nga siya. Pero malakas ang pakiramdam kong hindi dapat iyon malaman ng lahat dahil baka may gawin sa kaniya si Dr. Reyes, baka pag eksperimentuhan din siya katulad ng ginagawa nila kay Caroline ngayon. At kung buntis nga talaga siya, sigurado akong madadamay ang dala-dala niyang bata lalo na kapag muli na namamg nagturok ng AQW3.Noong matapos kaming makinig sa walang saysay at paulit-ulit na pagsasabi ni Dr. Reyes na huwag namin siyang biguin bukas, parang gusto ko tuloy gumawa ng scene bukas at manggulo pero malabo iyon dahil sigurado namang binayaran na nila ang mag-iinspect."Po
Dasha's Point Of View.Nakuha ko nga ang sagot na hinahanap ko, tama nga akong mga pinagbabawal na gamot ang nakatanim doon. Napangisi ako sa nalaman."B-Bakit gusto mong malaman iyon?" tanong niya ngunit umilang lang ako."Curious lang ako," sagot ko. "Bakit nga pala pumasok ka pa rin sa trabahong ito kahit na alam mong malaki ang possibilidad na mamatay ka?""Teka... Bakit parang ang dami mong alam? Hindi ba umipekto sa'yo ang AQW3?" seryosong ani niya.Umirap ako at malakas na bumuntong hininga. "Eh ano naman ngayon kung walang epekto? Bakit? Isusumbong mo ako kay Dr. Reyes? Sige gawin mo, akala mo ba natatakot ako? Kasama naman kitang mamamatay."Nanlaki naman ang mga mata niya. "Kung hindi umipekto sa'yo ang AQW3, bakit nandito ka at hindi ka kasama ni Caroline?""Eh alam ba nilang hindi umeepekto sa akin ang gamot na iyon?" sagot ko. "Sa tingin mo ba kung alam nila ay hahayaan pa nila akong lumipat ng station 2? Baka nga deretso patay na lang ang gawin sa akin kaysa ang ginawa n
Dasha's Point Of View.Possible nga kayang nandoon ang mga pinagbabawal na gamot na sinasabi ni Dr. Naomi?Hindi mawala sa isipan ko ang lugar na iyon, kailangan kong makita kung ano ang laman noon. Kapag nakalabas ako rito, ako ang magiging testigo na mayroon ngang pinagbabawal na gamot ang tinatanim sa lugar na ito. Alam kong hindi ganoon kadali ang pagpapakulong kay Selena at sa lahat ng taong kasama niya sa paggawa ng mga masama, makapagyarihan siyang tao, alam kong hindi siya papayag na makulong na lang basta-basta. At kahit pa maglabas kami ng libo-libong proweba ng kasamaan ni Selena, alam kong hindi pa rin lahat ng tao ay paniniwalaan iyon. Ganoon kalaki ang kapangyarihan na mayroon ang pamilya ng mga Valdez—at hindi ko masikmurang isipin na minsan kong naging apelyedo iyon. Sa kaso nga ni Samuel, ang daming taong kumakampi pa rin kahit na ipakita ko na lahat ng sugat sa katawan ko na gawa niya, kahit na isampal ko na sa kanila ang medical records ko. Ang dami-dami pa ring na
Dasha's Point Of View.Totoo nga ang sinabi ni Dr. Naomi na tuwing linggo ay may mga truck na dadating dito para kumuha ng mga kamatis, habang naglalagay ng buto sa lupa ay minamata ko ang loob ng truck sa hindi kalayuan. Malalaki naman ang truck, pero paano ako makakatakas gamit iyan? Wala na bang ibang paraan para makatakas ako?Malawak ang station 2 pero sa may kulungan at canteen pa lang ako nakakapunta, alam ko na ang mga pwesto ng CCTV camera sa loob. Mayroon din dito sa labas at hindi ako makapaniwalang marami ang kinabit nila.Ganoon ba sila katakot na baka may isang makatakas at magsiwalat ng mga kalokohan nila?Ilang araw ko na ring iniisip kung ano kayang mayroon doon sa may kulay itim na bubong, tinted iyong mga salamin kaya naman hindi ko makita. Isang pintuan lang din ang mayroon at tanging isang nagbabantay lang ang nakakapasok. Maloloka na ako sa kakaisip kung paano ba ako tatakas.Kung susundin ko naman ang sinabing plano ni Dr. Naomi na gamitin ko ang mga truck para
Dasha's Point Of View.Naging malapit kaming apat pagkatapos noong simpleng sabay-sabay naming pagkain. Nakakatuwa ngang isipin na kahit silang maawala, naging magkaibigan pa rin silang dalawa ni Tita Elysa na para bang iyon talaga ang nakatadha at walang makakahadlang.Ngayon na napatunayan kong buhay nga sila, mas lalong hindi na ako makapaghintay na makaalis dito at magkasama-sama kaming lahat. Lalong-lalo na si Mama at Papa... Ilang taon na ang nakaraan simula ng makasama nila ang isa't isa, sigurado akong magiging masaya sila."Talaga? Marunong kang magbake?" tanong sa akin ni Mama, isang tanghali na magkakasama na naman kaming kumain. Si Tita Elysa at Emma ay nakapila pa para kumuha ng pagkain kaya kaming dalawa pa lang ang nandito.Ngumiti ako, parang gusto ko na lang siya palaging makausap. Ni-ayoko ngang mawala ang paningin ko sa kaniya... Baka kasi hindi ko na naman siya makita o baka magising ako sa panaginip na hindi pala totoo lahat ng mga nakikita ko ngayon."Opo... Tinu
Jazz's Point Of View.Wala kaming napala... I mean mayroon naman, pero wala kaming nalaman na makakatulong sa paghahanap kay Dasha. Ang tanging nalaman lang namin ay sa iisang lugar pumunta sina Selena a Bianca pagdating nila ng Talisay City. Hindi naman kasi kami pwedeng magtrespassing sa private property na pinapuntahan nilang dalawa."Sana naman ay nasa maayos na kalagayan si Dasha ngayon," ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni Celaida, nandito siya ngayon sa condo ko. "Nakuwento ko kay Mama iyong tungkol sa pagkawala niya... Kaibigan kasi ni Mama iyong Mama ni Dasha, nag-alala rin siya.""Your Mom? I haven't met her," saad ko. "Cyla ang pangalan niya... Hindi kasi mahilig lumabas si Mama ng bahay, nag-uundergo ng therapy," paliwanag niya, nabasa ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Hindi pa rin niya kasi makalimutan iyong pagkamatay ni Papa... Kaya ngayon, binabangungot pa rin siya.""Trauma?" tanong ko at nakita ko ang kaniyang pagtango."Oo, minsan ay gigising siya ng madaling
Dasha's Point Of View.Kinabukasan ay maaga akong nagising, hindi ko na lang pinapansin pa ang antok na nararamdaman ko dala ng ilang oras ko lang na tulog. Hindi ako makapaghintay na makita ulit ang kamukha ni Mama... Kailangan kong kumpirmahing siya nga iyon kahit na malakas ang pakiramdam kong tama ang kutob ko."Tandaan niyo iyong mga tinuro ko sa inyo kahapon, ha? Kapag kayo nagkamali ako ang malilintikan kay Dr. Reyes," paalala ng nagbabantay sa amin na hindi ko pinagtutuonan dahil ang mga mata ko ay nililibot ang buong paligid para hanapin ang kamukha ni Mama ngunit bigo ako.Nandito na kami sa mahabang lupain at kitang-kita ko ang mga trabahanteng halos karamihan ay matatanda na ang nagtatrabaho. Mayroong mga napapalingon sa amin ngunit babalik din naman sa mga gawain, lahat ay pokus lang sa pagtatanim at halos ayaw magsalita dahil sa takot sa kanilang mga nagbabantay.Hindi na nakakapagtaka iyon dahil sinabi sa amin ng aming tagabantay na walang makikipag-usap sa aming mga ka
Jazz's Point Of View.Gabing-gabi na noong makarating kami sa Talisay City, ramdam na ramdam ko ang buong araw na pagod sa katawan ko ngunit hindi ko na iyon iniinda pa dahil mas mahalaga ay malaman namin kung magkikita ba sina Bianca at Selena.Tinago ko ang aking sasakyan sa gilid ng kalsada na kung saan ay madilim at maraming puno. Nakapatay ang ilaw ng sasakyan ko at siguradong walang makakapansin sa amin dito dahil medyo may kalayuan kami sa kalsada. Wala ring mga poste at ilaw kaya naman kapag may dumaan na sasakyan ay makikita kaagad namin.Dahil unang makakarating ng Talisay City si Selena ay siya ang una naming sinundan, at nakarating kami rito sa isang private na mansyon, nasa labas lang kami dahil mayroong gate at siguradong may guard na nagbabantay roon. Pahirapan pa dahil para hindi kami makita ay pinatay ko ang ilaw ng sasakyan at sa mapunong bahagi kami dumaan kaysa sa kalsada."Wala bang bagong chat sa'yo si Bianca?" tanong ko sa kaniya."Wala, ang huli niya pa ring ch
Dasha's Point Of View.Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko, nandito na ulit kami sa kulungan at gabi na. Matulog daw kami ng maaga dahil maaga kaming kailangang gumising bukas para magtrabaho. Pero hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata dahil sa nakita ko kanina. Hindi ako pwedeng magkamali, simula pagkapanganak ko hanggang sa magkaroon ako ng sariling utak. Alam ko na kung si Mama ba iyon kahit pa nakatalikod. Kaya hindi ako pwedeng magkamali, hindi pwedeng hindi siya iyon...Pero wala na si Mama... Matagal na siyang wala, paano nangyaring nandito siya?Napansin ko ang kapayatan niya, pero kahit may nagbago sa kaniyang katawan, iyong mga mata niya—siyang siya iyon. Siya ang Mama ko.Pero paano iyon nangyari?Tapos kasama niya pa si Tita Elysa... Na alam na alam kong wala na rin sa mundo. Naunang namatay si Mama bago si Tita... Nandoon pa ako sa burol, paanong nangyari 'to?Possible kayang sila nga talaga iyon? Lalapit na sana ako sa kanila noon ng tawagin ako ni Emma, ma