Share

Kabanata 105

Author: GreenRian22
last update Last Updated: 2025-03-03 16:56:44

Dasha's Point Of View.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, hindi ko na lang pinapansin pa ang antok na nararamdaman ko dala ng ilang oras ko lang na tulog. Hindi ako makapaghintay na makita ulit ang kamukha ni Mama... Kailangan kong kumpirmahing siya nga iyon kahit na malakas ang pakiramdam kong tama ang kutob ko.

"Tandaan niyo iyong mga tinuro ko sa inyo kahapon, ha? Kapag kayo nagkamali ako ang malilintikan kay Dr. Reyes," paalala ng nagbabantay sa amin na hindi ko pinagtutuonan dahil ang mga mata ko ay nililibot ang buong paligid para hanapin ang kamukha ni Mama ngunit bigo ako.

Nandito na kami sa mahabang lupain at kitang-kita ko ang mga trabahanteng halos karamihan ay matatanda na ang nagtatrabaho. Mayroong mga napapalingon sa amin ngunit babalik din naman sa mga gawain, lahat ay pokus lang sa pagtatanim at halos ayaw magsalita dahil sa takot sa kanilang mga nagbabantay.

Hindi na nakakapagtaka iyon dahil sinabi sa amin ng aming tagabantay na walang makikipag-usap sa aming mga ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 106

    Jazz's Point Of View.Wala kaming napala... I mean mayroon naman, pero wala kaming nalaman na makakatulong sa paghahanap kay Dasha. Ang tanging nalaman lang namin ay sa iisang lugar pumunta sina Selena a Bianca pagdating nila ng Talisay City. Hindi naman kasi kami pwedeng magtrespassing sa private property na pinapuntahan nilang dalawa."Sana naman ay nasa maayos na kalagayan si Dasha ngayon," ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni Celaida, nandito siya ngayon sa condo ko. "Nakuwento ko kay Mama iyong tungkol sa pagkawala niya... Kaibigan kasi ni Mama iyong Mama ni Dasha, nag-alala rin siya.""Your Mom? I haven't met her," saad ko. "Cyla ang pangalan niya... Hindi kasi mahilig lumabas si Mama ng bahay, nag-uundergo ng therapy," paliwanag niya, nabasa ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Hindi pa rin niya kasi makalimutan iyong pagkamatay ni Papa... Kaya ngayon, binabangungot pa rin siya.""Trauma?" tanong ko at nakita ko ang kaniyang pagtango."Oo, minsan ay gigising siya ng madaling

    Last Updated : 2025-03-03
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 107

    Dasha's Point Of View.Naging malapit kaming apat pagkatapos noong simpleng sabay-sabay naming pagkain. Nakakatuwa ngang isipin na kahit silang maawala, naging magkaibigan pa rin silang dalawa ni Tita Elysa na para bang iyon talaga ang nakatadha at walang makakahadlang.Ngayon na napatunayan kong buhay nga sila, mas lalong hindi na ako makapaghintay na makaalis dito at magkasama-sama kaming lahat. Lalong-lalo na si Mama at Papa... Ilang taon na ang nakaraan simula ng makasama nila ang isa't isa, sigurado akong magiging masaya sila."Talaga? Marunong kang magbake?" tanong sa akin ni Mama, isang tanghali na magkakasama na naman kaming kumain. Si Tita Elysa at Emma ay nakapila pa para kumuha ng pagkain kaya kaming dalawa pa lang ang nandito.Ngumiti ako, parang gusto ko na lang siya palaging makausap. Ni-ayoko ngang mawala ang paningin ko sa kaniya... Baka kasi hindi ko na naman siya makita o baka magising ako sa panaginip na hindi pala totoo lahat ng mga nakikita ko ngayon."Opo... Tinu

    Last Updated : 2025-03-03
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 108

    Dasha's Point Of View.Totoo nga ang sinabi ni Dr. Naomi na tuwing linggo ay may mga truck na dadating dito para kumuha ng mga kamatis, habang naglalagay ng buto sa lupa ay minamata ko ang loob ng truck sa hindi kalayuan. Malalaki naman ang truck, pero paano ako makakatakas gamit iyan? Wala na bang ibang paraan para makatakas ako?Malawak ang station 2 pero sa may kulungan at canteen pa lang ako nakakapunta, alam ko na ang mga pwesto ng CCTV camera sa loob. Mayroon din dito sa labas at hindi ako makapaniwalang marami ang kinabit nila.Ganoon ba sila katakot na baka may isang makatakas at magsiwalat ng mga kalokohan nila?Ilang araw ko na ring iniisip kung ano kayang mayroon doon sa may kulay itim na bubong, tinted iyong mga salamin kaya naman hindi ko makita. Isang pintuan lang din ang mayroon at tanging isang nagbabantay lang ang nakakapasok. Maloloka na ako sa kakaisip kung paano ba ako tatakas.Kung susundin ko naman ang sinabing plano ni Dr. Naomi na gamitin ko ang mga truck para

    Last Updated : 2025-03-04
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 109

    Dasha's Point Of View.Possible nga kayang nandoon ang mga pinagbabawal na gamot na sinasabi ni Dr. Naomi?Hindi mawala sa isipan ko ang lugar na iyon, kailangan kong makita kung ano ang laman noon. Kapag nakalabas ako rito, ako ang magiging testigo na mayroon ngang pinagbabawal na gamot ang tinatanim sa lugar na ito. Alam kong hindi ganoon kadali ang pagpapakulong kay Selena at sa lahat ng taong kasama niya sa paggawa ng mga masama, makapagyarihan siyang tao, alam kong hindi siya papayag na makulong na lang basta-basta. At kahit pa maglabas kami ng libo-libong proweba ng kasamaan ni Selena, alam kong hindi pa rin lahat ng tao ay paniniwalaan iyon. Ganoon kalaki ang kapangyarihan na mayroon ang pamilya ng mga Valdez—at hindi ko masikmurang isipin na minsan kong naging apelyedo iyon. Sa kaso nga ni Samuel, ang daming taong kumakampi pa rin kahit na ipakita ko na lahat ng sugat sa katawan ko na gawa niya, kahit na isampal ko na sa kanila ang medical records ko. Ang dami-dami pa ring na

    Last Updated : 2025-03-05
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 110

    Dasha's Point Of View.Nakuha ko nga ang sagot na hinahanap ko, tama nga akong mga pinagbabawal na gamot ang nakatanim doon. Napangisi ako sa nalaman."B-Bakit gusto mong malaman iyon?" tanong niya ngunit umilang lang ako."Curious lang ako," sagot ko. "Bakit nga pala pumasok ka pa rin sa trabahong ito kahit na alam mong malaki ang possibilidad na mamatay ka?""Teka... Bakit parang ang dami mong alam? Hindi ba umipekto sa'yo ang AQW3?" seryosong ani niya.Umirap ako at malakas na bumuntong hininga. "Eh ano naman ngayon kung walang epekto? Bakit? Isusumbong mo ako kay Dr. Reyes? Sige gawin mo, akala mo ba natatakot ako? Kasama naman kitang mamamatay."Nanlaki naman ang mga mata niya. "Kung hindi umipekto sa'yo ang AQW3, bakit nandito ka at hindi ka kasama ni Caroline?""Eh alam ba nilang hindi umeepekto sa akin ang gamot na iyon?" sagot ko. "Sa tingin mo ba kung alam nila ay hahayaan pa nila akong lumipat ng station 2? Baka nga deretso patay na lang ang gawin sa akin kaysa ang ginawa n

    Last Updated : 2025-03-05
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 111

    Dasha's Point Of View. "Huh? Buntis?" narinig kong bulong ni Emma na nasa gilid ko lang, sumilip siya sa amin. "H-Hindi ko alam... Wala akong maalala," sagot naman ni Pauline kaya bumaba ang tingin ko sa kamay niya at napansin doon ang isang singsing. May asawa nga siya... Pero hindi niya iyon maalala. Nanahimik na lamang ako para hindi na siya mag-isip pa ng kung anu-ano, malaki ang possibilidad na buntis nga siya. Pero malakas ang pakiramdam kong hindi dapat iyon malaman ng lahat dahil baka may gawin sa kaniya si Dr. Reyes, baka pag eksperimentuhan din siya katulad ng ginagawa nila kay Caroline ngayon. At kung buntis nga talaga siya, sigurado akong madadamay ang dala-dala niyang bata lalo na kapag muli na namamg nagturok ng AQW3. Noong matapos kaming makinig sa walang saysay at paulit-ulit na pagsasabi ni Dr. Reyes na huwag namin siyang biguin bukas, parang gusto ko tuloy gumawa ng scene bukas at manggulo pero malabo iyon dahil sigurado namang binayaran na nila ang mag-iins

    Last Updated : 2025-03-05
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 112

    Dasha's Point Of View.Nakita ko na mas lalong kumunot ang noo niya dahil sa narinig. "Tumakas? Tatakas ka? At bakit naman kita hahayaang gawin niyo?" seryosong ani niya.Bumuntong hininga naman ako. "Tatakas ako, pagkatapos ay sasabihin ko sa awtoridad ang mga kalokohang ginagawa ni Selena," sagot ko ngunit nanatiling hindi pa rin siya kombinsido."Sinabi ko na kanina, hindi ba? Hinding-hindi ka makakatakas sa lugar na 'to. Hindi mo matatakasan si Dr. Reyes," giit niya."May plano ako, pero hindi ko magagawa iyon ng walang tulong ng kahit kanino," sabi ko. "Kapag nakalabas na ako, makakalaya na lahat ng nandito. Diba ang sabi mo ay naawa ka sa mga taong iyon? Kaya tulungan mo akong makalabas at mapakulong si Selena at lahat ng taong kasama niya."Nanahimik siya sandali, sa tingin ko'y iniisip nang mabuti ang mga pinagsasabi ko. "Ipapakulong mo si Selena at ang mga kasabwat niya? Bakit ako papayag sa plano mong tumakas kung may posibilidad na makulong ako dahil nagtatrabaho ako sa kan

    Last Updated : 2025-03-06
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 113

    Dasha's Point Of View."Paano ka nga pala napasok sa ganitong trabaho?" tanong ko sa kaniya, isang tanghali at nandito ulit kami sa canteen habang kumakain. Sa ilang araw na lumilipas ay wala pa naman akong napapansin na dahilan para hindi siya pagkatiwalaan.Mabait naman siya, ayaw niya lang iyong ipakita sa akin pero nararamdaman ko sa kaniyang pananalita na ayaw niya ring pinapahirapan ang mga taong nandito.Nakita ko naman ang pag-iwas niya ng tingin sa akin kaya muli akong nagsalita, naiintindihan ang kaniyang naging reaksyon."Ayos lang naman kahit hindi mo sagutin," sabi ko at bumuntong hininga bago simulang kumain, siguro ay nagtataka na iyon sina Emma kung bakit sa lamesa ako ni Benjamin kumakain pero kailangan kong makuha ang tiwala niya.Nanahimik kami pagkatapos noon kaya naman hindi na ako nag-abala pang magsalita at nagpokus na lamang sa pagkain. Kahit yata sawang-sawa na ako sa prinitong isdang, wala pa rin akong magawa kundi ang kainin ito. Naiinggit tuloy ako sa tuwin

    Last Updated : 2025-03-07

Latest chapter

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 166

    Dasha's Point Of View.Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko ngunit purong kadiliman lang ang nakikita ko.Teka, nasaan ako?Pakiramdam ko ay nakaupo ako sa isang silya dahil nararamdaman ko iyon, pero wala talaga akong makita. Tangina, saan ba ako dinala ni Jazz? Ano bang nangyari?Pagkatapos kong inumin ang binigay niyang tubig ay inantok na ako, ano ba 'tong nangyayari?Nilibot ko ang tingin sa paligid at sigurado akong nasa labas lang ako dahil kitang-kita ko ang napakaraming stars sa langit, gusto ko sanang mamangha pero hindi ko maintindihan kung bakit biglang nandito na ako gayong ang huling pagkakatanda ko ay nasa sasakyan ako kasama si Jazz.Naku! Malilintikan na talaga sa akin ang lalaking iyon!Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ng biglang bumukas ang mga ilaw, nanlaki ang mga mata ko ng makita ang buong paligid. Maraming puno sa paligid ko, at mayroong mga ilaw na nakasabit sa bawat puno, nandito ako sa gitna at sa buong paligid ay maraming tulips na paborito ko. Sa

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 165

    Dasha's Point Of View.Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Dawn, mabuti na lang dahil nandoon si Angela at paniguradong alam naman na niya ang gagawin niya."Ano bang nangyayari?" tanong ko kay Jazz, nandito na kami sa loob ng sasakyan niya at nagmamaneho na siya, nasa likod ng sasakyan niya ang dalawang box ng cupcakes. "Ipaliwanag mo ngang mabuti! Tignan mo ang suot ko, sa kakamadali mo hindi na ako nakapagpalit."Suot-suot ko pa rin kasi ang red dress na binigay sa akin ni Angela."May nag-order kasing costumer sa shop mo," mahinanong pagkuwento niya. "Tinawagan ako ni Marilyn dahil nga may emergency bigla iyong delivery boy niyo so pumayag naman ako dahil wala naman akong ginagawa, so ayon nga, pumunta na ako sa address ng recipient pero nagalit sa'kin. Ang sabi niya, nag request daw siyang kasama ka sa bigay noong binili niya kaya ito.""Ha? Bakit naman kailangang kasama ako?" naguguluhang saad ko. "Kilala ko ba recipient? Ano bang pangalan niya?""Hindi ko alam, hindi ko na inabal

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 164

    Elias's Point Of View."Sinabi ko na kay Dasha na hindi ako makakapagsundo sa kaniya sa airport dahil may seminar ako," paliwanag ko kay Angela at nakita ko naman ang pagtango niya."Okay, ako na lang ang susundo sa kaniya. Mamaya pa namang gabi ang proposal, hindi ba?" Tumango ako. "Yeah, si Jazz na ang bahalang magpapunta kay Dasha sa mismong lugar dahil nga ang alam niya ay nasa seminar ako buong araw na 'to.""Ako na ang bahala!" si Jazz, bahagya pa siyang kumikindat-kindat sa akin. "Kapag nadulas ako baka masabi kong may kasama kang babae tapos sasamahan ko siyang puntahan ka."Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at hinarap si Angela. "You can leave now, malapit nang makarating si Dasha," wika ko sa kaniya at tumango naman siya bago umalis.Nandito kami sa condo ni Jazz, as usual para na namang tanga ang kakambal ko."Excited na ako para mamaya, Elias," aniya."Subukan mo lang sirain ang araw na ito, Jazz... Kakalimutan ko talagang magkapatid tayo," pagbabanta ko sa kaniya

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 163

    Dasha's Point Of View."Kailan ka pala babalik ng Maynila, Dasha?" tanong sa akin ni Kuya Peter, kumakain kami lahat ngayon sa mahabang lamesa rito sa bahay nila. At bilang pasasalamat sa amin ni Kuya Peter ay pinagluto pa niya kami ng hapunan."Kung ako sa'yo ay bukas na lang ng umaga, paniguradong mahihirapan ka kung ngayon," si Kuya Erickson."Iyon nga rin po ang plano ko," sagot ko.Nagsalita si Kael. "Ihahanda ko na lang para sa'yo iyong kwarto sa taas para makapagpahinga ka nang maayos, Ate."Tumango ako. "Sige, salamat."Nang matapos kumain ay umakyat na ako sa second floor ng bahay, sinabi kasi sa akin ni Kael na maayos na ang kwartong tutulugan ko. Pagkatapos ko ay nilagay ko na kaagad ang aking mga gamit sa kama at saktong pag-upo ko ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko, kaagad ko itong binuksan at nakita ang chat ni Elias.Elias:Hi, what are you doing? I missed you.Napakunot ang noo ko. Baka naman ginagago na naman ako ni Jazz?Dasha:Ikaw na ba 'yan, Elias?I

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 162

    Dasha's Point Of View."Mabuti na lang talaga kaunti lang ang gamit namin dahil hindi tayo mahihirapan sa paglalakad pababa ng bundok," saad ni Kuya Peter habang aglalakad na kami pababa, nagtanghalian muna kami bago kami umalis sa bahay nila. Hapon na ngayon at mabuti na lang dahil maraming puno rito at mahangin kaya hindi masyadong mainit sa pakiramdam."Mabuti na lang din dahil alam ko ang short cutt sa bundok na 'to," si Kuya Erickson. "Hindi ako makapaniwalang tinatawid niyo pa ang dalawang ilog para lang makapunta ng bayan.""Kung alam lang namin ang short cutt, Erickson. Hindi na sana namin pinahirapan pa ang sarili namin," sagot ni Kuya Peter.Nagsalita si Kael. "Bihira lang kasi tayo pumunta sa bayan, Papa. Kaya hindi natin alam.""Bakit nga ba kasi sa bundok niyo pa naisipang tumira?" tanong ni Kuya Erickson na nagpatango sa akin."Oo nga po, bakit po?" tanong ko."Eh iniisip nga ng mga taong magnanakaw kami, hindi ba?" sagot ni Kuya Peter na nagpakunot sa noo ko. "Totoo nam

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 161

    Dasha's Point Of View."Titulo po ng lupa niyo, pwede na po kayong bumalik sa bahay niyo kailan niyo man gustuhin," nakangiting saad ko.Narinig ko ang pagsingap ni Kael noong marinig ang sinabi ko, kaagad siyang lumapit sa Tatay niya upang kompirmahin ang sinabi ko at noong makita niya ang papel ay nakita ko ang pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata. Mabilis na tumayo si Kuya Peter mula sa pagkakaupo at luapit sa akin upang mahigpit akong yakap, naramdaman ko ang pag-iyak niya."S-Salamat, Dasha! M-Maraming salamat!" wika niya habang yakap-yakap ako, hinimas ko naman ang kaniyang likod habang nakangiti."Sinabi ko naman po sa'yo, diba? Ayokong nandito kayo sa taas ng bundok dahil delikado... At may karapatan naman talaga kayo sa lupain niyo dahil sa inyo iyon," paliwanag ko at bumitaw siya sa pagkakayakap, pinupunasan na ang kaniyang luha habang nakangiti sa akin."Maraming salamat talaga, Dasha. Sobra-sobra ang tulong na ginawa mo sa amin," wika pa niya ngunit umilang lang ako ha

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 160

    Elias's Point Of View."Ano kayang magiging reaction mo kapag nag no si Dasha?"Mabilis na kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jazz, nandito kami ngayon sa isang sikat na bilihan ng bulaklak at balak kong mag-order ng mga tulips dahil iyon ang paboritong bulaklak ni Dasha, nakaupo kami sa bakanteng upuan habang naghihintay dahil may naunang nag-order kaysa sa amin."Si Joel na lang sana ang sinama ko rito," inis kong sabi dahil puro mga walang kwentang bagay na naman ang sinasabi niya.Narinig ko ang malakas niyang halakhak, may pahampas-hampas pa siya sa sahig at parang mahuhulog na sa kaniyang inuupuan.Pero alam kong kahit Joel o siya ang kasama ko rito, parehas lang naman silang mga isip bata. Baka sila talaga ang totoong magkakambal?"Patawa-tawa ka riyan, kakausapin ko talaga si Tita Cyla para hindi ka niya bigyan ng permission kapag kinausap mo na siya tungkol sa magiging kasal niyo ni Celaida," pagbabanta ko at mabilis naman siyang napalingon sa akin, nanlalaki pa ang mga mata."T

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 159

    Dasha's Point Of View."Hello po, Kuya Erickson," nakangiting wika ko sa kaniya."Ikaw nga, Dasha! Anong ginagawa mo rito at bumisita ka?" aniya, nakangiti rin sa akin. "Halika, pumasok ka muna rito sa loob at gabi na, malamok diyan sa labas."Tumango ako at sinunod ang sinabi niya, walang pinagbago ang bahay niya, ganitong-ganito noong huli kong pagpunta rito. Umupo ako sa sofa bago magsalita."Hindi ba't sinabi kong babalik ako rito kapag maayos na ang lahat?" sagot ko at mas lalo namang lumawak ang kaniyang pagngiti, naupo siya sa harapan ko."Nabalitaan nga namin sa TV ang nangyari, salamat talaga sa'yo at nakakulong na ngayon ang Selenang 'yon," pagkuwento niya. "Ilang linggo ring naging chismis iyon dito, nagsilabasan din ang mga taong galit kay Reyes at sa mga ginagawa niya. Lahat ng tao ay sinasabing masaya silang nahuli na ng mga pulis ang mga taong iyon."Tumango ako. "Dapat nga po sana ay noon pa para hindi na sana dumami pa ang mga nabiktima nila.""Oo nga eh... Ilang taon

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 158

    Elias's Point Of View.Sa totoo lang, wala akong alam na lugar na mahilig puntahan palagi ni Dasha. Dahil unang-una, noon, palagi lang naman siyang nasa mansyon, at kung lalabas man siya, para lang pumunta sa mall para mag-grocery o kaya naman mamasyal kasama si Angela."Matipid na tao si Dasha," ani ko dahil iyon ang pagkakakilala ko sa kaniya. "Alam kong impossibleng wala siyang mga lugar na gusto niyang puntahan... Pero matipid siyang tao, at alam kong sa tingin niya gastos lang iyon kaya mas pinipili niya na lang na manatili sa mansyon," dagdag ko. "At isa pa, madali lang siyang pasayahain, kahit na mga maliit na bagay ay nakakapagbigay na ng kasiyahan sa kaniya.""Oh... Bakit nahihirapan ka pang makaisip kung saan ka magpopropose? Kahit naman ano yatang gawin mo ay matutuwa ang babaeng iyon.""I know... But still, like I said a while ago, I want it to be memorable," wika ko."Natanong mo na ba si Angela? Bagay may mga alam siya kung anong magandang lugar na pwedeng maging venue n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status