Jazz's Point Of View.Madaling araw pa lang ay gising na gising na ako dahil aalis kami ni Elias mamaya. Ang sabi niya sa akin ay baka mga 7 pa kami makaalis dahil maghahanda muna siya ng breakfast para kay Bianca at hihintayin munang makaalis ito bago siya pumunta rito sa condo ko para sabay kaming dalawa umalis.Hindi ako maniniwalang coincidence lang na pupunta si Selena at Bianca sa Bacolod. Ano naman kayang gagawin nila? Ang sabi ni Elias ay ang paalam sa kaniya ni Bianca ay business matter.Wala akong ginawa kundi ang maghintay ng text ni Elias na papunta na siya at noong magchat na siya ay bumaba na kaagad ako ng ihanda ang sasakyang gagamitin namin sa byahe."Nakaalis na ba si Bianca?" tanong ko habang inaayos ang sealt belt. "Yeah, she's going to Talisay City, may sinabihan na akong sumunod sa kaniya para malaman kung anong gagawin niya pagdating niya roon," paliwanag niya at pinagana ko na ang makina ng aking sasakyan bago mag-umpisang magmaneho. "Kotse lang din ang gagami
Dasha's Point Of View.Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko, nandito na ulit kami sa kulungan at gabi na. Matulog daw kami ng maaga dahil maaga kaming kailangang gumising bukas para magtrabaho. Pero hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata dahil sa nakita ko kanina. Hindi ako pwedeng magkamali, simula pagkapanganak ko hanggang sa magkaroon ako ng sariling utak. Alam ko na kung si Mama ba iyon kahit pa nakatalikod. Kaya hindi ako pwedeng magkamali, hindi pwedeng hindi siya iyon...Pero wala na si Mama... Matagal na siyang wala, paano nangyaring nandito siya?Napansin ko ang kapayatan niya, pero kahit may nagbago sa kaniyang katawan, iyong mga mata niya—siyang siya iyon. Siya ang Mama ko.Pero paano iyon nangyari?Tapos kasama niya pa si Tita Elysa... Na alam na alam kong wala na rin sa mundo. Naunang namatay si Mama bago si Tita... Nandoon pa ako sa burol, paanong nangyari 'to?Possible kayang sila nga talaga iyon? Lalapit na sana ako sa kanila noon ng tawagin ako ni Emma, ma
Jazz's Point Of View.Gabing-gabi na noong makarating kami sa Talisay City, ramdam na ramdam ko ang buong araw na pagod sa katawan ko ngunit hindi ko na iyon iniinda pa dahil mas mahalaga ay malaman namin kung magkikita ba sina Bianca at Selena.Tinago ko ang aking sasakyan sa gilid ng kalsada na kung saan ay madilim at maraming puno. Nakapatay ang ilaw ng sasakyan ko at siguradong walang makakapansin sa amin dito dahil medyo may kalayuan kami sa kalsada. Wala ring mga poste at ilaw kaya naman kapag may dumaan na sasakyan ay makikita kaagad namin.Dahil unang makakarating ng Talisay City si Selena ay siya ang una naming sinundan, at nakarating kami rito sa isang private na mansyon, nasa labas lang kami dahil mayroong gate at siguradong may guard na nagbabantay roon. Pahirapan pa dahil para hindi kami makita ay pinatay ko ang ilaw ng sasakyan at sa mapunong bahagi kami dumaan kaysa sa kalsada."Wala bang bagong chat sa'yo si Bianca?" tanong ko sa kaniya."Wala, ang huli niya pa ring ch
Dasha's Point Of View.Kinabukasan ay maaga akong nagising, hindi ko na lang pinapansin pa ang antok na nararamdaman ko dala ng ilang oras ko lang na tulog. Hindi ako makapaghintay na makita ulit ang kamukha ni Mama... Kailangan kong kumpirmahing siya nga iyon kahit na malakas ang pakiramdam kong tama ang kutob ko."Tandaan niyo iyong mga tinuro ko sa inyo kahapon, ha? Kapag kayo nagkamali ako ang malilintikan kay Dr. Reyes," paalala ng nagbabantay sa amin na hindi ko pinagtutuonan dahil ang mga mata ko ay nililibot ang buong paligid para hanapin ang kamukha ni Mama ngunit bigo ako.Nandito na kami sa mahabang lupain at kitang-kita ko ang mga trabahanteng halos karamihan ay matatanda na ang nagtatrabaho. Mayroong mga napapalingon sa amin ngunit babalik din naman sa mga gawain, lahat ay pokus lang sa pagtatanim at halos ayaw magsalita dahil sa takot sa kanilang mga nagbabantay.Hindi na nakakapagtaka iyon dahil sinabi sa amin ng aming tagabantay na walang makikipag-usap sa aming mga ka
Jazz's Point Of View.Wala kaming napala... I mean mayroon naman, pero wala kaming nalaman na makakatulong sa paghahanap kay Dasha. Ang tanging nalaman lang namin ay sa iisang lugar pumunta sina Selena a Bianca pagdating nila ng Talisay City. Hindi naman kasi kami pwedeng magtrespassing sa private property na pinapuntahan nilang dalawa."Sana naman ay nasa maayos na kalagayan si Dasha ngayon," ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni Celaida, nandito siya ngayon sa condo ko. "Nakuwento ko kay Mama iyong tungkol sa pagkawala niya... Kaibigan kasi ni Mama iyong Mama ni Dasha, nag-alala rin siya.""Your Mom? I haven't met her," saad ko. "Cyla ang pangalan niya... Hindi kasi mahilig lumabas si Mama ng bahay, nag-uundergo ng therapy," paliwanag niya, nabasa ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Hindi pa rin niya kasi makalimutan iyong pagkamatay ni Papa... Kaya ngayon, binabangungot pa rin siya.""Trauma?" tanong ko at nakita ko ang kaniyang pagtango."Oo, minsan ay gigising siya ng madaling
Dasha's Point Of View.Naging malapit kaming apat pagkatapos noong simpleng sabay-sabay naming pagkain. Nakakatuwa ngang isipin na kahit silang maawala, naging magkaibigan pa rin silang dalawa ni Tita Elysa na para bang iyon talaga ang nakatadha at walang makakahadlang.Ngayon na napatunayan kong buhay nga sila, mas lalong hindi na ako makapaghintay na makaalis dito at magkasama-sama kaming lahat. Lalong-lalo na si Mama at Papa... Ilang taon na ang nakaraan simula ng makasama nila ang isa't isa, sigurado akong magiging masaya sila."Talaga? Marunong kang magbake?" tanong sa akin ni Mama, isang tanghali na magkakasama na naman kaming kumain. Si Tita Elysa at Emma ay nakapila pa para kumuha ng pagkain kaya kaming dalawa pa lang ang nandito.Ngumiti ako, parang gusto ko na lang siya palaging makausap. Ni-ayoko ngang mawala ang paningin ko sa kaniya... Baka kasi hindi ko na naman siya makita o baka magising ako sa panaginip na hindi pala totoo lahat ng mga nakikita ko ngayon."Opo... Tinu
Dasha's Point Of View.Napatingin ako sa orasan at malakas na napabuga ng hangin dahil malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin umuuwi ang aking asawa, bakit wala ba siya? Nag-overtime na naman ba siya sa kaniyang trabaho?O sadyang ayaw niya lang talagang umuwi dahil katulad ng palagi niyang sinasabi, ayaw niya 'kong makasama?Kinuha ko ang aking cellphone para tingnan kung may text ba sa akin si Elias ngunit nabigo ako ng makitang wala man lang siyang sinabi kung uuwi ba siya ngayong gabi o hindi. Palagi naman siyang ganito, bakit ba hindi pa rin ako sanay?"Hindi ka ba inaantok, Ma'am Dasha? Mukhang hindi uuwi si Sir Elias ngayong gabi."Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Manang Nina na mukhang naalimpungatan at naabutan ako rito sa sala. Hindi niya na kailangang magtanong pa kung anong ginagawa ko dahil alam ng lahat na palagi ko siyang hinihintay na umuwi.Ngumiti ako bago umilang. "Ayos lang po, hindi rin ako makatulog," kaswal na sagot ko. Hindi ito katulad ng ibang gabi n
Dasha's Point Of View.Hindi ako kumain buong araw kahit pa pinipilit ako ni Manang, wala akong gana sa lahat ng bagay. Hindi ko pa rin pinipirmahan ang divorcement paper na binigay ni Elias, naiinis ako sa sarili ko dahil pagkatapos ng lahat ng masasakit na salitang binitawan niya sa akin ay ang pagmamahal ko pa rin para sa kaniya ang nangingibabaw."Ipasok na kaya kita sa kombento, Dasha? Nasobrahan ka na sa pagiging martyr!" narinig kong saad ni Angela, ang matalik kong kabigan, sa kabilang linya. "Ang tagal tagal ko ng sinasabi sa'yong iwan mo na 'yang lalaki na 'yan, hindi ka naman nakikinig. Tignan mo tuloy ang nangyari ngayon, anong plano mo sa bata?"Malakas akong napabuntong hininga bago sumagot. "Kaya ko naman siguro maging single mother, hindi ba?" pagbibiro ko kahit na mabigat pa rin sa aking dibdib ang isipin na lalaki ang aking anak na walang ama."Alam kong kaya mo, hindi mo kailangan ng tulong ni Elias. Ikaw nga hindi niya mapakitaan ng pagmamahal, iyong anak mo pa ka
Dasha's Point Of View.Naging malapit kaming apat pagkatapos noong simpleng sabay-sabay naming pagkain. Nakakatuwa ngang isipin na kahit silang maawala, naging magkaibigan pa rin silang dalawa ni Tita Elysa na para bang iyon talaga ang nakatadha at walang makakahadlang.Ngayon na napatunayan kong buhay nga sila, mas lalong hindi na ako makapaghintay na makaalis dito at magkasama-sama kaming lahat. Lalong-lalo na si Mama at Papa... Ilang taon na ang nakaraan simula ng makasama nila ang isa't isa, sigurado akong magiging masaya sila."Talaga? Marunong kang magbake?" tanong sa akin ni Mama, isang tanghali na magkakasama na naman kaming kumain. Si Tita Elysa at Emma ay nakapila pa para kumuha ng pagkain kaya kaming dalawa pa lang ang nandito.Ngumiti ako, parang gusto ko na lang siya palaging makausap. Ni-ayoko ngang mawala ang paningin ko sa kaniya... Baka kasi hindi ko na naman siya makita o baka magising ako sa panaginip na hindi pala totoo lahat ng mga nakikita ko ngayon."Opo... Tinu
Jazz's Point Of View.Wala kaming napala... I mean mayroon naman, pero wala kaming nalaman na makakatulong sa paghahanap kay Dasha. Ang tanging nalaman lang namin ay sa iisang lugar pumunta sina Selena a Bianca pagdating nila ng Talisay City. Hindi naman kasi kami pwedeng magtrespassing sa private property na pinapuntahan nilang dalawa."Sana naman ay nasa maayos na kalagayan si Dasha ngayon," ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni Celaida, nandito siya ngayon sa condo ko. "Nakuwento ko kay Mama iyong tungkol sa pagkawala niya... Kaibigan kasi ni Mama iyong Mama ni Dasha, nag-alala rin siya.""Your Mom? I haven't met her," saad ko. "Cyla ang pangalan niya... Hindi kasi mahilig lumabas si Mama ng bahay, nag-uundergo ng therapy," paliwanag niya, nabasa ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Hindi pa rin niya kasi makalimutan iyong pagkamatay ni Papa... Kaya ngayon, binabangungot pa rin siya.""Trauma?" tanong ko at nakita ko ang kaniyang pagtango."Oo, minsan ay gigising siya ng madaling
Dasha's Point Of View.Kinabukasan ay maaga akong nagising, hindi ko na lang pinapansin pa ang antok na nararamdaman ko dala ng ilang oras ko lang na tulog. Hindi ako makapaghintay na makita ulit ang kamukha ni Mama... Kailangan kong kumpirmahing siya nga iyon kahit na malakas ang pakiramdam kong tama ang kutob ko."Tandaan niyo iyong mga tinuro ko sa inyo kahapon, ha? Kapag kayo nagkamali ako ang malilintikan kay Dr. Reyes," paalala ng nagbabantay sa amin na hindi ko pinagtutuonan dahil ang mga mata ko ay nililibot ang buong paligid para hanapin ang kamukha ni Mama ngunit bigo ako.Nandito na kami sa mahabang lupain at kitang-kita ko ang mga trabahanteng halos karamihan ay matatanda na ang nagtatrabaho. Mayroong mga napapalingon sa amin ngunit babalik din naman sa mga gawain, lahat ay pokus lang sa pagtatanim at halos ayaw magsalita dahil sa takot sa kanilang mga nagbabantay.Hindi na nakakapagtaka iyon dahil sinabi sa amin ng aming tagabantay na walang makikipag-usap sa aming mga ka
Jazz's Point Of View.Gabing-gabi na noong makarating kami sa Talisay City, ramdam na ramdam ko ang buong araw na pagod sa katawan ko ngunit hindi ko na iyon iniinda pa dahil mas mahalaga ay malaman namin kung magkikita ba sina Bianca at Selena.Tinago ko ang aking sasakyan sa gilid ng kalsada na kung saan ay madilim at maraming puno. Nakapatay ang ilaw ng sasakyan ko at siguradong walang makakapansin sa amin dito dahil medyo may kalayuan kami sa kalsada. Wala ring mga poste at ilaw kaya naman kapag may dumaan na sasakyan ay makikita kaagad namin.Dahil unang makakarating ng Talisay City si Selena ay siya ang una naming sinundan, at nakarating kami rito sa isang private na mansyon, nasa labas lang kami dahil mayroong gate at siguradong may guard na nagbabantay roon. Pahirapan pa dahil para hindi kami makita ay pinatay ko ang ilaw ng sasakyan at sa mapunong bahagi kami dumaan kaysa sa kalsada."Wala bang bagong chat sa'yo si Bianca?" tanong ko sa kaniya."Wala, ang huli niya pa ring ch
Dasha's Point Of View.Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko, nandito na ulit kami sa kulungan at gabi na. Matulog daw kami ng maaga dahil maaga kaming kailangang gumising bukas para magtrabaho. Pero hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata dahil sa nakita ko kanina. Hindi ako pwedeng magkamali, simula pagkapanganak ko hanggang sa magkaroon ako ng sariling utak. Alam ko na kung si Mama ba iyon kahit pa nakatalikod. Kaya hindi ako pwedeng magkamali, hindi pwedeng hindi siya iyon...Pero wala na si Mama... Matagal na siyang wala, paano nangyaring nandito siya?Napansin ko ang kapayatan niya, pero kahit may nagbago sa kaniyang katawan, iyong mga mata niya—siyang siya iyon. Siya ang Mama ko.Pero paano iyon nangyari?Tapos kasama niya pa si Tita Elysa... Na alam na alam kong wala na rin sa mundo. Naunang namatay si Mama bago si Tita... Nandoon pa ako sa burol, paanong nangyari 'to?Possible kayang sila nga talaga iyon? Lalapit na sana ako sa kanila noon ng tawagin ako ni Emma, ma
Jazz's Point Of View.Madaling araw pa lang ay gising na gising na ako dahil aalis kami ni Elias mamaya. Ang sabi niya sa akin ay baka mga 7 pa kami makaalis dahil maghahanda muna siya ng breakfast para kay Bianca at hihintayin munang makaalis ito bago siya pumunta rito sa condo ko para sabay kaming dalawa umalis.Hindi ako maniniwalang coincidence lang na pupunta si Selena at Bianca sa Bacolod. Ano naman kayang gagawin nila? Ang sabi ni Elias ay ang paalam sa kaniya ni Bianca ay business matter.Wala akong ginawa kundi ang maghintay ng text ni Elias na papunta na siya at noong magchat na siya ay bumaba na kaagad ako ng ihanda ang sasakyang gagamitin namin sa byahe."Nakaalis na ba si Bianca?" tanong ko habang inaayos ang sealt belt. "Yeah, she's going to Talisay City, may sinabihan na akong sumunod sa kaniya para malaman kung anong gagawin niya pagdating niya roon," paliwanag niya at pinagana ko na ang makina ng aking sasakyan bago mag-umpisang magmaneho. "Kotse lang din ang gagami
Dasha's Point Of View.Tahimik lang ako habang naglalakad kami papunta sa aming kwarto, ibang-iba ang lugar na ito kaysa doon kila Dr. Naomi. Hindi kalakihan ang lugar at wala rin kahit anong design, tanging kulay grey lang. May mga pintuan kaming nadadaanan ngunit wala namang bintana ang mga iyon kaya hindi ko makita ang mga nasa loob. Huminto ang nagbabantay sa amin at may pintuan na binuksan. Pinapasok niya kami isa-isa, mayroong 10 na kulungan na parang katulad sa kulungan namin ni Caroline. 20 kaming lahat kaya naman sa isang kulungan ay tagdadalawa. Mabuti na lang at si Emma ang kasama ko, pumasok kami sa kulungan at kaagad kong napansin ang isang plato na naglalaman ng kaunting kanin at isang pritong isda, mayroon ding isang pirasong water bottle.Huwag nilang sabihin na ito ang pagkain namin?"Nandiyan na rin ang pananghalian niyo kaya kumain na kayo, pagsapit ng hapon ililibot ko kayo sa buong lupain para maging pamilyar kayo," saad ng nagbabantay sa amin bago isarado ang pi
Dasha's Point Of View.Matinding antok ang nararamdaman ko habang naglalakad kami palabas, hinihintay na raw kami ng truck na sasakyan namin papuntang station 2. Ngunit nabura ang antok na iyon noong makita ko si Selena na mukhang naghihintay din sa amin sa labas.Pinapila niya kami bago siya pumunta sa unahan at magsalita. "Alam kong hindi niyo pa alam ang mga gagawin sa station 2 pagdating niyo roon kaya ipapaliwanag ko na sa inyo para hindi na magsasayang pa ng oras si Dr. Reyes na magpaliwanag sa inyo," seryosong saad niya at nilibot ang paningin sa amin, nang magtama ang aming mga mata ay pinilit kong hindi umiwas ng tingin kahit na basang-basa ko ang panggagalaiti sa kaniya. "Hindi katulad dito na kailangan niyong magbuhat ng mga mabibigat na kahoy, doon sa station 2 ay tanging pagtatanim lang ang gagawin niyo."Pagtatanim ng mga pinagbabawal na gamot? Gusto kong isigaw iyon ngayon pero pinigilan ko ang aking sarili dahil baka mawala na ang pag-asang makaalis pa kami rito.Nayay
Dasha's Point Of View."Ngayon ko lang nalaman na may station 2 pala... Sa tagal kong nakakulong sa lugar na 'to, hindi ko inakalang marami pala kaming nagdudusa dahil kay Dr. Selena," saad ni Caroline. "Delikado ang gagawin mo, sigurado ka ba talagang kaya mo?"Kahit ako ay tinatanong din ang tanong na iyon sa aking sarili—at ang tanging nakukuhang sagot ko ay hindi. Pero sa tuwing iniisip ko si Dawn, si Elias at ang mga kaibigan kong alam kong alalang-alala na sa akin ngayon. Sa tuwing iniisip ko ang mga taong hindi na makakaramdam pa ng paghihirap kapag nakaalis sila, nabubuhayan ako ng loob at pakiramdam ko ay kayang-kaya ko."Kaya ko... Pero sana lang talaga ay pumayag si Selena na ilapat ako ng station," sambit ko.Nang sumapit na nga ang weekend ay nagkaroon ng pilian, at sa hindi ko inaasahan, tinawag ni Selena ang pangalan ko sa mga kasamang ililipat sa station 2. Pinilit kong hindi ipakita ang gulat sa aking mga mata habang naglalakad papunta sa unahan, palapit sa mga taong