Hindi pa man nagtatagal na nakakalabas si Bea nang marinig niyang muling nagsalita ang kanyang mommy."Bakit hindi na lang kayo sumama sa amin?" singit ng mommy niya sa pag-uusap ng kanyang tita at tito.Tila saglit na huminto ang kanyang paligid sa narinig at agad na nakaramdam ng pagkasabik sa isiping makakasama niya si Bea sa iisang bahay at madalas nang makikita.Kaya pigil ang hininga na hinintay niya ang magiging sagot ng mga ito."Nina, 'di ba nasabi ko na? Na hindi kami maaaring sumama. Bukod sa wala kaming ibang alam na pagkakabuhayan maliban sa pagtatanim ay nag-aaral pa ang mga bata," sagot ng tita niya habang nakatayo sa tabi ng asawa nito na walang imik na nakatingin sa kanila."Pero ang hirap ng lagay ninyo rito. Kahit hanggang makabawi lang kayo, pwede naman ulit kayong bumalik."Matapos iyong sabihin ng kanyang mommy ay nakarinig siya ng isang mahinang singhap na nagmula sa pintuan kaya mabilis iyang napalinhon doon. Maging ang kanyang mommy at ang mga magulang ay napat
Napapikit na lang siya habang hinihintay ang pagbagsak niya sa maputik na lupa pero ang sakit na inaasahan niya ay hindi nangyari dahil naramdaman niya na lang na tumama siya sa kung saan kasabay ng pagpulupot ng kung ano sa baywang niya.Dahan-dahan siyang dumilat para alamin kung ano iyon. At nang makita ang mukha ni JC na ilang pulgada lang ang layo mula sa mukha niya ay wala sa sariling napatitig siya sa mga ito. Pakiramdam niya ay bumagal ang oras habang magkahinang ang kanilang mga mata pero ng marinig niya ang tinig ng iba pang kapatid na bumababa sa hagdan ay doon lang siya natauhan at mabilis na napatuwid ng tayo.At ang mga kamay niyang nahawak sa matipuno nitong dibdib ay mabilis niya binawi."Sorry, hindi ko sinasadya," nahihiyang sabi niya habang hindi malaman kung saan ibabaling ang tingin."Ayos lang. Tara, kumain na tayo," yaya nito at tila walang nangyaring hinawakan siya sa kanang braso bago marahang hinila patungo sa direksyon ng mesa at dahil nauna ng maupo si Cri
Limang araw na ang nakakalipas mula nang huling pumunta ang kanyang tiya sa kanilang bahay ay halos ilang araw na rin siyang walang maayos na tulog dahil araw-araw niyang naaalala ang naging usapang ng mga ito tungkol sa pagsama ng kanilang pamilya sa kanyang tiya.Dumagdag pa sa isipin niya ang nakalipas niyang kaarawan na tila hindi na naalala ng kanyang mga magulang at maging ng mga kapatid niya. Dala ng maraming peoblema na dulot ng bagyo ay halos hindi na napipirmi sa bahay ang mga magulang niya.Madalas na umaalis ang mga ito para humanap ng mapagkukunan ng pera o pagkain dahil hindi na sapat ang natira mula sa dalang pagkain ng kanyang tiya. Maging ang malinis na tubig na iinumin ay paubos na rin at wala pa silang makuhaan ng libre.Kahit nagdadamdam dahil sa pagkalimot ng mga ito sa pinakamahalagang araw para sa kanya ay hindi siya nagtanim ng galit sa mga ito dahil naiintindihan niya ang sitwasyon nila. Isa pa maging ang pasko na sumapit at lumipas ay tila naging isang ordina
"P're bakit ang gloomy mo ngayon? May problema ka ba?" usisa ng kaibigan niyang si Steven isang tanghali habang nasa school cafeteria sila at kumakain ng tanghalian dahil katatapos lang ng kanilang practice sa drama club. Pero hindi iyon rumehistro sa kanyang pandinig dahil sa naglalakbay niyang isip.Halos isang linggo na ang nakalipas noong huli nilang pagbisita sa kanyang pinsan. At hindi niya maiwasang isipin kung ano ang magiging desisyon ng magulang nito tungkol sa sinabi ng kanyang mommy na sumama ang mga ito sa kanila.At sa loob ng mga araw na lumipas ay halos hindi siya makatulog ng maayos dahil sa pag-iisip at kung minsan ay hindi niya napapansing natutulala na siya. At namamalayan lang niya iyon kapag may tumatawag na sa pangalan niya. Gusto man niyang usisain ang kanyang mommy ay pinipigilan niya ang sarili dahil baka magtaka na ang kanyang mommy na halos araw-araw siya kung magtanong.Kung pwede lang sana ay nagpaiwan na siya sa bahay ng kanyang tita kaya lang hindi maaa
Nang marinig niya ang tanong ng mommy niya ay mabilos siyang umayos ng upo at muling naging seryoso."Wala naman po. Naisip ko lang kasi na baka kulang iyong dinala nating pagkain sa kanila. Isa pa sigurado akong wala silang naihanda noong pasko tapos sasapit pa ang bagong taon.""Hmm, balak ko sa sabado sana at mamili na lang tayo ulit bago tayo pumunta para kahit papaano ay may maihanda sila kahit huli na. Bakit? Sasama ka ba ulit?""Yes, mom. Sa tingin mo papayag kaya sila tita na sumama sa atin pabalik?""Hindi ko alam, Carl. Sana lang makapag-desisyon na sila kung ano ang mas mabuting gawin..."Matapos iyong sabihin ng mommy niya ay hindi na siya muling nagtanong kaya binalot nang katahimikan ang loob ng sasakyan hanggang sa makarating sila ng bahay.Nang bumababa siya at pumasok ng bahay ay nakasunod sa kanya ang kaibigan na sapo pa rin ang tagiliran at pumasok rin hanggang sa loob ng kanyang kwarto at para bang pag-aari nito iyon na basta na lang humilata sa ibabaw ng kama niya
Bago pa man tumunog ang alarm ng cellphone ni John Carl na isinet niya sa alas-sais ay dilat na dilat na siya. Pero sa halip na bumangon ay nanatili muna siyang nakahiga at nakatitig sa kisame ng kanyang kwarto.Kahit halos ilang araw na siyang hindi nakakatulog at nitong nakaraang gabi naman ay ni hindi siya nakatulog dahil sa nararamdamang pagkasabik sa muling pagkikita nila ng pinsang si Bea ay nauna pa siyang nagising sa alarm niya.Hindi niya mapigilang mahiling na sana ay sumama ang mga ito sa kanila hindi lang para sa sarili niyang kagustuhan na makasama ang babae kundi pati na rin para maging maayos ang kalagayan ng mga ito kahit papaano. Dahil nakakaawa ang kalagayan ng mga ito matapos na salantain ng bagyo ang lugar na tinitirhan ng mga ito na naging dahilan para masira ang kubo at ang tanim na inaasahan ng tito niya.Natigil lang ang pag-iisip niya nang marinig na tumunog na ang kanyang alarm at doon na rin niya napagpasyahang bumangon habang kinakapa ang cellphone sa ilali
Hindi pa man sumisikat ang araw ay dilat na ang mga mata ni Bea dahil halos hindi na siya nakatulog nang nakaraang gabi. At sa hindi malamang dahilan ay hindi niya maipaliwanag ang kabang nasa kanyang dibdib ng magising siya.Hindi niya maipaliwanag kung bakit pakiramdam niya ay kakaiba ang sabadong iyon. Na para bang may kung ano'ng mangyayari kaya hindi niya namalayang natulala na siya sa kawalan sa pag-iisip ng maaaring maging dahilan. Hanggang sa maalala niya ang tungkol sa sinabi ng kanyang tiyahin na babalik ang mga ito. At tila ba sigurado na siya na anumang oras ay susulpot na ang mga ito kaya kahit tulog pa ang mga kasama sa bahay ay nagdesisyon na siyang bumangon para mag-asikaso sa kusina. Kahit pa wala naman siyang ibang gagawin kundi ang magsaing at magpakulo ng mainit na tubig para sa ititimplang kape kapag nagising na ang mga magulang at mga kapatid niya.Dahan-dahan siyang tumayo at lumabas ng kulambo at maingat na naglakad para hindi magising ang mga kapatid na madada
Matapos niyang magsaing at magluto ng ulam ay naghanda na siya ng pinggan na gagamitin at inilapag sa mesa bago naglakad patungo sa pinto para sana lumabas at tawagin ang tiya niya para mauna nang kumain ang mga ito ng tanghalian. Habang lalabas naman siya para hanapin at tawagin ang mga kapatid kung saang lupalop man ang mga ito nagpunta upang pauwiin. Pero naudlot ang tangka niyang paglabas nang matanaw ang mga magulang na kausap ang kanyang tiya sa kanilang bakuran. Dali-dali siyang lumabas at lumapit sa mga ito para magmano pagkatapos ay sinabi niyang may makahain ng pagkain sa mesa at kumain na ang mga ito dahil hahanapin niya pa ang mga kapatid niya. Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng mga ito at nagsimula nang maglakad palabas ng bakuran. Nang makailang hakbang na siya ay nagsimula na siyang isigaw ang pangalan ng mga kapatid hanggang sa matanaw niya si Cristina na patakbong lumalapit sa kanya. "Nasaan ang iba?" Salubong niya rito nang makalapit. Pero isang, "ewan ko, ang
JOHN CARLIlang araw nang napapansin ni John Carl ang unti-unting pagbabago kay Bea simula noong araw na ibinigay niya ang cellphone rito. Lalo na ang pagbabago sa ayos at pananamit nito, marunong na itong mag-ayos ng sarili at pumili ng nababagay na mga suot base sa okasyon o panahon kahit na wala pang isang lingo ang nakakalipas.Kaya hindi maitatangging litaw na litaw na ang kagandahang taglay nito at kahit pa morena ay pantay ang kulay ng kutis nito na tila kumikintab sa tuwing tinatamaan ng liwanag at kahit hindi niya hawakan ay alam niyang makinis iyon.At dahil sa nakikitang unti-unting pagbabago sa pinsan ay mas lalong tumindi ang nadarama niyang atraksyon para dito at isipin pa lang niya na makikita na ng iba ang gandang taglay nito sa oras na magsimula na ang pasukan ay umiinit na agad ang ulo niya.Nakikita niyang masaya ang mommy at kapatid niya sa nangyayaring pagbabago sa pinsan at inaamin niyang nagugustuhan rin niya iyon ay hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng ini
Kinabukasan matapos patayin ni Bea ang tumutunog na alarm clock na nakapataong sa drawer na katabi ng kanyang kama ay muli siyang bumalik sa paghiga ilang sandaling tumitig sa kisame para isipin ang lahat ng nangyari nang nakalipas na araw.Iniisip niya kung totoo ba ang lahat nang nangyari hanggang sa maalala niya ang tungkol sa kanyang bagong cellphone. Kaya bigla siyang napaupo at hinagilap ang cellphone sa ibabaw ng kanyang kama. Halos ihagis na niya ang kumot at unan para lang mahanap ang bagay na inakala niyang isa lamag panaginip hanggang sa makita niyang nadaganan iyon ng unan.Dali-dali niya iyong dinampot at inusisa sa takot na baka nadaganan niya iyon. At nakahinga lang siya nang maluwag ng masigurong wala iyong naging pinsala.Nakatitig pa rin siya sa cellphone nang bigla iyong umilaw at tumunog tanda mayroong nag-texr. At dahil wala pa naman siyang ibang itini-text ay nagtatakang tiningnan niya ang lumabas na pangalan.'John Carl,' bulong niya sa sarili nang mabasa ang na
“Number two ay ang mag-practice umarte, kumanta at sumayaw sa harap ng salamin para makita ko kung ano ang reaksyon ng mukha ko.”Isinulat niya ang lahat nang nabasa niyang sa tingin niya ay kailangan niyang tandaan kahit na alam niya sa kanyang sarili na hindi pa niya iyon matutupad, gaya nang pagsali sa mga reality show o ang pag-o-auditon.Hindi na niya matandaan kung ilan na ang mga nabasa niya dahil halos lahat ng nakasulat ay pare-pareho na lang, mapa-English man iyon o Tagalog.“Sana lang maintindihan ko kung ano ang mga nakasulat…” bulong niya habang tinitingnan ang mga pamagat ng mga lumabas na English article. Pero muli siyang napailing nang makita na halos lahat ng nabasa niya ay pare-pareho lang ang unang dapat gawin―ang maging maganda at maayos ang panlabas na hitsura at mag-practice sa pag-arte.“Okay, dapat kong simulan bukas ang pag-aayos ng sarili at ang mag-practice. Tapos ang susunod ay ang paghahanap ng mga lugar na mayroong mga audition para makapaghanda ako na pu
Matapos siyang turuan ni JC ay nagpaalam na itong babalik sa kwarto kaya naiwan na siyang mag-isa sa kusina. Ilang sandali rin siyang natulala dahil pakiramdam niya ay napakaraming nangyari sa kanya ng araw na iyon.Naroon ang pagpunta nila sa mall para mamili ng mga kailangan sa darating na pasukan, ang pagkakakilala nila ng kaibigan ni JC, ang sobrang hilo dahil sa byahe at pagkatapos ay ang isang hindi inaasahang regalo na natanggap niya mula sa kanyang tiya.Tila ba nananaginip siya dahil alam niyang hindi ganoon kasimple ang pagbili ng isang mamahaling gamit para lamang ibigay sa kanya.Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pressure dahil sa regalong natanggap, ibig sabihin lang kasi noon ay kailangan niya talagang pagbutihin ang mga ginagawa para sa sarili at sa kanyang pamilya.Nang muli siyang mapatingin sa hawak na cellphone ay biglang sumagi sa kanyang isip ang naiwang pamilya sa probinsya at kalagayan ng mga ito.Hindi niya alam kung nagawa ba ng kanyang mga magulang na mapag-ar
Wala sa sariling napatingala siya rito at hindi sinasadyang nagsalubong ang kanilang mga mata. Hindi rin niya napigilan ang pagkawala nang isang mahinang singhap, pakiramdam niya ay saglit na tumigil ang oras habang magkahinang ang kanilang mga mata.Pakiramdam niya ay hinihigop siya ng mga mata ng lalaki at hindi niya magawang iiwas ang tingin. Maging ang kanyang paghinga ay unti-unting bumibilis kasabay nang panunuyo ng kanyang lalamunan kaya wala sa sariling ilang ulit siyang napalunok bago pinaglandas ang dila sa nanunuyong mga labi. Nakita niyang saglit dumako ang mga mata nito roon bago muling tumitig sa kanyang mga mata. Natauhan lang sila nang makarinig ng tunog mula sa kung saan kaya mabilis silang nag-iwas ng tingin sa isa't isa.Nanlalambot na napaayos iya ng upo habang hinila naman ni JC ang upuan na malapit sa kiaroroonan niya bago naupo.Hindi siya makatingin sa direksyon nito dala ng hiya at kaba kaya itinuon na lang niya ang pansin sa cellphone.Sakto naman na lumapit
Ni hindi niya namalayang nakapikit na siya habang sinisinghot ang amoy nito na kumalat sa loob ng kanyang kwarto.“Ayos ka lang ba?” usisa nito nang mapansing nakapikit siya kaya mabilis siyang napadilat habang sunud-sunod na napailing dahilan para mapahawak sa sariling ulo nang muling makaramdam ng hilo.“Ha? Ano? Ahm… Medyo masakit lang ang ulo ko,” napapangiwing dahilan niya na siya rin ang may kagagawan. “Gusto mo ba dalhan na lang kita ng lugaw dito?” suhestyon nito na akmang tatayo niya kaya mabilis niya itong hinawakan sa braso pero nang mapagtanto ang ginawa ay tila napapasong napabitaw siya roon.“’Wag na, kaya ko namang bumaba,” sagot niya kasabay nang pagtayo. Hindi na siya nag-abalang maghanap ng suklay at ginamit na lang ang mga daliri para ayusin ang magulang buhok. “Tara,” yaya niya at inunahan na ito sa paglabas ng sariling kwarto. Hindi na siya nag-abalang lumingon dahil alam niyang susunod na rin ito kaya tuluy-tuloy siyang bumaba ng hagdan at dumiretso sa kusina na
Nang nasa byahe na sila ay muli na naman siyang natahimik dahil ang hilong naramdaman niya kanina ay muling bumalik at mas lumala pa dulot ng kabusugan. Pakiramdam niya ay tila hinahalukay ang kanyang sikmura kaya kahit naririnig niyang may kumakausap sa kanya ay hindi na niya iyon magawang tingnan dahil sa tuwing ididilat niya ang kanyang mga mata ay para bang umiikot ang kanyang paligid.Dahil nanatiling nakapikit ay hindi na niya namalayang nakaidlip na siya at nagising lang dahil sa pagyugyog ng kanyang katawan. Halos ayaw pa niyang dumilat dahil tila umiikot pa rin ang kanyang paligid at pakiramdam niya na anumang oras ay lalabas ang lahat ng kanyang kinain.“Bea, kaya mo ba’ng tumayo?” tanong ng isang tinig malapit sa kanyang kaliwang tainga. “Halika, tulungan na kita.”Kahit hindi pa siya sumasagot ay naramdaman na niya ang paghawak nito sa kanyang kaliwang kamay kaya kahit bahagya pa ring nakapikit ay nagawa na niyang bumaba ng sasakyan.Ilang ulit muna siyang nanatiling nakay
At habang naghihintay kay JC ay inutusan na sila ng tiya niya umorder ng gusto nilang kainin. Mabilis na dinampot ni Anne ang menu at nagsimula ng pumili habang siya ay inisa-isa muna ang mga nakasulat na ang ilan ay hindi pamilyar sa kanya.Pero pamilyar ang mga nakalagay na picture kaya umorder siya ng pancit malabon na pamilyar sa kanya at tempura na madalas niyang makita sa ilang mga palabas na napanood niya habang iced tea sa inumin na nakita lang din niya sa t.v..Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng dumating na si JC kasunod ang kaibigan nitong halatang nang-aasar dahil sa nakasimangot na mukha ng pinsan niya na tanaw mula sa kinauupuan nila. Siya ang unang nakakita sa mga ito dahil panay ang sulyap niya sa paligid.Hindi niya kasi maiwasang usisain at pagmasdan ang mga bagong nakikita sa paligid niya pero nagkunwari siyang hindi nakita ang mga ito at itinuon na lang ang atensyon sa kinakain.“Mom! Kanina pa kayo?” Narinig niyang tanong ni JC ng makalapit sa kinaroroonan nila.“
Hindi alam ni Bea kung gaano katagal na silang bumabyahe at ang tanging nagsasalita ay si Anne Marie na kinukuwentuhan ang mommy nito ng kung ano-ano. Pero ramdam niya ang tension sa dalawang lalaki na magkatabi sa kanan niya na parehong walang kibo.Kaya hindi niya malaman kung ano’ng gagawin niya sa sitwasyong kinasasadlakan lalo pa at hindi lang ang tension sa mga katabi ang nararamdaman niya kundi maging ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib sa tuwing magdidikit ang mga balat nila ni JC.Idadag pa na hindi pa rin siya sanay sa pagbyahe at pagsakay sa mga sasakyan ay lalong tumindi ang hilong nararamdaman niya. Kaya mas pinili na lang niyang sumandal at pumikit habang paulit-ulit na lumulunok dahil sa naiipong laway sa loob ng kanyang bibig.“Okay ka lang ba, Bea?” Narinig niyang tanong ni JC sa tabi niya kaya saglit siyang dumilat para tingnan ito bago muling pumikit.“Medyo nahihilo lang ako. Hindi pa rin kasi ako sanay sa pagsakay sa kotse at pagbyahe,” sagot niya sa mahinan