Matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay kitang-kita niya ang lungkot at pakadismaya na bumalatay sa mukha ng kanyang tiya. At matagal itong hindi umimik na para bang kinakalma ang sarili. Dahil bigla siyang nakaramdam ng pakakonsensya ng makita ang reaksyon nito ay mabilis niyang sinabi ang napagpasyahan ng kanyang mga magulang. "Ang sabi rin po ni nanay na ako na lang daw po ang sasama sa inyo para magtrabaho. Mas madali daw kung ako na lang ang aalis dahil hindi na po ako nag-aaral. At hindi rin daw nakakahiya kahit na makjtira ako sa inyo dahil isa lang daw ako." "Gano'n ba? Ayaw talaga ng nanay mo?" Mahina ang tinig na paninigurado ng tiya niya. "Opo. Kaya lang baka kausapin pa kayo ni nanay kasi ang sabi niya pakikiusapan daw niya kayo kung pwedeng doon na lang ako sa bahay ninyo mamasukan bilang katulong. At papayag lang sila na tumuloy ako kung papayag kayo sa gusto niya dahil natatakot daw sila na baka kung ano'ng mangyari sa akin kung sa ibang tao
At dala ng hiya ay pareho silang hindi makatingin sa isa't isa at tahimik na lang na niligpit ni JC ang mesa habang inabala naman niya ang sarili sa pagsasabon ng mga plato.Matapos niyang maghugas ng mga pinagkainan ay pumanhik siya sa kanilang tulugan para kunin ang nag-iisang bestida niyang may stripe na black at white na naisalba pa nang malabhan dahil kasama iyon sa mga nabasa ng nang nagdaang bagyo. Dahil napagpasyahan ng mga magulang niya na ang mga ito na lang ang magluluto ay nagdesisyon siyang maligo na para makapagpalit ng suot upang hindi na siya makaabala mamaya kapag oras na ng pag-alis nila.Bitbit ang kanyang bihisan ay naglakad na siya palabas ng kanilang kubo para magtungo sa banyo, nagkagulatan pa sila ni JC nang bigla itong sumulpot sa harap niya."Saan ka pupunta?" tanong nito na napasulyap pa sa dala niya. Ipinagpasalamat na lang niya na naisipan niyang balutin ng bestida ang bra't panty niya dahil kung himdi ay baka hindi na niya ito maharap dahil sa labis na ka
Nang matapos ang kasiyahan ay muling nakaramdam ng bigat ng kalooban si Bea dahil ang ibig sabihin lang niyon ay nalalapit na ang kanyang pag-alis.Kasalukuyan siyang nagliligpit ng mga pinagkainan nila habang ang mga kapatid niya ay naglalatag nang banig para matulog dahil inabot na sila ng gabi. Ang nanay naman niya ay umakyat din para kunin ang mga record niya sa eskwela at ang birth certificate dahil naulinigan niyang hiningi iyon ng kanyang tiya habang kumakain sila. Samantalang nasa labas naman ang tiya at tatay niya habang nagkukwentuhan. Pagbaba ng nanay niya ay pinigilan siya nito sa ginagawa at iniabot sa kanya ang hawak nitong envelop.“Ako na ang magtutuloy niyan. Naihanda mo na ba’ng mga kailangan mong dalhin? Kunin mo na at baka masyado na kayong gabihin sa daan, mahirap na,” sunud-sunod na sabi nito.“Naayos ko na po kanina habang wala kayo ni tatay,” sagot niya habang kinukuha ang inaabot nitong envelop. Pagkatapos ay naglakad siya patungo sa bayong na nakalapag sa gil
“’Wag ka nang umiyak. Kapag nakapag-adjust ka na sa amin ay madali mo na lang mako-contact ang parents mo,” alo sa kanya ng pinsan na nakaupo sa harapan katabi ng mommy nito na nagda-drive. Nang marinig ang sinabi nito at tumango-tango na lang siya habang pinupunasan ang mga luha gamit ang laylayan ng suot. Pero matapos niyang tuyuin ang mga luha ay huminga siya ng malalim at hindi napigilang isatinig ang alalahanin sa humihikbing tinig.“Pe-pero wala naman ka-kaming telepono ka-kaya hindi natin sila matatawagan.”“Iniwan naman ni mommy ang number naming kaya sigurado akong makakagawa ng paraan sina tita para makausap ka kaya ‘wag mo na munang isipin ang tungkol doon. Umidlip ka na lang muna para hindi ka lalong malungkot, okay?”Natahimik siya dahil sa mga sinabi ng pinsan at walang imik na tumago bago isinandal ang katawan sa sulok ng pinto at ipinikit ang mga mata kahit na hindi siya sigurado kung makakatulog ba siya dahil sa dami ng iniisip.***“Bea, Bea…” tawag ng kung sino kasa
Sa buong durasyon ng bakasyon ay laging nakasimangot, aburido at mainit ang ulo ni John Carl dahil matatapos na lang ang bakasyon ay hindi pa rin niya nakakausap ng sarilinan o naipapasyal sa labas si Bea. Dahil kung hindi ito masyado itong abala sa pag-aaral kung paano gamitin ang mga gamit nila sa bahay sa tulong ng mommy ay lagi itong kasama ni manang, ang nag-iisa nilang kasambahay, upang turuan kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin.Habang siya naman ay abala sa kanilang drama club kahit na bakasyon sa eskwela dahil regular pa rin ang kanilang practice sa pagsayaw at pagkanta, seminar at mga acting workshop. At dahil hindi niya magawang ipakita sa kanyang pamilya ang totoong nararamdaman kaya hindi niya maipigilang ibunton sa kaibigan at kasama sa club ang pagsusungit. Pero tila hindi apektado ang kaibigan sa mga ipinapakita nito at sa halip ay ginagamit pa nitong pang-asar ang masamang mood niya sa pamamagitan ng araw-araw na pang-uusisa sa dahilan ng iniaasta niya na lalo
BEATRISEExcited na nagbihis si Bea nang sabihin ng kanyang tiya na aalis sila upang mamili ng mga gamit na para sa eskwela idagdag pa na iyon din ang araw na makakalabas at makakapasyal siya kahit papaano bago pa man magsimula ang pasukan. Dsahil simula ng dumating siya sa bahay na iyon ay wala siyang ibang ginawa kundi ang pag-aralan ang lahat ng mga kailangan niyang gawin para makapagtrabaho siya ng maayos.Matapos niyang isuot ang isang kulay pink na bestidang ibinigay sa kanya ng tiya niya para sa araw na iyon at ang sandals na bigay rin sa kanya ay halos takbuhin na niya ang pagbaba ng hagdan dahilan para mapagalitan siya ni manang Rita, ang nag-iisang kasambahay nila JC na may katandaan na rin. Isang mabilis na paghingi ng paumanhin na lang ang nagawa niya bago mabilis na lumabas ng bahay at tinakbo ang sasakyang nakaparada na sa labas ng gate.“Sakay na, ate Bea!” sigaw ng pinsan niyang halatang excited din habang nakadungaw sa nakabukas na bintana at nang makalapit siya ay is
Hindi alam ni Bea kung gaano katagal na silang bumabyahe at ang tanging nagsasalita ay si Anne Marie na kinukuwentuhan ang mommy nito ng kung ano-ano. Pero ramdam niya ang tension sa dalawang lalaki na magkatabi sa kanan niya na parehong walang kibo.Kaya hindi niya malaman kung ano’ng gagawin niya sa sitwasyong kinasasadlakan lalo pa at hindi lang ang tension sa mga katabi ang nararamdaman niya kundi maging ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib sa tuwing magdidikit ang mga balat nila ni JC.Idadag pa na hindi pa rin siya sanay sa pagbyahe at pagsakay sa mga sasakyan ay lalong tumindi ang hilong nararamdaman niya. Kaya mas pinili na lang niyang sumandal at pumikit habang paulit-ulit na lumulunok dahil sa naiipong laway sa loob ng kanyang bibig.“Okay ka lang ba, Bea?” Narinig niyang tanong ni JC sa tabi niya kaya saglit siyang dumilat para tingnan ito bago muling pumikit.“Medyo nahihilo lang ako. Hindi pa rin kasi ako sanay sa pagsakay sa kotse at pagbyahe,” sagot niya sa mahinan
At habang naghihintay kay JC ay inutusan na sila ng tiya niya umorder ng gusto nilang kainin. Mabilis na dinampot ni Anne ang menu at nagsimula ng pumili habang siya ay inisa-isa muna ang mga nakasulat na ang ilan ay hindi pamilyar sa kanya.Pero pamilyar ang mga nakalagay na picture kaya umorder siya ng pancit malabon na pamilyar sa kanya at tempura na madalas niyang makita sa ilang mga palabas na napanood niya habang iced tea sa inumin na nakita lang din niya sa t.v..Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng dumating na si JC kasunod ang kaibigan nitong halatang nang-aasar dahil sa nakasimangot na mukha ng pinsan niya na tanaw mula sa kinauupuan nila. Siya ang unang nakakita sa mga ito dahil panay ang sulyap niya sa paligid.Hindi niya kasi maiwasang usisain at pagmasdan ang mga bagong nakikita sa paligid niya pero nagkunwari siyang hindi nakita ang mga ito at itinuon na lang ang atensyon sa kinakain.“Mom! Kanina pa kayo?” Narinig niyang tanong ni JC ng makalapit sa kinaroroonan nila.“