NAPATINGIN NA SI Daviana kay Rohi nang marinig niyang nag-ring ang cellphone nito. Tumalikod si Rohi upang sagutin ang tawag sa kanya. Narinig ng dalaga na ang pinag-uusapan nila nang sinumang kausap nito ay tungkol sa trabaho. Ito ay tila medyo nakakalito sa pandinig ni Daviana dahil hindi naman siya familiar kung tungkol saan iyon. Nakita niyang bahagyang napakunot pa ang noo ni Rohi na halatang may hindi nagugustuhan sa kausap. Mabigat din ang timbre at ang bawat bagsak ng tono ng boses ng binata.“Pagkatapos na maayos, kailangang i-test natin ulit kung gagana ba iyon. Natatandaan kong pinaalalahanan kita noon ng makailang beses na kung sakaling may problema pagkatapos na e-launched ng product, sa tingin mo sino ang may responsibilidad niyan?” tanong ni Rohi sa kanyang kausap gamit ang seryoso niyang mukha. Mukhang may hindi ito nagustuhan sa kanyang nalaman. “Kung hindi kaya ng isang tester, kailangang kumuha ng pangalawa. Kung hindi pa rin sapat ang pangalawa, hanap pa ng pangatl
ILANG BESES NA iniiling ni Daviana ang kanyang ulo. Sobrang na-touch lang siya sa pagiging thoughtful ng binata sa kanyang inorder na mga pagkain. Favorite niya iyong comfort food kapag masama ang kanyang loob. At tamang-tama iyon sa mood niya.“Wala. Gusto ko ang lahat ng ito kaya lang ang dami nito. Hindi ko kayang ubusin.” kaila niya sa tunay na nararamdaman, “Pwede bang hatian mo ako? Sayang naman kung hindi ko mauubos.”“Sorry, Daviana. Hindi ako kumakain ng matamis.” tugon ni Rohi na isinandal na ang likod sa kanyang swivel chair, tinuro niya ang sofa sa kabilang sulok ng silid na hindi ni Daviana nakita pagpasok niya sa loob ng silid kanina. “Doon ka na maupo. Kung sakaling may tira ka, ilagay na lang natin sa fridge. Malaki naman ang fridge ko, kasyang-kasya iyan.” sinulyapan ng binata ang pagkain, sa tantiya niya ay kaunti lang naman iyon at kayang-kaya ni Daviana iyong ubusin. “Or ubusin mo na lang kaya? Kaunti lang naman iyan eh. Huwag ka ng magtira. Baka naman nahihiya ka
NANG MARINIG IYON ay napahawak na si Daviana sa kanyang dalawang tuhod na naramdaman na niyang biglang nangatog. Napalunok na rin siya ng laway sa sobrang tensyon na naramdaman niya. Kulang na lang ay huminga siya nang malalim para lang mailabas niya ang bigat na nasa loob ng kanyang dibdib. “Ayos lang, Rohi. Sige. Hindi naman pwedeng ma-delay iyon nang dahil lang sa akin.” May guwang sa kanyang puso na hindi niya maipaliwanag ng salita pero alam niya kung saan iyon galing. Hindi niya mapigilan ang sariling mabahala. Si Rohi ang nagsabi sa kanya noon na bibigyan siya nito ng oras, tapos ngayon sasabihin nitong hindi siya maghihintay habang panahon. Gusto niya sanang ipaalala iyon sa kanya, pero pinigilan na lang niya ang dila. Wala siyang karapatan na mag-demand dito. Siya na nga rin ang tinutulungan nitong magkaroon ng trabaho eh. Siya pa ‘tong ganito. Wala rin namang dahilan upang i-gate keep nito ang kanyang pwesto. Naghahanap ang company nina Rohi ng translator sa team, kung hin
HINDI NA NAPANSIN ni Daviana na sobrang lapit na ng mukha niya kay Rohi. Hindi niya iyon na-re-realize dahil sobrang invested siya na makakuha ng sagot sa tinatanong niya sa binata. Gustuhin mang umiwas ni Rohi ay hindi niya magawa dahil biglang mailang sa kanya si Daviana. Kung kanina ay may pagitan pa silang dalawa sa gitna ng sofa, ngayon ay wala dahil sinakop na iyon ng dalaga. Nasa gitna na ito at sinisiksik na niya sa gilid si Rohi. Hindi lang iyon, nakalagay na ang isang braso ni Daviana sa isang hita ni Rohi. Hindi niya pa rin iyon napapansin ng sandaling iyon.“S-Sagot…totoo bang iyon lang ang pakay mo kaya nakikipagkaibigan ka sa akin?”Naamoy na ni Rohi ang matamis na amoy ng fruit wine sa hangin nang dahil sa hininga ni Daviana. Napaiwas na siya ng tingin sa dalaga. Ngunit hindi siya nakatiis. Muli niya itong nilingon at ang nakaagaw ng pansin niya ay ang pagbuka at pagsara ng mga labi ni Daviana na parang ang sarap kagatin. Kulay cherry pink ang mga ito, at kumikinang na
MABIGAT NA BUMAGSAK ang mga mata ni Rohi sa lamang wine ng basong kanyang tangan. Hindi niya alam ang tungkol doon. Ngayong nalasing ang dalaga saka pa lang niya nalaman na may ganun palang eksena at namagitan sa kanilang ni Daviana. Kumabog na ang kanyang puso. Para itong ginigiba sa bilis ng dagundong at ng tibok. Humigpit na ang hawak niya sa baso ng wine. Hindi siya dapat magpahalata na apektado. Ang kailangang makita ng dalaga ay wala lang sa kanya ang bagay na iyon. “Paano mo iyon ginawa? Marunong ka ba noon?” medyo amaze na tanong ni Rohi kahit kabado na.“Oo, hindi ba itinuro sa inyo iyon noong nag-aaral ka pa? Madali lang naman. Nagawa nga kitang iligtas hindi ba? Kung hindi ako marunong e 'di sana wala ka na ngayon. Mouth to mouth breathing lang iyon. Parang bibigyan kita ng hangin sa katawan para makahinga ka. Ganun lang naman iyon ka-simple, Rohi.”Naitindihan na agad ni Rohi ang kanyang mga sinasabi. Malinaw na rumihistro iyon sa kanyang malikot na imahinasyon. Napaiwas
BIGLANG UMUSOD NA naman si Daviana palapit sa katawan ni Rohi na naging dahilan upang mapigilan ang binata sa kanyang mga sasabihin pa sana. Ipinakita niyang masama pa rin ang loob niya sa pamamagitan ng pakikipagtitigan niya sa lalaki gamit ang kanyang puno ng hinanakit at poot na mga mata. Hindi naman magawang itulak ito ni Rohi papalayo at baka mamaya kung ano pa ang mangyari. Sa halip na iwasan ay nilabanan na lang niya ang nandidilat nitong mga mata habang nakakunot ang noo.“Ang damot mo! Pagkatapos mong ipatikim sa akin iyon, pinagdadamutan mo ako? Sanay hindi ka na lang nag-presenta hindi ba? Proud ka pang sabihin na low alcohol.”Kumurba sa isang ngiti ang labi ni Rohi. Cute na cute na siya ngayon kay Daviana. Bumigat pa ang hinga nang dalaga na naramdaman ng binata nang mas idinikit niya pa ang mukha sa kanya. Iyong tipong ipinaparamdam niya talaga ang bigat ng hinga. Nang kulang na lang ay sumandal sa dibdib niya si Daviana ay hinawakan na ni Rohi ang kanyang palapulsuhan u
SA KABILA NG hiling ni Daviana ay hindi siya natiis ng binatang pabayaan na lang. Sinundan pa rin siya ni Rohi sa ibaba ng hotel upang masiguradong mayroon siyang masasakyang taxi dahil kung wala ay ready naman siyang ihatid ang dalaga sa bahay nila na siya namang dapat niyang gawin. Hindi man sila ni Daviana magkasamang lumulan ng lift pababa, ginamit naman ng binata ang hagdan kung kaya naman pagbaba niya ng lobby ay tumatagaktak na ang pawis sa kanyang buong katawan at mukha. Habang nagmamadali naman na papalabas ng lobby ay nakita siya ni Daviana sa gilid ng kanyang mga mata. Masama na ang hilatsa ng mukha ng dalagang nilingon si Rohi na mabilis namang natigilan pagsunod. Ngunit nang muling humakbang ay muli niya rin itong sinundan. Bigla siya ni Daviana na nilingon ulit.“Sabi ko huwag mo na akong ihatid hindi ba? Huwag mo rin akong sundan! Napakakulit mo naman!” bulalas nitong hindi alintana ang mga taong makakarinig sa kanilang dalawa, na mangilan-ngilan lang.Tuluyang napa-pre
BINOMBA NI WARREN si Daviana ng mga message at tawag gamit ang social media account. Hindi pa siya nakuntento doon at walang patid din niyang tinawagan ang kanyang numero. Ganunpaman ang gawin niya, patuloy siyang dineadma ng dalaga. Isang araw pa ang lumipas at hindi na nakatiis si Warren sa ginagawa ng dalaga na kahit i-seen ay hindi nito ginagawa. Naisip niya na baka nga ni-restrict na siya nito. Nagtungo na siya ng bahay nina Daviana, nagkatong naroon ang ama ng dalaga at siya mismo ang nagbukas ng pintuan. Lumapad ang ngisi nito nang makitang siya iyon. “Oh? Warren, napadalaw ka?” “Tito Danilo, hinahanap ko po si Viana. Nariyan po ba siya sa loob?”“Si Daviana? Oo yata. Nasa silid niya. Hindi mo ba siya makontak?”“Hindi niya po sinasagota ang tawag ko.”“Sandali at sasabihan ko siyang bumaba para harapin ka. Maupo ka muna sa sofa. Dito mo na siya hintayin.”anang ama ni Daviana na mabilis ng umakyat ng hagdanan nila.Sinundan lang siya ng tingin ni Warren. Pagdating ng lalaki