Lizabeth's POV
Puti. Bakit puro puti ang nakikita ko sa paligid? Patay na ba 'ko? Dahan-dahan kong iminulat ang pakiramdam ko'y napapagod ko ng mga mata. Sumilay agad sa akin ang puting kisame.
"Beth? Finally, you're awake."
Napalingon ako sa aking kanang bahagi nang may marinig akong pamilyar na boses ng lalaki. Nakangiti siya sa akin habang nakaupo sa kamang hinihigaan ko. Dahil sa hitsura ng silid, sigurado akong wala ako sa mansyon kundi nasa ospital ako.
Dahil sa wala pa 'ko sa ulirat ay hindi ko na nasagot pa ang sinabi niya. Ano bang nangyari? Bakit ako nandito?
Pinilit kong alalahanin ang huling nangyaring naaalala ko. Gabi na no'n at kakatapos ko lang kausapin sa video call ang mga kaibigan ko. Tapos nakaramdam ako ng uhaw at pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig. May narinig akong kalabog na nagmumula sa likod-bahay ng mansyon kaya pinuntahan
(Continuation of chapter 29) Lizabeth's POV Nagising ako sa ingay na nagmumula sa baba. Napansin kong may konting siwang ang pintuan ng kwarto at nakalimutan sigurong isarado. Pagbangon ko ay tiningnan ko ang oras mula sa wall clock na nakasabit sa taas ng pintuan. 1:37 p.m Ang tagal ko palang nakatulog. Bumangon na ako sa kama at diretsong nagpunta sa baba. Nakita ko ang bukas na pintuan ng silid kung saan makikita ang mala cinemang big screen. May mangilan-ngilang lalaki ang naglalabas pasok dito papunta sa labas ng mansyon. Napatigil ako sa tapat ng kusina kaya pumasok na ako doon. Sinalubong ako ni Faye na nakasuot ng apron. "Hi, Ma'am Beth! Nagugutom po ba kayo? Ipagluluto ko po kayo ng gusto niyo," masiglang wika niya. "Ah... sandwich at juice na lang." Umupo na ako sa bakanteng upuan at pinanood ko lamang ang mga kasambahay
Lizabeth's POV "Katulad kaya ng mga nanay sa teleserye 'yong mother ni Kenzo?" tanong ni Weslynn habang nagtitipa sa kanyang laptop na nasa ibabaw ng center table. "What do you mean?" wika naman ni Irene na sinagot ng tanong ang tanong ni Weslynn. "'Di ba? Like, aalukin ka ng hundred million para lang layuan mo ang anak ko keme-keme. Kapag hindi ka lumayo sa anak ko ipapapatay kita ganern." "Hindi natin alam, pero sana naman hindi maging gan'yan ang sasabihin ng mommy niya. Pakiramdam ko tuloy gusto ko nang lumayas dito sa mansyon," nakabusangot kong tugon. Nandito kami sa library sa mansyon upang gumawa ng research presentation namin. Mabuti na lamang at pinayagan naman kami ni Kenzo, para naman daw hindi ako mag-isa dito. Napagpasyahan kasi ni Kenzo na 'wag muna akong pumasok ng school kaya sila Irene muna ang tutor ko pansamantala. "Hay, naku! Basta kapag may
(Continuation of chapter 30) Lizabeth's POV Nahumaling ako sa ganda ng dagat kaya naman binitawan ko ang kamay ni Kenzo at tumakbo na ako sa puting buhangin habang nakataas ang magkabilang braso at nilalanghap ang sariwang hangin. "Breath taking." Napabulong ako sa kawalan dahil sa sobrang saya. Ngayon ko lang nalaman na may ganito pala dito. "Ehem." Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang pagtikhim ni Kenzo. Lalong lumawak ang ngiti ko nang makita ang hawak niyang bouquet ng pink roses na nakabalot sa puting tela. "These flowers are as beautiful as you. But the difference between the two of you, they are many but you, you are the only one in my heart," wika niya habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. Napahagalpak ako ng tawa at halos mawalan na ako ng hininga. Pakiramdam ko ay kailangan ko ng oxygen kung sakaling bumagsak na lang ako
Lizabeth's POV Naghahanda na ako para sa aming pag-alis. Sabado na kasi ngayon at ngayon din ang kaarawan ni Lloyd. Syempre wala munang work sila Kenzo dahil imbitado lahat ng mga katrabaho nila. Nakasuot ako ng simpleng pink drop waist style dress na below the knee ang haba at saka two inch sandals na dark pink naman. Tumerno din dito ang pink pouch ko. "Tatawag ka lang ba para mangulit? Pang sampong beses mo nang tumawag simula pa kaninang madaling araw para lang ipaalalang birthday mo!" Napalingon ako sa kakapasok lang na si Kenzo habang nakakunot ang noo at may kausap sa telepono. Base sa pananalita niya ay mukhang si Lloyd ang kausap niya. Sikreto akong natawa dahil sa narinig. Ito naman kasing si Lloyd parang hindi na makatulog. Pinatay niya ang tawag at saka ako nilapitan. "Ano ba 'yan? Ang aga-aga para kayong aso't pusa. Hindi ba pwedeng magk
(Continuation of chapter 31) Lizabeth's POV Parehong napatigil sa pagsasalita sila Kevin at Lloyd at sabay na napatingin sa direksyon namin. Nakita ko ang paglikot ng mga mata ni Kevin at nagpatuloy lamang sa pagkain. "Hey! Nandito na pala kayo, have a seat." Kung hindi pa kami inanyayahan ni Lloyd na umupo ay baka nakatayo pa din kami at hindi makapaniwala sa nakita kani-kanina lang. Umupo ako sa tabi ni Kenzo habang sila Weslynn at Irene naman ay sa tabi ni Kevin na simpleng kumakain ng carbonara. "Ikaw, ha. Nauna ka pa palang umalis sa amin, mas excited ka pa ata kaysa kay Lloyd, eh," panunukso sa kanya ni Weslynn. "Ano bang sinasabi niyo?" simple niyang tanong. "Ang sabi kasi ng mommy mo kanina noong dumaan kami sa inyo, pumunta ka daw ng mall. But it looks like the opposite." Gumuhit sa labi ni Irene ang makahulugang ngiti.
Lizabeth's POV "Thank you so much for joining me and my brother in this very special day for me. Na-appreciate ko lahat ng mga dumalo and of course ang mga nagbigay ng regalo. So, tuloy lang ang party hanggang midnight!" Nagsigawan ang mga bisita nang matapos mag-speech si Lloyd. Itinaas namin ang mga mga baso namin na mayroong champagne. "Long life, Kuya!" sigaw ni Luis. "Maging mature ka na! 'Wag ka ng maging isip bata!" Nagtawanan naman kami dahil sa sinabi ni Kenzo. Matapos no'n ay sabay-sabay naming ininom ang laman ng mga baso namin at saka nagpalakpakan. Madilim na ang paligid dahil seven o'clock na din ng gabi. Nang kumagat ang dilim kanina ay mas lalong lumitaw ang ganda ng bahay nila Lloyd dahil sa mga nagkikislapang ilaw sa buong bahay. "Punta lang akong CR," bulong ko kay Kenzo na nasa aking tabi. Nasa iisang table lang k
(Continuation of chapter 32) Lizabeth's POV "Bye, guys! Thanks for today, sobrang saya ko na nakadalo kayo. Lalo ka na Kevin," wika ni Lloyd. Kakatapos lang ng party. Eleven o'clock na din ng gabi kaya napagpasyahan na naming magpaalam. Hindi ko na sinabi kay Kenzo o sa mga kaibigan ko ang nangyari sa 'kin kanina. Wala namang masamang nangyari sa akin kaya mas pinili ko na lang itago sa kanila. "S'ya nga pala, nakita niyo ba si Luis? Bigla na lang kasing nawala kanina." Napakagat ako sa labi dahil sa tanong ni Lloyd. Malamang ay nasa kwarto pa din na madilim si Luis kung saan ko siya iniwan kanina. Napahigpit ang hawak ko sa pouch. Nagpalinga-linga ang mga kasama ko sa paligid habang ako ay nakatingin lamang sa kawalan. "'Di bale, baka natutulog na. Ang dami din kasing nainom kanina. Paano ba 'yan, gabi na, magpapahinga na din ako." Niyakap ni Lloy
Lizabeth's POV "Who's that girl?" tanong ng batang babae na kung hindi ako nagkakamali ay Raen ang pangalan. Lahat sila ay napatingin sa direksyon ko nang magsalita si Raen. Ang kanyang ama ay kagaya ng anak niyang babae, walang kaemo-emosyon ang mukha. Habang ang ina naman niya ay napaka lawak ng ngiti at hindi mo aakalaing may dalawang anak na dahil sa sobrang ganda. "Finally, she's here." Tumayo si Kenzo mula sa kinauupuan at saka lumapit sa akin at inakbayan ako. "Mom, Dad, this is Lizabeth, my wife." Pilit akong ngumiti sa kanila at saka ako kumaway. Tumayo si Tita Kendra at saka lumapit sa akin. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa, niyakap niya 'ko. "Wow, mapa-letrato at personal, napaka ganda mo pala talaga, hija." Naaamoy ko ang napaka bango niyang pabango. Pati ang buhok niya ay talaga namang nakakahumaling ang amoy. Ku
Lizabeth's POV"Ano ba? Saan mo ba 'ko dadalhin?""Basta, malapit na."Hindi ko alam kung ano na namang pakulo itong naisip niya. Kanina kasi habang nag-aasikaso ako ng mga gagamitin sa kasal namin sa isang araw ay bigla na lang niya 'kong hinila palabas ng tinitirahan ko ngayon.Nakatakip ang mata ko ng isang pulang tela. Nararamdaman ko ang malamig na hangin na yumayakap sa akin at dahil naka tsinelas lang ako ay alam kong buhangin ang tinatapakan namin ngayon."Ready ka na ba?" tanong niya at dahan-dahang kinakalag ang buhol ng tela."Naku, Kenzo! Kanina pa!"Tinanggal na niya ang piring ko at namangha ako nang bumungad sa harapan ko ang isang magandang mansyon. Sa likod nito ay makikita ang mga puno. Sa tantsa ko ay tatlong palapag ang taas nitol. Gray, white, at black ang kulay nito.Pagtingin ko sa aming lik
(Continuation of chapter 50)Lizabeth's POVNang marinig ko ang sinabi ni Lloyd ay mabilis akong nagyaya na umalis na. Para akong nanlalambot habang nasa loob ako ng kotse. Hindi ako mapakali."Kalma ka lang, Beth.""Kalma? Lloyd, paano ako kakalma sa oras na 'to? Paano kung hindi ko na siya maabutan ng buhay? Lloyd, akala mo ba makakaya ko 'yon?" Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko sa mata habang natuon ang pansin sa labas.Tahimik lang ang naging byahe namin ni Lloyd. Ni hindi ko na nga pinagtuunan ng pansin ang daang tinatahak namin. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay si Kenzo. Nag-aalala na 'ko sa kanya.Maya-maya ay huminto ang sasakyan sa parke. Nagtatakha kong tiningnan si Lloyd na ngayon ay nagtatanggal na ng seatbelt."Lloyd, anong ginagawa natin dito? Sa ospital dapat tayo pumunta, baka ano nang nangyari kay Kenzo."Hindi niya '
Lizabeth's POVPara bang namamanhid na ang kanang hita ko habang tumatagal. Nahihirapan na 'kong kumilos. Tumigil ang sinasakyan namin ni Luis sa isang lugar kung saan maraming palayan at puno sa paligid. Wala akong maririnig na ingay at tanging simoy ng hangin lang ang nadidinig ng tainga ko."We're here."Kinalas na ni Luis ang seatbelt naming dalawa at naunang lumabas ng sasakyan bago ako alalayang makalabas. Nasa kanang kamay niya ang baril na hawak habang iika-ika akong humakbang.Saka ko lamang napansin ang malawak na kaparangan kung saan kami huminto."Kuya!" sigaw ni Luis.Minulat ko ang mga mata ko at gano'n na lang ang tuwang nararamdaman ko nang matanaw sa 'di kalayuan ang mga sasakyan ng pulis at mga men in black. Naroroon din sila Lloyd at si Kenzo na kaagad na napaangat ang tingin sa amin.Nabuhayan ako ng loob nang maki
(Continuation of chapter 49)Third Person's POV"Kenzo! Nag-text si Luis, papunta na daw sila." Tumakbo papalapit si Lloyd sa kaibigan na nag-aabang sa labas ng condominium.Umaga na at saktong natanggap ni Lloyd ang mensahe mula sa kapatid."Let's go, call the police and prepare the team," maawtoridad na wika ni Kenzo ngunit papasok pa lamang sila ng sasakyan ay biglang dumating ang mga kaibigan ni Beth."Sandali!" sigaw ni Weslynn at tumakbo sa kinaroroonan ng dalawa. Nasa likuran niya sila Irene at Kevin."Anong ginagawa niyo dito, sweetheart?" Sinalubong ni Lloyd si Kevin at niyakap ito ng mahigpit."We're just hoping na pwede kaming sumama sa inyo," tugon naman niya at kumalas sa yakap.Tumingin si Lloyd kay Kenzo na seryoso ang mga matang sinasalubong ang bawat titig niya. Alam na niya ang ibig sabihin ng kaibigan at muling hinarap a
(Continuation of chapter 49)Third Person's POVNormal lang na nagmamaneho si Luis ng sasakyan habang nasa tabi niya ang mahimbing na natutulog na si Beth. Chine-check naman niya kung may buhay pa ito bawat minuto sa pamamagitan ng paglapit ng hintuturo niya sa ilalim ng ilong nito.Hapon na at medyo malayo pa ang lugar kung saan sila magtatagpo ni Kenzo at ng kuya niya. Sa huli ay nakipagkasundo siya sa mga ito para sa kaligtasan ni Beth."Beth, sana next time na mag-road trip tayo, hindi ka na duguan."Para siyang baliw na nagsasalita at kausap si Beth kahit na alam naman niyang hindi ito maririnig ng babae. Napaka tahimik din naman kasi sa loob ng sasakyan simula nang makaalis sila ng lumang building."Na-miss ko din na makasama ka kahit sa ganitong sitwasyon. Miss na miss ko lahat ng tungkol sayo." Ngumiti siya at parang sinasariwa ang lahat ng mga pinagsamahan nila ng babae s
Third Person's POV"Nasaan si Beth?!" sigaw ni Kenzo sa mukha ni Luis na nakatayo at nakapamulsa. Para bang hindi ito nasisindak sa boses ni Kenzo."How many times I need to tell you that I don't know? You're just wasting your time," walang gana niyang tugon.Kinuwelyuham siya ni Kenzo ngunit nanatili lamang siyang kalmado. Nasa likuran ni Kenzo si Lloyd na nakatingin sa ibang direksyon. Masakit din sa kanyang makita ang kapatid na sinisigawan o sinasaktan pero hindi naman niya ito kukunsintihin kapag mali na ang ginagawa niya."Mamili ka, sasabihin mo kung nasaan siya o sisirain ko 'yang pagmumukha mo?"Ilang segundo pa silang nagkatitigan. Napaka tahimik sa kwarto ni Luis kung nasaan sila ngayon."Hindi ko alam—"Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay sinuntok na agad siya ni Kenzo sa mukha kaya napaatras siya. Si Lloyd naman ay
(Continuation of chapter 48)Third Person's POVMahimbing na natutulog si Luis mula pa kanina. Hindi na din kasi niya kinaya ang antok kaya napagpasyahan niyang umidlip kahit sandali.Nagising ang kanyang diwa nang makarinig ng mga yabag mula sa pasilyo. Sigurado siyang si Allyson ito kaya kaagad niyang inayos ang sarili. Sakto naman na pumasok ang babae sa pinto."Umuwi ka muna para makapagpalit ng damit. Ako na ang magbabantay sa kanya," wika nito at umupo sa sofa."Sigurado ka ba?"Tumango lamang si Allyson habang nagtitipa sa cellphone. Sumulyap muli si Luis sa monitor bago na lumabas ng pinto. Hindi pa din kasi siya nakakaligo at nakakapagpalit ng damit simula nang makarating sila dito. Alam niya sa sarili niyang hinahanap na din siya ng kuya niya.Nang makaalis si Luis ay tumingin si Allyson sa monitor at nakaisip ng hindi magandang bagay. Tumayo s
(Continuation of chapter 48)Third Person's POV"Ginagawa ang alin?"Patuloy lang sa pagkain si Beth habang sinusubuan siya ni Luis. Kung titingnan ay parang normal lang silang nag-uusap sa kabila ng kalagayan niya ngayon."Ito, hindi ba't kinidnap mo 'ko? Pero bakit mo 'ko pinapakain?""Ayaw kong nagugutom ka," simple niyang sagot.Hindi pa din kumbinsido si Beth."Plinano niyo ba 'to ni Allyson?"Doon na napatigil si Luis sa ginagawa at saka seryosong tiningnan ang babae sa mga mata."Y-yes, but she didn't know this. Itong ginagawa ko ngayon, gusto niyang mamatay ka sa gutom pero sa tingin mo ba kaya kong makita kang nahihirapan?"Para bang nakaramdam ng kirot sa dibdib si Beth. Dapat pala ay nakinig na lamang siya sa sinabi ni Kenzo na layuan na si Luis. Ngunit kahit na may galit ito dahil
Third Person's POVDahan-dahang minulat ni Beth ang napapagod niyang mga mata. Bahagya pang umiikot ang paningin nito dahil sa pagkahilo. Nagising siya sa loob ng isang maliit na kwarto. May maliit na bumbilya sa kanyang ulunan na nagbibigay ng liwanag sa silid.Tatayo na sana si Beth ngunit napansin niya ang lubid na nakatali sa kaniyang katawan at sa upuang kinalalagyan niya ngayon. Maging ang mga paa niya ay nakatali din. Nasaan siya?"Tulong! Tulungan niyo 'ko!" sigaw niya habang sinusubukang makawala sa pagkakatali ngunit sadyang mahigpit ito.Sa kanyang harapan ay mayroong pintuang bakal na medyo kinakalawang na. Ang sahig ng silid ay madumi na din, maging ang kisameng binahayan na ng gagamba.Sa kabilang bahagi ng lugar ay naroroon si Allyson at Luis habang pinagmamasdan si Beth sa pamamagitan ng camerang nakakabit sa silid na iyon."Anong plano mo sa ka