Lizabeth's POV
Ramdam ko ang pagtibok ng kanyang puso habang nakayakap siya sa akin at maging ang iniinom nilang alak ay naaamoy ko mula sa kanyang bibig. Hindi ako makagalaw, hindi makaimik, at hindi ko alam kung anong emosyon ang dapat kong maramdaman.
Hindi pa man nagtatagal ng ilang segundo ang pagkakayakap niya sa akin ay nagulat ang lahat nang bigla siyang hilain ni Kenzo at binigyan siya nito ng malakas na suntok sa pisnge.
"Kenzo!" Napatakbo si Lloyd papunta kay Kenzo at saka niya ito niyakap sa likod upang pigilan itong saktan ang kanyang kapatid.
Kaagad akong tumayo at pinuntahan si Luis. Dumudugo ang labi niya at mukhang pumutok ito.
"Wow! So you're going to defend him, huh?" wika ni Ken.
"Bro, calm down—"
"Don't touch me, Pineda!" Naputol ang sasabihin ni Lloyd nang bigla siyang sinigawan
(Continuation of chapter 20) Lizabeth's POV Nakarating ako sa madilim na parte ng resort at doon ko na ibinuhos lahat ng sama ng loob ko. Ang t*nga ko. Sobrang t*nga ko. "Argh!" Halos mabasag na ang boses ko dahil sa lakas ng pagsigaw ko sa kawalan. Pero on the other side, ano ba itong nararamdaman ko? Nagseselos ba 'ko? Pero bakit? Wala naman akong karapatan 'di ba? Hindi naman kami tunay na kasal pero f*ck this life! May karapatan naman siguro akong masaktan 'di ba? May damdamin din naman ako. Napaupo na lamang ako sa buhangin dahil pakiramdam ko ay nanghihina na 'ko. Tuloy lamang ako sa pag-iyak na ani mo'y hindi nauubos ang luhang lumalabas sa mga mata ko. Matapos ang mahabang sakit at kirot sa dibdib ko ay sa wakas nailabas ko na din. Nami-miss ko na sila Mama, Ate Lucy, Irene, Weslynn, at Kevin. Gusto ko na lang bumalik sa dati kong
Lizabeth's POV Nandito na kami ngayong lahat sa labas ng hotel at naririto na din ang mga van na sasakyan namin pauwi. Si Kenzo ay nasa loob pa din ng hotel at siguro'y pababa na din dala ang mga bagahe namin. Syempre may kasalanan pa siya sa akin kaya pinabayaan ko siya doong mahirapan. Nakasuot na ako ngayon ng pink sando, maong na short, sandals, at saka sunglasses. Nakalugay naman ang wig ko at heto ako't nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang dagat sa huling pagkakataon. "Bakit mag-isa ka dito?" Bigla na lamang sumulpot si Luis sa aking tabi. Nang makita ko siya ay kaagad akong dumistansya at baka makita na naman kami ni Kenzo. Mag-aalburoto na naman siya panigurado. "Kasi wala akong kasama," pamimilosopo ko naman. Natawa siya sa sinagot ko ngunit nanatili akong nakatingin sa kawalan kaysa bigyan siya ng pansin. Simula nang tapus
(Continuation of chapter 21) Lizabeth's POV "Wow! Saan ka naman nanggaling, ha? Bakit ang dami mong pasalubong?" tanong ni Weslynn habang kumakain ng binili ko para sa kanilang tatlo. Sila Irene at Kevin naman ay abala sa pagsusukat ng damit. Nandito kami ngayon muli sa bahay nila Irene dahil tinawagan ko sila kanina. "Oo nga, ang sabi ni Teacher may sakit ka daw? Tapos ngayon may dala kang ganito," saad naman ni Kevin. "Ah, eh. Wala, m-may nagbigay lang sa akin na kakilala ko na galing sa Boracay noong nakaraan. Ang sabi niya bigyan ko daw mga kaibigan ko saka sila Mama." Napakagat ako sa labi ko dahil sa pagsisinungaling ko sa kanila. "Gano'n? Pakisabi salamat, nga pala. Anong oras tayo pupunta sa inyo?" tanong ni Irene at saka sila sabay na umupo ni Kevin sa harap namin ni Weslynn. "Ang sabi ko kay Ate kahit mamayang hapon n
Lizabeth's POV "Aish! Ano ba 'yan?! Project, project, puro na lang project! Gusto ba talaga nilang matapos ang school year na 'to na nakikita tayong nahihirapan?!" wika ni Weslynn na halos mayupi na ang gunting sa higpit ng pagkakahawak habang nandito kami ngayon sa gym at nagtutulungan sa group project namin. "Hey, Weslynn, relax," saad naman ni Irene na kalmado lamang na naggugupit ng colored paper. "'Di bale sana kung magte-teacher tayong lahat, 'di ba? Para naman maibalik natin sa mga estudyante 'yong hirap kaso hindi!" saad muli ni Weslynn at itinaktak ang glue sa isang papel at mukhang doon niya binubuhos ang galit niya. Hindi man lang niya pinansin ang sinabi ni Irene. "Part naman ng life natin ang mahirapan. Kaya tiis-tiis lang kayo." Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Kevin. "Basta magkakasama tayo, kaya natin 'to. 'Wag kayong mawalan ng lakas ng loob
(Continuation of chapter 22) Lizabeth's POV "Welcome sa show ko, Mr. and Mrs. Navarro. Grabe, napaka ingay ng pangalan niyo sa mundo ng showbiz at social media. So, naisip kong gawin ang interview na 'to para sa mga fans niyo na gusto pa kayong makilala," wika ng bakla na kung hindi ako nagkakamali ay si Vince Ganda. "Masaya din po kami ng asawa ko na na-invite kami sa show na ito," tugon naman ni Kenzo at talagang hinawakan pa ang kamay ko. Lihim namang napaikot ang mata ko. Ang plastic talaga, grabe. "So, marami nang nakakakilala sayo, Kenzo. Kaya ngayon, si Mrs. Navarro muna ang i-interview-hin ko, curious din kasi ang mga taga-hanga ng love team niyo about sayo, Liza." Ngumiti naman ako bilang tugon pero ang totoo ay binabanas ako sa pagkakahawak ng kamay ni Ken sa akin. "First question, saan ka originally nakatira?"
Lizabeth's POV "Saan ka ba nagpunta kahapon? Bigla ka na lang nawala akala namin na-kidnap ka na," wika ni Kevin habang sabay-sabay kaming naglalakad na apat papaakyat sa hagdan. "Oo nga, ang akala tuloy ng prof natin nag-cutting class ka," saad naman ni Weslynn. "And you also didn't reply to my text," naiiritang banggit ni Irene. Nagpakawala ako ng buntong hininga at saka tumigil sa paglalakad. Nakatingin lamang silang tatlo sa 'kin at hinihintay ang paliwanag ko sa mga sinabi. "First of all, hindi ako nag-cutting class. Second, hindi ako na-kidnap. Third, hindi ako nakapag-reply sayo, Irene dahil naubusan ako ng load. At ang sagot sa tanong na kung saan ako nagpunta, bigla kasi akong nahilo kaya naisipan kong umuwi na lang muna." "Sinong kasama mo?" tanong ni Weslynn. "W-wala," pagsisinungaling ko naman. &nbs
(Continuation of chapter 23) Lizabeth's POV Habang papalapit ako nang papalapit sa kanyang silid ay doon na nagtaasan ang balahibo ko nang marinig ang sunod-sunod na ungol. "Hmm... yes." "Oh..." Nang makarating sa harap ng pinto ay nanginginig pa ang mga kamay ko habang inaabot ang seradura ng pinto. Pinagdadasal ko na sana ay mali ang hinala ko. Pinihit ko na ang pintuan at saka ako sumilip sa maliit na siwang nito. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang isang babaeng walang saplot at nakapatong sa ibabaw ni Kenzo na kapwa wala ding suot na kahit ano. Nilakihan ko ang bukas ng pintuan. "Mga hayop kayo!" Doon na sila parehong napatigil sa ginagawang milagro at saka napatingin sa direksyon ko. Mahigpit ang pagkakakuyom ng aking mga kamao habang nanginginig
Lizabeth's POV Ilang Linggo na din ang nakalipas simula nang mahuli kong may kasamang babae si Kenzo sa kwarto niya pero hanggang ngayon ay hindi pa din kami nagkakaayos. Kabi-kabila din ang TV guesting na dinadaluhan namin at may nag-aalok pa nga sa akin na maging artista din pero tinatanggihan ko ito. Kay Kenzo pa nga lang ay ang dami ko ng kamalasang nararanasan tapos papasukin ko pa ang impyerno ng buhay niya? "Beth, matanong ko nga, bakit napapadalas ata ang pag-absent mo, ha? Halos hindi ka na pumasok, minsan half day, minsan late ka pa. Ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Kevin. Kasama ko silang tatlo ngayon dito sa cafeteria at kumakain ng recess. Napapadalas na din ang pagliban ko dahil sa mga biglaang guesting namin ni Kenzo. "Oo nga, may sakit ka ba?" dagdag naman ni Weslynn. "Wala, medyo sumasama lang talaga ang pakiramdam
Lizabeth's POV"Ano ba? Saan mo ba 'ko dadalhin?""Basta, malapit na."Hindi ko alam kung ano na namang pakulo itong naisip niya. Kanina kasi habang nag-aasikaso ako ng mga gagamitin sa kasal namin sa isang araw ay bigla na lang niya 'kong hinila palabas ng tinitirahan ko ngayon.Nakatakip ang mata ko ng isang pulang tela. Nararamdaman ko ang malamig na hangin na yumayakap sa akin at dahil naka tsinelas lang ako ay alam kong buhangin ang tinatapakan namin ngayon."Ready ka na ba?" tanong niya at dahan-dahang kinakalag ang buhol ng tela."Naku, Kenzo! Kanina pa!"Tinanggal na niya ang piring ko at namangha ako nang bumungad sa harapan ko ang isang magandang mansyon. Sa likod nito ay makikita ang mga puno. Sa tantsa ko ay tatlong palapag ang taas nitol. Gray, white, at black ang kulay nito.Pagtingin ko sa aming lik
(Continuation of chapter 50)Lizabeth's POVNang marinig ko ang sinabi ni Lloyd ay mabilis akong nagyaya na umalis na. Para akong nanlalambot habang nasa loob ako ng kotse. Hindi ako mapakali."Kalma ka lang, Beth.""Kalma? Lloyd, paano ako kakalma sa oras na 'to? Paano kung hindi ko na siya maabutan ng buhay? Lloyd, akala mo ba makakaya ko 'yon?" Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko sa mata habang natuon ang pansin sa labas.Tahimik lang ang naging byahe namin ni Lloyd. Ni hindi ko na nga pinagtuunan ng pansin ang daang tinatahak namin. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay si Kenzo. Nag-aalala na 'ko sa kanya.Maya-maya ay huminto ang sasakyan sa parke. Nagtatakha kong tiningnan si Lloyd na ngayon ay nagtatanggal na ng seatbelt."Lloyd, anong ginagawa natin dito? Sa ospital dapat tayo pumunta, baka ano nang nangyari kay Kenzo."Hindi niya '
Lizabeth's POVPara bang namamanhid na ang kanang hita ko habang tumatagal. Nahihirapan na 'kong kumilos. Tumigil ang sinasakyan namin ni Luis sa isang lugar kung saan maraming palayan at puno sa paligid. Wala akong maririnig na ingay at tanging simoy ng hangin lang ang nadidinig ng tainga ko."We're here."Kinalas na ni Luis ang seatbelt naming dalawa at naunang lumabas ng sasakyan bago ako alalayang makalabas. Nasa kanang kamay niya ang baril na hawak habang iika-ika akong humakbang.Saka ko lamang napansin ang malawak na kaparangan kung saan kami huminto."Kuya!" sigaw ni Luis.Minulat ko ang mga mata ko at gano'n na lang ang tuwang nararamdaman ko nang matanaw sa 'di kalayuan ang mga sasakyan ng pulis at mga men in black. Naroroon din sila Lloyd at si Kenzo na kaagad na napaangat ang tingin sa amin.Nabuhayan ako ng loob nang maki
(Continuation of chapter 49)Third Person's POV"Kenzo! Nag-text si Luis, papunta na daw sila." Tumakbo papalapit si Lloyd sa kaibigan na nag-aabang sa labas ng condominium.Umaga na at saktong natanggap ni Lloyd ang mensahe mula sa kapatid."Let's go, call the police and prepare the team," maawtoridad na wika ni Kenzo ngunit papasok pa lamang sila ng sasakyan ay biglang dumating ang mga kaibigan ni Beth."Sandali!" sigaw ni Weslynn at tumakbo sa kinaroroonan ng dalawa. Nasa likuran niya sila Irene at Kevin."Anong ginagawa niyo dito, sweetheart?" Sinalubong ni Lloyd si Kevin at niyakap ito ng mahigpit."We're just hoping na pwede kaming sumama sa inyo," tugon naman niya at kumalas sa yakap.Tumingin si Lloyd kay Kenzo na seryoso ang mga matang sinasalubong ang bawat titig niya. Alam na niya ang ibig sabihin ng kaibigan at muling hinarap a
(Continuation of chapter 49)Third Person's POVNormal lang na nagmamaneho si Luis ng sasakyan habang nasa tabi niya ang mahimbing na natutulog na si Beth. Chine-check naman niya kung may buhay pa ito bawat minuto sa pamamagitan ng paglapit ng hintuturo niya sa ilalim ng ilong nito.Hapon na at medyo malayo pa ang lugar kung saan sila magtatagpo ni Kenzo at ng kuya niya. Sa huli ay nakipagkasundo siya sa mga ito para sa kaligtasan ni Beth."Beth, sana next time na mag-road trip tayo, hindi ka na duguan."Para siyang baliw na nagsasalita at kausap si Beth kahit na alam naman niyang hindi ito maririnig ng babae. Napaka tahimik din naman kasi sa loob ng sasakyan simula nang makaalis sila ng lumang building."Na-miss ko din na makasama ka kahit sa ganitong sitwasyon. Miss na miss ko lahat ng tungkol sayo." Ngumiti siya at parang sinasariwa ang lahat ng mga pinagsamahan nila ng babae s
Third Person's POV"Nasaan si Beth?!" sigaw ni Kenzo sa mukha ni Luis na nakatayo at nakapamulsa. Para bang hindi ito nasisindak sa boses ni Kenzo."How many times I need to tell you that I don't know? You're just wasting your time," walang gana niyang tugon.Kinuwelyuham siya ni Kenzo ngunit nanatili lamang siyang kalmado. Nasa likuran ni Kenzo si Lloyd na nakatingin sa ibang direksyon. Masakit din sa kanyang makita ang kapatid na sinisigawan o sinasaktan pero hindi naman niya ito kukunsintihin kapag mali na ang ginagawa niya."Mamili ka, sasabihin mo kung nasaan siya o sisirain ko 'yang pagmumukha mo?"Ilang segundo pa silang nagkatitigan. Napaka tahimik sa kwarto ni Luis kung nasaan sila ngayon."Hindi ko alam—"Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay sinuntok na agad siya ni Kenzo sa mukha kaya napaatras siya. Si Lloyd naman ay
(Continuation of chapter 48)Third Person's POVMahimbing na natutulog si Luis mula pa kanina. Hindi na din kasi niya kinaya ang antok kaya napagpasyahan niyang umidlip kahit sandali.Nagising ang kanyang diwa nang makarinig ng mga yabag mula sa pasilyo. Sigurado siyang si Allyson ito kaya kaagad niyang inayos ang sarili. Sakto naman na pumasok ang babae sa pinto."Umuwi ka muna para makapagpalit ng damit. Ako na ang magbabantay sa kanya," wika nito at umupo sa sofa."Sigurado ka ba?"Tumango lamang si Allyson habang nagtitipa sa cellphone. Sumulyap muli si Luis sa monitor bago na lumabas ng pinto. Hindi pa din kasi siya nakakaligo at nakakapagpalit ng damit simula nang makarating sila dito. Alam niya sa sarili niyang hinahanap na din siya ng kuya niya.Nang makaalis si Luis ay tumingin si Allyson sa monitor at nakaisip ng hindi magandang bagay. Tumayo s
(Continuation of chapter 48)Third Person's POV"Ginagawa ang alin?"Patuloy lang sa pagkain si Beth habang sinusubuan siya ni Luis. Kung titingnan ay parang normal lang silang nag-uusap sa kabila ng kalagayan niya ngayon."Ito, hindi ba't kinidnap mo 'ko? Pero bakit mo 'ko pinapakain?""Ayaw kong nagugutom ka," simple niyang sagot.Hindi pa din kumbinsido si Beth."Plinano niyo ba 'to ni Allyson?"Doon na napatigil si Luis sa ginagawa at saka seryosong tiningnan ang babae sa mga mata."Y-yes, but she didn't know this. Itong ginagawa ko ngayon, gusto niyang mamatay ka sa gutom pero sa tingin mo ba kaya kong makita kang nahihirapan?"Para bang nakaramdam ng kirot sa dibdib si Beth. Dapat pala ay nakinig na lamang siya sa sinabi ni Kenzo na layuan na si Luis. Ngunit kahit na may galit ito dahil
Third Person's POVDahan-dahang minulat ni Beth ang napapagod niyang mga mata. Bahagya pang umiikot ang paningin nito dahil sa pagkahilo. Nagising siya sa loob ng isang maliit na kwarto. May maliit na bumbilya sa kanyang ulunan na nagbibigay ng liwanag sa silid.Tatayo na sana si Beth ngunit napansin niya ang lubid na nakatali sa kaniyang katawan at sa upuang kinalalagyan niya ngayon. Maging ang mga paa niya ay nakatali din. Nasaan siya?"Tulong! Tulungan niyo 'ko!" sigaw niya habang sinusubukang makawala sa pagkakatali ngunit sadyang mahigpit ito.Sa kanyang harapan ay mayroong pintuang bakal na medyo kinakalawang na. Ang sahig ng silid ay madumi na din, maging ang kisameng binahayan na ng gagamba.Sa kabilang bahagi ng lugar ay naroroon si Allyson at Luis habang pinagmamasdan si Beth sa pamamagitan ng camerang nakakabit sa silid na iyon."Anong plano mo sa ka