Third Person's POV
“Let’s work together, what do you think?” wika ng isang babae habang umiinom ng paborito nitong wine. Nakatayo sa kanyang harapan ang isang lalaki habang nakatingin ito sa kanya.
Napailing ang lalaki at inilagay ang mga kamay sa bulsa.
“Tss, do you think this will work?” tanong nito.
Inirapan na lamang siya ng babae dahil doon. Matagal na silang magkatrabaho at lahat ng napagkakasunduan nila ay sinisigurado ng babae na hindi pumapalpak.
“Wala ka bang tiwala sa ‘kin? Oh c’mon, we have been partners in crime since we both started in this industry. We have achieved a lot together, you think this simple thing is difficult for you?”
Napahugot ng malalim na hininga ang lalaki. Malakas ang kumpiyansa ng babae sa sarili na hindi ito matatanggihan ng binata dahil pareho naman silang makikinabang sa huli.
<
(Continuation of chapter 13) Lizabeth's POV Sa mga oras na iyon ay tila ba tumigil ang oras maging ang paghinga ko. Nabibingi na ba 'ko? Mali lang naman siguro ang pandinig ko, nagbibiro lang siya 'di ba? “Y-yam naman! Hindi mo na 'ko mapa-prank. Nag-v-vlog ka siguro ‘no? Nasaan na 'yong camera?” sabi ko at nagpalinga-linga sa paligid habang pinipigilan ang pagpatak ng mga luha. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat na dahilan para magtama ang paningin naming dalawa. Wala man lang akong nakikitang emosyon sa mga mata niya. “Beth, its over,” sabi niya at sa mga oras na ito ay alam kong seryoso na siya. Nag-uunahan nang pumatak ang mga luha ko mula sa mata. Pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga at kumikirot ang dibdib ko. “P-pero bakit?” I asked between my sobs. “Ayaw ko na,” wika niya at umiwas ng tingin habang nakalaga
Lizabeth’s POV “Give him a way please,” wika ng assistant niya siguro. At kanya-kanya namang lakad papunta sa gilid ang mga estudyante habang nagsisigawan pa din. Hinila ako ng tatlo papunta sa gilid habang wala ako sa sarili. “Bakit nandito ang lalaki na ‘yan?” wika ni Irene habang nakahalukipkip at matatalim ang tingin sa lalaki. “Hindi siya nababagay dito,” suhestyon naman ni Kevin. “Oo nga, artista naman siya ah. Bakit kailangan pa niya mag-aral? And besides, graduating na din naman siya like us 'di ba? Bakit pa siya tinanggap ng campus kung third quarter na?” Weslynn said. “Money of course,” wika ni Irene at sabay ikot ng mata. Bigla akong nawalan ng gana at umiwas ng tingin sa kanya saka pumihit na patalikod sa kanilang tatlo. “Pasok na tayo. Baka ma-late pa tayo sa klase.” Ako na ang naunang maglakad papunta sa
Lizabeth’s POV “Tama na, tumigil na kayo!” sigaw ko sa kanilang dalawa at ako ay walang magawa kundi ang panoorin sila kung paano saktan ang isa’t-isa. Bawat suntok, sapak, at sipa niya kay Kenzo ay parang pinipiga ang puso ko dahil hindi ko kayang nakikita siyang masaktan. Mabuti na lang ay wala ng estudyante sa parking lot dahil dumidilim na. Kung nagkataon ay baka trending na agad sila sa social media at parehong masisira ang career nilang dalawa. “I said stop!” Halos mabasag na ang boses ko dahil sa sigaw na iyon ngunit hindi sila nakikinig sa akin. Luminga-linga ako sa paligid at naghahanap ng maaaring umawat sa kanila ngunit walang sino man ang nandito kundi kami lang tatlo. Nakaisip ako ng paraan upang tumigil na silang dalawa. Inilabas ko ang phone ko at kunwaring itinutok sa kanilang dalawa ang camera. “Kapag hindi
Lizabeth’s POV It’s been one month. Isang buwan na pala kaming nagpapanggap ni Kenzo. And okay na kami ulit ni Lloyd, pinaliwanag na daw lahat sa kanya ni Kenzo at ako naman ay nakahinga na ng maluwag. Sa tatlong buwan na ‘yon ay naging busy na kami pareho ni Kenzo. Siya sa trabaho ako naman sa pag-aaral. Nagbigay na din ako kay Ate ng twenty thousand para sa mga gamot ni Mama. Na-discharge na siya kaya nabisita ko siya sa bahay noong nakaraan. Kung makikita niyo man si Mama, naku! Daig pa ang hindi nagkasakit dahil balik na naman sa pagbubunganga sa amin ni Ate. Parang hindi nga nauubusan ng energy pagdating sa panenermon. Matigas din ang ulo niya, sinabi na ngang 'wag na masyadong magpagod eh hayon at tuloy pa din sa pagdidilig ng mga halaman at pagwawalis ng bakuran. “Are you done?” Hindi ko namalayan ang pagpasok ni Ken
Lizabeth’s POV “Gagawin ko lahat para sayo kahit buhay pa ang kapalit ng lahat,” sabi ni Kenzo na puno ng emosyon at pagmamahal. “Pangako Peter, hinding hindi kita iiwan. Ikaw na ang gusto kong makasama habang buhay.” Niyakap ni Allyson si Kenzo habang kitang-kita ang napaka gandang sunset kasabay ng napaka gandang asul na dagat sa likod nila. “Cut!” malakas na sigaw ni Director Grace at mabilis na itinulak ni Kenzo si Allyson at naglakad papalayo doon. “That was great. Good job Kenzo and Allyson!” Nagpalakpakan lahat ng mga staff at maging ako ay nakipalakpak na din. Hindi naman ako naiinis, part ng job nila iyon kaya dapat maging proud ako sa kanila. At saka, wala akong karapatang magselos dahil hindi naman kami totoong mag-asawa 'di ba? Lumapit sa akin si Kenzo habang ginugulo ang buhok niyang magulo na talaga. Napaka gwapo niya habang gi
(Continuation of chapter 17) Lizabeth's POV "Wala nga sabi." Tumayo siya at saka pumunta sa harapan ko habang nakapamewang. Napatingala naman ako para tingnan siya na nagsasalubong na ang kilay. Ang kulit naman ng lalaking ito. "Ano ba, Lloyd? Tumabi ka nga d'yan." Pilit ko siyang hinahawi papaalis sa harapan ko pero ayaw niya talagang umalis. "Sabihin mo muna kung anong problema mo?" Napairap naman ako dahil sa inakto niya. Para siyang bata kung magsalita. Now I know kung bakit naiinis din sa kanya si Kenzo. "N-na-mimiss ko lang sila Mama at Ate," saad ko at laking pasalamat ko na lang at umupo na siyang muli sa tabi ko. Nabalot ng katahimikan ang kinalalagyan namin ni Lloyd. Wala ng masyadong naglalakad sa tabing dagat dahil medyo madilim na din. May mangilan-ngilan ng
Lizabeth's POV "Argh! Ano ba kasing mas bagay sa 'kin?!" Nandito ako ngayon sa harapan ng kama habang nakatingin sa dalawang bating suit na nakapatong dito. Namomroblema kung ano bang susuutin ko. Two piece ba o one piece? Nauna na si Kenzo na bumaba dahil itong si Lloyd ang aga-agang nambulabog kanina sa pintuan dahil gusto na daw niya mag-swimming. Sa huli ay ang two piece na itim ang napili ko. Nagtanggal na ako ng tapis sa katawan at saka ito sinuot. Pagkatapos no'n ay sinuot ko na din ang oversize t-shirt ko na kulay dilaw. Syempre kailangan surprise mamaya. Muntik ko nang makalimutan ang wig at saka contact lenses ko, mabuti na lang naalala ko. Lumabas na ako ng kwarto at pinindot ko na ang down button sa elevator. Laking gulat ko na lamang nang pagbukas nito ay nandoon sa loob si Director Grace at nakasuot ng bulaklaking dress,
(Continuation of chapter 18) Lizabeth's POV Sunod naming susubukan ay ang jet ski. Nakikita ko lamang ito noon sa TV tapos ngayon ay masasakyan ko na. Magkasama kami ni Ken sa isang jet ski habang si Lloyd naman ay mas piniling magsolo. "This is going to be fun!" wika ni Lloyd at sumakay na sa jet ski. Wala na siyang sinayang na oras at pinaandar na agad ito ng mabilis papalayo sa amin. Sumakay na ako sa likod ni Kenzo na ngayon at halatang excited na din. Humawak ako sa mga balikat niya. Para bang napapaso ako kapag naglalapat ang mga balat naming dalawa. "Yumakap ka sa 'kin." Kinunutan ko naman siya ng noo. "Required ba? Nang tya-tyansing ka lang, eh!" "Tss, ako pa talaga? Baka nga ikaw d'yan. Aminin mo na kasing attracted ka sa abs at muscle ko." Hinampas ko naman ang balik
Lizabeth's POV"Ano ba? Saan mo ba 'ko dadalhin?""Basta, malapit na."Hindi ko alam kung ano na namang pakulo itong naisip niya. Kanina kasi habang nag-aasikaso ako ng mga gagamitin sa kasal namin sa isang araw ay bigla na lang niya 'kong hinila palabas ng tinitirahan ko ngayon.Nakatakip ang mata ko ng isang pulang tela. Nararamdaman ko ang malamig na hangin na yumayakap sa akin at dahil naka tsinelas lang ako ay alam kong buhangin ang tinatapakan namin ngayon."Ready ka na ba?" tanong niya at dahan-dahang kinakalag ang buhol ng tela."Naku, Kenzo! Kanina pa!"Tinanggal na niya ang piring ko at namangha ako nang bumungad sa harapan ko ang isang magandang mansyon. Sa likod nito ay makikita ang mga puno. Sa tantsa ko ay tatlong palapag ang taas nitol. Gray, white, at black ang kulay nito.Pagtingin ko sa aming lik
(Continuation of chapter 50)Lizabeth's POVNang marinig ko ang sinabi ni Lloyd ay mabilis akong nagyaya na umalis na. Para akong nanlalambot habang nasa loob ako ng kotse. Hindi ako mapakali."Kalma ka lang, Beth.""Kalma? Lloyd, paano ako kakalma sa oras na 'to? Paano kung hindi ko na siya maabutan ng buhay? Lloyd, akala mo ba makakaya ko 'yon?" Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko sa mata habang natuon ang pansin sa labas.Tahimik lang ang naging byahe namin ni Lloyd. Ni hindi ko na nga pinagtuunan ng pansin ang daang tinatahak namin. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay si Kenzo. Nag-aalala na 'ko sa kanya.Maya-maya ay huminto ang sasakyan sa parke. Nagtatakha kong tiningnan si Lloyd na ngayon ay nagtatanggal na ng seatbelt."Lloyd, anong ginagawa natin dito? Sa ospital dapat tayo pumunta, baka ano nang nangyari kay Kenzo."Hindi niya '
Lizabeth's POVPara bang namamanhid na ang kanang hita ko habang tumatagal. Nahihirapan na 'kong kumilos. Tumigil ang sinasakyan namin ni Luis sa isang lugar kung saan maraming palayan at puno sa paligid. Wala akong maririnig na ingay at tanging simoy ng hangin lang ang nadidinig ng tainga ko."We're here."Kinalas na ni Luis ang seatbelt naming dalawa at naunang lumabas ng sasakyan bago ako alalayang makalabas. Nasa kanang kamay niya ang baril na hawak habang iika-ika akong humakbang.Saka ko lamang napansin ang malawak na kaparangan kung saan kami huminto."Kuya!" sigaw ni Luis.Minulat ko ang mga mata ko at gano'n na lang ang tuwang nararamdaman ko nang matanaw sa 'di kalayuan ang mga sasakyan ng pulis at mga men in black. Naroroon din sila Lloyd at si Kenzo na kaagad na napaangat ang tingin sa amin.Nabuhayan ako ng loob nang maki
(Continuation of chapter 49)Third Person's POV"Kenzo! Nag-text si Luis, papunta na daw sila." Tumakbo papalapit si Lloyd sa kaibigan na nag-aabang sa labas ng condominium.Umaga na at saktong natanggap ni Lloyd ang mensahe mula sa kapatid."Let's go, call the police and prepare the team," maawtoridad na wika ni Kenzo ngunit papasok pa lamang sila ng sasakyan ay biglang dumating ang mga kaibigan ni Beth."Sandali!" sigaw ni Weslynn at tumakbo sa kinaroroonan ng dalawa. Nasa likuran niya sila Irene at Kevin."Anong ginagawa niyo dito, sweetheart?" Sinalubong ni Lloyd si Kevin at niyakap ito ng mahigpit."We're just hoping na pwede kaming sumama sa inyo," tugon naman niya at kumalas sa yakap.Tumingin si Lloyd kay Kenzo na seryoso ang mga matang sinasalubong ang bawat titig niya. Alam na niya ang ibig sabihin ng kaibigan at muling hinarap a
(Continuation of chapter 49)Third Person's POVNormal lang na nagmamaneho si Luis ng sasakyan habang nasa tabi niya ang mahimbing na natutulog na si Beth. Chine-check naman niya kung may buhay pa ito bawat minuto sa pamamagitan ng paglapit ng hintuturo niya sa ilalim ng ilong nito.Hapon na at medyo malayo pa ang lugar kung saan sila magtatagpo ni Kenzo at ng kuya niya. Sa huli ay nakipagkasundo siya sa mga ito para sa kaligtasan ni Beth."Beth, sana next time na mag-road trip tayo, hindi ka na duguan."Para siyang baliw na nagsasalita at kausap si Beth kahit na alam naman niyang hindi ito maririnig ng babae. Napaka tahimik din naman kasi sa loob ng sasakyan simula nang makaalis sila ng lumang building."Na-miss ko din na makasama ka kahit sa ganitong sitwasyon. Miss na miss ko lahat ng tungkol sayo." Ngumiti siya at parang sinasariwa ang lahat ng mga pinagsamahan nila ng babae s
Third Person's POV"Nasaan si Beth?!" sigaw ni Kenzo sa mukha ni Luis na nakatayo at nakapamulsa. Para bang hindi ito nasisindak sa boses ni Kenzo."How many times I need to tell you that I don't know? You're just wasting your time," walang gana niyang tugon.Kinuwelyuham siya ni Kenzo ngunit nanatili lamang siyang kalmado. Nasa likuran ni Kenzo si Lloyd na nakatingin sa ibang direksyon. Masakit din sa kanyang makita ang kapatid na sinisigawan o sinasaktan pero hindi naman niya ito kukunsintihin kapag mali na ang ginagawa niya."Mamili ka, sasabihin mo kung nasaan siya o sisirain ko 'yang pagmumukha mo?"Ilang segundo pa silang nagkatitigan. Napaka tahimik sa kwarto ni Luis kung nasaan sila ngayon."Hindi ko alam—"Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay sinuntok na agad siya ni Kenzo sa mukha kaya napaatras siya. Si Lloyd naman ay
(Continuation of chapter 48)Third Person's POVMahimbing na natutulog si Luis mula pa kanina. Hindi na din kasi niya kinaya ang antok kaya napagpasyahan niyang umidlip kahit sandali.Nagising ang kanyang diwa nang makarinig ng mga yabag mula sa pasilyo. Sigurado siyang si Allyson ito kaya kaagad niyang inayos ang sarili. Sakto naman na pumasok ang babae sa pinto."Umuwi ka muna para makapagpalit ng damit. Ako na ang magbabantay sa kanya," wika nito at umupo sa sofa."Sigurado ka ba?"Tumango lamang si Allyson habang nagtitipa sa cellphone. Sumulyap muli si Luis sa monitor bago na lumabas ng pinto. Hindi pa din kasi siya nakakaligo at nakakapagpalit ng damit simula nang makarating sila dito. Alam niya sa sarili niyang hinahanap na din siya ng kuya niya.Nang makaalis si Luis ay tumingin si Allyson sa monitor at nakaisip ng hindi magandang bagay. Tumayo s
(Continuation of chapter 48)Third Person's POV"Ginagawa ang alin?"Patuloy lang sa pagkain si Beth habang sinusubuan siya ni Luis. Kung titingnan ay parang normal lang silang nag-uusap sa kabila ng kalagayan niya ngayon."Ito, hindi ba't kinidnap mo 'ko? Pero bakit mo 'ko pinapakain?""Ayaw kong nagugutom ka," simple niyang sagot.Hindi pa din kumbinsido si Beth."Plinano niyo ba 'to ni Allyson?"Doon na napatigil si Luis sa ginagawa at saka seryosong tiningnan ang babae sa mga mata."Y-yes, but she didn't know this. Itong ginagawa ko ngayon, gusto niyang mamatay ka sa gutom pero sa tingin mo ba kaya kong makita kang nahihirapan?"Para bang nakaramdam ng kirot sa dibdib si Beth. Dapat pala ay nakinig na lamang siya sa sinabi ni Kenzo na layuan na si Luis. Ngunit kahit na may galit ito dahil
Third Person's POVDahan-dahang minulat ni Beth ang napapagod niyang mga mata. Bahagya pang umiikot ang paningin nito dahil sa pagkahilo. Nagising siya sa loob ng isang maliit na kwarto. May maliit na bumbilya sa kanyang ulunan na nagbibigay ng liwanag sa silid.Tatayo na sana si Beth ngunit napansin niya ang lubid na nakatali sa kaniyang katawan at sa upuang kinalalagyan niya ngayon. Maging ang mga paa niya ay nakatali din. Nasaan siya?"Tulong! Tulungan niyo 'ko!" sigaw niya habang sinusubukang makawala sa pagkakatali ngunit sadyang mahigpit ito.Sa kanyang harapan ay mayroong pintuang bakal na medyo kinakalawang na. Ang sahig ng silid ay madumi na din, maging ang kisameng binahayan na ng gagamba.Sa kabilang bahagi ng lugar ay naroroon si Allyson at Luis habang pinagmamasdan si Beth sa pamamagitan ng camerang nakakabit sa silid na iyon."Anong plano mo sa ka