Lizabeth’s POV
“Gagawin ko lahat para sayo kahit buhay pa ang kapalit ng lahat,” sabi ni Kenzo na puno ng emosyon at pagmamahal.
“Pangako Peter, hinding hindi kita iiwan. Ikaw na ang gusto kong makasama habang buhay.” Niyakap ni Allyson si Kenzo habang kitang-kita ang napaka gandang sunset kasabay ng napaka gandang asul na dagat sa likod nila.
“Cut!” malakas na sigaw ni Director Grace at mabilis na itinulak ni Kenzo si Allyson at naglakad papalayo doon.
“That was great. Good job Kenzo and Allyson!”
Nagpalakpakan lahat ng mga staff at maging ako ay nakipalakpak na din. Hindi naman ako naiinis, part ng job nila iyon kaya dapat maging proud ako sa kanila. At saka, wala akong karapatang magselos dahil hindi naman kami totoong mag-asawa 'di ba?
Lumapit sa akin si Kenzo habang ginugulo ang buhok niyang magulo na talaga. Napaka gwapo niya habang gi
(Continuation of chapter 17) Lizabeth's POV "Wala nga sabi." Tumayo siya at saka pumunta sa harapan ko habang nakapamewang. Napatingala naman ako para tingnan siya na nagsasalubong na ang kilay. Ang kulit naman ng lalaking ito. "Ano ba, Lloyd? Tumabi ka nga d'yan." Pilit ko siyang hinahawi papaalis sa harapan ko pero ayaw niya talagang umalis. "Sabihin mo muna kung anong problema mo?" Napairap naman ako dahil sa inakto niya. Para siyang bata kung magsalita. Now I know kung bakit naiinis din sa kanya si Kenzo. "N-na-mimiss ko lang sila Mama at Ate," saad ko at laking pasalamat ko na lang at umupo na siyang muli sa tabi ko. Nabalot ng katahimikan ang kinalalagyan namin ni Lloyd. Wala ng masyadong naglalakad sa tabing dagat dahil medyo madilim na din. May mangilan-ngilan ng
Lizabeth's POV "Argh! Ano ba kasing mas bagay sa 'kin?!" Nandito ako ngayon sa harapan ng kama habang nakatingin sa dalawang bating suit na nakapatong dito. Namomroblema kung ano bang susuutin ko. Two piece ba o one piece? Nauna na si Kenzo na bumaba dahil itong si Lloyd ang aga-agang nambulabog kanina sa pintuan dahil gusto na daw niya mag-swimming. Sa huli ay ang two piece na itim ang napili ko. Nagtanggal na ako ng tapis sa katawan at saka ito sinuot. Pagkatapos no'n ay sinuot ko na din ang oversize t-shirt ko na kulay dilaw. Syempre kailangan surprise mamaya. Muntik ko nang makalimutan ang wig at saka contact lenses ko, mabuti na lang naalala ko. Lumabas na ako ng kwarto at pinindot ko na ang down button sa elevator. Laking gulat ko na lamang nang pagbukas nito ay nandoon sa loob si Director Grace at nakasuot ng bulaklaking dress,
(Continuation of chapter 18) Lizabeth's POV Sunod naming susubukan ay ang jet ski. Nakikita ko lamang ito noon sa TV tapos ngayon ay masasakyan ko na. Magkasama kami ni Ken sa isang jet ski habang si Lloyd naman ay mas piniling magsolo. "This is going to be fun!" wika ni Lloyd at sumakay na sa jet ski. Wala na siyang sinayang na oras at pinaandar na agad ito ng mabilis papalayo sa amin. Sumakay na ako sa likod ni Kenzo na ngayon at halatang excited na din. Humawak ako sa mga balikat niya. Para bang napapaso ako kapag naglalapat ang mga balat naming dalawa. "Yumakap ka sa 'kin." Kinunutan ko naman siya ng noo. "Required ba? Nang tya-tyansing ka lang, eh!" "Tss, ako pa talaga? Baka nga ikaw d'yan. Aminin mo na kasing attracted ka sa abs at muscle ko." Hinampas ko naman ang balik
Lizabeth's POV Kinagabihan ay nagkaroon ng bonfire sa may tabing dagat ang buong team nila Kenzo. Sabi nila ay minsan lamang na makapasyal kaya naman sulitin na hangga't nandito pa kami. Sabay na kaming pumunta doon ni Kenzo kasama si Lloyd. Paglabas pa lamang namin ng entrance ay naaaninag ko na ang malaking apoy sa 'di kalayuan na maging sa ere ay naglalagablab. Napayakap ako sa aking sarili nang maramdaman ang hangin. Gabi na at sobrang lamig na din dito. Naramdaman ko ang kamay ni Kenzo na nilagay niya sa aking bewang habang naglalakad kami. "Na-miss ko 'to," wika ni Lloyd na nasa tabi ko habang nakapamulsang naglalakad. "Ano bang ginagawa niyo sa bonfire?" tanong ko sa kanya. Nilingon naman niya ako. "Ahh... wala naman masyado. Kwentuhan lang, kantahan, at saka syempre alak." Nang makarating kami doon
(Continuation of chapter 19) Lizabeth's POV Madami na ang naganap sa nakalipas na trenta minutos. Mayroong mas piniling tumungga ng alak at ang iba naman na mahina ang alcoholic tolerance ay mas piniling gawin ang dare. May mahihirap, may madali, at mayroon ding nakakadiri. "Okay, it's your turn Allyson," wika ni Andrea na nasa tabi ni Allyson. Umayos naman ng upo si Allyson at saka nakangiting tumingin dito. Maging ako ay naghihintay sa ipapagawa sa kanya. "I dare you to seduce Kenzo." Lahat kami ay natigilan sa sinabi ni Andrea at napatingin sa akin si Lloyd, ay mali, silang lahat pala mismo ay nakatingin na sa akin ngayon. Humarap sa direksyon namin si Allyson na may kakaibang ngiti sa mga labi. Pakiramdam ko ay gusto kong silaban sa bonfire si Andrea dahil sa dare niya kay Allyson. Grabe harap-harapan talaga?
Lizabeth's POV Ramdam ko ang pagtibok ng kanyang puso habang nakayakap siya sa akin at maging ang iniinom nilang alak ay naaamoy ko mula sa kanyang bibig. Hindi ako makagalaw, hindi makaimik, at hindi ko alam kung anong emosyon ang dapat kong maramdaman. Hindi pa man nagtatagal ng ilang segundo ang pagkakayakap niya sa akin ay nagulat ang lahat nang bigla siyang hilain ni Kenzo at binigyan siya nito ng malakas na suntok sa pisnge. "Kenzo!" Napatakbo si Lloyd papunta kay Kenzo at saka niya ito niyakap sa likod upang pigilan itong saktan ang kanyang kapatid. Kaagad akong tumayo at pinuntahan si Luis. Dumudugo ang labi niya at mukhang pumutok ito. "Wow! So you're going to defend him, huh?" wika ni Ken. "Bro, calm down—" "Don't touch me, Pineda!" Naputol ang sasabihin ni Lloyd nang bigla siyang sinigawan
(Continuation of chapter 20) Lizabeth's POV Nakarating ako sa madilim na parte ng resort at doon ko na ibinuhos lahat ng sama ng loob ko. Ang t*nga ko. Sobrang t*nga ko. "Argh!" Halos mabasag na ang boses ko dahil sa lakas ng pagsigaw ko sa kawalan. Pero on the other side, ano ba itong nararamdaman ko? Nagseselos ba 'ko? Pero bakit? Wala naman akong karapatan 'di ba? Hindi naman kami tunay na kasal pero f*ck this life! May karapatan naman siguro akong masaktan 'di ba? May damdamin din naman ako. Napaupo na lamang ako sa buhangin dahil pakiramdam ko ay nanghihina na 'ko. Tuloy lamang ako sa pag-iyak na ani mo'y hindi nauubos ang luhang lumalabas sa mga mata ko. Matapos ang mahabang sakit at kirot sa dibdib ko ay sa wakas nailabas ko na din. Nami-miss ko na sila Mama, Ate Lucy, Irene, Weslynn, at Kevin. Gusto ko na lang bumalik sa dati kong
Lizabeth's POV Nandito na kami ngayong lahat sa labas ng hotel at naririto na din ang mga van na sasakyan namin pauwi. Si Kenzo ay nasa loob pa din ng hotel at siguro'y pababa na din dala ang mga bagahe namin. Syempre may kasalanan pa siya sa akin kaya pinabayaan ko siya doong mahirapan. Nakasuot na ako ngayon ng pink sando, maong na short, sandals, at saka sunglasses. Nakalugay naman ang wig ko at heto ako't nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang dagat sa huling pagkakataon. "Bakit mag-isa ka dito?" Bigla na lamang sumulpot si Luis sa aking tabi. Nang makita ko siya ay kaagad akong dumistansya at baka makita na naman kami ni Kenzo. Mag-aalburoto na naman siya panigurado. "Kasi wala akong kasama," pamimilosopo ko naman. Natawa siya sa sinagot ko ngunit nanatili akong nakatingin sa kawalan kaysa bigyan siya ng pansin. Simula nang tapus
Lizabeth's POV"Ano ba? Saan mo ba 'ko dadalhin?""Basta, malapit na."Hindi ko alam kung ano na namang pakulo itong naisip niya. Kanina kasi habang nag-aasikaso ako ng mga gagamitin sa kasal namin sa isang araw ay bigla na lang niya 'kong hinila palabas ng tinitirahan ko ngayon.Nakatakip ang mata ko ng isang pulang tela. Nararamdaman ko ang malamig na hangin na yumayakap sa akin at dahil naka tsinelas lang ako ay alam kong buhangin ang tinatapakan namin ngayon."Ready ka na ba?" tanong niya at dahan-dahang kinakalag ang buhol ng tela."Naku, Kenzo! Kanina pa!"Tinanggal na niya ang piring ko at namangha ako nang bumungad sa harapan ko ang isang magandang mansyon. Sa likod nito ay makikita ang mga puno. Sa tantsa ko ay tatlong palapag ang taas nitol. Gray, white, at black ang kulay nito.Pagtingin ko sa aming lik
(Continuation of chapter 50)Lizabeth's POVNang marinig ko ang sinabi ni Lloyd ay mabilis akong nagyaya na umalis na. Para akong nanlalambot habang nasa loob ako ng kotse. Hindi ako mapakali."Kalma ka lang, Beth.""Kalma? Lloyd, paano ako kakalma sa oras na 'to? Paano kung hindi ko na siya maabutan ng buhay? Lloyd, akala mo ba makakaya ko 'yon?" Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko sa mata habang natuon ang pansin sa labas.Tahimik lang ang naging byahe namin ni Lloyd. Ni hindi ko na nga pinagtuunan ng pansin ang daang tinatahak namin. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay si Kenzo. Nag-aalala na 'ko sa kanya.Maya-maya ay huminto ang sasakyan sa parke. Nagtatakha kong tiningnan si Lloyd na ngayon ay nagtatanggal na ng seatbelt."Lloyd, anong ginagawa natin dito? Sa ospital dapat tayo pumunta, baka ano nang nangyari kay Kenzo."Hindi niya '
Lizabeth's POVPara bang namamanhid na ang kanang hita ko habang tumatagal. Nahihirapan na 'kong kumilos. Tumigil ang sinasakyan namin ni Luis sa isang lugar kung saan maraming palayan at puno sa paligid. Wala akong maririnig na ingay at tanging simoy ng hangin lang ang nadidinig ng tainga ko."We're here."Kinalas na ni Luis ang seatbelt naming dalawa at naunang lumabas ng sasakyan bago ako alalayang makalabas. Nasa kanang kamay niya ang baril na hawak habang iika-ika akong humakbang.Saka ko lamang napansin ang malawak na kaparangan kung saan kami huminto."Kuya!" sigaw ni Luis.Minulat ko ang mga mata ko at gano'n na lang ang tuwang nararamdaman ko nang matanaw sa 'di kalayuan ang mga sasakyan ng pulis at mga men in black. Naroroon din sila Lloyd at si Kenzo na kaagad na napaangat ang tingin sa amin.Nabuhayan ako ng loob nang maki
(Continuation of chapter 49)Third Person's POV"Kenzo! Nag-text si Luis, papunta na daw sila." Tumakbo papalapit si Lloyd sa kaibigan na nag-aabang sa labas ng condominium.Umaga na at saktong natanggap ni Lloyd ang mensahe mula sa kapatid."Let's go, call the police and prepare the team," maawtoridad na wika ni Kenzo ngunit papasok pa lamang sila ng sasakyan ay biglang dumating ang mga kaibigan ni Beth."Sandali!" sigaw ni Weslynn at tumakbo sa kinaroroonan ng dalawa. Nasa likuran niya sila Irene at Kevin."Anong ginagawa niyo dito, sweetheart?" Sinalubong ni Lloyd si Kevin at niyakap ito ng mahigpit."We're just hoping na pwede kaming sumama sa inyo," tugon naman niya at kumalas sa yakap.Tumingin si Lloyd kay Kenzo na seryoso ang mga matang sinasalubong ang bawat titig niya. Alam na niya ang ibig sabihin ng kaibigan at muling hinarap a
(Continuation of chapter 49)Third Person's POVNormal lang na nagmamaneho si Luis ng sasakyan habang nasa tabi niya ang mahimbing na natutulog na si Beth. Chine-check naman niya kung may buhay pa ito bawat minuto sa pamamagitan ng paglapit ng hintuturo niya sa ilalim ng ilong nito.Hapon na at medyo malayo pa ang lugar kung saan sila magtatagpo ni Kenzo at ng kuya niya. Sa huli ay nakipagkasundo siya sa mga ito para sa kaligtasan ni Beth."Beth, sana next time na mag-road trip tayo, hindi ka na duguan."Para siyang baliw na nagsasalita at kausap si Beth kahit na alam naman niyang hindi ito maririnig ng babae. Napaka tahimik din naman kasi sa loob ng sasakyan simula nang makaalis sila ng lumang building."Na-miss ko din na makasama ka kahit sa ganitong sitwasyon. Miss na miss ko lahat ng tungkol sayo." Ngumiti siya at parang sinasariwa ang lahat ng mga pinagsamahan nila ng babae s
Third Person's POV"Nasaan si Beth?!" sigaw ni Kenzo sa mukha ni Luis na nakatayo at nakapamulsa. Para bang hindi ito nasisindak sa boses ni Kenzo."How many times I need to tell you that I don't know? You're just wasting your time," walang gana niyang tugon.Kinuwelyuham siya ni Kenzo ngunit nanatili lamang siyang kalmado. Nasa likuran ni Kenzo si Lloyd na nakatingin sa ibang direksyon. Masakit din sa kanyang makita ang kapatid na sinisigawan o sinasaktan pero hindi naman niya ito kukunsintihin kapag mali na ang ginagawa niya."Mamili ka, sasabihin mo kung nasaan siya o sisirain ko 'yang pagmumukha mo?"Ilang segundo pa silang nagkatitigan. Napaka tahimik sa kwarto ni Luis kung nasaan sila ngayon."Hindi ko alam—"Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay sinuntok na agad siya ni Kenzo sa mukha kaya napaatras siya. Si Lloyd naman ay
(Continuation of chapter 48)Third Person's POVMahimbing na natutulog si Luis mula pa kanina. Hindi na din kasi niya kinaya ang antok kaya napagpasyahan niyang umidlip kahit sandali.Nagising ang kanyang diwa nang makarinig ng mga yabag mula sa pasilyo. Sigurado siyang si Allyson ito kaya kaagad niyang inayos ang sarili. Sakto naman na pumasok ang babae sa pinto."Umuwi ka muna para makapagpalit ng damit. Ako na ang magbabantay sa kanya," wika nito at umupo sa sofa."Sigurado ka ba?"Tumango lamang si Allyson habang nagtitipa sa cellphone. Sumulyap muli si Luis sa monitor bago na lumabas ng pinto. Hindi pa din kasi siya nakakaligo at nakakapagpalit ng damit simula nang makarating sila dito. Alam niya sa sarili niyang hinahanap na din siya ng kuya niya.Nang makaalis si Luis ay tumingin si Allyson sa monitor at nakaisip ng hindi magandang bagay. Tumayo s
(Continuation of chapter 48)Third Person's POV"Ginagawa ang alin?"Patuloy lang sa pagkain si Beth habang sinusubuan siya ni Luis. Kung titingnan ay parang normal lang silang nag-uusap sa kabila ng kalagayan niya ngayon."Ito, hindi ba't kinidnap mo 'ko? Pero bakit mo 'ko pinapakain?""Ayaw kong nagugutom ka," simple niyang sagot.Hindi pa din kumbinsido si Beth."Plinano niyo ba 'to ni Allyson?"Doon na napatigil si Luis sa ginagawa at saka seryosong tiningnan ang babae sa mga mata."Y-yes, but she didn't know this. Itong ginagawa ko ngayon, gusto niyang mamatay ka sa gutom pero sa tingin mo ba kaya kong makita kang nahihirapan?"Para bang nakaramdam ng kirot sa dibdib si Beth. Dapat pala ay nakinig na lamang siya sa sinabi ni Kenzo na layuan na si Luis. Ngunit kahit na may galit ito dahil
Third Person's POVDahan-dahang minulat ni Beth ang napapagod niyang mga mata. Bahagya pang umiikot ang paningin nito dahil sa pagkahilo. Nagising siya sa loob ng isang maliit na kwarto. May maliit na bumbilya sa kanyang ulunan na nagbibigay ng liwanag sa silid.Tatayo na sana si Beth ngunit napansin niya ang lubid na nakatali sa kaniyang katawan at sa upuang kinalalagyan niya ngayon. Maging ang mga paa niya ay nakatali din. Nasaan siya?"Tulong! Tulungan niyo 'ko!" sigaw niya habang sinusubukang makawala sa pagkakatali ngunit sadyang mahigpit ito.Sa kanyang harapan ay mayroong pintuang bakal na medyo kinakalawang na. Ang sahig ng silid ay madumi na din, maging ang kisameng binahayan na ng gagamba.Sa kabilang bahagi ng lugar ay naroroon si Allyson at Luis habang pinagmamasdan si Beth sa pamamagitan ng camerang nakakabit sa silid na iyon."Anong plano mo sa ka