Share

Chapter 1.1

Author: Missezme
last update Huling Na-update: 2022-05-10 15:05:04

ANNALISE

Pagod akong napaupo habang pinupunasan ang aking sarili. Kakarating ko lang dito sa s‘yudad kahapon para maghanap ng trabaho. Mas malaki raw kasi ang kitaan dito kaysa sa probinsya kaya agad na akong lumuwas dito. 

Uminom ako ng tubig at tiningnan ang resume ko. Kaninang umaga pa ‘ko naghahanap ng trabaho, pero ni isa walang tumanggap sa ‘kin. First year college lang ang natapos ko dahil sa kahirapan, pero kahit gano‘n ay may alam naman ako. 

Bumuga muna ako ng marahas na hininga bago magpasya nang tumayo at mag-pa-tuloy na sa paghahanap ng trabaho.

“Sorry, wala na kaming bakante.” 

Bumagsak ang balikat ko at nakasimangot na tumalikod. Gusto ko ng lumupasay dito sa sobrang inis na nararamdaman. Pero sabi nga nila, kapag may tiyaga, may nilaga. Hoo! Kaya ko ‘to. Para sa pamilya ko kakayanin ko ‘to! 

Akmang maglalakad na ako nang may biglang humawak sa balikat ko. Napaigtad naman ako dahil sa gulat at agad na nilingon ito. Nakita ko ang lalaking naka-shade at nakaitim. Ang creepy ng itsura niya.

“A-ano pong kailangan niyo?” kinakabahan na tanong ko. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. 

“Naghahanap ka ba ng trabaho?” tanong nito. Agad na nagliwanag ang aking mga mata at tinanguan ito.

“Opo!” 

“May offer ako sa ‘yo,” pormal na sabi niya. Napangiti ako ng malaki. 

“Ano po ‘yon?” nakangiting tanong ko. Feeling ko talaga trabaho ang iaalok niya sa ‘kin, tapos may malaking sweldo! 

“‘Wag tayo dito mag-usap, masyadong ma-tao,” seryosong sabi niya habang lumilinga sa paligid. Napatango ako at sumunod sa kan‘ya. Mahigpit na hinawakan ko ang strap ng aking bag. Mabilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa pinaghalong saya at kaba. 

Ilang minuto kaming naglakad hanggang sa marating namin ang isang mamahaling restaurant. Natulala ako, dito talaga kami mag-uusap?! Bigla akong napatingin sa damit ko at biglang nahiya. Out of place talaga! 

Bago pa kami makapasok ay kinulbit ko siya. Kunot-noo itong tumingin sa ‘kin. Napangiti ako ng hilaw.

“D-dito ba talaga tayo mag-uusap?” alinlangan kong tanong. Tumango ito. “A-ano, ahm w-wala kasing akong p-pam-bayad dito. Baka pwedeng sa iba na lang?...” 

“‘Wag kang mag-alala, ako ang mag-babayad,” anito. Hilaw ulit akong napangiti at sumunod na sa kan‘ya. Hindi ko maiwasang manliit nang makapasok na kami. Ang gara ng loob. 

Sumunod lang ako sa lalaki hanggang sa tumigil ito sa isang pan-dalawahang lamesa. May tinawag ito at may lumapit na lalaki na naka-uniporme. 

“What is you order, Ma'am, Sir?” tanong nito. Napatingin ako sa lalaki, naintindihan naman niya iyon at siya na ang nag-order. 

“Anong pangalan mo?” Umayos ako ng upo. Interview na ata ito. 

“Annalise Reyes, po,” pormal na sabi ko. Napatango-tango ito. 

“May boyfriend?” 

“Wala po.” 

Umayos ito ng upo at may kinuha na papel. Bigla nalang namawis ang aking mga palad. Kinakabahan ako.

“Here, read this,” anito at inilahad sa ‘kin ang papel. Agad ko naman itong tinanggap at tiningnan. Unang linya palang ay halos manlaki na ang mga mata ko. 

W-wedding ruiner?! Anong klaseng trabaho ‘to?! 

Nang bumaba ang mga mata ko ay nanlaki na talaga ang mga mata ko. Ang laki naman ng sahod! 50,000?! Maninira lang ng kasal?! 

Nanginginig kong ibinaba ang papel at tiningnan ang lalaki na humihigop na ng juice. Sa sobrang lutang ko ay ‘di ko na namalayan na dumating na pala ang in-order ng lalaki. 

“W-wedding ruiner? Wala po bang kayong ibang mai-i-offer?” tanong ko. Binaba nito ang kan‘yang iniinom at tiningnan ako. 

“Down payment pa lang ang nakalagay diyan. Makukuha mo ang kalahati kapag nagawa mo na ang nakasulat diyan,” mahinahong sabi niya.

D-down p-payment?! Ang laki naman! Halos hindi pa maproseso ng mga brain cells ko sinasabi niya ngayon. Sinong makakatanggi sa offer na ‘to?! 

Pumikit ako ng mariin at bumuga ng marahas na hininga. “Sige po, payag na ako.”

Tumango ito. “Kumain ka na,” sabi niya. Napatingin naman ako sa mga pagkain na nasa mesa, parang masarap lahat. Nag-alinlangan man ay unti-unti kong kinuha ang kutsara at tinidor na nakalagay sa gilid ng aking plato. 

“Bukas na ang kasal. May ihahatid kaming mga susuotin mo at mga pampaganda na kailangan.” 

Bigla akong nabilaukan, bukas agad?! Agad naman nitong inilahad ang juice, tinanggap ko ito at dire-diretsong ininom. 

“Simple lang naman ang gagawin mo, sisirain mo lang ang kasal ng aking boss,” anito. Napalunok ako ng mariin. 

“Wala namang magagalit ‘di ba? I-i mean, kapag sinira ko ang kasal, wala namang p-papatay sa ‘kin?” medyo kinakabahan na tanong ko. Natigilan ito bago ako tiningnan ng mariin. Hindi maganda ang kutob ko rito.

“May mga bodyguards naman na mag-pro-protekta sa ‘yo,” seryosong sabi niya habang nakatingin sa ‘kin. Nalaglag ang panga ko. Mapapanganib talaga ang buhay ko?! 

“T-teka! Ibig mong sabihin may magtatangka talaga?!” gulat kong tanong. Mahinahon itong tumango. Bigla namang bumilis ang kabog ng dibdib ko. 

“Malaking tao ang boss ko, kaya maraming magtatangka sa kan‘ya,” anito. H-hindi ko maintindihan! Sisirain ko lang naman ang kasal pero bakit pati ako?!

“B-bakit kasali ako? Maninira lang naman ako ‘di ba?” naninigurado kong tanong. 

“Bukas mo malalaman,” anito at may kinuha na isang sobre. “Ito ang down payment,” dagdag niya. Unti-unti ko itong kinuha at tiningnan ang laman. Halos mag-ningning ang mga mata ko nang makita ang makapal na pera. Hindi na naisip kung ano ang kahihinatnan ko bukas.

“Salamat po, asahan po ninyo na aayusin ko ang offer na ibinagay niyo. Napakalaking tulong na po nito,” masayang sabi ko. Hindi naman ito sumagot at tumango lang.

“Ibigay mo sa ‘kin ang address at cellphone number mo,” anito. Agad akong kumuha ng papel at ballpen, agad kong isinulat ang aking address at number. Nakangiti ko itong binigay sa kan‘ya. 

“Magkita na lang tayo bukas,” anito at tumayo na, agad din akong tumayo at bahagyang yumuko. 

“Sige, salamat po,” masayang sabi ko. Tumango ito at tumalikod na. Napabuga ako ng hininga at nakangiting lumabas sa restaurant. 

Nang makalabas na ako ay agad na akong pumunta sa Palawan at ipinadala ang pera sa aking nanay. Twenty thousand lang ang aking itinira at ang thirty thousand ay ipinadala ko na kay nanay. Nang matapos na ako ay agad ko ng tinawagan si nanay. 

“Hello, nay!” bati ko. 

“[Oh anak, kumusta ka na riyan?!]” 

Napangiti naman ako ng malaki. Si nanay talaga.

“Ayos na ayos lang po! Nga pala, nay, may pera na po akong ipinadala diyan,” nakangiti kong ani.

“[Talaga anak?! Hindi ka ba nahihirapan diyan?]” 

“Hindi po, atsaka ikaw na pong bahalang mag-budget niyan, nay. Trenta-mil po ‘yan,” 

Nakarinig naman ako ng kalabog. Agad akong ginapangan ng kaba.

“Nay?! Nay, okay lang po ba kayo?!” kinakabahan kong tanong. Gosh, sana walang masamang nangyari kay nanay.

“[ANNALISE REYES?!]” Nailayo ko ang cellphone sa ‘king tenga. “[Sa‘n ka kumuha ng ganyan kalaking pera?!]” 

Nakamot ko ang kaliwang kilay ko. Hindi ko man nakikita pero alam kong magka-salubong na ang mga kilay niya ngayon. Nakagat ko ang ibaba ng labi ko.

“May nag-offer po kasi sa ‘kin, nay, kaya tinanggap ko na,” marahan kong sabi. Narinig ko naman ang marahas niyang hininga mula sa kabilang linya.

“[Anong offer ‘yan?!]” 

“Nay, sa ‘kin nalang po iyon,” ani ko. 

“[Siguraduhin mong hindi ka mapapahamak diyan!]” singhal ni nanay. Napangiti ako.

“Opo, nay.” 

“[Sige, ibababa ko na, nagluluto pa kasi ako,]” aniya. 

“Sige po! Ba-bye!” 

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at nagpasyahan munang bumili ng grocery para may stock ako. Sinunod ko ang mga damit dahil kaunti lang ang nadala ko. Nang matapos na akong mamili ay agad na akong umuwi.

Pagpasok ko sa apartment ko ay agad akong napahilata sa sofa, ang bigat ng katawan ko. Ilang minuto akong nakahilata at nagpasyahan ng bumangon. Inilagay ko ang mga grocery sa kabinet at inayos ang mga damit ko. 

Nang matapos na ako ay nakaramdam ako ng pag-ka-gutom. Niluto ko ang biniling isda, pagkatapos maluto ay agad na akong kumain. Habang kumakain ay naisip ko naman kung ano ang mangyayari sa ‘kin bukas. 

B-baka kapag nasira ko ang kasal ay babarilin ako! Napalunok ako ng mariin at napainom ng tubig. Napailing ako at iwinakli na iyon sa ‘king isipan. Gumagana na naman ang pag-a-advance ng utak ko. 

Habang nag-de-daydream ako ay kumunot ang noo ko nang makarinig ng katok sa pinto. Taka akong tumayo at binuksan ito.

“Annalise Reyes?” tanong nito. Tumango ako. 

Nagulat naman ako nang may pumasok na mga lalaki, may dalang puting w-wedding dress?! Ito na ba ang sinasabi ng lalaki kanina?

“Pinapabigay po ni boss,” anito. Napatango-tango ako habang pinapanood sila na may pinapasok na kung anu-ano. 

Nang matapos na sila ay agad na silang umalis habang ako naman ay nakatunganga lang habang nakatingin sa mga bagay na pinasok nila. Ang garbo ng wedding dress! Parang ako ‘yong ikakasal. Binuksan ko ang isang box at nakita ang isang puting sapatos na may mataas na takong, kumikinang pa ito. Sinunod ko ang isa na may lamang kwintas at korona, para sa veil ata ito. 

Pagkatapos ko sa mga box ay iyong mga plastic na naman ang tinitingnan ko. Pag-ka-bukas ko ay nakita ko ang mga iba't ibang klase ng make-up, halatang mamahalin. Sunod kong tiningnan ang wedding dress na kumikinang. Off-shoulder ang design nito at talagang makikita ang cleavage ko. Kagat labi ko itong ibinaba, sigurado akong malaki ang nagastos nila sa mga ito. Napabuga ako ng marahas na hinga bago itinabi ang mga binigay nila sa ‘kin. 

Kaugnay na kabanata

  • Accidentally Married To A Mafia Boss    Chapter 1.2

    Kung ano mang mangyari sa ‘kin bukas, bahala na. Basta gagawin ko ito para sa pamilya ko. Pagkatapos ko lang naman sirain ang kasal ay tapos na ang trabaho ko at makukuha ko na ang kalahating pera na nakasaad sa kontrata. Bigla akong napaisip, ano kaya ang itsura ng groom? Gwapo ba kaya? Nagwala naman ang mga mahaharot na inner ko. Napailing ako, ano naman ang pakialam ko sa itsura ng lalaking ‘yon?! Baka nga ugod-ugod na ‘yon! Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Kinuha ko ito at tiningnan. ‘****** church, 10 am. Don't be late.’ Napakamot ko ang aking kaliwang kilay atsaka ibinaba ang cellphone ko. Lagot, hindi ko pa naman kabisado ang lugar na ‘to kaya sigurado ako na maliligaw ako bukas. Napahilamos ako sa ‘king mukha at ibinagsak ang aking katawan sa kama. Pagod na pagod na ako, bahala na kung anong mangyayari bukas. Hindi na nakayanan ng mga mata ko at tuluyan ng naipikit ito. NAGISING ako ng maaga nang maalala kung ngayon ang kasal. Napabuga ako ng mar

    Huling Na-update : 2022-05-10
  • Accidentally Married To A Mafia Boss    Chapter 2

    ANNALISE“ITIGIL ANG KASAL!” Napapikit ako ng mariin at unti-unting minulat ang aking mga mata. Pagkamulat ko palang ay agad na sumalubong sa ‘kin ang mga nagtatakang tingin. “Niloloko mo ba ako?!” galit na tanong ng bride sa groom na natuod. Hinampas pa nito ang kan‘yang bouquet sa groom. Natauhan naman ang groom.“S-sino ka, Miss?” tanong ng groom.Nilibot ko ang aking paningin. Lagot, maling simbahan ata ang napasukan ko. Unti-unting dumapo sa ‘kin ang hiya at napangiti ng hilaw. “S-sorry! Maling simbahan pala. Pasens‘ya na po!” nahihiyang sigaw ko.Agad akong tumalikod habang nakahawak sa wedding gown ko na mabigat. Hindi pa lang ako nakakalayo nang may biglang humigit sa ‘kin.“Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap!” sabi ng lalaki kahapon. Hinila ako nito at halos matumba pa ako dahil sa mabigat na gown at isama na rin ang heels na suot ko. Ipinasok ako nito sa sasakyan at agad na pinaandar ito. Pinunasan ko naman ang mga pawis sa noo ko. Ako lang ata ang maninira n

    Huling Na-update : 2022-05-10
  • Accidentally Married To A Mafia Boss    Chapter 3.1

    ANNALISENAPABALIKWAS ako ng bangon nang marinig ang malakas na lagapak mula sa pinto. Pupungas-pungas kong kinusot ang aking mata para tingnan kung sinong demonyo ang sumira sa tulog ko. “WAKE UP!” Napaigtad ako at mabilis na tiningnan ang demonyong gumising sa ‘kin. Napahikab ako na ikinalukot ng kan‘yang mukha. “Bakit ba?” inaantok na tanong ko. Pero, parang nabuhay ang katawan ko nang bigla akong nakarinig ng kasa. Mabilis kong minulat ang aking mata at nakita si Lucifer na may hawak-hawak na baril. “Get the fvcking up, faster!” galit na sigaw niya. Dali-dali akong tumayo at agad na tumakbo papunta sa banyo. Bwesit talaga ang demonyong ‘yon! “I will give you only a fvcking one hour to prepare, if not...” nangilabot ang buong katawan ko nang makarinig nang isang putok ng baril, “you will fvcking face your own death!” Napahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang marahas na pagsara ng pinto. Kahit naiinis ay agad na akong kumilos para maligo, baka totohanin ng demonyong ‘yon ang

    Huling Na-update : 2022-05-10
  • Accidentally Married To A Mafia Boss    Chapter 3.2

    ANNALISE“Don't you know how to act like a real woman?” malamig na tanong niya habang pinaglalaruan ang baril. Napalunok ako ng mariin. “E-ewan ko,” kinakabahan na sabi ko at sumubo ulit ng pagkain. Nawalan ng emosyon ang kan‘yang mukha. Tiningnan niya ang kan‘yang relo at ibinaba ang hawak na baril. Tumayo siya habang pinupunasan ang kan‘yang bibig. “I have a meeting. Stay here and don't you fvcking dare do something stupid,” bantang sabi niya at walang pasabi akong tinalikuran. Nag-make face na lang ako at ipinagpatuloy ang aking pagkain.Nang matapos akong kumain ay napasandal na lang ako sa sofa dahil sa rami ng kinain. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakain ng mga gano‘n. Ilang minuto ay tumayo na ako at inayos ang mga pinagkainan namin. Nang matapos ay uupo na sana ako nang bigla na lang sumabog ng malakas ang pinto ng opisina ni Lucifer. Agad akong napatayo ng maayos nang makita ang may katandaang babae. Sopistikada itong naglalakad habang may hawak na pamaypay. Big

    Huling Na-update : 2022-05-10
  • Accidentally Married To A Mafia Boss    Chapter 4

    ANNALISE DAHIL sa sama ng loob ay hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya pinapansin. Sa tuwing magkakasalubong ang mga tingin namin ay agad ko siyang iirapan na susuklian niya ng matalim na tingin. Napabuga ako ng marahas na hininga dahil halos isang oras na akong naghihintay rito dahil may board meeting siya. Nakahiga lang ako sa sofa habang iniikot-ikot ang tingin sa boring niyang opisina. “What the hell are you doing?” Napatigil ako sa pagmumuni nang makita ang mukha ni Lucifer na magkasalubong na naman ang mga kilay. Ngumuso ako at inirapan siya. “Alis! Naaalidbadbaran ako sa mukha mo!” iritang sabi ko. Mas lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay at suplado akong tiningnan. “May i remind you that this is my office?” malamig na tanong niya. Natuod ako at tiningnan siya ng matalim. “Asawa mo ‘ko kaya, kung anong meron ka ay sa akin din,” seryosong sabi ko. Tumaas ang kilay niya. Nagmamalaki ko siyang tiningnan at tumayo. Nang tinalikuran ko siya ay tsaka lang ako tinubuan n

    Huling Na-update : 2022-05-14
  • Accidentally Married To A Mafia Boss    Chapter 5

    ANNALISENAKANGUSO ako habang nakatingin kay Lucifer na nakapamaywang sa harapan ko. Pinipilit niya kasi akong sumama sa kan‘ya, at dahil sa nangyari kahapon ay natakot ako ng slight na pumunta ulit doon.“Ayaw ko kasi!” iritang sabi ko at inis na sumandal sa sofa na kinauupuan. Napasinghal siya ng malakas at tiningnan ako ng mariin. Saan ba ang utak nito? Hindi ba siya nakakaintidi na ayaw ko?“Fvck! You need to be beside me because you're my fvcking wife!” singhal niya sa ‘kin. Nakagat ko ang aking labi para pigilan ang pagtawa, nakikita ko kasi na lumalaki ang butas ng ilong niya tuwing sumisigaw. “Are you fvcking listening?!” Hindi ko na napigilan, humagalpak na ako ng tawa. Agad naman niya akong sinamaan ng tingin habang ako ay naluluha na sa katatawa. Feel niyo rin ba na imbes na umiyak kayo kasi pinagalitan ay natatawa pa kayo. Wala eh, hindi ko talaga maalis ang tingin sa ilong niyang lumalaki ang butas. “O-oo,” hagalpak na sabi ko. Mas lalong sumama ang tingin niya sa ‘kin.

    Huling Na-update : 2022-05-19
  • Accidentally Married To A Mafia Boss    Chapter 6

    ANNALISE Wala ni isa sa ‘min ang nagsalita. Tuod lang kami habang nakatingin kay Lucifer na masama ang timpla ng mukha. Napabitaw ako sa buhok ng babae, gano’n din siya.“I said, what is happening here?!” Namumula ang kan‘yang mukha at leeg habang masama ang tingin sa ‘min, napalunok ako. Dumako ang tingin niya sa ‘kin at mas lalong sumama ang kan‘yang mukha. Inirapan ko siya, kung makatingin parang ako ‘yong may kasalan! “S-son, your rude wife is the one who started first,” malambing na sabi ng kan‘yang ina at pasimple akong sinamaan ng tingin. Ako pa talaga ang sinisi! Kung hindi lang talaga siya ina ng demonyong ‘to! Tiningnan ako ni Lucifer na parang naghihiwatig na totoo ba ang sinabi ng kan‘yang ina. “Tingin-tingin mo riyan?! Sila ang nauna, bigla na lang silang dumating sa mansyon mo at ininsulto ako! Kung ayaw mong maniwala, bahala ka sa buhay mo!” inis na sabi ko. Tinalikuran ko sila at inis na inayos ang buhok ko. Napangiwi pa ako dahil sa sobrang sakit, tang!na talaga n

    Huling Na-update : 2022-05-20
  • Accidentally Married To A Mafia Boss    Chapter 7

    ANNALISE “WALANG hiya ka talaga!” galit na sigaw ko at dinuro siya. Nakita ko siyang napangiwi ngunit mabilis iyong napawi. “Wait! Who's this girl, Lucifer?” tanong ng impokritang babae at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Taas noo naman akong tumingin sa kan‘ya. Ganyan nga, marunong kang tumingin sa mas nakakaganda sa ‘yo! “She looks like a taklesa girl.” Lumaki ang butas ng ilong ko. Napasinghal ako nang makita ang ngisi ni Lucifer, itong demonyong ‘to! “Hoy! Kung makalait, make-up lang naman ang ikinaganda,” mataray na sabi ko. Lumaki ang mga mata niya at nandidiri akong tiningnan. “Lucifer! Who's this girl ba?!” inis na tanong ng impokrita na ikinatawa ko ng mahina. Asar naman pala. Bago pa makapagsalita si Lucifer ay inunahan ko na siya. “Asawa niya ‘ko!”“What?!”Literal na lumaki ang kan‘yang mga mata, hindi makapaniwala sa kan‘yang narinig. Ayaw ko naman sanang sabihin ‘yon pero ako naman ang lagot. Alam ko pa naman ugali ng demonyong Lucifer.“Yeah, she's my wife. W

    Huling Na-update : 2022-05-25

Pinakabagong kabanata

  • Accidentally Married To A Mafia Boss    Chapter 17

    ANNALISE LUMAKAD papunta sa ‘kin si Lucifer kaya napaatras ako ng kaunti. Umupo siya sa harapan ko at hinawakan ang aking mukha. Napalunok ako dahil sa kan‘yang mukha.“Tell me, who hurt you, wife?” malamig na tanong ni Lucifer habang hinihimas ang aking pisngi. Wala sa sarili akong napatingin kina Maryosa na mukha ng bruha ngayon. Nang hindi ako sumagot ay walang pasabi niya akong binuhat na ikinasinghap ko. Agad akong kumapit sa kan‘ya ng mahigpit. Inilapag niya ako sa upuan na nasa harap ng bahay bago sila hinarap. Ngayon ko lang din napansin na nandito sina nanay. “Maryosa, bakit mo na naman ginugulo ang anak ko?” seryosong tanong ni tatay. Nakagat ko ang aking labi. Alam ni tatay ang mga nangyayari sa ‘kin dito. Naalala ko pa na garbe ang galit niya noong nalaman niyang pinagsamantalahan ako. “E-eh, siya naman ang nauna!” matapang na sabi ni Maryosa at tiningnan ang kan‘yang mga kaibigan na agad na tumango. Hindi siya pinansin ni tatay at hinarap ang mga kaibigan ni Lucifer n

  • Accidentally Married To A Mafia Boss    Chapter 16

    ANNALISE NAPATANGA ako sa kan‘yang sinabi. Hindi agad naproseso ng isip ko ang kan‘yang sinabi. Nabalik lang ako sa ‘king sarili nang marinig ko ang kanilang hiyawan. Wala sa sarili akong napatingin kay Lucifer na nasa harap ko pa rin. Seryoso ang kan‘yang mukha at nagtagalog din siya kaya alam kong hindi siya nagbibiro. “Agang landi naman niyan,” kantyaw ni Ace humalakhak. Napasimangot ako dahil sa pagkayamot. Tiningnan ko ulit si Lucifer na wala na atang balak na umalis sa ‘king harapan. “Tumabi ka nga! Maliligo na ako,” inis na sabi ko ngunit sa kaloob-looban ko ay tila lalabas na aking puso dahil sa sobrang lakas ng pagkabog. Umiinit na rin ang aking pisngi. Pagkatapos naming maligo ay agad na kaming umuwi. Medyo natagalan pa nga kami dahil sa napakaarteng si Lucifer. Magbibihis na sana ako pero bigla na naman siyang naging diablo. Kesyo raw nand‘yan mga kaibigan niya. Sa totoo lang, ang sarap niyang ibaon sa lupa. “Nay! Nandito na po sila ate!” Tumakbo ang kapatid ko patung

  • Accidentally Married To A Mafia Boss    Chapter 15

    ANNALISEHINDI PA MAN sumisikat ang araw ay lahat kami ay gising na. Kitang-kita ko sa mga mukha nila na inaantok pa sila, naghihikab pa nga. Plano kasi namin ngayong umakyat ng bundok kaya maaga kaming gumising. Tiningnan ko sila ulit at napailing na lang dahil sa kanilang mga itsura. Sabog na sabog pa ang mga buhok nila.“Fvcker! Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa ‘yo!” rinig kong reklamo ni Primo kay Ace na ini-enjoy ang pandesal at puto maya na pinaresan ng kape. Nabilaukan si Ace sa narinig. Kami lang nandito sa labas habang nagkakape. Natutulog pa kasi ang mga kapatid at si tatay. Si nanay naman ay nag-asikaso ng almusal namin mamaya at baon na rin kapag aakyat na kami ng bundok. Pagkatapos naming mag-kape ay agad akong nag-aayos. Nakakahiya namang lumabas na ganito ang itsura ko. Nagsuot din ako ng jacket dahil malamig pa. Pagkalabas ko sa kwarto ay nakita ko na sila na handang-handa. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila. Sinong mag-aakala na hindi normal na ta

  • Accidentally Married To A Mafia Boss    Chapter 14

    ANNALISE MATALIM NA MATALIM ang tingin ko ngayon kay Lucifer. Nakaupo kaming lahat ngayon sa luma naming sofa. Naghahanda ng meryenda si nanay samantalang si tatay naman ay masama ang mukha habang pinagmamasdan kami. “Sabihin mo nga, Annalise. Bakit asawa mo ang punggok na lalaking ‘to?” maanghang na tanong ni tatay. Nakagat ko ang aking labi nang marinig ko ang impit na pagtawa ng mga duwag. Kita ko pa na napangiwi si Lucifer. “Ahmm…a-ano, t-tinulongan niya po kasi ako, t-tay. Tapos, kailangan niya raw ng asawa, dahil may utang ako sa kan‘ya ay pumayag ako.” Lunok ako nang lunok habang nagsasalita. Tang!na, Annalise! Anong klaseng rason ‘yan?! Tumaas ang kilay ni Lucifer habang nakatingin sa ‘kin. Narinig ko naman ang mahinang tawanan ng tatlo kaya agad ko silang sinamaan ng tingin. ‘Wag nila akong mainis-inis ngayon. Akmang bubukas na ang bibig ni tatay para sermonan ako nang biglang dumating si nanay na nakangiti habang may dalang mga suman at juice. Bigla akong natakam sa naki

  • Accidentally Married To A Mafia Boss    Chapter 13

    ANNALISENAGTIPON-TIPON kami ngayon sa sala. Maaga raw kasi kaming bya-byahe para maaga raw kaming makarating. Feeling ko nga mas excited pa sila kaysa sa ‘kin. Tumikwas ang kilay ko nang makitang may dala-dalang isang basket ng pagkain si Ace. “Tukmol! Anong akala mo mag-fi-field trip tayo?!” naiinis na singhal ni Primo kay Ace. Napatigil naman sa pagkain si Ace at tiningnan ng masama si Primo. “In case of emergency lang ‘to!” Tumikwas ulit ang kilay ko dahil sa sagot ni Ace. Napailing na lang ako nang mag-umpisa na ang dalawa sa pag-aasaran. Biglang napadako ang tingin ko sa hagdan kung saan bumababa si Lucifer. Nagsalubong ang tingin namin. Nginisihan ko siya pero tinaliman niya lang ako ng tingin. Asar talaga. “Maghanda na kayo. Aalis na tayo,” halos magningning ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Lucifer. Agad kong kinuha ang aking mga bag at nauna nang lumabas. Nakita ko kasi sa labas ng mansyon na may nakaparadang isang kotse. Ramdan ko naman na sumunod sila lahat. “Sinong d

  • Accidentally Married To A Mafia Boss    Chapter 12

    THIRD PERSON POVNAGKAGULO ang lahat nang biglang naglaban ang dalawang grupo. Kaagad na sinalo ni Lucifer si Annalise na malapit nang sumalampak sa sahig. Buti na lang at nakailag si Annalise sa bala na pinutok ng kalaban. Itinunghay ni Annalise ang kan‘yang ulo at tiningnan si Lucifer bago ito nawalan ng malay. Tiningnan muna ni Lucifer si Annalise bago ito binuhat at idinala sa ligtas na lugar. Nang makabalik siya ay hindi pa rin natapos ang gulo. “Aray! Sakit no‘n ah!” bulaslas ni Ace na nandoon din pala. Napailing na lang si Nathan at hinila si Ace para hindi matamaan ng dagger. Habang ang ama ni Lucifer at ang lider ng grupo kanina ay siyang magkatunggali. Matatalim ang kanilang mga mata. “Bakit ba hindi ka mamatay-matay?!” nanggigigil na sigaw ng lider sa ama ni Lucifer na ngayon ay nakangisi. Umayos ito ng tayo bago pinaputukan ang lider. “Because you're weak,” sagot naman ng ama ni Lucifer na lalong nagpagalit sa lider. Sinamaan nito ng tingin ang ama ni Lucifer at walang

  • Accidentally Married To A Mafia Boss    Chapter 11

    ANNALISE NAKASIMANGOT ako habang nasa kotse kami patungo sa party ‘kuno’ na gaganapin. Katabi ko si Lucifer na masama ang tingin sa ‘kin. Malapit na kasi kaming na-late dahil sinadya kong bagalan ang aking kilos para inisin siya. Fair narin kami, naiinis ako, naiinis din siya. “Why the h*ll are you grinning?” Nawala ang ngisi ko at inikotan ng mata si Lucifer. Nakasimangot siya habang nakatingin sa ‘kin. Matagal pa kaming natulog nitong demonyong ‘to dahil sa alitan namin kagabi na sasama raw siya sa probinsya namin. Ang sarap niyang sapakin. “Hey! How dare you to fvcking ignore me?!” Napabuga na lang ako ng marahas na hininga at padabog na hinarap siya. Limousine kasi itong sinasakyan namin kaya malaki ang space. Tinitigan ko siya ng masama bago ibinuka ang aking bibig.“Manahimik ka nga, Lucifer! Kapag ako napikon sa ‘yo. Naku!” nanggigigil na sabi ko at ipinakita sa kan‘ya ang aking kamao. Napatingin kami kay Nathan nang bigla itong bumulaslas ng tawa. Sumabit siya sa ‘min dahi

  • Accidentally Married To A Mafia Boss    Chapter 10

    ANNALISENAIMULAT ko ang aking mga mata nang makarinig ako ng mga ingay. Nangunot ang noo ko nang puro puti ang aking nakikita. Sinubukan kong gumalaw ngunit nauwi lang ‘yon sa ngiwi dahil sa sakit ng aking katawan. “Gising na si Lady Anna!” Napapikit ako ulit nang biglang sumakit ang aking ulo. Nakarinig ako ng mga yabag palapit sa ‘kin. “Lady Anna, okay ka na ba? May masakit ba sa ‘yo?” Minulat ko ulit ang aking mga mata at nakita si Ace na aligaga ang mukha habang nagtatanong sa ‘kin. Agad akong napangiwi nang batukan siya ni Primo. “Tukmol! Daig mo pa si Lucifer na asawa!” singhal ni Primo. Humarap siya sa ‘kin at nginitian ako ng malaki. Ngumiti ako ng maliit sa kan‘ya at inilibot ang paningin sa loob ng silid. Nangunot ang noo ko nang hindi makita si Lucifer. “Umalis muna si boss,” sabi ni Ace na para bang nababasa ang iniisip ko. Agad akong napasimangot, may kasalanan pa ang lalaking ‘yon sa ‘kin. “Lady Anna, kain ka muna,” rinig kong sabi ni Primo at may inilahad na prutas

  • Accidentally Married To A Mafia Boss    Chapter 9

    ANNALISE“PAKAWALAN mo na kasi ako,” makulit na sabi ko sa mokong na kumakain. Walang hiya talaga, sa harap ko pa talaga kumain. Halos maglaway pa ako sa sarap ng mga kinakain niya. “Shut up,” masungit na sabi niya na ikinaikot ng mga mata ko. Ang sarap niyang hampasin ng dos por dos. Alam niya namang kahapon pa ako hindi nakakain tapos piangalalaway niya ako?! Hustisya naman! “Tang!na! Nagugutom na akong hay0p ka!” galit na sabi ko nang maputol ang aking pasensya. Napatigil siya sa pagkain at tiningnan ako. Kumuyom ang kamao ko dahil sa inis. “Hindi mo naman sinabi,” inosenteng sabi niya na halos ikinausok ko dahil sa galit. Huminga ako ng malalim bago siya binigyan ng mas matalim na tingin. “Putang!na mong gag0 ka! Parehas lang kayo ng gag0ng demonyong ‘yon! Bwesit ka!” Hindi ko na mapigilang sumabog dahil sa sobrang inis. Sinusumpa ko, kapag talaga makita ako ng tang!nang Lucifer na ‘yon, kakalbuhin ko talaga siya. Nakakagigil. “Easy, i can't really believe that you're his wif

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status