"NANAY LYN, nasaan po si Jared?" magiliw na tanong ko sa matanda. "T-tajiana, bakit naparito ka?" gulat na turan ni Nanay Lyn, siya ang matagal ng kasambahay ng pamilya ni Jared sa kanilang mansyon. Balak ko kasing sopresahin si Jared ngayong araw dahil ika-tatlong anibersaryo namin ngayon bilang magkarelasyon. "Gusto ko po sanang i-surprise si Jared. Nandiyaan po ba siya ngayon?" Bakas ang pag-aalinlangan sa mukha ni Nanay Lyn. "N-nasa itaas, sa loob ng kaniyang kwarto at ikaw na lang mismo ang pumunta ro’n”Kaagad akong tinalikuran ni Nanay Lyn na lubos kong ikinapagtaka. Medyo naninibago ako sa pakikitungo niya sa ‘kin at baka naman masama ang gising kaya’t ipinagkibit-balikat ko na lang. Dala-dala ko ang kahon ng cake at saka regalo ko kay Jared habang papaakyat ako sa hagdan patungo sa kwarto ng aking nobyo. Sobrang lawak ng aking ngiti habang papalapit sa pintuan ng kaniyang kwarto. Ngunit agad ding napawi ang aking ngiti nang nakarinig ako ng kalabog at ungol. "Sh*t! Sige
"Is it easier to stay? Is it easier to go? I don't wanna know, oh. But I know that I'm never, ever gonna change.And you know you don't want it any other way." ANG MGA NAGLILIKOT na makukulay na ilaw ay tumatama sa mga taong todo-bigay sa pag-indak sa dance floor. Halo-halo na ang amoy ng alak, sigarilyo at kung anu-ano pa sa paligid. Wala na ‘kong pakialam dahil sanay na ‘ko sa paligid na ganito. "Here's your drink, Ma'am." Tumango lang ako sa waiter at kaagad na itong umalis. Mabilis kong ininom ang isang baso ng alak sa harapan ko. Humagod ang mainit na likido na medyo mapakla ang lasa sa ‘king lalamunan. "Bullsh*t! Pangatlong beses na nangyari sa ‘kin ito! Ano bang kulang sa ‘kin? Puwede na nga ‘kong lumaban sa Miss Universe sa ganda kong ito!" malakas na loob kong sigaw lalo na’t hindi naman ako maririnig ng mga tao rito dahil sa lakas ng tugtog. ‘Kung gusto ninyong magsaya, hayaan ninyo ‘kong mag-senti dito. Sapakin ko kayo kapag umangal kayo sa ‘kin. Walang basagan ng tr
"UHMM. . ." Naimulat ko ang aking mga mata nang naramdaman ko ang palad na patuloy na humahaplos sa ‘king hita. Unti-unti kong nasilayan ang makisig na mukha ng lalaking nakilala ko sa club. "I’m so glad that you're awake now," anas niya. Hindi naman ako makasagot dahil dala na rin sa kalasingan. "I'll make sure you'll enjoy this."Sinunggaban naman niya ‘ko ng halik na agad kong tinugon. Sumiklab ang init sa buo kong katawan nang dahil sa kaniya. Unti-unting naglumikot ang kaniyang mga kamay sa katawan ko at hindi niya pinalampas na himasin ang aking kaselanin at pisil-pisilin ang aking mga malulusog na dibdib kahit natatakpan pa ito ng damit. Ipinasok niya ang kaniyang kamay sa loob ng aking damit para tumbukin ang aking dibdib na natatakpan ng bra. Hindi ko napigilang lumiyad nang dahil sa init ng kaniyang palad nang hinubad niya ang aking saplot.‘Sh*t, what the heck is he doing?’"Ahh. . .” ungol ko at hindi ko na makilala ang aking sarili. Tila binabaliw ako ng mga kamay niya.
DAHIL SA SIKAT ng araw, nagising ako mula mahimbing kong pagtulog. Nakaramdam ako nang matinding pananakit ng aking ulo at saka ng aking katawan, ‘Napaaway ba ‘ko kagabi?’ Niyapos ko ang unang nasa tagiliran ko at inamoy ito kagaya ng aking nakasanayan ngunit agad akong napatigil nang nakaamoy ako ng panlalaking pabango. Kinapa ko ang unan sa kabilang gilid ko ngunit nagtaka ako kung bakit ang tigas nito. Kaagad kong idinilat ang aking mga mata at halos mapatili ako nang nakita ko ang isang lalaki sa loob ng aking kwarto. ‘Ano ba’ng nangyari kagabi at may katabi akong lalaki?!’Unti-unting itinaas ko ang kumot na nakapulupot sa ‘king katawan at saka sinuri ko. Agad na nilukob ng takot nang makita na wala siyang saplot. Naipikit ko ang aking mga mata habang mariin ang hawak sa kumot. Hindi ako t*nga para hindi malamang may nangyari sa ‘ming dalawa nitong lalaking mahimbing ang tulog sa tabi ko. Isang patunay ang pananakit ng pagkababae ko. ‘F*ck you, self! May nakapasok sa bataan
PAGKALIPAS ng dalawang buwan, nagtitipa ako ngayon sa keyboard ng aking gamit na desktop nang bigla kong nakaramdam ng hilo. Napahinto ako sa ‘king pagtatrabaho at saka sinapo ang aking ulo. Kanina pang umaga ko nararamdaman ang sakit ng aking ulo at nakalimutan ko namang uminom ng gamot. ‘Sh*t kang ulo ka, kapag hindi ka pa umayos ay tatanggalin kita, char!’Sumandal ako sa ‘king upuan at ipinahinga ko muna ang sarili ko. Para kasing tumitibok ang sentido ko habang umiikot ang paningin ko. Wala pang ilang minuto ay kinalabit na ‘ko ng aking katrabaho at kaibigan kong si Khloe. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Khloe sa ‘kin at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.Tumango naman ako."Oo, medyo nahihilo lang ako." Nag-aalalang lumapit ito sa ‘kin at saka sinalat ang aking noo para tignan kung may lagnat o mainit ba ako. "Dapat nag-absent ka na muna ngayon." Umiling naman ako. "Kaya ko naman at sayang din ang isang araw na bayad sa ‘kin, Khloe."Napabuntong hininga naman ito sa itinuran. k
KINABUKASAN, maaga akong nagising dahil sa biglaang pagbaliktad ng sikmura ko. Nanakbo ‘ko papasok ng banyo at kaagad na dumuwal sa lababo. Napahawak ako sa aking tiyan at kulang na lang ay bumagsak ako sa panghihina dala ng pagsusuka.‘T*ngina, ang sakit.’Kaagad akong nagmumog at nanlalamyang bumalik sa kama. Naupo ako at saka sinapo ang aking sentido. Bigla na naman akong nakaramdam ng pagkahilo kaya napahiga akong muli at saka mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Napaiyak na naman ako dahil sa panghihina.Nang mahimasmasan ay nagbihis ako para bumili ng gamot sa parmasya. Baka umabot pa ito sa kung saan kung hindi ko iinuman ng gamot. Hindi ko gustong maging pahirap at alagain sa kanila. Nag-jacket ako dahil madilim pa at baka malamigan na naman ang sikmura ko at masuka na naman ako. Gising na sina Mama at Papa pero hindi ko na lang sila pinansin at dire-diretso kong lumabas sa aming bahay. Naglakad lang ako patungo sa pharmacy. Medyo mahaba ang pila kahit madaling araw pa l
MATAPOS akong kausapin ng binatilyo ay nagmamadali akong dumiretso sa cafeteria. Pagkatapos kong bumili ng gusto kong pagkain ay nagmasid ako at hinanap ang lamesang inookupa nina Jenniecah at Khloe. Nakita ko naman agad ang mga ito dahil kinakawayan ako ng mga ‘to para matawag ang aking pansin."Ang akala namin wala ka ng balak bumaba para kumain." Napansin kong hindi pa nila nagagalaw ang pagkain nila kaya napakunot ang noo ko. ‘Hinintay ba nila ko?’"Bakit hindi pa nababawasan 'yang mga pagkain niyo? Kanina pa kayo rito ah…""Malamang, hinihintay ka namin diyaan. Mamaya kapag kumain agad kami, magtampo ka kasi hindi ka hinintay." Pairap na sabi ni Khloe kaya napangisi na lang ako. Inismiran lang ako ni Jenniecah. Umupo na ko at saka lang sila nagsimulang kumain kasabay ko. "Thank you sa paghihintay. Kaya rin ako natagalan kasi may biglang humarang na lalaki sa ‘kin kanina doon sa hallway." Pagbibigay alam ko sa kanila at natigilan naman sila sa pagsubo. Nabaling ang tingin nila
"ANO NA, TAJI? Pabitin ka talaga? Wala ka talagang sasabihin? Hindi ka na talaga iimik hanggang mamaya? Hindi ka magpapaliwanag?" Sabik na tanong ni Jenniecah sa ‘kin habang bumabalik kami sa kaniya-kaniyang desk para magsimula ng magtrabaho. Sumasakit ang ulo ko dahil sa lalaking 'yon."Bakit ganon kalagkit tumitig sa'yo ang big boss natin, Taji? Nauna ka na bang mang-akit? Bakit hindi mo kami inaya? Maramot ka! Share your blessings dapat tayong tatlo lagi!"Si Khloe habang nagwawala sa upuan niya. Napayuko naman ako sa desk ko at hindi ko na malaman ang dapat kong unang gawin o kaya sabihin. Sapakin ko na lang kaya mukha ni Khloe para maunawaan niya ang mga sinasabi niya. "Naku talaga! Kaya pala palagi kang ganiyan kapag pinag-uusapan namin si big boss ah, kilala mo naman pala kaya ayaw mo ipalandi sa amin ni Khloe—" Napatigil bigla sa pagsasalita si Jenniecah kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Akala ko buong araw na ‘ko nitong bubu
AFTER a month..."Grabe, ang ganda naman ng bunso kong kapatid na 'yan!"Malakas na hiyaw ni Ate Lhayzel sa akin at saka ako nito pinagpapalo sa braso ko. Napangiwi na lamang ako habang sinusubukang pigilan ang mga kamay niya na paluin pa ulit ako. "N-naiiyak na naman tuloy ako. Napigilan ko na nga kanina, eh..."Nangangatal na usal ni mama sa akin bago ito tuluyang magsimulang umiyak habang pilit na pinipigilan ang mga luhang pumatak sa make up niya dahil nakaayos na rin ito."Grabe, ang bilis naman ng panahon tapos naunahan mo pa akong magpakasal ngayon..."Malungkot na turan ni Ate Lhayzel sa akin kaya naman ngumisi ako rito bago mahinang bumulong sa tenga niya. "Akala mo ba hindi ko alam kung anong status mo, ha? Boyfriend mo na pala yung isa sa kambal na anak nung isa sa mga investors natin? Ang lakas mo pala talaga, Ate Lhayzel." Natatawang sabi ko sa kaniya at namula naman agad ito bago ako kurutin sa tagiliran ko para patahimikin ako dahil baka marinig ni mama ang pinag-uus
MAGMULA nang ma-engage kaming dalawa ni Xence ay hindi na ako napakali pa sa loob ng bahay namin. Palagi na lang kasi sumasagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Aria tungkol sa batang nasa sinapupunan ko raw ngayon. Kaya ngayong araw ay napagdesisyunan ko nang magpa-check up na kay Chrysanthemum pero mas gusto kong mag-isa na lang muna akong kokonsulta sa kaniya dahil kung hindi man ako buntis, ayokong paasahin lang si Xence."Saan ang punta mo ngayon, Bellissima?"Biglang tanong sa akin ni Xence nang mapansin nitong nag-aayos ako ng aking sarili para lumabas ng bahay. Tumingin ako rito sa salamin at nagpatuloy lamang sa paglalagay ng blush on sa mga pisngi ko dahil anong oras na rin at may scheduled check up ako kay Chrysanthemum dahil ito pa rin ang gusto kong maging ob-gyne ko."May kikitain lang akong close friend sa malapit na mall dito sa bahay natin...""Oh, ganoon ba. Gusto mo bang ipagmaneho kita ngayon papunta sa mall para hindi ka na—""Huwag na, Xence! Ayos lang ako, ma
"WELCOME back to Batangas, Bellissima..."Nakangiting usal sa akin ni Xence nang buksan nito ang pintuan ng kotse at inalalayan ako nitong makalabas sa sasakyan. Nanginginig ang mga hita ko habang lumalabas sa kotse dahil hindi talaga ako makapaniwalang dito ako dinala ngayon ni Xence. Hindi ko in-eexpect na maiisip muli ni Xence ang lugar na ito."A-akala ko hindi na ako makakabalik pa rito nang kasama ka..."Naiiyak na turan ko kay Xence dahil bumabalik na naman sa aking isipan ang mga huling sandali na magkasama kaming dalawa ni Xence rito sa Nasugbu, Batangas City.Ang huling pagtapak ko rito sa lugar na ito ay hindi naging masiyadong magandang ala ala para sa amin dahil dito ako nagpalamon sa aking galit at napangibabawan ako ng aking mga emosyon na naging dahilan para maghiganti ako kina Xence at Honey."I know how much you love this place, Bellissima..."Nakangiting usal sa akin ni Xence at marahan nitong hinawakan ang magkabilang pisngi ko upang tumitig ako sa mga mata niya.
"WHAT happened?"Pumasok ng kuwarto si Chrysanthemum at nagmamadali itong lumapit sa akin. Nasa likuran niya si Xence kaya naman namula ang buong mukha ko dahil hindi ko alam paano ko sasabihin ang kalagayan ko ngayon sa kaniya kahit na doctor at kaibigan ko pa ito."Lumabas ka na muna, Xence..."Nahihiyang usal ko rito at napatingin naman si Chrysanthemum kay Xence. Tinanguan nito si Xence kaya naman bumuntong hininga na lang ito at saka lumabas ng kuwarto."Bakit napatawag si Maxence sa akin, Tajiana? Binugbog ka ba niya, ha?! Bakit magkasama kayong dalawa? Kinidnap ka ba niya?!"Nagagalit na tanong nito sa akin habang inoobserbahan ang buong katawan ko pero napaigik na lamang ako nang hawakan nito ang mga hita ko."H-hindi ako kinidnap ni Xence, ano ka ba?""Sure ka bang hindi? Baka tinatakot ka lang ni Maxence, ha? Tatawag ako ng mga pulis—""Teka lang, Chrysanthemum! Hindi nga ako kinidnap ni Xence!""Ikaw muna nga ang aalalahanin ko bago ang pagpapakulong kay Maxence. Saan banda
"MATUTULOG na ba agad tayo o gusto mong magpagod muna tayong dalawa?"Nakangising tanong sa akin ni Xence habang itinutukod nito ang kanang siko niya sa kama. Napaiwas naman agad ako ng tingin dito dahil naiilang ako sa mga titig nito sa akin. Mukhang delikado na naman ang petchay ko ngayong gabi."Siraulo ka talaga, Xence. Matulog ka na nga. Inaantok na rin ako...""Pa-kiss muna ako..."Nakangising usal nito sa akin kaya naman nahintatakutan kaagad ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Alam ko na 'tong mga galawan ni Xence. Ako na naman ang lamog mamaya sa mga gagawin nito sa akin."Ayoko nga. Humiga ka na nang maayos, Xence."Mapagmatigas na usal ko kay Xence kaya naman ngumuso ito dahil sa naging sagot ko sa kaniya at saka mas lumapit pa sa akin. Inihanda ko na kaagad ang mga kamay ko para itulak siya palayo dahil ramdam kong nanggigigil ito sa akin."Kahit good night kiss na lang, Bellissima?"Pamimilit pa nito sa akin kaya naman napabuntong hininga na lang ako dahil alam ko nam
MAAGA akong nagising kinabukasan dahil hindi ko alam kung anong meron sa baba ng bahay namin pero naririnig ko ang mga itong nagtatawanan at nag-uusap. Marahil ay sabay sabay na naman sila mama, papa, at Ate Lhayzel na mag-almusal ngayong umaga at napapasarap ang kanilang kuwentuhan."Mama, may almusal na po ba tayo— Xence?! Anong ginagawa mo rito?! Ang aga aga mo naman dito sa bahay!"Gulat na turan ko kay Xence dahil naabutan ko itong sumasabay sa pagkain ng almusal kila mama at papa. Nasa likod ko naman si Ate Lhayzel na kagigising lang din. Akala ko pa naman ay mas maaga itong nagising kaysa sa akin."Sabi mo sa akin kagabi, bumalik ako rito sa bahay niyo, hindi ba? Don't you remember?" Nakangusong sagot nito sa akin kaya naman napakamot ba lang ako sa kilay ko dahil sobrang aga pa para mabanas ako ngayon kay Xence. Ganoon ba talaga siya kadesperadong i-uwi na ako sa condo niya? "Bakit naman ang aga aga mo rito sa bahay? Wala pa nga yatang 6 am ngayon, oh." "Wala ka namang sina
KINABUKASAN, bumiyahe na kaming dalawa ni Ate Lhayzel pagkatapos naming magpaalam kila mama at papa dahil saglit lang naman kami roon. Mabilis lang ang naging biyahe naming dalawa at pagkalapag pa lang ng eroplano sa airport ay nagtungo na kami kaagad sa company building ng negosyo namin dito sa Thailand. Sinalubong kaagad ako ng aking sekretarya kaya naman umakyat na kami sa office ko para magsimulang asikasuhin ang paglipat namin sa Pilipinas.Mayroong virtual meeting na nagaganap para sa lahat dahil may mga nakabakasyon ding investors at iba pang stock holders ng kumpanya. Umupo ako sa isang swivel chair at humarap sa camera ng laptop. Kaagad kaming nagbatian lahat bago namin pormal na simulan ang meeting para mapag-usapan ang mga bagay bagay."Today, we have decided to stay in my own country for good. We would like the company's main office to be there, in the Philippines. Do you have questions regarding this matter?"Nakangiting tanong ko sa mga ito at kaagad namang may nagsal
MAAGA pa lang ay nakapag-ayos na ako ng aking sarili. Mas mabuti na ang kalagayan nila mama at papa ngayon dahil kahapon lang ay nakalabas na sila ng hospital matapos ang ilang araw na pagkaka-admit doon. Si Jared naman ay bigla na lamang akong nawalan ng balita dahil nang ilipat ito ng kaniyang pamilya sa ibang hospital, hindi na namin nalaman ang nangyari rito. Hindi ko na rin alam kung gumaling na ba ito o bumuti na ang kalagayan niya."Kaizzer, may girlfriend ka na ba? Mga ilan?"Naabutan ko sa kusina namin sila Ate Lhayzel na nag-aalmusal kasama ang body guard naming si Kaizzer. Nasamid naman ang binata sa biglaang tanong sa kaniya ni Ate Lhayzel."Ikaw talaga. Masiyado mong iniilang yung tao, oh. Mabuti pa at kumain ka na lang diyaan ng pandesal, Lhayzel."Pananaway ni mama kay Ate Lhayzel kaya naman ngumuso ito bago magpatuloy sa pagkain niya. Sumabay na rin ako sa kanila sa pagkain bago ako umalis para puntahan ang isa sa mga branches namin dito sa Pilipinas."Madam, we have
"Can I talk to Mr. and Mrs. Regio? Is that possible?"Nakangiting tanong ko kay Xence at natigilan naman ito. Kaagad itong umiwas nang tingin sa akin bago simulang tawagan ang mga magulang niya sa cellphone niya."They are free anytime naman. Gusto niyo bang ngayon na sila kausapin?" "Yes—" "Magbabantay pa ako kila mama, Tajiana..."Sabat at pagdadahilan kaagad ni ate Lhayzel kaya naman natigilan ako sa pagsagot. So, that means ako lang ang mag-aasikaso ng mga napag-usapan nilang dalawa? Ano 'to? Parang taga-plano lang siya ng gala tapos siya pala yung hindi papayagan ng magulang?"Babalik na muna ako sa hospital kasi baka may mga gustong ipabili sila mama at papa sa akin. Kayo na lang muna ang mag-usap dalawa. Una na ako, ha. Bye, good luck sa inyo!"Pamamaalam nito sa amin at tumakbo na kaagad palabas ng office ni Xence kaya hindi na ako nakaangal pa. Yes, nandito kaming tatlo kanina na ngayon ay dalawa na lang sa dating branch at main office ng kumpanya nila Xence. Nakakatuwa ng