Home / Romance / Accidentally Got Pregnant By The Boss / CHAPTER FOUR: THE ANNOUNCEMENT

Share

CHAPTER FOUR: THE ANNOUNCEMENT

last update Last Updated: 2024-01-04 21:25:00

PAGKALIPAS ng dalawang buwan, nagtitipa ako ngayon sa keyboard ng aking gamit na desktop nang bigla kong nakaramdam ng hilo. Napahinto ako sa ‘king pagtatrabaho at saka sinapo ang aking ulo. Kanina pang umaga ko nararamdaman ang sakit ng aking ulo at nakalimutan ko namang uminom ng gamot.

‘Sh*t kang ulo ka, kapag hindi ka pa umayos ay tatanggalin kita, char!’

Sumandal ako sa ‘king upuan at ipinahinga ko muna ang sarili ko. Para kasing tumitibok ang sentido ko habang umiikot ang paningin ko. Wala pang ilang minuto ay kinalabit na ‘ko ng aking katrabaho at kaibigan kong si Khloe.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Khloe sa ‘kin at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

Tumango naman ako."Oo, medyo nahihilo lang ako."

Nag-aalalang lumapit ito sa ‘kin at saka sinalat ang aking noo para tignan kung may lagnat o mainit ba ako. "Dapat nag-absent ka na muna ngayon."

Umiling naman ako. "Kaya ko naman at sayang din ang isang araw na bayad sa ‘kin, Khloe."

Napabuntong hininga naman ito sa itinuran. ko. "Alam mo, Taji, 'yang sipag mo ang papatay sa ‘yo. Nanghihinayang ka sa isang araw na para sa ‘yo naman pero hindi ka ba mas manghihinayang kapag na-ospital ka dahil sa ginagawa mo?"

Napairap naman ako dahil sa pagiging overacting nito. "Grabe ka naman, hindi naman aabot sa gano’n ‘to. Overthinker ka talaga eh ‘no.”

"May announcement daw mamaya. Mag-out ka na lang nang maaga kaysa makita kitang parang lantang gulay diyaan."

Tumango na lamang ako para matapos na ang usapan dahil hindi naman ito titigil kung kokontra pa ‘ko. "Titignan ko."

Bumalik na si Khloe sa pagtatrabaho kaya naman umayos na ‘ko ng upo. Napabuntong hininga muna ‘ko bago simulan ulit ang trabahong ginagawa ko dahil kinakailangan ko itong tapusin. Makalipas ang ilang oras ay nawala na rin naman ang sakit ng ulo ko. Malapit na rin kaming mag-out nang biglang dumating ang head namin.

"Listen, everyone." Istriktong pagkasabi ng head namin at kaagad na natigil ang tunog ng pagtitipa. Sobrang tahimik ng buong lugar dahil nakatutok ang mga atensyon namin dito.

"This is an important announcement. Two days from now, maaaring pumunta rito si Big Boss. Please, make your area clean and neat. Be formal and professional. That's all for today, you may go home early tonight."

Nagtanguan naman kaming lahat at nang nakaalis na ito’y naghiyawan naman ang mga kasamahan ko dahil maaga kaming mag-o-out sa trabaho. Nagsimula na rin akong mag-ayos ng aking mga gamit para maghanda sa ‘king pag-uwi.

"The Big Boss?" bulong ni Khloe.

Nagchichismisan na naman sila Jenniecah kaya napailing na lang ako habang nakikinig.

"Sa tingin mo, masungit kaya 'yon?"

"T*nga ka, Jenniecah? Kung ako ang tinatawag na 'Big Boss' ay malamang makapangyarihan ako edi ibig sabihin, istrikto rin ako!"

"Maka-t*nga ka naman diyaan! Hindi naman lahat gano’n e!"

"Tungaks, sa head pa nga lang natin, kita mo na!" At nagtawanan na naman ito.

Isinukbit ko sa ‘king balikat ang aking bag at kinuha ang pansin ng dalawa. "Mag-da-daldalan pa rin ba kayo diyaan o uuwi na tayo?"

"Ay, oo nga pala, tara na." Tumayo na ang mga ito at sabay-sabay na kaming bumaba sa parking lot. Marami pa kaming napag-usapan bago kami maghiwa-hiwalay. Ito palagi ang hilig naming tatlo, ang magkuwentuhan.

"Bye, bukas na lang ulit. Taji, magpahinga ka ha."

"Oo, see you ulit bukas."

"Good bye and good night!”

Pagkatapos naming magpaalam sa isa’t-isa ay pumasok na rin ako sa loob ng aking kotse at gano’n din sila. Pinauna ko na ang dalawa at saka ko lang pinaandar ang sasakyan ko nang makaalis na ang mga ito.

Isusulong ko na sana ang aking kotse nang napansin ko ang katapat kong kotse. Tinted ang salamin nito at kulay black ang sasakyan ngunit panay ang pag-ilaw ng blink lights ng sasakyan nito na ikinasisilaw ko at nakaramdam naman ako ng inis.

‘Gabing gabi na malakas pa rin mang-inis. Naghahanap ba ng away ito?’

"Anong trip ng kumag na ‘to?" usal ko at saka sumulong na rin. Ikinanan ko na rin ang aking kotse kaya nawala na sa paningin ko ang sasakyan. Sumilip ako mula sa rear view mirror at nagtaasan ang balahibo ko nang nakita kong lumabas ang lalaking naka-suit sa sasakyan. Nakatitig ito sa kotse ko. Tinitigan ko nang maiigi ang daan kaysa isipin ang lalaking ‘yon. Hindi ito pamilyar pero nakaramdam ako ng kaba.

‘Ano ba namang pakiramdam 'yan.’

Sa kalagitnaan nang pagmamaneho ko’y tumawag si Mama. Sinagot ko ito dahil baka importante at ni-loudspeaker ko na lang kaysa ilagay sa aking tenga dahil baka maaksidente pa ‘ko.

"Hello, nak? Nasaan ka na?" tanong ni Mama mula sa kabilang linya.

"Biyahe pa lang po ‘ko pauwi, Mama. Malapit na po ‘ko," sagot ko.

“Ah, pauwi ka na pala. Mag-ingat ka sa biyahe at dumiretso ka na rito dahil malapit nang ihanda ang dinner. Sabay-sabay na.tayong kumain."

"Opo, Ma." Nagpaalam na ito at kusang namatay ang tawag nang patayin ito ni Mama. Ilang minuto pang pagmamaneho ay inihinto ko na ang aking sasakyan sa tapat ng bahay namin. Sinigurado ko munang nakasarado na ang pintuan ng sasakyan ko bago pumasok sa gate ng bahay. Pagkapasok ko sa bahay ay narinig ko na ang tawanan mula sa kusina. Kaagad akong nagtaka dahil karaniwa’y tahimik lamang sa aming bahay.

‘Anong mayro’n at mukhang nagkakasiyahan?’

"Oh, Taji! Nandiyaan ka na pala.” bulalas ni Papa at saka sinalubong ako ng yakap. Gano’n din sina Mama at ate Lhayzel. Ngunit nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala na nandito na pala ang nakatatandang kapatid ko sa Pilipinas.

"Kumpleto na tayo, let's eat." anyaya ni Mama na ikinangiti ko. Kumapit naman sa ‘kin si ate Lhayzel at ang lawak ng ngiti nito habang nakatingin sa akin.

"Kaya pala tuwang-tuwa si Mama, nakauwi ka na pala." sambit ko at umupo na kaming dalawa sa katapat na upuan nina Mama at Papa. Bumitaw na ‘to sa ‘kin pero hindi nawala sa maliit nitong mukha ang saya habang nakatingin sa aming tatlo.

"Kakarating ko lang din. Hindi na ‘ko nagsabi at nagpasundo dahil gusto kong sopresahin kayo nina Mama’t Papa." nakangiting turan ni ate Lhayzel. Inabot nito sa akin ang sandok para sa kanin at nagsimula na kaming kumain.

Habang masayang kumakain ay biglang nagtanong si Mama. "Kumusta ka naman sa Thailand, Anak? Ayos naman ba ang buhay roon?" Marahang ibinaba ni ate Lhayzel ang kaniyang kutsara’t tinidor at saka tumugon sa tanong ni mama. "Sobrang ganda po sa Thailand kaya naman doon ko na pong gustong manirahan. Maayos naman po ang buhay doon at kayang-kaya ko pong makipagsabayan."

Marami pang ikinuwento si ate Lhayzel at magiliw ito habang ipinapaliwanag ang tungkol sa mga tanawin at pasyalan sa Thailand na gusto niya ring mapuntahan namin. Tahimik lang akong nakikinig dahil naisip ko na naman ang sasakyang itim kanina.

‘Hindi kaya siya ang nasa kotse na ‘yon? Pero bakit naman siya mapupunta sa building ng pinagtatrabahuhan ko?’

Inalog ako ni ate Lhayzel kaya naibalik ko ang atensyon sa kaniya at kina mama.

"P-po?" Nagtatakang tanong ko dahil nakakunot na ang noo nilang tatlo. Mukhang kanina pa nila ko tinatawag.

"Bakit ba ang putla mo? Palagi ka pang tulala." tanong ni Mama sa akin na may halong pagsusungit. Napakunot naman ang aking noo at napahawak ako sa ‘king pisngi.

"May masakit ba sa ‘yo, Tajiana?" nag-aaalalang tanong ni Papa sa ‘kin kaya nginitian ko ‘to. "Okay lang po ‘ko, pagod lang po sa trabaho." nakangiting sagot ko.

"Ikaw pala, Taji? Kumusta ka naman?" tanong ni Mama sa ‘kin kaya’t natigilan ako. Medyo nakaramdam ako ng kaba mula sa dibdib ko. Ngayon lamang ako kinumusta ni mama pero tila ba’y hindi ko nagugustuhan.

"A-ayos naman po ‘ko sa trabaho—" Naputol ang sagot nang nagsalita ulit si Mama.

"Nasaan na nga pala ang nobyo mong si Jared? Hindi na siya nagpupunta rito, ah?"

Napatingin ako kay ate Lhayzel na siya lang ang tanging nakakaalam na naghiwalay na kaming dalawa ni Jared. Humawak siya sa ‘king kamay at palihim na pinalalakas ang aking kalooban.

"A-ano po kasi, Mama… W-wala na po kami ni Jared matagal na."

Panandaliang natahimik sina Mama at Papa. Pabagsak na ibinaba ni Mama ang kaniyang kubyertos at saka pinagsiklop ang mga kamay. Mariin at matalas ang tingin ng mga mata nito sa akin na para bang isang maling galaw ko lamang ay aatake siya.

"Matagal na? Bakit hindi mo sinabi sa akin?”

“Humahanap lang po ako ng tamang tiyempo, mama…”

“Bakit naman kayo naghiwalay? Dahil sa ‘yo na naman, ano? Taji naman!" asik ni Mama sa ‘kin. Napalunok naman ako ng aking laway at hindi agad nakasagot.

"Mama..." Pag-aawat ni ate Lhayzel pero inirapan lang ito ni Mama at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Kaya malakas ang loob niyang kapatid mo, pareho kayong kunsintidor ng ama mo!" sigaw ni Mama na agad namang pinigilan ni Papa. Napayuko na lamang ako sa kahihiyan. "Ayusin mo ‘yan, Taji. Kung kinakailangang ikaw ang manuyo para magbalikan kayo ni Jared ay gawin mo—"

"Mama, niloko niya ‘ko. Hindi ako magmamakaawa sa kaniya at lalong hinding-hindi ako makikipagbalikan sa kaniya." Naiiyak na sabi ko at biglang dumilim ang awra ni Papa. Naiyukom nito ang mga kamao niya bago magsalita.

"Ang kapal ng mukha ng Jared na ‘yan para lokohin ka—"

"Huwag mong pagsasalitaan ng masama si Jared, Wane!" pagpipigil ni Mama kay Papa kaya natigilan kaming tatlo.

‘Bakit parang sobra naman ang galit niya sa ‘kin? Bakit parang ako pa ang lumalabas na masama at mali rito?’

"Huwag mong pagsasalitaan ng masama ang batang 'yon dahil ang anak mo ang may kasalanan kaya siya niloko!" Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Mama.

‘Bakit niya ba pinagtatanggol si Jared?!’

"A-ano bang sinasabi mo, Mama?" Naguguluhan at nasasaktan kong turan.

"Tiyak kong ikaw rin ang may kasalanan kung bakit naging gano’n sa ‘yo si Jared!" Naghihisterikal na sigaw ni Mama na ikinaluha ko. Hindi ako makapaniwala na sa sarili ko pang ina manggagaling ang mga salitang ‘yon. Sarili kong ina at kadugo ay ipinagtatanggol ang ibang taong may ginawang mali kaysa sa ‘kin na sarili niyang anak.

"Quincy, ano ba 'yang sinasabi mo?!" asik ni Papa kay Mama.

Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi na ‘ko makapagsalita. Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Napipilan na lamang ako sa isang tabi habang inaalo ako ng aking nakatatandang kapatid.

"Paano ang negosyo natin, Taji? Bakit mo siya hiniwalayan? Paano na ang arrange marriage ninyong dalawa? Hindi na natin mababawi pa ang negosyong ipinundar pa ng lolo mo para sa atin!" Napaiwas ako ng tingin kay Mama. Sobra na ‘kong nasasaktan sa mga sinabi niya. Iniisip niya ang kapakanan ng negosyo naming palubog na pero ang nararamdaman ng sarili niyang anak ay hindi niya man lang kayang bigyan ng atensyon.

"Mama, tama na po." Pagpipigil ni ate Lhayzel habang pinapatahan ako.

"Mabuti pa po ang business naaalala niyo, ako po kaya, kailan niyo ko maaalala? Anak niyo po ako pero parang kasangkapan na lang ang tingin niyo sa ‘kin." Tumayo na ‘ko at tumakbo paakyat ng aking kuwarto. Umupo ako sa isang sulok at doon ibinuhos ang kanina ko pang pinipigil na mga luha. Kumatok nang kumatok sa pintuan ko si ate Lhayzel pero minabuti kong hindi na lamang siya pagbuksan.

Naka-arrange marriage lang kami ni Jared pero hindi naman ako nahirapang mahalin siya pero ngayong sinaktan ako nito at hindi ko na ito mahal ay ayaw kong ipinipilit pa ito sa ‘kin. Palagi na lang kapakanan ng palubog na business ang inaatupag ni Mama. Hindi niya nga naitanong man lang kung anong naramdaman ko sa panloloko ng g*gong 'yon. Pero naiintindihan ko rin naman si Mama dahil alam kong ang pamilya na lang ni Jared ang iniisip niyang makakatulong sa ‘min pero nasasaktan na ‘ko bilang anak niya na kaya niya ‘kong ipagkanulo para lang maisalba ang negosyong ‘yon. Patunay na mas pinapahalagahan niya ‘yon kaysa sa sarili niyang anak.

‘Ganoon ba ko kawalang halaga sa kaniya?’

Kapag gano’n ang mga lumalabas na mga salita sa bibig ni Mama ay hindi ko maiwasang masaktan dahil mas naiisip kong mahalaga ang business kaysa sa ‘kin, na para bang wala na ‘kong ambag sa pamilyang ito kapag hindi ko naisalba ang negosyong pinapahalagahan ng pamilya namin dahil galing pa ito sa grandfather ko.

Related chapters

  • Accidentally Got Pregnant By The Boss    CHAPTER FIVE: MEETING THE CHEATER AGAIN

    KINABUKASAN, maaga akong nagising dahil sa biglaang pagbaliktad ng sikmura ko. Nanakbo ‘ko papasok ng banyo at kaagad na dumuwal sa lababo. Napahawak ako sa aking tiyan at kulang na lang ay bumagsak ako sa panghihina dala ng pagsusuka.‘T*ngina, ang sakit.’Kaagad akong nagmumog at nanlalamyang bumalik sa kama. Naupo ako at saka sinapo ang aking sentido. Bigla na naman akong nakaramdam ng pagkahilo kaya napahiga akong muli at saka mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Napaiyak na naman ako dahil sa panghihina.Nang mahimasmasan ay nagbihis ako para bumili ng gamot sa parmasya. Baka umabot pa ito sa kung saan kung hindi ko iinuman ng gamot. Hindi ko gustong maging pahirap at alagain sa kanila. Nag-jacket ako dahil madilim pa at baka malamigan na naman ang sikmura ko at masuka na naman ako. Gising na sina Mama at Papa pero hindi ko na lang sila pinansin at dire-diretso kong lumabas sa aming bahay. Naglakad lang ako patungo sa pharmacy. Medyo mahaba ang pila kahit madaling araw pa l

    Last Updated : 2024-01-04
  • Accidentally Got Pregnant By The Boss    CHAPTER SIX : DISC JOCKEY TURNS INTO CEO

    MATAPOS akong kausapin ng binatilyo ay nagmamadali akong dumiretso sa cafeteria. Pagkatapos kong bumili ng gusto kong pagkain ay nagmasid ako at hinanap ang lamesang inookupa nina Jenniecah at Khloe. Nakita ko naman agad ang mga ito dahil kinakawayan ako ng mga ‘to para matawag ang aking pansin."Ang akala namin wala ka ng balak bumaba para kumain." Napansin kong hindi pa nila nagagalaw ang pagkain nila kaya napakunot ang noo ko. ‘Hinintay ba nila ko?’"Bakit hindi pa nababawasan 'yang mga pagkain niyo? Kanina pa kayo rito ah…""Malamang, hinihintay ka namin diyaan. Mamaya kapag kumain agad kami, magtampo ka kasi hindi ka hinintay." Pairap na sabi ni Khloe kaya napangisi na lang ako. Inismiran lang ako ni Jenniecah. Umupo na ko at saka lang sila nagsimulang kumain kasabay ko. "Thank you sa paghihintay. Kaya rin ako natagalan kasi may biglang humarang na lalaki sa ‘kin kanina doon sa hallway." Pagbibigay alam ko sa kanila at natigilan naman sila sa pagsubo. Nabaling ang tingin nila

    Last Updated : 2024-01-12
  • Accidentally Got Pregnant By The Boss    CHAPTER SEVEN: A PECK ON THE LIPS

    "ANO NA, TAJI? Pabitin ka talaga? Wala ka talagang sasabihin? Hindi ka na talaga iimik hanggang mamaya? Hindi ka magpapaliwanag?" Sabik na tanong ni Jenniecah sa ‘kin habang bumabalik kami sa kaniya-kaniyang desk para magsimula ng magtrabaho. Sumasakit ang ulo ko dahil sa lalaking 'yon."Bakit ganon kalagkit tumitig sa'yo ang big boss natin, Taji? Nauna ka na bang mang-akit? Bakit hindi mo kami inaya? Maramot ka! Share your blessings dapat tayong tatlo lagi!"Si Khloe habang nagwawala sa upuan niya. Napayuko naman ako sa desk ko at hindi ko na malaman ang dapat kong unang gawin o kaya sabihin. Sapakin ko na lang kaya mukha ni Khloe para maunawaan niya ang mga sinasabi niya. "Naku talaga! Kaya pala palagi kang ganiyan kapag pinag-uusapan namin si big boss ah, kilala mo naman pala kaya ayaw mo ipalandi sa amin ni Khloe—" Napatigil bigla sa pagsasalita si Jenniecah kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Akala ko buong araw na ‘ko nitong bubu

    Last Updated : 2024-01-13
  • Accidentally Got Pregnant By The Boss    CHAPTER EIGHT: CAN WE JUST TALK?

    "HOY, TAJI! Bukas na 'yan! Over na over time natin! Tatlo na lang tayo rito!" Hinila ako ni Khloe sa kuwelyo kaya napaangat ako sa aking kinauupuan. Halos mapamura ‘ko dahil muntikan pang magulo ang ginagawa ko sa computer.‘Puwede naman silang mauna, bakit nga ba nandito pa rin sila?’“Bakit ba nandito rin kayo at nag-oover time? Mauna na kayo umuwi, gusto ko pang tapusin ‘tong ginagawa ko bago umuwi.” Nai-stress na sabi ko at saka ginulo ang buhok ko. Natawa naman ang dalawa sa ‘kin dahil sa inaasta ko."Wala pa namang deadline 'yang ginagawa mo, Taji. Bakit ba napaka-sipag mo ngayon? Para kang t*nga diyaan, mag-isa ka lang nagtatrabaho." Aniya Jenniecah kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ewan ko ba sa sarili ko, kanina pa masama ang timpla ko at anytime ay sasabog na talaga ako."Anteh ko, wala ng bayad ‘yang over na over time mo! Nagsasayang ka lang ng oras dito!” Si Khloe kaya napatigil din ako at napaisip. Bakit nga ba ‘ko nag

    Last Updated : 2024-01-14
  • Accidentally Got Pregnant By The Boss    CHAPTER NINE: CONFIRMED

    NAKAUWI naman ako nang matiwasay sa bahay at lahat ng tao sa bahay ay tulog na maliban na lang kay ate Lhayzel na kanina pa ata nakangiti mag-isa sa sofa. Nang makita ako nito ay mas lalo pang lumawak ang ngiti nito at nanakbo papalapit sa ‘kin."Over-over time ka ngayon bunso ah." Pamamansin nito. Magkakaugali talaga sila ni Khloe at Jenniecah kaya napapalibutan ako ng mga may sinto-sinto."Ikaw? Over-over puyat ka rin diyaan ah.""Siyempre, hinihintay kita, tara sa kuwarto dali! Papakita ko na mga pasalubong ko sa'yo galing Thailand!" Bago kami umakyat ay sinigurado ko munang nakasara at nakakandado ang pintuan at gate. Tahimik kaming umakyat ni ate dala ang isang buong chocolate cake na binili niya raw kanina. "Ayaw mo bang kumain ng kanin? Mag-init muna tayo ng makakain mo—""Hindi na ‘ko kumakain ng kanin sa gabi. Dapat nga tulog na ‘ko ngayon.""Mabilis lang naman! Kuwentuhan mo lang ako tungkol sa buhay mo rito eh!"

    Last Updated : 2024-01-15
  • Accidentally Got Pregnant By The Boss    CHAPTER TEN: LIVE WITH HIM

    "TAJI?"Kumatok si ate Lhayzel sa pintuan kaya nabalik ako sa realidad at kaagad na tumayo para pagbuksan ito. Ngumiti ito sa ‘kin at binuksan ko nang malawak ang pintuan para papasukin siya."Pasok ka, ate."Pumasok nga ito sa kuwarto ko at naupo sa kama ko. Sumunod ako rito at naiilang akong umupo sa tabi niya dahil pinagmamasdan ako nito."Akala mo ba hindi ko alam?""A-ang alin?""Buntis ka, alam ko."Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito at kaagad akong kinabahan. Pinagsiklop ko ang mga kamay ko para maiwasan ang panginginig ng mga ito."P-paano mo nalaman? Kanina lang—""Napapansin ko at naririnig ko ang palaging pagsusuka mo, Taji. Nung una hindi ko naman talaga naisip na buntis ka pero lagi kang nahihilo at nag-crave ka sa mga pagkain na hindi mo naman madalas kinakain."Natahimik ako sa sinabi nito. Napapansin niya pala ang pagbabago sa akin, paano pa kaya ang ibang tao? Kailanga

    Last Updated : 2024-01-16
  • Accidentally Got Pregnant By The Boss    CHAPTER ELEVEN : AS SWEET AS CHOCOLATES

    PAGOD na pagod akong naglakad papuntang parking lot. Nauna na ako kina Khloe at Jenniecah dahil nga sa sinabi ni Xence. Pinuntahan ako ni Torn kanina at sinabing kailangan kong umuwi dahil susunduin daw ako ni Xence pagkatapos kong mag-impake ng mga gamit ko.Inaantok ako habang nagmamaneho ngunit pinilit kong dumilat kahit na mahirap. Kaagad kong pinark nang maayos ang kotse pagkarating ko sa bahay. Bubuksan ko na sana ang gate nang biglang bumukas ito at makita ko sina mama't papa kasama si ate Lhayzel na masayang masaya at may dalang mga bagahe at nakaayos na para bang aalis ang mga ito."Taji....""Saan ang punta niyo po?" Nakangiti ngunit nalulungkot na sabi ko."N-nag-aya kasi si mama na magpunta sa Palawan at bisitahin sina lolo't lola, Taji. Hindi mo ba nabasa yung text ko sa'yo? Gusto mo bang sumama? Hihintayin ka namin dito para makapag—""Hindi na, ate… Enjoy na lang kayo."Pilit ang ngiti sa labing sabi ko.

    Last Updated : 2024-01-17
  • Accidentally Got Pregnant By The Boss    CHAPTER TWELVE : DELICIOUS

    MAINGAT kong sinapo ang tiyan ko at pinakatitigan ito. Napangiti na lang ako sa kaisipang magkakaanak na pala ako. Sana maging lalaki ang magiging anak ko para kapag masundan man, maipagtatanggol niya ang mga nakababata niyang kapatid. Wait, sinabi ko bang kapag masundan man?! Hindi ako 'yun."Ilang months na?"Tanong ni Xence na nakapagpabago ng mood ko. Hindi niya alam kung ilang months na? Ibig sabihin iniisip niya pa rin na hindi sa kaniya ito at nagtatanong pa siya kung ilang buwan na?"Two months pregnant na ‘ko, okay lang kung iniisip mongg hindi sayo 'to. Nag-one night stand tayo, dapat talaga hindi na kita iniistorbo dahil nung gabing 'yon, tapos na dapat ang ugnayan natin sa isa't isa. Hindi ko pinahalagahan ang sarili ko nung gabing 'yon. Alam kong pumapasok din sa isip mo na paano kung hindi lang ikaw ang naka-s*x ko last two months kaya feel free na ipa-DNA test ang bata kung hindi ka totally naniniwala sa akin—""Alam kong

    Last Updated : 2024-01-18

Latest chapter

  • Accidentally Got Pregnant By The Boss    EPILOGUE : NOW AND FOREVER (SPG)

    AFTER a month..."Grabe, ang ganda naman ng bunso kong kapatid na 'yan!"Malakas na hiyaw ni Ate Lhayzel sa akin at saka ako nito pinagpapalo sa braso ko. Napangiwi na lamang ako habang sinusubukang pigilan ang mga kamay niya na paluin pa ulit ako. "N-naiiyak na naman tuloy ako. Napigilan ko na nga kanina, eh..."Nangangatal na usal ni mama sa akin bago ito tuluyang magsimulang umiyak habang pilit na pinipigilan ang mga luhang pumatak sa make up niya dahil nakaayos na rin ito."Grabe, ang bilis naman ng panahon tapos naunahan mo pa akong magpakasal ngayon..."Malungkot na turan ni Ate Lhayzel sa akin kaya naman ngumisi ako rito bago mahinang bumulong sa tenga niya. "Akala mo ba hindi ko alam kung anong status mo, ha? Boyfriend mo na pala yung isa sa kambal na anak nung isa sa mga investors natin? Ang lakas mo pala talaga, Ate Lhayzel." Natatawang sabi ko sa kaniya at namula naman agad ito bago ako kurutin sa tagiliran ko para patahimikin ako dahil baka marinig ni mama ang pinag-uus

  • Accidentally Got Pregnant By The Boss    CHAPTER FIFTY FOUR : FINALLY BEARING

    MAGMULA nang ma-engage kaming dalawa ni Xence ay hindi na ako napakali pa sa loob ng bahay namin. Palagi na lang kasi sumasagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Aria tungkol sa batang nasa sinapupunan ko raw ngayon. Kaya ngayong araw ay napagdesisyunan ko nang magpa-check up na kay Chrysanthemum pero mas gusto kong mag-isa na lang muna akong kokonsulta sa kaniya dahil kung hindi man ako buntis, ayokong paasahin lang si Xence."Saan ang punta mo ngayon, Bellissima?"Biglang tanong sa akin ni Xence nang mapansin nitong nag-aayos ako ng aking sarili para lumabas ng bahay. Tumingin ako rito sa salamin at nagpatuloy lamang sa paglalagay ng blush on sa mga pisngi ko dahil anong oras na rin at may scheduled check up ako kay Chrysanthemum dahil ito pa rin ang gusto kong maging ob-gyne ko."May kikitain lang akong close friend sa malapit na mall dito sa bahay natin...""Oh, ganoon ba. Gusto mo bang ipagmaneho kita ngayon papunta sa mall para hindi ka na—""Huwag na, Xence! Ayos lang ako, ma

  • Accidentally Got Pregnant By The Boss    CHAPTER FIFTY THREE : EVERLASTING LOVE

    "WELCOME back to Batangas, Bellissima..."Nakangiting usal sa akin ni Xence nang buksan nito ang pintuan ng kotse at inalalayan ako nitong makalabas sa sasakyan. Nanginginig ang mga hita ko habang lumalabas sa kotse dahil hindi talaga ako makapaniwalang dito ako dinala ngayon ni Xence. Hindi ko in-eexpect na maiisip muli ni Xence ang lugar na ito."A-akala ko hindi na ako makakabalik pa rito nang kasama ka..."Naiiyak na turan ko kay Xence dahil bumabalik na naman sa aking isipan ang mga huling sandali na magkasama kaming dalawa ni Xence rito sa Nasugbu, Batangas City.Ang huling pagtapak ko rito sa lugar na ito ay hindi naging masiyadong magandang ala ala para sa amin dahil dito ako nagpalamon sa aking galit at napangibabawan ako ng aking mga emosyon na naging dahilan para maghiganti ako kina Xence at Honey."I know how much you love this place, Bellissima..."Nakangiting usal sa akin ni Xence at marahan nitong hinawakan ang magkabilang pisngi ko upang tumitig ako sa mga mata niya.

  • Accidentally Got Pregnant By The Boss    CHAPTER FIFTY TWO : RETURNING HOME

    "WHAT happened?"Pumasok ng kuwarto si Chrysanthemum at nagmamadali itong lumapit sa akin. Nasa likuran niya si Xence kaya naman namula ang buong mukha ko dahil hindi ko alam paano ko sasabihin ang kalagayan ko ngayon sa kaniya kahit na doctor at kaibigan ko pa ito."Lumabas ka na muna, Xence..."Nahihiyang usal ko rito at napatingin naman si Chrysanthemum kay Xence. Tinanguan nito si Xence kaya naman bumuntong hininga na lang ito at saka lumabas ng kuwarto."Bakit napatawag si Maxence sa akin, Tajiana? Binugbog ka ba niya, ha?! Bakit magkasama kayong dalawa? Kinidnap ka ba niya?!"Nagagalit na tanong nito sa akin habang inoobserbahan ang buong katawan ko pero napaigik na lamang ako nang hawakan nito ang mga hita ko."H-hindi ako kinidnap ni Xence, ano ka ba?""Sure ka bang hindi? Baka tinatakot ka lang ni Maxence, ha? Tatawag ako ng mga pulis—""Teka lang, Chrysanthemum! Hindi nga ako kinidnap ni Xence!""Ikaw muna nga ang aalalahanin ko bago ang pagpapakulong kay Maxence. Saan banda

  • Accidentally Got Pregnant By The Boss    CHAPTER FIFTY ONE : SORE (SPG)

    "MATUTULOG na ba agad tayo o gusto mong magpagod muna tayong dalawa?"Nakangising tanong sa akin ni Xence habang itinutukod nito ang kanang siko niya sa kama. Napaiwas naman agad ako ng tingin dito dahil naiilang ako sa mga titig nito sa akin. Mukhang delikado na naman ang petchay ko ngayong gabi."Siraulo ka talaga, Xence. Matulog ka na nga. Inaantok na rin ako...""Pa-kiss muna ako..."Nakangising usal nito sa akin kaya naman nahintatakutan kaagad ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Alam ko na 'tong mga galawan ni Xence. Ako na naman ang lamog mamaya sa mga gagawin nito sa akin."Ayoko nga. Humiga ka na nang maayos, Xence."Mapagmatigas na usal ko kay Xence kaya naman ngumuso ito dahil sa naging sagot ko sa kaniya at saka mas lumapit pa sa akin. Inihanda ko na kaagad ang mga kamay ko para itulak siya palayo dahil ramdam kong nanggigigil ito sa akin."Kahit good night kiss na lang, Bellissima?"Pamimilit pa nito sa akin kaya naman napabuntong hininga na lang ako dahil alam ko nam

  • Accidentally Got Pregnant By The Boss    CHAPTER FIFTY : YOU'RE ALREADY IN MY SYSTEM

    MAAGA akong nagising kinabukasan dahil hindi ko alam kung anong meron sa baba ng bahay namin pero naririnig ko ang mga itong nagtatawanan at nag-uusap. Marahil ay sabay sabay na naman sila mama, papa, at Ate Lhayzel na mag-almusal ngayong umaga at napapasarap ang kanilang kuwentuhan."Mama, may almusal na po ba tayo— Xence?! Anong ginagawa mo rito?! Ang aga aga mo naman dito sa bahay!"Gulat na turan ko kay Xence dahil naabutan ko itong sumasabay sa pagkain ng almusal kila mama at papa. Nasa likod ko naman si Ate Lhayzel na kagigising lang din. Akala ko pa naman ay mas maaga itong nagising kaysa sa akin."Sabi mo sa akin kagabi, bumalik ako rito sa bahay niyo, hindi ba? Don't you remember?" Nakangusong sagot nito sa akin kaya naman napakamot ba lang ako sa kilay ko dahil sobrang aga pa para mabanas ako ngayon kay Xence. Ganoon ba talaga siya kadesperadong i-uwi na ako sa condo niya? "Bakit naman ang aga aga mo rito sa bahay? Wala pa nga yatang 6 am ngayon, oh." "Wala ka namang sina

  • Accidentally Got Pregnant By The Boss    CHAPTER FORTY NINE : CRASHING BACK TO YOU

    KINABUKASAN, bumiyahe na kaming dalawa ni Ate Lhayzel pagkatapos naming magpaalam kila mama at papa dahil saglit lang naman kami roon. Mabilis lang ang naging biyahe naming dalawa at pagkalapag pa lang ng eroplano sa airport ay nagtungo na kami kaagad sa company building ng negosyo namin dito sa Thailand. Sinalubong kaagad ako ng aking sekretarya kaya naman umakyat na kami sa office ko para magsimulang asikasuhin ang paglipat namin sa Pilipinas.Mayroong virtual meeting na nagaganap para sa lahat dahil may mga nakabakasyon ding investors at iba pang stock holders ng kumpanya. Umupo ako sa isang swivel chair at humarap sa camera ng laptop. Kaagad kaming nagbatian lahat bago namin pormal na simulan ang meeting para mapag-usapan ang mga bagay bagay."Today, we have decided to stay in my own country for good. We would like the company's main office to be there, in the Philippines. Do you have questions regarding this matter?"Nakangiting tanong ko sa mga ito at kaagad namang may nagsal

  • Accidentally Got Pregnant By The Boss    CHAPTER FORTY EIGHT : VAGUE

    MAAGA pa lang ay nakapag-ayos na ako ng aking sarili. Mas mabuti na ang kalagayan nila mama at papa ngayon dahil kahapon lang ay nakalabas na sila ng hospital matapos ang ilang araw na pagkaka-admit doon. Si Jared naman ay bigla na lamang akong nawalan ng balita dahil nang ilipat ito ng kaniyang pamilya sa ibang hospital, hindi na namin nalaman ang nangyari rito. Hindi ko na rin alam kung gumaling na ba ito o bumuti na ang kalagayan niya."Kaizzer, may girlfriend ka na ba? Mga ilan?"Naabutan ko sa kusina namin sila Ate Lhayzel na nag-aalmusal kasama ang body guard naming si Kaizzer. Nasamid naman ang binata sa biglaang tanong sa kaniya ni Ate Lhayzel."Ikaw talaga. Masiyado mong iniilang yung tao, oh. Mabuti pa at kumain ka na lang diyaan ng pandesal, Lhayzel."Pananaway ni mama kay Ate Lhayzel kaya naman ngumuso ito bago magpatuloy sa pagkain niya. Sumabay na rin ako sa kanila sa pagkain bago ako umalis para puntahan ang isa sa mga branches namin dito sa Pilipinas."Madam, we have

  • Accidentally Got Pregnant By The Boss    CHAPTER FORTY SEVEN : YES OR YES?

    "Can I talk to Mr. and Mrs. Regio? Is that possible?"Nakangiting tanong ko kay Xence at natigilan naman ito. Kaagad itong umiwas nang tingin sa akin bago simulang tawagan ang mga magulang niya sa cellphone niya."They are free anytime naman. Gusto niyo bang ngayon na sila kausapin?" "Yes—" "Magbabantay pa ako kila mama, Tajiana..."Sabat at pagdadahilan kaagad ni ate Lhayzel kaya naman natigilan ako sa pagsagot. So, that means ako lang ang mag-aasikaso ng mga napag-usapan nilang dalawa? Ano 'to? Parang taga-plano lang siya ng gala tapos siya pala yung hindi papayagan ng magulang?"Babalik na muna ako sa hospital kasi baka may mga gustong ipabili sila mama at papa sa akin. Kayo na lang muna ang mag-usap dalawa. Una na ako, ha. Bye, good luck sa inyo!"Pamamaalam nito sa amin at tumakbo na kaagad palabas ng office ni Xence kaya hindi na ako nakaangal pa. Yes, nandito kaming tatlo kanina na ngayon ay dalawa na lang sa dating branch at main office ng kumpanya nila Xence. Nakakatuwa ng

DMCA.com Protection Status