MAINGAT kong sinapo ang tiyan ko at pinakatitigan ito. Napangiti na lang ako sa kaisipang magkakaanak na pala ako. Sana maging lalaki ang magiging anak ko para kapag masundan man, maipagtatanggol niya ang mga nakababata niyang kapatid. Wait, sinabi ko bang kapag masundan man?! Hindi ako 'yun."Ilang months na?"Tanong ni Xence na nakapagpabago ng mood ko. Hindi niya alam kung ilang months na? Ibig sabihin iniisip niya pa rin na hindi sa kaniya ito at nagtatanong pa siya kung ilang buwan na?"Two months pregnant na ‘ko, okay lang kung iniisip mongg hindi sayo 'to. Nag-one night stand tayo, dapat talaga hindi na kita iniistorbo dahil nung gabing 'yon, tapos na dapat ang ugnayan natin sa isa't isa. Hindi ko pinahalagahan ang sarili ko nung gabing 'yon. Alam kong pumapasok din sa isip mo na paano kung hindi lang ikaw ang naka-s*x ko last two months kaya feel free na ipa-DNA test ang bata kung hindi ka totally naniniwala sa akin—""Alam kong
“ILANG taon ka na ba?” Wala sa sariling naitanong ko kay Xence at napatikhim naman ito bago sumagot sa tanong ko. “Turning 29. How about you?”“26.”“Woah, I'm 3 years older than you?”“Oo, tanda mo na pala.. Egol naman..” Bulong ko at biglang napakunot ang noo ni Xence. Napatakip naman ako ng bibig dahil mukhang napalakas ang bulong ko.“I heard that, Bellissima.”“Ah, narinig mo ba? Edi mabuti.”“What do you mean by egol?”May kaunting accent na sabi ni Xence kaya natawa ko. Tunog mayaman talaga. “Wala, huwag mo na lang intindihin mga pinagsasasabi ko kapag hindi mo maintindihan. Alien language hehehe..”“Bellissima.” Pagbabanta nito kaya napataas ang kilay ko.“Sinong tinatakot mo?”“I am not scaring you. Sabihin mo na kasi, please?” Nagpapa-cute na sabi nito kaya napangiwi na lang ako. Ang laking tao pero hilig palang magpa-cute? “Ibig kong sabih
TAHIMIK akong naghugas ng pinggan at hinayaan na lang ako ni Xence. Nakatitig lang ito at nakapangalumbaba sa lamesa habang pinanonood akong magbanlaw ng mga pinggan. "Anong sinabi ko sa'yo kanina?"Tanong ko habang hinuhugasan ang pang-huling plato. Parang nasa ulap na naman si Xence nang lingunin ko ito. Wala sa sarili at nakatulala lang sa akin."Huy, Xence!"At doon lang nito napansin na kanina ko pa siya tinatawag. Pumikit-pikit pa ito bago magsalita."Bakit?""Ang sabi ko, ano yung sinabi ko sa'yo kanina?"Natatawang tanong ko rito at napaisip naman ito. Napakunot ang noo bago umiling sa akin bilang sagot. "Ano bang sinabi mo sa akin kanina? Hindi ko na maalala."Nagpunta ako sa sala at sumunod naman ito. Naupo ulit ako sa sofa at sinusundan lang ako nito. "Diba sabi ko sa'yo kanina, tigilan mo na 'yang ugali mong paninitig kasi hindi nga maganda? Nakakailang kaya... “
MATIWASAY kaming nakauwi ni Xence sa condo niya. Nakahawak lang ito sa kamay ko hanggang sa makapasok kami sa loob ng condo. Umupo ako sa sofa para magpahinga, dumiretso naman si Xence sa kusina at kumuha ng maiinom na tubig para sa aming dalawa. "Uminom ka muna ng tubig, Coke yung ininom mo kanina." Inilahad nito ang isang tubig ng baso sa akin at inabot ko naman ‘yon. "Salamat."Naupo ito sa tabi ko at namayani ang katahimikan sa buong paligid. Nag-iisip pa lang ako ng sasabihin nang biglang magtanong ito. "Bakit ka nga pala nasa club ulit nung gabing 'yon?" Tanong nito at nagtaka naman ako. "Anong ulit? ibig sabihin—""Sa pagkakatanda ko, tatlong beses ka pa lang nagpunta roon sa club." Pagbibigay alam nito kaya napatanga ko. Paano niya nalaman kung ilang beses na akong nakapunta roon?! "B-bakit alam mong tatlong beses pa lang ako nakakapunta roon sa club?"At doon lang
NAGISING ako mula sa mahimbing na pagkakatulog nang kumalam ang sikmura ko. Sa pagmulat ko pa lang ng mga mata ko ay mukha na ni Xence ang nasilayan ko kaya napangiti ako. Mahimbing na rin ang pagkakatulog nito habang yakap-yakap ako. Kaagad namula ang parehong pisngi ko nang maalala kong ginawa na naman namin ang ‘bagay’ na 'yon ngunit ang pinagkaiba ngayon ay pareho kaming nasa tamang pag-iisip at wala sa buong sistema namin ang alak.Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap ni Xence sa akin nang magreklamo na naman ang sikmura ko dahil gutom na gutom na 'ko. Kumuha na lang ako ng isang roba para takpan ang buong katawan ko bago ako marahang lumabas ng kuwarto upang hindi magising si Xence at nagtungo kaagad sa kusina para maghanap ng makakain. Sinuri ko ang loob ng refrigerator kung mayroon bang makakain at labis kong ipinagpasalamat na may isang balot pa ng tinapay at bote ng palamang tsokolate ang nandoon. Inilabas ko ang mga 'yon at nagtimpla na ri
“ANONG BALITA?”“Sa radyo at tv?”Dugtong ko sa tanong ni Khloe sa akin kaya sumama na naman ang tingin nito sa akin. “Anong nangyari at bakit hindi ka pumasok kahapon? Hindi ko rin nakita sa office niya o dumaan man lang si Sir Maxence kahapon. Magkasama ba kayo?!"Pagsususpetya ni Jenniecah sa akin kaya napabuntong hininga na lamang ako.Kaibigan ko naman sila at alam kong mapagkakatiwalaan silang dalawa. Bakit nga ba hindi ko pa sinasabi sa kanila? Hindi naman siguro masama kung sabihin ko kung ano ba talagang namamagitan sa amin at kung ano nga ba talaga kami ni Xence ngayon.“Huwag kayong maingay. Nakatira ako ngayon sa condo ni Xence.”Pagsisiwalat ko at para na namang megaphone ang parehong bunganga nina Khloe at Jenniecah. “Ano?!”"Condo?!"Exaggerated na sabi nilang dalawa. Napangiwi naman ako dahil napatingin ang mga ka-trabaho namin maging ang inspector na nandito pala pa
"SURE ka ba talagang para sa ating dalawa lang itong mga pagkain? Bakit parang catering na yata ‘to?! Sobrang dami naman, Xence!”Gulat na turan ko dahil halos maging buffet na sa loob ng opisina ang mga pina-deliver na mga pagkain ni Xence kay Torn. Ultimo si Torn ay natatawa at namamangha sa mga pagkaing nakahain sa harapan namin sa sobrang dami nito. Baka akala ni Xence ay bibitayin na kami pagkatapos ng tanghaliang ‘to?"Oo naman, hindi ko gustong nagugutom ka at saka maganda na yung maraming choices para hindi ka mahirapang pumili ng gusto mong kainin—""Torn, umupo ka rito. Kumain ka rin."Ipinagpag ko ang katabing upuan ko at kaagad namang umiling si Torn sa paanyaya ko kaya nairita ko rito. "Umupo ka sabi rito. Hindi namin kayang dalawa ubusin 'to. Sumabay ka na sa aming kumain para lahat tayo busog dito."Matigas na sabi ko at napakamot naman ito sa ulo habang napapasilip kay Xence kaya sinamaan ko ito ng ting
NAKARATING kami nang matiwasay sa condo at tahimik lang si Torn at Xence buong biyahe. Bumaba na lang ako at hindi na inantay pa na pagbuksan ako ni Xence ng pinto pero pinabalik lang ako nito sa loob ng sasakyan. Kaagad namang tumaas ang kaliwang kilay ko at pinag-krus ang mga braso ko sa aking dibdib. Ano na namang kailangan nito sa akin? “Anong problema mo?”Inis na tanong ko rito pero sinara lang ulit nito ang pinto ng sasakyan. Magrereklamo na sana ako sa ginawa nito pero napakunot ang noo ko nang buksan ulit nito ang pinto at ilahad ang kamay niya sa akin. Nasisira na yata utak ni Xence. “Ano bang trip mo?”"Pinagbubuksan lang kita ng pintuan.""Ang lakas ng trip mo. Kita mong binuksan ko na, sinara mo pa ulit."Tawa naman nang tawa si Torn sa amin kaya sinamaan ko ito ng tingin. Napaayos ito ng tayo at itinikom ang kaniyang bibig. Inis kong inabot at hinawakan ang kamay ni Xence at inalalayan ako nito sa pagbaba ng sasakyan. Akala mo naman ay ang taas ng hahakbangin ko para al
AFTER a month..."Grabe, ang ganda naman ng bunso kong kapatid na 'yan!"Malakas na hiyaw ni Ate Lhayzel sa akin at saka ako nito pinagpapalo sa braso ko. Napangiwi na lamang ako habang sinusubukang pigilan ang mga kamay niya na paluin pa ulit ako. "N-naiiyak na naman tuloy ako. Napigilan ko na nga kanina, eh..."Nangangatal na usal ni mama sa akin bago ito tuluyang magsimulang umiyak habang pilit na pinipigilan ang mga luhang pumatak sa make up niya dahil nakaayos na rin ito."Grabe, ang bilis naman ng panahon tapos naunahan mo pa akong magpakasal ngayon..."Malungkot na turan ni Ate Lhayzel sa akin kaya naman ngumisi ako rito bago mahinang bumulong sa tenga niya. "Akala mo ba hindi ko alam kung anong status mo, ha? Boyfriend mo na pala yung isa sa kambal na anak nung isa sa mga investors natin? Ang lakas mo pala talaga, Ate Lhayzel." Natatawang sabi ko sa kaniya at namula naman agad ito bago ako kurutin sa tagiliran ko para patahimikin ako dahil baka marinig ni mama ang pinag-uus
MAGMULA nang ma-engage kaming dalawa ni Xence ay hindi na ako napakali pa sa loob ng bahay namin. Palagi na lang kasi sumasagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Aria tungkol sa batang nasa sinapupunan ko raw ngayon. Kaya ngayong araw ay napagdesisyunan ko nang magpa-check up na kay Chrysanthemum pero mas gusto kong mag-isa na lang muna akong kokonsulta sa kaniya dahil kung hindi man ako buntis, ayokong paasahin lang si Xence."Saan ang punta mo ngayon, Bellissima?"Biglang tanong sa akin ni Xence nang mapansin nitong nag-aayos ako ng aking sarili para lumabas ng bahay. Tumingin ako rito sa salamin at nagpatuloy lamang sa paglalagay ng blush on sa mga pisngi ko dahil anong oras na rin at may scheduled check up ako kay Chrysanthemum dahil ito pa rin ang gusto kong maging ob-gyne ko."May kikitain lang akong close friend sa malapit na mall dito sa bahay natin...""Oh, ganoon ba. Gusto mo bang ipagmaneho kita ngayon papunta sa mall para hindi ka na—""Huwag na, Xence! Ayos lang ako, ma
"WELCOME back to Batangas, Bellissima..."Nakangiting usal sa akin ni Xence nang buksan nito ang pintuan ng kotse at inalalayan ako nitong makalabas sa sasakyan. Nanginginig ang mga hita ko habang lumalabas sa kotse dahil hindi talaga ako makapaniwalang dito ako dinala ngayon ni Xence. Hindi ko in-eexpect na maiisip muli ni Xence ang lugar na ito."A-akala ko hindi na ako makakabalik pa rito nang kasama ka..."Naiiyak na turan ko kay Xence dahil bumabalik na naman sa aking isipan ang mga huling sandali na magkasama kaming dalawa ni Xence rito sa Nasugbu, Batangas City.Ang huling pagtapak ko rito sa lugar na ito ay hindi naging masiyadong magandang ala ala para sa amin dahil dito ako nagpalamon sa aking galit at napangibabawan ako ng aking mga emosyon na naging dahilan para maghiganti ako kina Xence at Honey."I know how much you love this place, Bellissima..."Nakangiting usal sa akin ni Xence at marahan nitong hinawakan ang magkabilang pisngi ko upang tumitig ako sa mga mata niya.
"WHAT happened?"Pumasok ng kuwarto si Chrysanthemum at nagmamadali itong lumapit sa akin. Nasa likuran niya si Xence kaya naman namula ang buong mukha ko dahil hindi ko alam paano ko sasabihin ang kalagayan ko ngayon sa kaniya kahit na doctor at kaibigan ko pa ito."Lumabas ka na muna, Xence..."Nahihiyang usal ko rito at napatingin naman si Chrysanthemum kay Xence. Tinanguan nito si Xence kaya naman bumuntong hininga na lang ito at saka lumabas ng kuwarto."Bakit napatawag si Maxence sa akin, Tajiana? Binugbog ka ba niya, ha?! Bakit magkasama kayong dalawa? Kinidnap ka ba niya?!"Nagagalit na tanong nito sa akin habang inoobserbahan ang buong katawan ko pero napaigik na lamang ako nang hawakan nito ang mga hita ko."H-hindi ako kinidnap ni Xence, ano ka ba?""Sure ka bang hindi? Baka tinatakot ka lang ni Maxence, ha? Tatawag ako ng mga pulis—""Teka lang, Chrysanthemum! Hindi nga ako kinidnap ni Xence!""Ikaw muna nga ang aalalahanin ko bago ang pagpapakulong kay Maxence. Saan banda
"MATUTULOG na ba agad tayo o gusto mong magpagod muna tayong dalawa?"Nakangising tanong sa akin ni Xence habang itinutukod nito ang kanang siko niya sa kama. Napaiwas naman agad ako ng tingin dito dahil naiilang ako sa mga titig nito sa akin. Mukhang delikado na naman ang petchay ko ngayong gabi."Siraulo ka talaga, Xence. Matulog ka na nga. Inaantok na rin ako...""Pa-kiss muna ako..."Nakangising usal nito sa akin kaya naman nahintatakutan kaagad ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Alam ko na 'tong mga galawan ni Xence. Ako na naman ang lamog mamaya sa mga gagawin nito sa akin."Ayoko nga. Humiga ka na nang maayos, Xence."Mapagmatigas na usal ko kay Xence kaya naman ngumuso ito dahil sa naging sagot ko sa kaniya at saka mas lumapit pa sa akin. Inihanda ko na kaagad ang mga kamay ko para itulak siya palayo dahil ramdam kong nanggigigil ito sa akin."Kahit good night kiss na lang, Bellissima?"Pamimilit pa nito sa akin kaya naman napabuntong hininga na lang ako dahil alam ko nam
MAAGA akong nagising kinabukasan dahil hindi ko alam kung anong meron sa baba ng bahay namin pero naririnig ko ang mga itong nagtatawanan at nag-uusap. Marahil ay sabay sabay na naman sila mama, papa, at Ate Lhayzel na mag-almusal ngayong umaga at napapasarap ang kanilang kuwentuhan."Mama, may almusal na po ba tayo— Xence?! Anong ginagawa mo rito?! Ang aga aga mo naman dito sa bahay!"Gulat na turan ko kay Xence dahil naabutan ko itong sumasabay sa pagkain ng almusal kila mama at papa. Nasa likod ko naman si Ate Lhayzel na kagigising lang din. Akala ko pa naman ay mas maaga itong nagising kaysa sa akin."Sabi mo sa akin kagabi, bumalik ako rito sa bahay niyo, hindi ba? Don't you remember?" Nakangusong sagot nito sa akin kaya naman napakamot ba lang ako sa kilay ko dahil sobrang aga pa para mabanas ako ngayon kay Xence. Ganoon ba talaga siya kadesperadong i-uwi na ako sa condo niya? "Bakit naman ang aga aga mo rito sa bahay? Wala pa nga yatang 6 am ngayon, oh." "Wala ka namang sina
KINABUKASAN, bumiyahe na kaming dalawa ni Ate Lhayzel pagkatapos naming magpaalam kila mama at papa dahil saglit lang naman kami roon. Mabilis lang ang naging biyahe naming dalawa at pagkalapag pa lang ng eroplano sa airport ay nagtungo na kami kaagad sa company building ng negosyo namin dito sa Thailand. Sinalubong kaagad ako ng aking sekretarya kaya naman umakyat na kami sa office ko para magsimulang asikasuhin ang paglipat namin sa Pilipinas.Mayroong virtual meeting na nagaganap para sa lahat dahil may mga nakabakasyon ding investors at iba pang stock holders ng kumpanya. Umupo ako sa isang swivel chair at humarap sa camera ng laptop. Kaagad kaming nagbatian lahat bago namin pormal na simulan ang meeting para mapag-usapan ang mga bagay bagay."Today, we have decided to stay in my own country for good. We would like the company's main office to be there, in the Philippines. Do you have questions regarding this matter?"Nakangiting tanong ko sa mga ito at kaagad namang may nagsal
MAAGA pa lang ay nakapag-ayos na ako ng aking sarili. Mas mabuti na ang kalagayan nila mama at papa ngayon dahil kahapon lang ay nakalabas na sila ng hospital matapos ang ilang araw na pagkaka-admit doon. Si Jared naman ay bigla na lamang akong nawalan ng balita dahil nang ilipat ito ng kaniyang pamilya sa ibang hospital, hindi na namin nalaman ang nangyari rito. Hindi ko na rin alam kung gumaling na ba ito o bumuti na ang kalagayan niya."Kaizzer, may girlfriend ka na ba? Mga ilan?"Naabutan ko sa kusina namin sila Ate Lhayzel na nag-aalmusal kasama ang body guard naming si Kaizzer. Nasamid naman ang binata sa biglaang tanong sa kaniya ni Ate Lhayzel."Ikaw talaga. Masiyado mong iniilang yung tao, oh. Mabuti pa at kumain ka na lang diyaan ng pandesal, Lhayzel."Pananaway ni mama kay Ate Lhayzel kaya naman ngumuso ito bago magpatuloy sa pagkain niya. Sumabay na rin ako sa kanila sa pagkain bago ako umalis para puntahan ang isa sa mga branches namin dito sa Pilipinas."Madam, we have
"Can I talk to Mr. and Mrs. Regio? Is that possible?"Nakangiting tanong ko kay Xence at natigilan naman ito. Kaagad itong umiwas nang tingin sa akin bago simulang tawagan ang mga magulang niya sa cellphone niya."They are free anytime naman. Gusto niyo bang ngayon na sila kausapin?" "Yes—" "Magbabantay pa ako kila mama, Tajiana..."Sabat at pagdadahilan kaagad ni ate Lhayzel kaya naman natigilan ako sa pagsagot. So, that means ako lang ang mag-aasikaso ng mga napag-usapan nilang dalawa? Ano 'to? Parang taga-plano lang siya ng gala tapos siya pala yung hindi papayagan ng magulang?"Babalik na muna ako sa hospital kasi baka may mga gustong ipabili sila mama at papa sa akin. Kayo na lang muna ang mag-usap dalawa. Una na ako, ha. Bye, good luck sa inyo!"Pamamaalam nito sa amin at tumakbo na kaagad palabas ng office ni Xence kaya hindi na ako nakaangal pa. Yes, nandito kaming tatlo kanina na ngayon ay dalawa na lang sa dating branch at main office ng kumpanya nila Xence. Nakakatuwa ng