MATAPOS ang nangyaring diskusyon sa pagitan ng pamilya ko at pamilya ni Xence ay nagkasundo ang lahat para sa pagpapasiya sa gaganaping home coming party ng mga magulang ni Xence na si mommy Adira at daddy Maxx. Nasa plano rin ng mga ito na sa mismong party ay kanila nang ipapaalam sa kanilang mga kamag-anak, kaibigan, at iba pang mga taong malapit sa pamilyang Regio ang aking pagbubuntis at ang planong kasal naming dalawa ni Xence upang makilala na ako ng mga nakararami bilang partner ni Xence.Ngayong araw ang naturang home coming party ng mga magulang ni Xence kaya naman maaga pa lamang ay gumising na ako para maghanap ng masusuot ko sa party ngunit napangiti agad ako nang makita sa ibabaw ng aking kama ang isang white maxi dress kasama ang isang white stilletto shoes. "As I walked in to the shop, I already imagined you wearing this dress that's why I bought it for you. I hope you like it.."Turan ni Xence habang marahang yumayapos ang kaniyang mga braso sa bewang ko at pasimplen
"ANONG problema mo, bro?" Inis na turan ni Jared at nanghahamong naglakad pasulong kay Xence. Hindi naman siya inurungan nito kaya nagpaangasan ang mga ito.Sobrang lapit na ni Jared at Xence sa isa't isa at walang nagpapatalo sa kanilang dalawa kaya pinipilit kong pumagitna sa kanila habang pinipigil sila dahil nakukuha na namin ang atensyon ng lahat ng mga tao sa party."Who the f*ck are you? Sinundan mo pa talaga asawa ko sa rest room? You're such a f*cking creep." Mariing tanong ni Xence kay Jared at tumingin ito sa akin na para bang itinatanong nito kay Jared kung sino ba ako sa buhay nito at bakit ako sinundan nito. "Asawa mo? Si Tajiana? G*go ka pala, eh. Girlfriend ko si Tajiana. Nagkalabuan lang kami, sumingit ka na agad? F*ck off, dude."Sagot ni Jared kay Xence at walang habas nitong itinulak sa dibdib si Xence kaya hindi na ito nag-dalawang isip pa para maunang sumuntok at magsimula ng gulo.Sinuntok ni Xence sa mukha si Jared dahilan para matumba ito at mapasigaw ako.
NAALIMPUNGATAN ako sa tunog ng pintuan dahil bigla itong bumukas. Sumilip ako sa wall clock at nakita kong halos madaling araw na pala. Alam kong gumamit ng spare key si Maxence para mabuksan niya ang pintuan kaya hinayaan ko na lamang ito at nanatili sa puwesto ko at pumikit na lang ulit dahil ayokong mag-away pa ulit kaming dalawa."Are you awake, Bellissima?"Mahinang tanong ni Xence matapos marahang humiga sa tabi ko. Hindi ako sumagot dito at nanatili lang akong nakikinig sa mga sasabihin niya."Can we talk? I can't sleep..."Bulong ni Xence sa akin at maingat ako nitong niyapos sa aking bewang. Tumagal kami ng ilang minuto na ganoon lamang kaming dalawa. Nakayakap siya sa akin habang ako ay walang kibo at hindi ko alam ang dapat kong isagot sa kaniya."Please, look at me, Bellissima..."Turan ni Xence at mabilis kong sinunod ang pakiusap nito sa akin. Hindi na ito nagulat pa nang humarap ako sa kaniya dahil alam kong alam ni Xence na nagising din ako. Inayos nito ang pagkakayakap
"MUKHANG may nagaganap na sa inyong dalawa ni Xence, ha..."Mahinang bulong ni ate Lhayzel sa akin pagkaupo pa lang namin sa sofa kaya naman napakunot ang noo ko at nagtaka sa sinabi nito."Ha? Anong nagaganap sa amin ni Xence?""Tignan mo nga 'yang itsura mo, comfortable ka na palang ganiyan lang ang suot mo sa bahay?"Nakanguso sa aking sabi nito at kaagad naman akong napatakip sa hita ko dahil ngayon ko lang naalala na wala nga pala akong shorts."Hehehe...""Anong hehe ka diyaan?! Si Maxence topless pa talaga nang dumating ako. Halatang halata kayo! Lagot ka talaga kung sila papa isinama ko sa pagbisita ko rito sa condo niyo ni Xence."Turan ni ate Lhayzel at pino nitong kinurot ang tagiliran ko kaya napangiwi na lamang ako. Kumuha ito ng isang piraso ng brownies at kinagatan ito bago ulit magsalita."Maiba nga tayo, Taji. Anong nangyari kahapon? Memorable naman ba ang mga kaganapan sa party? Bonggang bongga, ganoon?"Tanong nito patungkol sa party kagabi kaya napabuntong hininga
"I'M AFRAID... I think she is not in good shape right now. I'm concerned and I want to know what causes her panic attacks but I don't want to keep on talking about it since it might trigger her. I badly need your help right now. This is for her, Chrys. Please, I'm begging you to help me..."Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses ni Xence sa hindi kalayuan. Pagdilat ko ng aking mga mata ay kaagad akong nilukob ng takot at kaba dahil hindi ko makita si Xence kahit saan sa loob ng kuwarto."X-xence?! Nasaan ka, Xence?!"Halos mag-histerikal na ako kakasigaw sa pangalan ni Xence at narinig ko ang mga mabibilis na yabag mula sa labas ng pintuan at kalauna'y bumukas ang pintuan. Gulat na gulat ang mukha ni Xence nang pumasok siya sa kuwarto namin at kaagad akong sinalubong ng yakap dahil nadatnan nitong umiiyak na naman ako sa kama."We will see you later..."Usal ni Xence at saka pinatay ang tawag bago ibinaba ang cellphone niya. Marahang hinagod ni Xence ang buhok ko upang pakalmah
"ALAM na alam ko 'yang mga iniisip mo, Tajiana. Hintayin mo munang makapagpaliwanag sa'yo si Maxence bago mo pangunahan ng emosyon. Kumalma ka muna, baka mapano ka naman kakaisip mo diyaan."Pananaway sa akin ni ate Lhayzel habang maingat ako nitong inaakay palabas ng ospital dahil inaya ko na itong umuwi na kami dahil halos isang oras na pero hindi pa rin bumabalik si Xence rito sa ospital."Nagtataka kasi talaga ako kay Xence...""Bakit naman?"Tulala pa rin ako at nag-iisip nang malalim habang pumapasok sa loob ng sasakyan namin dahil hindi ko talaga lubos na maintindihan bakit umalis si Xence nang walang pasabi sa akin."Wala ba talaga siyang sinabing pangalan ng kikitain niya ngayon? Para kasing hindi ugali ni Xence ang hindi muna magpaalam bago umalis...""Ay, kung meron man, hindi mo na kailangang magtanong pa sa akin, Tajiana. Ako na mismo ang magsasabi sa'yo ng mga gusto niyang ipasabi o ipaalam sa'yo. Ang kaso nga, wala naman talaga siyang nabanggit na sabihin ko sa'yo. Bast
"SANDALI lang po!" Sigaw ni ate Lhayzel mula sa loob ng bahay namin. Patuloy lamang ako sa pagpindot ng door bell sa gilid ng gate namin habang humahagulgol ako. Kailangan ko sila ate ngayon, kailangan ko ang pamilya ko ngayon. Mababaliw na talaga ako kung wala akong magiging kasangga ngayon."Madaling araw na, kumakatok ka pa, ha. Sino ka ba at hindi rin makapaghintay na mapagbuksan ng gate— T-tajiana?! Bakit ka nandito?! Madaling araw na, ah! Bakit ka umiiyak?!"Gulat at sunod sunod na turan ni ate Lhayzel sa akin matapos akong sumugod dito payakap sa kaniya dahil kailangan ko ang yapos nito. Sinara ni ate Lhayzel ang gate namin at saka ako nito inakay papasok sa loob ng bahay habang humahagulgol ako sa balikat nito dahil hindi ko na kayang pigilan pa ang mga luha at hikbi ko dahil kusa na itong lumalabas sa akin. "A-anong nangyari sa'yo, bunso? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba kay Xence? May nangyari ba sa'yo? Sa inyo?" Natatarantang tanong ni ate Lhayzel sa akin habang inaa
"GOOD MORNING, Tajiana. Kumusta ka naman ngayon?"Hindi ako umimik. Hindi ako sumagot sa mga tanong sa akin ni Chrysanthemum. Tumulala lamang ako sa isang gilid dahil wala akong lakas para magsalita o tumingin sa kaniya o kahit kanino."D-doc, it's been a week since Tajiana last spoke to us. Palagi lang siyang ganiyan, ayaw kumain at ayaw makipag-usap sa amin. Palaging umiiyak kaya hindi na po namin alam ang gagawin sa kaniya...""I'm very sorry po. Let's be patient with Tajiana. She got miscarriage and is still grieving for her lost child. Based on the tests and observations, Tajiana was diagnosed with Post-Traumatic Stress Disorder or PTSD..."I got diagnosed with PTSD. Ang buong pamilya ko ay nag-iyakan matapos sabihin ni Chrysanthemum ang kalagayan ko ngayon.Pakiramdam ko ay wala na akong pag-asa at ang buhay ko ngayon ay wala ng saysay dahil sa pagkawala ng anak ko. Hindi ko alam kung makaka-ahon pa ba ako sa pagkakalugmok ko."A-anak, lumaban ka lang, ha... N-nandito lang kami
AFTER a month..."Grabe, ang ganda naman ng bunso kong kapatid na 'yan!"Malakas na hiyaw ni Ate Lhayzel sa akin at saka ako nito pinagpapalo sa braso ko. Napangiwi na lamang ako habang sinusubukang pigilan ang mga kamay niya na paluin pa ulit ako. "N-naiiyak na naman tuloy ako. Napigilan ko na nga kanina, eh..."Nangangatal na usal ni mama sa akin bago ito tuluyang magsimulang umiyak habang pilit na pinipigilan ang mga luhang pumatak sa make up niya dahil nakaayos na rin ito."Grabe, ang bilis naman ng panahon tapos naunahan mo pa akong magpakasal ngayon..."Malungkot na turan ni Ate Lhayzel sa akin kaya naman ngumisi ako rito bago mahinang bumulong sa tenga niya. "Akala mo ba hindi ko alam kung anong status mo, ha? Boyfriend mo na pala yung isa sa kambal na anak nung isa sa mga investors natin? Ang lakas mo pala talaga, Ate Lhayzel." Natatawang sabi ko sa kaniya at namula naman agad ito bago ako kurutin sa tagiliran ko para patahimikin ako dahil baka marinig ni mama ang pinag-uus
MAGMULA nang ma-engage kaming dalawa ni Xence ay hindi na ako napakali pa sa loob ng bahay namin. Palagi na lang kasi sumasagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Aria tungkol sa batang nasa sinapupunan ko raw ngayon. Kaya ngayong araw ay napagdesisyunan ko nang magpa-check up na kay Chrysanthemum pero mas gusto kong mag-isa na lang muna akong kokonsulta sa kaniya dahil kung hindi man ako buntis, ayokong paasahin lang si Xence."Saan ang punta mo ngayon, Bellissima?"Biglang tanong sa akin ni Xence nang mapansin nitong nag-aayos ako ng aking sarili para lumabas ng bahay. Tumingin ako rito sa salamin at nagpatuloy lamang sa paglalagay ng blush on sa mga pisngi ko dahil anong oras na rin at may scheduled check up ako kay Chrysanthemum dahil ito pa rin ang gusto kong maging ob-gyne ko."May kikitain lang akong close friend sa malapit na mall dito sa bahay natin...""Oh, ganoon ba. Gusto mo bang ipagmaneho kita ngayon papunta sa mall para hindi ka na—""Huwag na, Xence! Ayos lang ako, ma
"WELCOME back to Batangas, Bellissima..."Nakangiting usal sa akin ni Xence nang buksan nito ang pintuan ng kotse at inalalayan ako nitong makalabas sa sasakyan. Nanginginig ang mga hita ko habang lumalabas sa kotse dahil hindi talaga ako makapaniwalang dito ako dinala ngayon ni Xence. Hindi ko in-eexpect na maiisip muli ni Xence ang lugar na ito."A-akala ko hindi na ako makakabalik pa rito nang kasama ka..."Naiiyak na turan ko kay Xence dahil bumabalik na naman sa aking isipan ang mga huling sandali na magkasama kaming dalawa ni Xence rito sa Nasugbu, Batangas City.Ang huling pagtapak ko rito sa lugar na ito ay hindi naging masiyadong magandang ala ala para sa amin dahil dito ako nagpalamon sa aking galit at napangibabawan ako ng aking mga emosyon na naging dahilan para maghiganti ako kina Xence at Honey."I know how much you love this place, Bellissima..."Nakangiting usal sa akin ni Xence at marahan nitong hinawakan ang magkabilang pisngi ko upang tumitig ako sa mga mata niya.
"WHAT happened?"Pumasok ng kuwarto si Chrysanthemum at nagmamadali itong lumapit sa akin. Nasa likuran niya si Xence kaya naman namula ang buong mukha ko dahil hindi ko alam paano ko sasabihin ang kalagayan ko ngayon sa kaniya kahit na doctor at kaibigan ko pa ito."Lumabas ka na muna, Xence..."Nahihiyang usal ko rito at napatingin naman si Chrysanthemum kay Xence. Tinanguan nito si Xence kaya naman bumuntong hininga na lang ito at saka lumabas ng kuwarto."Bakit napatawag si Maxence sa akin, Tajiana? Binugbog ka ba niya, ha?! Bakit magkasama kayong dalawa? Kinidnap ka ba niya?!"Nagagalit na tanong nito sa akin habang inoobserbahan ang buong katawan ko pero napaigik na lamang ako nang hawakan nito ang mga hita ko."H-hindi ako kinidnap ni Xence, ano ka ba?""Sure ka bang hindi? Baka tinatakot ka lang ni Maxence, ha? Tatawag ako ng mga pulis—""Teka lang, Chrysanthemum! Hindi nga ako kinidnap ni Xence!""Ikaw muna nga ang aalalahanin ko bago ang pagpapakulong kay Maxence. Saan banda
"MATUTULOG na ba agad tayo o gusto mong magpagod muna tayong dalawa?"Nakangising tanong sa akin ni Xence habang itinutukod nito ang kanang siko niya sa kama. Napaiwas naman agad ako ng tingin dito dahil naiilang ako sa mga titig nito sa akin. Mukhang delikado na naman ang petchay ko ngayong gabi."Siraulo ka talaga, Xence. Matulog ka na nga. Inaantok na rin ako...""Pa-kiss muna ako..."Nakangising usal nito sa akin kaya naman nahintatakutan kaagad ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Alam ko na 'tong mga galawan ni Xence. Ako na naman ang lamog mamaya sa mga gagawin nito sa akin."Ayoko nga. Humiga ka na nang maayos, Xence."Mapagmatigas na usal ko kay Xence kaya naman ngumuso ito dahil sa naging sagot ko sa kaniya at saka mas lumapit pa sa akin. Inihanda ko na kaagad ang mga kamay ko para itulak siya palayo dahil ramdam kong nanggigigil ito sa akin."Kahit good night kiss na lang, Bellissima?"Pamimilit pa nito sa akin kaya naman napabuntong hininga na lang ako dahil alam ko nam
MAAGA akong nagising kinabukasan dahil hindi ko alam kung anong meron sa baba ng bahay namin pero naririnig ko ang mga itong nagtatawanan at nag-uusap. Marahil ay sabay sabay na naman sila mama, papa, at Ate Lhayzel na mag-almusal ngayong umaga at napapasarap ang kanilang kuwentuhan."Mama, may almusal na po ba tayo— Xence?! Anong ginagawa mo rito?! Ang aga aga mo naman dito sa bahay!"Gulat na turan ko kay Xence dahil naabutan ko itong sumasabay sa pagkain ng almusal kila mama at papa. Nasa likod ko naman si Ate Lhayzel na kagigising lang din. Akala ko pa naman ay mas maaga itong nagising kaysa sa akin."Sabi mo sa akin kagabi, bumalik ako rito sa bahay niyo, hindi ba? Don't you remember?" Nakangusong sagot nito sa akin kaya naman napakamot ba lang ako sa kilay ko dahil sobrang aga pa para mabanas ako ngayon kay Xence. Ganoon ba talaga siya kadesperadong i-uwi na ako sa condo niya? "Bakit naman ang aga aga mo rito sa bahay? Wala pa nga yatang 6 am ngayon, oh." "Wala ka namang sina
KINABUKASAN, bumiyahe na kaming dalawa ni Ate Lhayzel pagkatapos naming magpaalam kila mama at papa dahil saglit lang naman kami roon. Mabilis lang ang naging biyahe naming dalawa at pagkalapag pa lang ng eroplano sa airport ay nagtungo na kami kaagad sa company building ng negosyo namin dito sa Thailand. Sinalubong kaagad ako ng aking sekretarya kaya naman umakyat na kami sa office ko para magsimulang asikasuhin ang paglipat namin sa Pilipinas.Mayroong virtual meeting na nagaganap para sa lahat dahil may mga nakabakasyon ding investors at iba pang stock holders ng kumpanya. Umupo ako sa isang swivel chair at humarap sa camera ng laptop. Kaagad kaming nagbatian lahat bago namin pormal na simulan ang meeting para mapag-usapan ang mga bagay bagay."Today, we have decided to stay in my own country for good. We would like the company's main office to be there, in the Philippines. Do you have questions regarding this matter?"Nakangiting tanong ko sa mga ito at kaagad namang may nagsal
MAAGA pa lang ay nakapag-ayos na ako ng aking sarili. Mas mabuti na ang kalagayan nila mama at papa ngayon dahil kahapon lang ay nakalabas na sila ng hospital matapos ang ilang araw na pagkaka-admit doon. Si Jared naman ay bigla na lamang akong nawalan ng balita dahil nang ilipat ito ng kaniyang pamilya sa ibang hospital, hindi na namin nalaman ang nangyari rito. Hindi ko na rin alam kung gumaling na ba ito o bumuti na ang kalagayan niya."Kaizzer, may girlfriend ka na ba? Mga ilan?"Naabutan ko sa kusina namin sila Ate Lhayzel na nag-aalmusal kasama ang body guard naming si Kaizzer. Nasamid naman ang binata sa biglaang tanong sa kaniya ni Ate Lhayzel."Ikaw talaga. Masiyado mong iniilang yung tao, oh. Mabuti pa at kumain ka na lang diyaan ng pandesal, Lhayzel."Pananaway ni mama kay Ate Lhayzel kaya naman ngumuso ito bago magpatuloy sa pagkain niya. Sumabay na rin ako sa kanila sa pagkain bago ako umalis para puntahan ang isa sa mga branches namin dito sa Pilipinas."Madam, we have
"Can I talk to Mr. and Mrs. Regio? Is that possible?"Nakangiting tanong ko kay Xence at natigilan naman ito. Kaagad itong umiwas nang tingin sa akin bago simulang tawagan ang mga magulang niya sa cellphone niya."They are free anytime naman. Gusto niyo bang ngayon na sila kausapin?" "Yes—" "Magbabantay pa ako kila mama, Tajiana..."Sabat at pagdadahilan kaagad ni ate Lhayzel kaya naman natigilan ako sa pagsagot. So, that means ako lang ang mag-aasikaso ng mga napag-usapan nilang dalawa? Ano 'to? Parang taga-plano lang siya ng gala tapos siya pala yung hindi papayagan ng magulang?"Babalik na muna ako sa hospital kasi baka may mga gustong ipabili sila mama at papa sa akin. Kayo na lang muna ang mag-usap dalawa. Una na ako, ha. Bye, good luck sa inyo!"Pamamaalam nito sa amin at tumakbo na kaagad palabas ng office ni Xence kaya hindi na ako nakaangal pa. Yes, nandito kaming tatlo kanina na ngayon ay dalawa na lang sa dating branch at main office ng kumpanya nila Xence. Nakakatuwa ng