"OMG! P*tangina naman, Taji! Ang ganda mo naman ngayon sobra, so much, and very much! Paambonan mo naman kami banda rito, oh!" Sigaw ni Khloe sa akin at dinamba ako nito para bigyan ng isang mahigpit na yakap na tinugunan ko naman. Nasa airport kami ngayon nila ate Lhayzel dahil susunduin nga namin silang dalawa ni Jenniecah. Halos lahat ng mga tao rito sa airport ay napapatingin na sa amin dahil sa sobrang tinis ng boses ni Khloe."P*nyeta, dapat pala matagal na akong sumama sa inyo rito sa Thailand, eh. Para naman maranasan ko ring maging maganda."Usal ni Jenniecah sa amin ni ate Lhayzel habang napapahawak pa sa noo niya na para bang nagsisisi talaga siyang hindi siya agad pumunta rito sa Thailand. Tinapik lang ako nito sa aking braso bilang pagbati at saka hinila si Khloe palayo sa akin dahil nakadikit na ito sa akin. "Para ka namang bata diyaan. Umayos ka nga, nasa Thailand na tayo, oh. Papa-deport talaga kita ngayon, Khloe." Nakakunot ang kaniyang noong sabi ni Jenniecah ka
"WHERE should we go first? Ang daming puwedeng puntahan dito sa Italy. Nahihirapan na akong pumili sa dami, eh."Tanong ni ate Lhayzel sa aming dalawa ni Jenniecah kaya nagkatinginan kaming tatlo. Umaga na ngayon at mukhang maayos naman ang panahon dito sa Italy ngayon kaya naman naisipan na naming lumangoy na lang kahit sa inside swimming pool man lang dito sa hotel."I think we should find Khloe first. Si ate ko, ang saya saya ng pechay, hindi na umuwi kagabi sa hotel room."Turan ni Jenniecah na mukhang nag-aalala na para kay Khloe pero naiirita rin ang mukha nito. Napailing na lang ako bago ko tapikin ang kaliwang balikat nito para i-assure itong ayos lang si Khloe dahil mapagkakatiwalaan naman si Torn."Kasama naman niya si Torn kagabi, Jenniecah. I'm sure wala namang mangyayaring masama kay Khloe kapag kasama niya si Torn. Tara na, swimming na lang tayo. Susulpot din 'yan mamaya si Khloe."Pangungumbinsi ko kay Jenniecah kahit medyo dissapointed din ako na hindi kami kumpletong
KINABUKASAN, mukhang napaaga ang gising ng lahat ng mga kasama ko sa hotel room kaya naman pagkagising ko ay ako na lang ang nasa loob ng kuwarto. Chineck ko agad ang cellphone ko kung may message ba si ate Lhayzel kung nasaan sila at tama nga akong may message ito sa akin."Taji, nasa baba lang kami hehe sinusulit namin yung free breakfast dito sa hotel. Baba ka na lang din kapag nagising ka na, labyu."Mensahe nito sa akin at nakita ko namang ten minutes ago pa lang ang message nito kaya naman tumayo na agad ako at nag-ayos ng aking sarili para bumaba sa first floor. Naghilamos at toothbrush lang ako at saka nagsuklay ng buhok dahil baka wala na akong maabutan sa baba kung maliligo pa ako.Suot ko pa rin ang aking ternong silk pajama na kulay pula. Lumabas na agad ako sa hotel room nang matapos ako at sinigurado kong naka-lock ang pinto ng hotel room namin. Kumakamot pa ako sa aking ulo habang naglalakad at napapahikab pa ako kaya naman nakaramdam na naman ako ng antok.Napatigil
"ARE you really sure about that, Tajiana? Eto na naman tayo, eh. Padalos dalos ka na naman sa mga desisyon mo dahil sa nararamdaman mo..."Nag-aalalang tanong sa akin ni ate Lhayzel habang napapakamot pa ito sa kaliwang kilay niya. Bumuntong hininga naman ako bago sumagot sa tanong nito."I'm more different than I was before, ate Lhayzel. Alam ko na itong mga gagawin ko. Hinding hindi na ako makakapayag pa na palampasin ko na lang ang opportunity na 'to para makaganti sa kanilang dalawa."Gigil na turan ko kay ate Lhayzel habang nag-iimpake ako ng mga gamit na dadalhin ko papuntang Pilipinas."Taji, puwede bang kalimutan na lang natin silang lahat? Kung gusto mo, lumayo na lang ulit tayo sa kanila..."Nagmamakaawa ang tono nitong turan sa akin pero desidido na talaga akong gawin ang plano ko kaya tumingin ako kay ate Lhayzel nang may seryosong mukha."Kagustuhan ko ba lahat ng 'to, ate Lhayzel? Ikaw rin naman ang may kasalanan kung bakit ganito na naman ako. Nananahimik ako rito sa Th
"ANG ganda pa rin talaga rito sa Batangas..."Usal ko na lamang habang pinaglalaruan ang mga buhangin kung saan kami nakaupo ngayon ni Aristophanes. Napatingin naman ito sa akin dahil sa sinabi ko."Alam mo, ikaw lang talaga ang kilala kong tao na gusto laging mag-spend ng Christmas at New Year dito sa Batangas. Like? Beach na po banda rito, oh. Malamig season mo pa talaga gustong mag-beach?"Nagtatakang tanong nito sa akin kaya naman napabuntong hininga na lang ako bago sumagot sa kaniya."Huwag ka na lang maingay diyaan at saka bawal bang pumunta rito sa Batangas o sa kahit anong beach dito sa Pilipinas kapag December kasi malamig na? Oa ka rin, eh."Umiirap na sagot ko kay Aristophanes kaya naman itinulak ako nito pero napalakas ito dahil bumagsak ako sa buhanginan."Ay, g*go! Hindi ko sadya 'yon, promise. Napalakas lang yung tulak ko. Huwag ka nang gumanti sa akin, ah!"Natatarantang turan nito sa akin kaya naman natatawa kong ipinagpag ang kaliwag braso kong napalibutan ng buhang
"OH? Bakit ka naman nagmamadaling umakyat diyaan? Nakakita ka ba ng shokoy sa dagat?"Natatawang tanong sa akin ni Aristophanes habang hinaharangan nito ang hagdanan para hindi ako makaakyat sa taas. Pinalo ko naman ito sa kaniyang braso para gumilid na siya pero hindi talaga ako nito hinayaang makaakyat."Ano ba, Istong? Padaan muna..."Naiiritang turan ko sa kaniya dahil alam kong namumula pa rin ang buong mukha ko dahil sa nangyari kanina."Hala ka, bakit ka naman namumula, Yanang? Don't tell me, poging shokoy ang nakita mo sa dagat?"Nanunuksong tanong nito sa akin kaya naman iritado akong tumalikod sa kaniya at umupo na lang sa sofa sa may sala pero sinundan pa rin ako nito."Alam mo, mapang-inis ka talaga kahit kailan, ano?""Eh, bakit ka nga kasi namumula? Sasagutin mo lang din naman, eh. Pinatatagal mo pa."Namimilosopong sagot ni Aristophanes sa akin kaya naman napatingin na lang ako sa salamin kung namumula pa ba ang mukha ko pero hindi na ito gaanong kapula hindi katulad ka
"GOOD MORNING, mga magaganda at pogi kong kamag-anak!"Masayang sigaw ko sa kanila habang bumababa ako sa hagdanan kaya naman ang mga tao sa baba ng bahay ay napatingin sa akin bago sila bumalik sa kaniya kaniyang ginagawa."Good morning din po, titaji!"Masigasig na bati sa akin ni Ariel kaya naman hinalikan ko ito sa pisngi niya at pati na rin si Aya. "Titaji, pasko na po later..."Nakangiting sabi sa akin ni Aya habang may hawak itong red christmas ball. Si Ariel naman ay hawak ang gold christmas ball habang hinihintay ang papa niyang utusan siyang i-abot 'yon sa kaniya."Pati talaga ang Christmas tree, ni-rush mo na."Lumapit ako sa gawi ni Aristophanes at mahina kong itinulak ito kaya naman bumagsak ito dahil alanganin ang squat nito. "Ang aga aga mo na naman diyaan, Yanang! Tantanan mo muna ako."Iritado nitong sabi sa akin kaya naman sinaway siya ni Isza pero natawa lang ako rito."Sus, kapag ikaw ang gumagawa sa akin niyan, tuwang tuwa ka! Binabawian lang kita!""Mama! Si Ya
MABILIS ang naging biyahe naming tatlo pabalik ng beach. Wala pa nga yatang bente minuto ang pagmamaneho ni Torn kanina dahil nagmamadali raw ito at gusto nang tawagan si Khloe."Nandito na tayo, tawag muna ako sa baby loves ko sandali..."Paalam nito sa amin ni Xence kaya naman natatawa kaming tumango sa kaniya. Tumakbo na agad ito sa kung saan habang may dina-dial na number sa phone niya dahil medyo mahirap sumagap ng signal dito sa tabing dagat.Naiwan kaming dalawa ni Xence kaya naman nagkatinginan kami at ngumiti sa isa't isa. Walang nagsasalita sa amin pero pareho lang kaming mabagal ang lakad sa kung saan. Hindi ako naiilang sa kaniya o natataranta na gumawa ng pag-uusapan naming dalawa dahil para bang pareho naming gustong maglakad lang habang pinagmamasdan ang magandang tanawin namin dito sa pinong buhangin at sa maalong dagat."Upo muna kaya tayo banda roon? Gusto mo bang manood ng sunset?"Tanong ko kay Xence habang itinuturo ang magandang puwesto kung saan namin masisilay
AFTER a month..."Grabe, ang ganda naman ng bunso kong kapatid na 'yan!"Malakas na hiyaw ni Ate Lhayzel sa akin at saka ako nito pinagpapalo sa braso ko. Napangiwi na lamang ako habang sinusubukang pigilan ang mga kamay niya na paluin pa ulit ako. "N-naiiyak na naman tuloy ako. Napigilan ko na nga kanina, eh..."Nangangatal na usal ni mama sa akin bago ito tuluyang magsimulang umiyak habang pilit na pinipigilan ang mga luhang pumatak sa make up niya dahil nakaayos na rin ito."Grabe, ang bilis naman ng panahon tapos naunahan mo pa akong magpakasal ngayon..."Malungkot na turan ni Ate Lhayzel sa akin kaya naman ngumisi ako rito bago mahinang bumulong sa tenga niya. "Akala mo ba hindi ko alam kung anong status mo, ha? Boyfriend mo na pala yung isa sa kambal na anak nung isa sa mga investors natin? Ang lakas mo pala talaga, Ate Lhayzel." Natatawang sabi ko sa kaniya at namula naman agad ito bago ako kurutin sa tagiliran ko para patahimikin ako dahil baka marinig ni mama ang pinag-uus
MAGMULA nang ma-engage kaming dalawa ni Xence ay hindi na ako napakali pa sa loob ng bahay namin. Palagi na lang kasi sumasagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Aria tungkol sa batang nasa sinapupunan ko raw ngayon. Kaya ngayong araw ay napagdesisyunan ko nang magpa-check up na kay Chrysanthemum pero mas gusto kong mag-isa na lang muna akong kokonsulta sa kaniya dahil kung hindi man ako buntis, ayokong paasahin lang si Xence."Saan ang punta mo ngayon, Bellissima?"Biglang tanong sa akin ni Xence nang mapansin nitong nag-aayos ako ng aking sarili para lumabas ng bahay. Tumingin ako rito sa salamin at nagpatuloy lamang sa paglalagay ng blush on sa mga pisngi ko dahil anong oras na rin at may scheduled check up ako kay Chrysanthemum dahil ito pa rin ang gusto kong maging ob-gyne ko."May kikitain lang akong close friend sa malapit na mall dito sa bahay natin...""Oh, ganoon ba. Gusto mo bang ipagmaneho kita ngayon papunta sa mall para hindi ka na—""Huwag na, Xence! Ayos lang ako, ma
"WELCOME back to Batangas, Bellissima..."Nakangiting usal sa akin ni Xence nang buksan nito ang pintuan ng kotse at inalalayan ako nitong makalabas sa sasakyan. Nanginginig ang mga hita ko habang lumalabas sa kotse dahil hindi talaga ako makapaniwalang dito ako dinala ngayon ni Xence. Hindi ko in-eexpect na maiisip muli ni Xence ang lugar na ito."A-akala ko hindi na ako makakabalik pa rito nang kasama ka..."Naiiyak na turan ko kay Xence dahil bumabalik na naman sa aking isipan ang mga huling sandali na magkasama kaming dalawa ni Xence rito sa Nasugbu, Batangas City.Ang huling pagtapak ko rito sa lugar na ito ay hindi naging masiyadong magandang ala ala para sa amin dahil dito ako nagpalamon sa aking galit at napangibabawan ako ng aking mga emosyon na naging dahilan para maghiganti ako kina Xence at Honey."I know how much you love this place, Bellissima..."Nakangiting usal sa akin ni Xence at marahan nitong hinawakan ang magkabilang pisngi ko upang tumitig ako sa mga mata niya.
"WHAT happened?"Pumasok ng kuwarto si Chrysanthemum at nagmamadali itong lumapit sa akin. Nasa likuran niya si Xence kaya naman namula ang buong mukha ko dahil hindi ko alam paano ko sasabihin ang kalagayan ko ngayon sa kaniya kahit na doctor at kaibigan ko pa ito."Lumabas ka na muna, Xence..."Nahihiyang usal ko rito at napatingin naman si Chrysanthemum kay Xence. Tinanguan nito si Xence kaya naman bumuntong hininga na lang ito at saka lumabas ng kuwarto."Bakit napatawag si Maxence sa akin, Tajiana? Binugbog ka ba niya, ha?! Bakit magkasama kayong dalawa? Kinidnap ka ba niya?!"Nagagalit na tanong nito sa akin habang inoobserbahan ang buong katawan ko pero napaigik na lamang ako nang hawakan nito ang mga hita ko."H-hindi ako kinidnap ni Xence, ano ka ba?""Sure ka bang hindi? Baka tinatakot ka lang ni Maxence, ha? Tatawag ako ng mga pulis—""Teka lang, Chrysanthemum! Hindi nga ako kinidnap ni Xence!""Ikaw muna nga ang aalalahanin ko bago ang pagpapakulong kay Maxence. Saan banda
"MATUTULOG na ba agad tayo o gusto mong magpagod muna tayong dalawa?"Nakangising tanong sa akin ni Xence habang itinutukod nito ang kanang siko niya sa kama. Napaiwas naman agad ako ng tingin dito dahil naiilang ako sa mga titig nito sa akin. Mukhang delikado na naman ang petchay ko ngayong gabi."Siraulo ka talaga, Xence. Matulog ka na nga. Inaantok na rin ako...""Pa-kiss muna ako..."Nakangising usal nito sa akin kaya naman nahintatakutan kaagad ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Alam ko na 'tong mga galawan ni Xence. Ako na naman ang lamog mamaya sa mga gagawin nito sa akin."Ayoko nga. Humiga ka na nang maayos, Xence."Mapagmatigas na usal ko kay Xence kaya naman ngumuso ito dahil sa naging sagot ko sa kaniya at saka mas lumapit pa sa akin. Inihanda ko na kaagad ang mga kamay ko para itulak siya palayo dahil ramdam kong nanggigigil ito sa akin."Kahit good night kiss na lang, Bellissima?"Pamimilit pa nito sa akin kaya naman napabuntong hininga na lang ako dahil alam ko nam
MAAGA akong nagising kinabukasan dahil hindi ko alam kung anong meron sa baba ng bahay namin pero naririnig ko ang mga itong nagtatawanan at nag-uusap. Marahil ay sabay sabay na naman sila mama, papa, at Ate Lhayzel na mag-almusal ngayong umaga at napapasarap ang kanilang kuwentuhan."Mama, may almusal na po ba tayo— Xence?! Anong ginagawa mo rito?! Ang aga aga mo naman dito sa bahay!"Gulat na turan ko kay Xence dahil naabutan ko itong sumasabay sa pagkain ng almusal kila mama at papa. Nasa likod ko naman si Ate Lhayzel na kagigising lang din. Akala ko pa naman ay mas maaga itong nagising kaysa sa akin."Sabi mo sa akin kagabi, bumalik ako rito sa bahay niyo, hindi ba? Don't you remember?" Nakangusong sagot nito sa akin kaya naman napakamot ba lang ako sa kilay ko dahil sobrang aga pa para mabanas ako ngayon kay Xence. Ganoon ba talaga siya kadesperadong i-uwi na ako sa condo niya? "Bakit naman ang aga aga mo rito sa bahay? Wala pa nga yatang 6 am ngayon, oh." "Wala ka namang sina
KINABUKASAN, bumiyahe na kaming dalawa ni Ate Lhayzel pagkatapos naming magpaalam kila mama at papa dahil saglit lang naman kami roon. Mabilis lang ang naging biyahe naming dalawa at pagkalapag pa lang ng eroplano sa airport ay nagtungo na kami kaagad sa company building ng negosyo namin dito sa Thailand. Sinalubong kaagad ako ng aking sekretarya kaya naman umakyat na kami sa office ko para magsimulang asikasuhin ang paglipat namin sa Pilipinas.Mayroong virtual meeting na nagaganap para sa lahat dahil may mga nakabakasyon ding investors at iba pang stock holders ng kumpanya. Umupo ako sa isang swivel chair at humarap sa camera ng laptop. Kaagad kaming nagbatian lahat bago namin pormal na simulan ang meeting para mapag-usapan ang mga bagay bagay."Today, we have decided to stay in my own country for good. We would like the company's main office to be there, in the Philippines. Do you have questions regarding this matter?"Nakangiting tanong ko sa mga ito at kaagad namang may nagsal
MAAGA pa lang ay nakapag-ayos na ako ng aking sarili. Mas mabuti na ang kalagayan nila mama at papa ngayon dahil kahapon lang ay nakalabas na sila ng hospital matapos ang ilang araw na pagkaka-admit doon. Si Jared naman ay bigla na lamang akong nawalan ng balita dahil nang ilipat ito ng kaniyang pamilya sa ibang hospital, hindi na namin nalaman ang nangyari rito. Hindi ko na rin alam kung gumaling na ba ito o bumuti na ang kalagayan niya."Kaizzer, may girlfriend ka na ba? Mga ilan?"Naabutan ko sa kusina namin sila Ate Lhayzel na nag-aalmusal kasama ang body guard naming si Kaizzer. Nasamid naman ang binata sa biglaang tanong sa kaniya ni Ate Lhayzel."Ikaw talaga. Masiyado mong iniilang yung tao, oh. Mabuti pa at kumain ka na lang diyaan ng pandesal, Lhayzel."Pananaway ni mama kay Ate Lhayzel kaya naman ngumuso ito bago magpatuloy sa pagkain niya. Sumabay na rin ako sa kanila sa pagkain bago ako umalis para puntahan ang isa sa mga branches namin dito sa Pilipinas."Madam, we have
"Can I talk to Mr. and Mrs. Regio? Is that possible?"Nakangiting tanong ko kay Xence at natigilan naman ito. Kaagad itong umiwas nang tingin sa akin bago simulang tawagan ang mga magulang niya sa cellphone niya."They are free anytime naman. Gusto niyo bang ngayon na sila kausapin?" "Yes—" "Magbabantay pa ako kila mama, Tajiana..."Sabat at pagdadahilan kaagad ni ate Lhayzel kaya naman natigilan ako sa pagsagot. So, that means ako lang ang mag-aasikaso ng mga napag-usapan nilang dalawa? Ano 'to? Parang taga-plano lang siya ng gala tapos siya pala yung hindi papayagan ng magulang?"Babalik na muna ako sa hospital kasi baka may mga gustong ipabili sila mama at papa sa akin. Kayo na lang muna ang mag-usap dalawa. Una na ako, ha. Bye, good luck sa inyo!"Pamamaalam nito sa amin at tumakbo na kaagad palabas ng office ni Xence kaya hindi na ako nakaangal pa. Yes, nandito kaming tatlo kanina na ngayon ay dalawa na lang sa dating branch at main office ng kumpanya nila Xence. Nakakatuwa ng