MABILIS ang naging biyahe naming tatlo pabalik ng beach. Wala pa nga yatang bente minuto ang pagmamaneho ni Torn kanina dahil nagmamadali raw ito at gusto nang tawagan si Khloe."Nandito na tayo, tawag muna ako sa baby loves ko sandali..."Paalam nito sa amin ni Xence kaya naman natatawa kaming tumango sa kaniya. Tumakbo na agad ito sa kung saan habang may dina-dial na number sa phone niya dahil medyo mahirap sumagap ng signal dito sa tabing dagat.Naiwan kaming dalawa ni Xence kaya naman nagkatinginan kami at ngumiti sa isa't isa. Walang nagsasalita sa amin pero pareho lang kaming mabagal ang lakad sa kung saan. Hindi ako naiilang sa kaniya o natataranta na gumawa ng pag-uusapan naming dalawa dahil para bang pareho naming gustong maglakad lang habang pinagmamasdan ang magandang tanawin namin dito sa pinong buhangin at sa maalong dagat."Upo muna kaya tayo banda roon? Gusto mo bang manood ng sunset?"Tanong ko kay Xence habang itinuturo ang magandang puwesto kung saan namin masisilay
"MOMMY, puwede na po ba akong mag-open na now ng mga gifts? Gusto ko na po makita ang mga gifts niyo po sa akin..."Nakangusong turan ni Ariel sa mommy Isza niya kaya naman napatingin kaming lahat sa kaniya dahil kanina pa ito nangungulit na magbubukas na siya ng mga regalo. Nasa kusina kaming lahat ngayon at pumapapak ng mga handa habang naghihintay na mag-hating gabi.Tumingin pa si Isza kay Aristophanes at tumango na lang ito para hindi na magkaroon ng drama at baka mag-iyakan pa ang dalawang anak nila."Okay, let's go to the sala na para magbukas ng mga gifts!"Nakangiting sabi ni Isza kay Ariel at Aria kaya naman nagtatatalon ang mga ito habang nauunang pumunta sa sala. Sumunod naman kami nila tita Wilma sa kanila dahil sabay sabay na kaming magbubukas ng mga regalo para isa't isa.Pasimple muna akong umakyat sa kuwarto ko para kunin ang isang malaking white paper bag na naglalaman ng mga regalo ko sa kanilang lahat.Pagkababa ko pa lang sa hagdan ay naririnig ko na ang tilian n
TIME flies so fast. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras at araw matapos ang pasko dahil ngayong araw ay December 31 na. Ito na ang huling araw ng taon pati na rin ang huling araw ko ngayon dito sa Nasugbu, Batangas.Humigop ako sa straw ng aking iniinom na mango shake habang inuugoy ko ang duyan gamit lamang ang isang paa ko. Nandito kaming tatlo ngayon nila Xence sa ilalim ng mga coconut tree dahil tanghaling tapat na pero wala pa rin kaming maisip na puntahan o gawin ngayong araw. Nakaidlip na nga yata si Torn dahil tahimik na ito at wala ng kibo mula kanina."What are your plans?"Tanong ko kay Xence na nasa kabilang duyan lang. Napatingin naman ito sa akin matapos kong magtanong sa kaniya."What do you mean by plans?""Like anong ganap mo kapag nakaluwas ka na ulit sa Maynila.""Oh, I do have lots of things to do sa Manila.""Like what?""Uhm, I think I'm going to meet my band mates first since may upcoming kaming gig... Rehearsal siguro ang una kong gagawin..."Sagot nito
"X-XENCE..."I moaned his name as he continued to harshly kiss every part of me. Ibinalik ako nito sa pagkakahiga at saka marahang pumatong sa akin."I can't believe this, Bellissima..."Bulong nito sa tenga ko bago nito mapang-akit na dilaan iyon kaya naman napaiwas na lamang ako dahil sa biglaang kiliting hatid nito."Touch me more, please..."Nangangatal ang aking buong bibig na pakiusap kay Xence at napatingin ito kaagad sa aking mga mata. Ramdam na ramdam at kitang kita ko kay Xence ngayon na nag-aalangan pa rin itong hawakan ako."Are you really sure about this? I'll stop if you don't want this..."Tanong na naman nito sa akin kaya naman inis akong sumagot dito."Ayaw mo ba, ha? Ikaw yata ang hindi sigurado sa ginagawa natin ngayon, eh. Sige, huwag na lang."Iritadong sagot ko kay Xence at naalarma kaagad ito nang subukan kong umupo kaya naman hinawakan nito ang dalawang kamay ko at idiniin ito sa kama."Umiinit na naman ang ulo mo diyaan...""Eh, kasi naman? Kanina mo pa 'yan t
"HINDI ko alam na ganito ka pala kaaga babalik sa Thailand, Tajiana..."Malungkot na turan sa akin ni tita Wilma at lumapit ito sa akin para bigyan ako ng isang mahigpit na yakap na kaagad ko namang tinugunan."Pasensiya na po kayo, tita Wilma. Natapos ko na po kasi yung mga kailangan ko pong gawin dito sa Batangas kaya babalik na po ako sa Thailand..."Sagot ko sa kaniya at kumawala sa yakap nito. Pasimple pa itong nagpawi ng mga luha niya kaya naman napayuko na lang ako dahil ayoko mang umalis ay kailangan ko na gawin ito."Hala, sige, mag-iingat kayong dalawa sa biyahe. Palagi kang welcome rito, Tajiana. Bumalik ka ano mang oras..."Nakangiti nitong turan sa akin kaya naman nagpaalam na kaming dalawa ni Aristophanes sa kanilang lahat para bumiyahe na. Tulog pa si Ariel at Aria kaya naman malungkot akong aalis dahil minabuti kong hindi magpaalam sa kanilang dalawa dahil baka mag-iyakan pa kaming tatlo rito bago ako makaaalis.Pumasok na kaming dalawa ni Aristophanes sa kotse at hin
"WE are now arriving at the Ninoy Aquino International Airport. Please, check your belongings—" Wala na kaming sinayang na oras ni ate Lhayzel dahil kaagad kaming tumakbo papalabas ng airport at saka sumakay sa sasakyang naghihintay para sa aming dalawa. Maayos at kalmado na ang galaw ni ate Lhayzel kaya naman napanatag na ako. Makakapag-isip na kaming dalawa kung anong dapat naming gawin. Sa biyahe namin pauwi ay hindi ko rin maiwasang mag-isip ng mga posibilidad. Anong kailangan nila kay mama? Bakit nila kinidnap si mama? At saka ko lang din naalala ang katayuan ng aming negosyo. Baka may kinalaman ito sa negosyo naming pamilya. "Meron kayang kinalaman ang negosyo natin sa pagkawala ni mama?" Wala sa sariling naitanong ko na lang kay ate Lhayzel. Napatingin naman ito sa akin at dahan dahang tumango."Hindi naman 'yon malabo o imposible. Kung kailangan man ng mga taong 'yon ng pera, sana hindi nila saktan si mama."Ilang oras pa bago huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay. Kaag
INABOT ako ng isang oras bago ko tuluyang matunton ang tinutukoy na lugar ng mga kidnapper. Katulad lamang sa mga pelikula, isang abandonadong lugar ang pinagtataguan nila at nagsisilbing hide out nilang lahat. Mukhang dati itong pabrika na napabayaan na lamang.Dahan dahan akong naglakad patungo sa loob nito. Dala dala ang isang itim na bag na ang laman ay puro mga pera na nagkakahalaga ng sampung milyon.Nakalimutan ko pang dalhin ang cellphone ko at naiwan ko pa ito sa loob ng kotse kaya naman napamura na lamang ako sa aking isip."Nakakatuwang sumunod ka sa usapan natin..."Napatigil ako sa aking paglalakad nang may tumutok na isang matigas na bagay sa likuran ko. Hindi ako nakagalaw dahil ramdam kong nguso ng baril 'yon at isang maling galaw ko lamang ay may balang bubutas sa katawan ko."Dala ko na ang perang hinihingi niyo sa akin. Nasaan na ang nanay ko? Bakit hindi ko siya makita rito?"Bumitaw ito sa akin kaya naman malaya na ulit akong nakaharap sa kaniya. Hindi ko nga ta
"ARE you okay? Your lips are bleeding..."Lumapit sa akin si Xence at saka sinuri ang buong katawan ko. Napatango naman ako sa tanong niya bago mabilis na dumistansya sa kaniya."B-bakit ka pumunta rito? Si Jared ang tinext ko kanina bago ako pumunta rito mag-isa. Magkasama ba kayong dalawa?"Mahina kong tanong sa kaniya at ngumiti naman ito sa akin at saka inilabas ang cellphone niya galing sa kaniyang bulsa. Ipinakita nito sa akin ang kaninang message ko sa number niya— Message ko?! Bakit siya ang minessage ko kanina?!"Hala? Bakit sa'yo ko nai-send yung message imbes kay Jared?"Tinignan ko agad ang cellphone ko at napasapo na lamang ako sa noo ko nang makita kong wrong send pala talaga ako. At least, salamat pa rin at tinulungan pa rin ako ng taong na-message ko. "T-thank you sa pagtulong sa amin ni mama, Xence—""Bro, naligpit na ng mga pulis yung buong grupo. Kasama na rin si Honey sa mga hinuli. Sabi ng mga pulis they need our statement..."Nakangiting sabi ni Hideo kay Xence
AFTER a month..."Grabe, ang ganda naman ng bunso kong kapatid na 'yan!"Malakas na hiyaw ni Ate Lhayzel sa akin at saka ako nito pinagpapalo sa braso ko. Napangiwi na lamang ako habang sinusubukang pigilan ang mga kamay niya na paluin pa ulit ako. "N-naiiyak na naman tuloy ako. Napigilan ko na nga kanina, eh..."Nangangatal na usal ni mama sa akin bago ito tuluyang magsimulang umiyak habang pilit na pinipigilan ang mga luhang pumatak sa make up niya dahil nakaayos na rin ito."Grabe, ang bilis naman ng panahon tapos naunahan mo pa akong magpakasal ngayon..."Malungkot na turan ni Ate Lhayzel sa akin kaya naman ngumisi ako rito bago mahinang bumulong sa tenga niya. "Akala mo ba hindi ko alam kung anong status mo, ha? Boyfriend mo na pala yung isa sa kambal na anak nung isa sa mga investors natin? Ang lakas mo pala talaga, Ate Lhayzel." Natatawang sabi ko sa kaniya at namula naman agad ito bago ako kurutin sa tagiliran ko para patahimikin ako dahil baka marinig ni mama ang pinag-uus
MAGMULA nang ma-engage kaming dalawa ni Xence ay hindi na ako napakali pa sa loob ng bahay namin. Palagi na lang kasi sumasagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Aria tungkol sa batang nasa sinapupunan ko raw ngayon. Kaya ngayong araw ay napagdesisyunan ko nang magpa-check up na kay Chrysanthemum pero mas gusto kong mag-isa na lang muna akong kokonsulta sa kaniya dahil kung hindi man ako buntis, ayokong paasahin lang si Xence."Saan ang punta mo ngayon, Bellissima?"Biglang tanong sa akin ni Xence nang mapansin nitong nag-aayos ako ng aking sarili para lumabas ng bahay. Tumingin ako rito sa salamin at nagpatuloy lamang sa paglalagay ng blush on sa mga pisngi ko dahil anong oras na rin at may scheduled check up ako kay Chrysanthemum dahil ito pa rin ang gusto kong maging ob-gyne ko."May kikitain lang akong close friend sa malapit na mall dito sa bahay natin...""Oh, ganoon ba. Gusto mo bang ipagmaneho kita ngayon papunta sa mall para hindi ka na—""Huwag na, Xence! Ayos lang ako, ma
"WELCOME back to Batangas, Bellissima..."Nakangiting usal sa akin ni Xence nang buksan nito ang pintuan ng kotse at inalalayan ako nitong makalabas sa sasakyan. Nanginginig ang mga hita ko habang lumalabas sa kotse dahil hindi talaga ako makapaniwalang dito ako dinala ngayon ni Xence. Hindi ko in-eexpect na maiisip muli ni Xence ang lugar na ito."A-akala ko hindi na ako makakabalik pa rito nang kasama ka..."Naiiyak na turan ko kay Xence dahil bumabalik na naman sa aking isipan ang mga huling sandali na magkasama kaming dalawa ni Xence rito sa Nasugbu, Batangas City.Ang huling pagtapak ko rito sa lugar na ito ay hindi naging masiyadong magandang ala ala para sa amin dahil dito ako nagpalamon sa aking galit at napangibabawan ako ng aking mga emosyon na naging dahilan para maghiganti ako kina Xence at Honey."I know how much you love this place, Bellissima..."Nakangiting usal sa akin ni Xence at marahan nitong hinawakan ang magkabilang pisngi ko upang tumitig ako sa mga mata niya.
"WHAT happened?"Pumasok ng kuwarto si Chrysanthemum at nagmamadali itong lumapit sa akin. Nasa likuran niya si Xence kaya naman namula ang buong mukha ko dahil hindi ko alam paano ko sasabihin ang kalagayan ko ngayon sa kaniya kahit na doctor at kaibigan ko pa ito."Lumabas ka na muna, Xence..."Nahihiyang usal ko rito at napatingin naman si Chrysanthemum kay Xence. Tinanguan nito si Xence kaya naman bumuntong hininga na lang ito at saka lumabas ng kuwarto."Bakit napatawag si Maxence sa akin, Tajiana? Binugbog ka ba niya, ha?! Bakit magkasama kayong dalawa? Kinidnap ka ba niya?!"Nagagalit na tanong nito sa akin habang inoobserbahan ang buong katawan ko pero napaigik na lamang ako nang hawakan nito ang mga hita ko."H-hindi ako kinidnap ni Xence, ano ka ba?""Sure ka bang hindi? Baka tinatakot ka lang ni Maxence, ha? Tatawag ako ng mga pulis—""Teka lang, Chrysanthemum! Hindi nga ako kinidnap ni Xence!""Ikaw muna nga ang aalalahanin ko bago ang pagpapakulong kay Maxence. Saan banda
"MATUTULOG na ba agad tayo o gusto mong magpagod muna tayong dalawa?"Nakangising tanong sa akin ni Xence habang itinutukod nito ang kanang siko niya sa kama. Napaiwas naman agad ako ng tingin dito dahil naiilang ako sa mga titig nito sa akin. Mukhang delikado na naman ang petchay ko ngayong gabi."Siraulo ka talaga, Xence. Matulog ka na nga. Inaantok na rin ako...""Pa-kiss muna ako..."Nakangising usal nito sa akin kaya naman nahintatakutan kaagad ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Alam ko na 'tong mga galawan ni Xence. Ako na naman ang lamog mamaya sa mga gagawin nito sa akin."Ayoko nga. Humiga ka na nang maayos, Xence."Mapagmatigas na usal ko kay Xence kaya naman ngumuso ito dahil sa naging sagot ko sa kaniya at saka mas lumapit pa sa akin. Inihanda ko na kaagad ang mga kamay ko para itulak siya palayo dahil ramdam kong nanggigigil ito sa akin."Kahit good night kiss na lang, Bellissima?"Pamimilit pa nito sa akin kaya naman napabuntong hininga na lang ako dahil alam ko nam
MAAGA akong nagising kinabukasan dahil hindi ko alam kung anong meron sa baba ng bahay namin pero naririnig ko ang mga itong nagtatawanan at nag-uusap. Marahil ay sabay sabay na naman sila mama, papa, at Ate Lhayzel na mag-almusal ngayong umaga at napapasarap ang kanilang kuwentuhan."Mama, may almusal na po ba tayo— Xence?! Anong ginagawa mo rito?! Ang aga aga mo naman dito sa bahay!"Gulat na turan ko kay Xence dahil naabutan ko itong sumasabay sa pagkain ng almusal kila mama at papa. Nasa likod ko naman si Ate Lhayzel na kagigising lang din. Akala ko pa naman ay mas maaga itong nagising kaysa sa akin."Sabi mo sa akin kagabi, bumalik ako rito sa bahay niyo, hindi ba? Don't you remember?" Nakangusong sagot nito sa akin kaya naman napakamot ba lang ako sa kilay ko dahil sobrang aga pa para mabanas ako ngayon kay Xence. Ganoon ba talaga siya kadesperadong i-uwi na ako sa condo niya? "Bakit naman ang aga aga mo rito sa bahay? Wala pa nga yatang 6 am ngayon, oh." "Wala ka namang sina
KINABUKASAN, bumiyahe na kaming dalawa ni Ate Lhayzel pagkatapos naming magpaalam kila mama at papa dahil saglit lang naman kami roon. Mabilis lang ang naging biyahe naming dalawa at pagkalapag pa lang ng eroplano sa airport ay nagtungo na kami kaagad sa company building ng negosyo namin dito sa Thailand. Sinalubong kaagad ako ng aking sekretarya kaya naman umakyat na kami sa office ko para magsimulang asikasuhin ang paglipat namin sa Pilipinas.Mayroong virtual meeting na nagaganap para sa lahat dahil may mga nakabakasyon ding investors at iba pang stock holders ng kumpanya. Umupo ako sa isang swivel chair at humarap sa camera ng laptop. Kaagad kaming nagbatian lahat bago namin pormal na simulan ang meeting para mapag-usapan ang mga bagay bagay."Today, we have decided to stay in my own country for good. We would like the company's main office to be there, in the Philippines. Do you have questions regarding this matter?"Nakangiting tanong ko sa mga ito at kaagad namang may nagsal
MAAGA pa lang ay nakapag-ayos na ako ng aking sarili. Mas mabuti na ang kalagayan nila mama at papa ngayon dahil kahapon lang ay nakalabas na sila ng hospital matapos ang ilang araw na pagkaka-admit doon. Si Jared naman ay bigla na lamang akong nawalan ng balita dahil nang ilipat ito ng kaniyang pamilya sa ibang hospital, hindi na namin nalaman ang nangyari rito. Hindi ko na rin alam kung gumaling na ba ito o bumuti na ang kalagayan niya."Kaizzer, may girlfriend ka na ba? Mga ilan?"Naabutan ko sa kusina namin sila Ate Lhayzel na nag-aalmusal kasama ang body guard naming si Kaizzer. Nasamid naman ang binata sa biglaang tanong sa kaniya ni Ate Lhayzel."Ikaw talaga. Masiyado mong iniilang yung tao, oh. Mabuti pa at kumain ka na lang diyaan ng pandesal, Lhayzel."Pananaway ni mama kay Ate Lhayzel kaya naman ngumuso ito bago magpatuloy sa pagkain niya. Sumabay na rin ako sa kanila sa pagkain bago ako umalis para puntahan ang isa sa mga branches namin dito sa Pilipinas."Madam, we have
"Can I talk to Mr. and Mrs. Regio? Is that possible?"Nakangiting tanong ko kay Xence at natigilan naman ito. Kaagad itong umiwas nang tingin sa akin bago simulang tawagan ang mga magulang niya sa cellphone niya."They are free anytime naman. Gusto niyo bang ngayon na sila kausapin?" "Yes—" "Magbabantay pa ako kila mama, Tajiana..."Sabat at pagdadahilan kaagad ni ate Lhayzel kaya naman natigilan ako sa pagsagot. So, that means ako lang ang mag-aasikaso ng mga napag-usapan nilang dalawa? Ano 'to? Parang taga-plano lang siya ng gala tapos siya pala yung hindi papayagan ng magulang?"Babalik na muna ako sa hospital kasi baka may mga gustong ipabili sila mama at papa sa akin. Kayo na lang muna ang mag-usap dalawa. Una na ako, ha. Bye, good luck sa inyo!"Pamamaalam nito sa amin at tumakbo na kaagad palabas ng office ni Xence kaya hindi na ako nakaangal pa. Yes, nandito kaming tatlo kanina na ngayon ay dalawa na lang sa dating branch at main office ng kumpanya nila Xence. Nakakatuwa ng