Natatawang inagaw na ni Joleen ang menu mula kay Jake nang mapansin niyang nanlalaki na sa hindi pagkapaniwala ang mga mata ng waiter nila. Halos orderin na kasi nito ang lahat ng ino-offer na dessert ng napili niyang restaurant na kakainan nila sa loob ng Fire Mall.
Minsan na silang nakakain dito sa Hergrace ng mga magulang niya kaya dito niya pinili nang siya ang tanungin ni Jake kung saan niya gustong mag-lunch sila. Sadyang nakakatakam talaga ang mga desserts dito. At dahil alam niyang mahilig sa desserts si Jake, sigurado siyang
magugustuhan nito dito.
“Balak mo bang ubusin ang isang taong allowance mo?” naiiling na komento niya dito nang m
Tapos na ang highschool graduation rites nila ni Jake. Matapos makapagpa-picture kasama ng Lolo Nemo at Lola Salome niya na siyang um-attend para sa mga magulang niyang as usual ay may ibang mas mahalaga kaysa sa kanya na inaasikaso, nagpaalam siya sa mga itong hahanapin lang ang ilang kaklase para makapagpa-picture din kasama ng mga iyon.Subalit ang talagang pakay niya ay si Jake. Sa nakalipas na isang buwan matapos niyang marinig ang naging pag-uusap nito at ni Yale ay ilang beses na niyang binalak makipag-break dito. Ngunit sa tuwina ay hindi siya makahanap ng tamang tiyempo. O siguro mas tamang sabihing hindi talaga niya nais makipaghiwalay dito.Kaya naman kung anu-anong da
AFTER ELEVEN YEARS…“Ugh!” napangiwing sambit ni Joleen nang matikman ang itinimplang kape ng bagong sister-in-law niyang si Aishell.Naroon siya sa bahay nito at ng Kuya Bastian niya dahil ihinatid niya ang mga pamnangkin niyang sina Steev at Brina. Sa bahay kasi niya tumuloy ang mga bata nitong nakaraang weekend.“Aishell, galit ka pa rin ba sa akin? Kape ba ito o asido? Ang tapang!” angal niya kay Aishell.“Oops! Sorry! Nalimutan kong hindi ka nga pala mahilig samatapang na kape. Teka, ito, lagyan na lang natin ng cream,”wika naman ni Aishell na iniabot ang bote ng creamer at nilagyanng dalawang scoop ang mug niya.“Thanks! So, sigurado na ba talaga kayo ni Kuya Bastian?”
Fifty years ago, maaring imposible ang binabalak ni Joleen. Ngunit ngayon, sa panahon ng makabagong siyensa, posible na ang pagkakaroon niya ng anak kahit wala siyang karelasyong lalaki. Two words, artificial insemnation. Iyon ang sagot sa hangarin niyang magkaroon ng anak ngunit hindi ng asawa.Ang problema niya na lang ngayon ay kung paano maisasaggawa iyon nang hindi siya isinusumpa ng kuya at lolo niya. At nang hindi siya napapatay ng ina niya. Maliliksi ang mga galaw. Mabilis ang takbo. At kung tumalon ay halos abot na ang ring. Ilan lang iyon sa mga katangiang makikita mula kay Jake ‘The Rake&rsqu
Joleen has never been a reckless driver. Ang totoo, napakaingat nga niya sa harap ng manibela na kadalasan kapag pasahero niya ang kaskaserang pinsan niyang si Danieca ay lagi itong natutuksong agawin ang pagmamaneho mula sa kanya. Subalit sa pagkakataong iyon ay halos paliparin niya ang sasakyan niya marating lang niya agad ang pakay niya.Paghinto niya sa tapat ng resthouse ng kapatid ay mariing tinapakan niya ang preno. Saka bumaba ng sasakyan at patakbong tinungo ang white wooden fence na hanggang dibdib lang niya ang taas. Mariing pinindot niya ang doorbellsa gilid niyon.“Where’s Kuya Bastian?!” natatarantang untag niya sa katulong na nagbukas ng pinto para sa kanya.
CASTILLO ASERON, ISLA FUEGO. Puno ng pagkainip ang anyong sinulyapang muli ni Joleen ang wristwatch niya. Alas-tres y medya na ng hapon. Ngunit wala pa rin sina Lolo Nemo at ang mga bisita nito. Ayon kasi kay Mrs. Dale, ang mayordoma ng castillo, inilibot ni Lolo Nemo sa buong Aseron Farms ang mga bagong dating na bisita nito.Subalit malabong malibot ng mga ito ang buong farm sa loob ng isang araw lang. Sa laki niyon kahit nakasakay pa ang mga ito ng sasakyan, aabutin marahil ng dalawa at kalahating araw ang paglilibot doon. Kaya duda siya kung pagtitiyagaang gawin iyon ng lolo niyang nuno ng lahat ng mainiping tao. Sa palaga
“It’s a pleasure to meet you, Quiel,” magiliw na aniya dito.“The pleasure is all mine, Joleen,” wika naman ni Quiel natila wala pang balak bitawan ang kamay niya kung hindi siya biglang hinawakan ni Lolo Nemo sa siko at iginiya palabas ng receiving room.“Halina sa verandah, doon na natin ituloy ang pagkukwentuhan. Nagpahanda ako ng merienda. You both like empanada, don’t you, Jake, Joleen?” wika pa ng lolo niya na buong giliw na nginitian sila ni Jake.At gusto niyang isiping imahinasyon lang niya ang tila pasimpleng pagmosyon nito ng ulo nito sa kabilang side niya na para bang inuutusan nito si Jake na pumwesto doon.Pero base sa pagkakakilala niya sa lolo niya ay duda siya doon. Kaya nang agad umagapay naman sa kanya sa kabilang side niya si Jake ay nagdududang tinitigan din niya an
Sa loob ng isang buwan pagkatapos ng insidenteng iyon ay nginangatngat ng pangamba ang dibdib niya sa pag-aalala sa nilalaman ng isip at puso nito. Hindi dahil nag-aalala siya sa posibleng binubuo nitong paghihiganti sa kanya tulad ng siyang laman ng isip nina Yale at Nielson. Kung hindi dahil nag-aalalasiya sa posibleng sakit na kinikimkim nito sa kalooban nito.Obviously, nais nitong subukang paibigin siya dito kaya sa halip komprontahin siya ay kinimkim na lamang nito ang sama ng loob nito sa kanya. Sa bawat salita nito, sa bawat kilos, nakikita niya ang panunubok nitong lumikha ng totoong puwang nito sa puso niya. At alam niya kung gaano iyon kasakit hindi lang para sa damdamin nito kung hindi maging sa pride nitong
‘’Hey, Simoun! Whose car is that I saw in Menchie’s parking space? Binilhan mo ba siya ng bagong sasakyan---‘’nabitin sa ere ang tanong na nasa labi ni Joleen nang tuluyang makapasok sa opisina ng pinsan niya. Sapagkat nakaupo sa harap ng glass-topped table sa isang panig ng opisina ni Simoun ang lalaking kakikita lang niya noong isang araw sa mansyon ng pamilya nila. May tatlo pang ibang naroon at tila ka-komperensya nito at ng pinsan niya. Subalit sadyang sa mukha lang ni Jake natuon ang titig niya. He was wearing a b