Joleen has never been a reckless driver. Ang totoo, napakaingat nga niya sa harap ng manibela na kadalasan kapag pasahero niya ang kaskaserang pinsan niyang si Danieca ay lagi itong natutuksong agawin ang pagmamaneho mula sa kanya. Subalit sa pagkakataong iyon ay halos paliparin niya ang sasakyan niya marating lang niya agad ang pakay niya.
Paghinto niya sa tapat ng resthouse ng kapatid ay mariing tinapakan niya ang preno. Saka bumaba ng sasakyan at patakbong tinungo ang white wooden fence na hanggang dibdib lang niya ang taas. Mariing pinindot niya ang doorbell
sa gilid niyon.
“Where’s Kuya Bastian?!” natatarantang untag niya sa katulong na nagbukas ng pinto para sa kanya.
CASTILLO ASERON, ISLA FUEGO. Puno ng pagkainip ang anyong sinulyapang muli ni Joleen ang wristwatch niya. Alas-tres y medya na ng hapon. Ngunit wala pa rin sina Lolo Nemo at ang mga bisita nito. Ayon kasi kay Mrs. Dale, ang mayordoma ng castillo, inilibot ni Lolo Nemo sa buong Aseron Farms ang mga bagong dating na bisita nito.Subalit malabong malibot ng mga ito ang buong farm sa loob ng isang araw lang. Sa laki niyon kahit nakasakay pa ang mga ito ng sasakyan, aabutin marahil ng dalawa at kalahating araw ang paglilibot doon. Kaya duda siya kung pagtitiyagaang gawin iyon ng lolo niyang nuno ng lahat ng mainiping tao. Sa palaga
“It’s a pleasure to meet you, Quiel,” magiliw na aniya dito.“The pleasure is all mine, Joleen,” wika naman ni Quiel natila wala pang balak bitawan ang kamay niya kung hindi siya biglang hinawakan ni Lolo Nemo sa siko at iginiya palabas ng receiving room.“Halina sa verandah, doon na natin ituloy ang pagkukwentuhan. Nagpahanda ako ng merienda. You both like empanada, don’t you, Jake, Joleen?” wika pa ng lolo niya na buong giliw na nginitian sila ni Jake.At gusto niyang isiping imahinasyon lang niya ang tila pasimpleng pagmosyon nito ng ulo nito sa kabilang side niya na para bang inuutusan nito si Jake na pumwesto doon.Pero base sa pagkakakilala niya sa lolo niya ay duda siya doon. Kaya nang agad umagapay naman sa kanya sa kabilang side niya si Jake ay nagdududang tinitigan din niya an
Sa loob ng isang buwan pagkatapos ng insidenteng iyon ay nginangatngat ng pangamba ang dibdib niya sa pag-aalala sa nilalaman ng isip at puso nito. Hindi dahil nag-aalala siya sa posibleng binubuo nitong paghihiganti sa kanya tulad ng siyang laman ng isip nina Yale at Nielson. Kung hindi dahil nag-aalalasiya sa posibleng sakit na kinikimkim nito sa kalooban nito.Obviously, nais nitong subukang paibigin siya dito kaya sa halip komprontahin siya ay kinimkim na lamang nito ang sama ng loob nito sa kanya. Sa bawat salita nito, sa bawat kilos, nakikita niya ang panunubok nitong lumikha ng totoong puwang nito sa puso niya. At alam niya kung gaano iyon kasakit hindi lang para sa damdamin nito kung hindi maging sa pride nitong
‘’Hey, Simoun! Whose car is that I saw in Menchie’s parking space? Binilhan mo ba siya ng bagong sasakyan---‘’nabitin sa ere ang tanong na nasa labi ni Joleen nang tuluyang makapasok sa opisina ng pinsan niya. Sapagkat nakaupo sa harap ng glass-topped table sa isang panig ng opisina ni Simoun ang lalaking kakikita lang niya noong isang araw sa mansyon ng pamilya nila. May tatlo pang ibang naroon at tila ka-komperensya nito at ng pinsan niya. Subalit sadyang sa mukha lang ni Jake natuon ang titig niya. He was wearing a b
Subalit mistulang isang bombang pinasabog sa mismong harapan niya ang naging epekto niyon sa kabuuan niya. Pakiwari niya ay isang tagong pintong kinalimutan na niyang naroon sa loob ng puso at isipan niya ang walang kahirap-hirap na binuksan ng halik nito. Pintong pinaglagakan niya ng lahat ng damdamin niya para dito.Mga damdaming itinanggi niya kahit sa sarili niya na nararamdaman pa rin niya para dito. Dahil alam niyang patuloy lang siyang masasaktan kung bubusisiin niya iyon ng paulit-ulit. Kaya naman para protektahan ang sarili niya ay mas pinili na lamang niyang itago sa lihim na pintong iyon sa kaibuturan niya.But with just one touch of his lips against hers, that door was opened.“It’s
Ang kasiyahan ni Joleen para kay Rowan sa nagaganap na engagement party nito ay kagyat naging pag-aalala. Sapagkat habang kino-korner siya ng nobya nitong si Deth na buong paniwala niya noon ay bagay na bagay dito, na-realize niyang mali pala siya.Dahil isang baliw na nagtatago sa likod ng maskara ng isang mabait at matalinong babae ito! At sa malas, tila pati ang bunsong kapatid na babae ni Rowan na si Rainee ay idinamay na rin nito sa kabaliwan nito. But then again, malamang si Rainee ang nanghawa kay Deth. Dahil kahit noong sila pa ni Rowan, hindi na niya nakasundo ang selosang babae na hindi boto sa kanya para sa kuya nito.Matapos niyang makipagsayaw kay Rowan ay inaba
“Wala namang misteryo sa pag-iwas ko o sa iniisip mong pag-iwas ko sa iyo noon, Joleen. Truth was, hindi ko sinadya iyon. Naisip ko lang na baka mailang ka kung makikipaglapit pa ako sa iyo noon. Kung tutuusin, ikaw nga ang mas naunang umiwas at nagtago sa akin noon,” sagot ni Jake. Saglit itong sumulyap sa malayo bago ibinalik ang tingin sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita.“Nag-iba ka ng eskwelahang papasukan gayong akala ko magkikita pa tayo kahit paano sa La Salle. Besides, bihira na rin naman akong umuwi ng Isla Fuego noon dahil nasa Manila na ako nakabase. Kaya hindi ko masasabing sadya ang hindi natinpagkikita noon.”Marahang napatangu-tango si Joleen. Kunsabagay, may punto ito doon.“Now you answer my question. Bakit hindi mo ako gustong maging kaibigan ngayon gayong si Rowan naging matalik na kaibigan mo sa kabila ng relasyon ninyo n
Walang ideya si Joleen kung paanong mula sa engagement party nina Rowan at Deth ay napunta siya sa loob ng marangyang silid na kinaroroonan niyangayon. Wala rin siyang ideya kung bakit siya naroon. Maaalarma na sana siya lalo na nang maramdaman niya ang matitigas na braso ng lalaking buhat-buhat siya. Kung hindi lang niya nakita na si Jake ang may karga sa kanya.“I am nothing like Teree! Or Pauline or Danieca!” biglang anunsyo niya. Bigla kasi niyang naisip na baka nabibigatan ito sa pagkarga sa kanya kaya tila bahagyang nakangiwi ito.“Well, you certainly don’t look like your