[Maya/Fiona]Natigil ako sa pagkanta para patulugin si Trevor ng may kumatok. Akala ko ay si sir Tyler ito, pero hindi pala. Walang iba kundi si Suzy. Nang makita ito ni Trevor ay daig pa nito ang nakkita ng multo, agad itong nagtalukbong ng kumot."HOY, ikaw na pangit ka. Pwede ba na huwag mong mai-display-display 'yang mukha mo sa dining hall sa tuwing kakain kami. Nakakawalang gana ang kapangitan mo! Sukang-suka ako kanina dahil sa'yo! At isa ka pa!" dinuro nito si Trevor. "Wag kang sasabay sa amin sa pagkain! Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na hindi ka mahal ng daddy mo! Ikaw ang sinisisi niya kung bakit namatay ang mommy mo!"Naiwan akong tulala. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko sa kanya. Nang tanungin ko si Trevor ay tama nga ako ng hinala... si Suzy pala ang nagtanim sa murang isip ni Trevor na hindi ito mahal ng daddy niya.Ang sama naman ng babaeng 'to! Pati ba naman ang isip ng bata ay lalasunin nito ang isip!"Momster, please take care, ha. Si tita Suzy po kas
[Suzy pov]"Damn you ugly bitch!! May araw ka rin sa akin!!!" Nagngingitngit sa galit na ibinato ni Suzy sa pader ng tinutuluyang kwarto ang hawak niyang cellphone. Nakita niya si Tyler na nakikipag usap sa ubod ng pangit na nanny ni Trevor. Hindi niya matanggap na ngumiti si Tyler rito!Simula ng palayasin siya ni Tyler noon ay hindi na bumalik ang magandang pakikitungo nito sa kanya, at kasalanan lahat iyon ni Maya.Nilabas niya ang pakete ng sigarilyo at kumuha ng isa at agad itong sinindihan. Kailangan niya ito para kahit paano ay kumalma siya. Sunod-sunod ang paghithit niya at pagbuga ng usok. Nagtataas-baba pa rin ang dibdib niya sa bwisit sa nanny ng anak ni Tyler. Hindi niya matanggap na babarahin siya kanina nito ng sagot. Mukha itong palaban, pwes, yari ito sa kanya. Bigla ang paggapang ng kilabot sa kanyang katawan ng maalala ang boses ng babae. Shit. kaboses pa ito nii Maya. Nang magkasalubong ang mata nila ng babaeng 'yon ay nakita niya si Maya sa rito sa kabila ng kapang
[Maya/Fiona pov]TAWA nang tawa kami nila aling Berta at ate Mae habang ginagamot ng mga ito ang mga sugat ko sanhi ng kalmot ni Suzy. Nakatikim man ako ng sabunot at kalmot ay ayos lang. Ang mahalaga ay napigilan namin ito sa plano nito.Oo, alam namin ang balak ni Suzy dahil bawat kilos nito ay nakabantay kaming lahat. Alam namin na nilalagyan niya ng droga ang pagkain at inumin na ibibigay niya kay sir Tyler. Kaya naman ginawa namin ang lahat para hindi ito magtagumpay. Ngayon pa nga lang na hindi pa ito ang step-mother ni Trevor ay nagagawa na nitong saktan ang alaga ko. Lalo na siguro sa oras na magawa nito ang plano nito.Wag na siyang aasa, noh! Hindi ako papayag na mapunta si sir Tyler sa iba, lalo na sa kasing sama ni Suzy. Mabuti na lang at nakapag-alibi kami kanina kay sir Tyler. Sinabi ni ate Mae na kaya bumangga ako kay Suzy at nadaganan ito dahil itinulak ako ni ate Mae. Ang babaw ng dahilan namin pero kataka-taka na tinanggap agad 'yon ni sir Tyler. Ni hindi nga nito in
[Maya/Fiona]“WHATS HAPPENING HERE?!” Dumagundong ang malaking boses ni sir Tyler sa paligid kaya natigil ako sa pagsabunot kay Suzy na nasa ilalim ko. Hindi na si Suzy makatayo, hindi na rin nito nakuha pang gumanti sa akin kaya naman ngayon ay puro na ito pasa at kalmot ko.Saka lamang ako natauhan ng ipalibot ni sir Tyler ang braso niya sa bewang ko at alisin ako sa ibabaw ni Suzy. Kulang pa! Iyon ang sigaw ng utak ko. Gusto ko pang saktan si Suzy at durugin ang mukha nito. Nag aapoy ang damdamin ko sa sari’t saring emosyon— galit at pagkamuhi! Saka lamang ako natauhan ng hawakan ni sir Tyler ang mukha ko at mataman akong tinitingnan sa mata. “Calm down, Fiona. Ano ba ang nangyayari rito, sa inyo?” Agad na tumayo si Suzy at yumakap sa bewang ni sir, kaya naman lalo lang akong nanggalaiti sa galit sa kanya. “K-Kuya, that woman hurt me without any reason! Baliw ang pangit na babaeng ‘yan! Palayasin mo ang babaeng ‘yan dito sa bahay dahil baka kung ano pa ang gawin niya sa anak mo!
[Maya/Fiona]SOBRA ang kaba ko ng ipatawag ako ni sir Tyler sa library ng gabing ‘yon. Kaaalis lang ni Suzy dala ang lahat ng kanyang gamit. Narinig ko pa ang sinabi ni sir Tyler sa kanya bago siya tuluyang umalis.‘Never comeback here, Suzy. Ayaw na kitang makita pa kailanman. I’m done with you!’Nagmakaawa pa si Suzy subalit hindi nadala si sir Tyler sa pagmamakaawa nito. Bago pa umalis si Suzy ay galit na galit ako nitong tiningnan ng may pagbabanta. Akala yata ay matatakot ako. Ewan ko ba, hindi na ako makaramdam ng takot ngayon, lalo na sa kanya. Sa dibdib ko ay parang may poot na nakalaan para sa kanya na hindi ko alam kung bakit.Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ng makarating ako sa tapat ng pinto kung nasaan naghihintay si sir Tyler sa loob. Inayos ko pa ang pagkapusod ng buhok ko, kaya tinawanan ko na lamang ang sarili ko. Ano ba ‘to, wala naman na akong igaganda pero umaakto ako na mayro’n pa.Mahina akong kumatok. “Come in!” Ani sir. “Maupo ka.” Iminuwestra nito ang kaharap
[Tyler pov]Sinabi sa akin ni Trevor ang lahat ng mga sinabi at ginagawa sa kanya ni Suzy. Galit na galit ako. Hindi ko man lang nagawang ipagtanggol ang anak ko laban sa step-sister ko. Kung hindi pa nangyari ang gulong ito ay hindi ko malalaman ang lahat. Mabuti pa si Fiona ay nagawang protektahan ang anak namin ni Maya.Malaking pagkakamali talaga na hinayaan ko pa na bumalik si Suzy sa mansion na ito. Kapag naaalala ko ang sinabi nito kanina lang ay hindi ko mapigilan ang lalong magalit. Hindi na talaga ito magbabago pa.Hindi ko pinakinggan ang pagmamakaawa ni Suzy, hindi ako naniniwala na hindi na nito uulitin ang ginawa. Dapat ay noon pa lang ay alam ko na iyon at hindi ito hinayaan na tumunton pa sa pamamahay ko. Nang tuluyan ng mapalayas si Suzy ay ipinatawag ko si Fiona sa library para kausapin. Habang magkaharap kami ay nababakas ko sa kanyang mukha ang pangamba at takot. May tumulo pang butil ng pawis mula sa noo nito, halatang pinanlalamigan ito sa takot. Hindi ko ito mas
[Tyler pov]Kinabukasan ay nakita ko si Fiona na nakangiti habang inaalagaan ang anak ko. Parang hindi ito nanggaling sa paghihirap kagabi. May ngiti ito habang nakikipag usap sa anak kong si Trevor. Bawat galaw ng kanyang labi, tawa niya, boses at lahat ng galaw niya ay nagpapaalala sa akin kay Maya.Malinaw ang mata ko… Damn! Alam kong walang mali sa paningin ko, pero hindi ko alam kung bakit kakaiba ang tingin ko kay Fiona… hindi siya pangit sa paningin ko kahit noong una ko pa lang siyang nakita. I saw her as a normal woman just like others. Ang hindi ko maintindihan ay habang dumadaan ang mga araw ay gumaganda ang tingin ko sa kanya.Iniwas ko ang mata ko sa kanya ng tumalikod siya sa bandang gawi ko. Suot ni Fiona ang binili kong pulang bestida. Dahil sa tingin ko ay magka- size sila ni Maya ng katawan ay size ng asawa ko ang pinili ko para sa kanya.Ngayon suot ni Fiona ang binili kong bestida ay masasabi ko na hindi lamang sila magka- size… para silang iisang tao lang ni Maya.
“Maya/Fiona pov]Lumuluha na bumalik ako sa kwarto at mahinang inuntog ang ulo sa pinto. “Ang tan6a mo, Fiona. Bakit mo naman inisip na galing kay sir Tyler ang bestidang ‘yan! Ayan tuloy, napahiya ka!” kausap ko sa sarili ko. Buong akala ko ay kay sir Tyler galing ang suot kong pulang bestida ngayon. Sobrang saya ko pa dahil nakatanggap ako ng ganito kagandang bestida, at galing pa sa lalaking lihim kong mahal, pero hindi pala ito galing sa kanya. Nag alala lang si sir Tyler sa akin ay umasa na agad ako. Ngayon tuloy ay nasasaktan ako. Bakit ba kasi umaasa ang pangit na gaya ko na kahit kaunti ay mapapansin ako ni sir. Alam ko naman na malabong mangyari ‘yo pero heto at nagpapakatan6a ako. Pinapaniwala ko ang sarili ko na baka may chance ako. Nakakahiya, lalo pa’t nakita at narinig ng mga kaibigan nito ang sinabi ko.Tuwing sumasakit ang ulo ko at nakakakita ng mga malalabong imahe at nakakarinig ng samo’t saring boses ay palagi kong naririnig ang boses ni sir. Sa tingin ko ay kaya
(Karla pov) Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Timothy at nang kakambal nitong si Marshall si Bane. Dumating din si Jelay, umiiyak itong nakayakap sa'kin. "Karla, thanks god you're safe. Sobra kaming nag alala sayo ni nanay." Nag aalalang sabi ni Jelay sa'kin. Maraming dumating na mga pulis, hinuli si Bane at ang mga tauhan nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil naligtas din si Atty. bago pa ito tuluyang mapatay ng mga tauhan ni Bane. Naramdaman ko nalang ang pag angat nang katawan ko sa ere, si Timothy buhat niya ako. Sa bisig niya ay umiyak ako ng umiyak... halo-halo ang nararamdaman ko... Pasasalamat at pangungulila sa kanya. Hindi malubha ang lagay ko pero ang daming bumisita sa'kin. Hiyang-hiya ako sa magulang ni Timothy at hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa labis na hiya sa nagawa ko sa anak nila. "Karla, iha... hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang ng sarili mong ama." Wika nang mommy ni Timothy. "Sa katunayan ay natutuwa kami sa
(Karla pov) Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama. Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko. Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator. Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag
(Karla pov)Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Gustuhin ko man isuplong at sabihin sa mga Montemayor ang tungkol kay Richard ay pinangunahan ako ng takot. Oo, naduduwag ako. Binantaan kasi ako ng ama ko na isiswalat din niya kasabwat ako, sisiguraduhin daw nito na malalaman ni Timothy na kasama ako sa mga planong ginawa nito. Hindi ko na kaya… kinakain na ako ng konsensya ko. Narinig ko ang usapan ni Timothy at Sheya, natatakot ako dahil mukhang may balak na naman na masama si Richard kay Sheya. Nakakatakot si Richard, imbis na magbago ito at magpasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng diyos ay nagagawa pa rin nito na gumawa ng masama.Tumingala ako sa harapan ng mansion nang mag asawang Trevor at Sheya.Hindi na kasi kaya ng konsensya ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Bahala na…“Karla!” Nakangiting yumakap sa akin si Sheya ng makita ako. Niyaya niya akong umupo, pinaghandaan pa ako nito ng pagkain. Napansin ko na nanlalalim ang mata ni Sheya, mukhang hindi ito nak
(Timothy pov) "Oh, Timothy, napadalaw ka." Nakangiting bungad ng ina ni Karla sa akin, agad ako nitong pinapasok sa loob. Mas masigla na ito kumpara no'ng una ko itong makita, siguro dahil na rin sa regular check up nito at patuloy na pag inom ng gamot. "Naku, iho, nag abala ka pa." Tila nahihiyang turan nito ng makita ang marami kong dalang groceries at lutong pagkain. "Hindi ito isang abala, nay." Ako na nagsalansan ng mga pinamili ko dahil ayaw ko itong mapagod. Pagkatapos ay agad kong tinanong ang ina ni Karla. "May problema ka ba, nay? Kayo ni Karla?" Oo, isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong malaman kung ano ang problema nilang mag ina. I know it was wrong because it's a family matter, but for me, when it comes to Karla, it's matter. Mahalaga sa akin ang nobya ko. Kung sakaling malaman ng nobya ko ang ginawa at magalit ito ay maiintindihan ko. I'm really worried. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa si
(Timothy pov) Hindi ko mapigilan ang mag alala dahil hindi sinasagot ni Karla ang mga tawag ko. I called may secretary to cancel all my appointments at nagmamadaling umuwi sa condo. Then I saw her, crying while holding her cellphone, mukhang hindi maganda ang pinag uusapan ng mga ito dahil mas lalong humaguhol ng iyak ang nobya ko. Rumehistro ang gulat sa mukha niya ng makita ako. "T-Timothy..." "What's wrong? May nangyari ba kay nanay?" Nag aalala akong yumakap sa kanya. Kilala ko si Karla hindi ito basta iiyak lang kaya alam kong may mabigat siyang dinadala. Pero imbis sagutin ako ay tumalikod ito sa akin at umiling. Bumuntong hininga ako. Kahit nanaig sa akin na alamin ang problema ay iginagalang ko kung ayaw man niyang sabihin sa akin ang problema niya. "N-Nagluto ako, hon. S-Sandali lang at maghahain ako ng pagkain." Nagpaalam si Karla na maghahain, tumango ako bago pumasok sa kwarto para magbihis. Ilang beses pa akong bumuntong hininga. Hindi ko talaga gustong makita na umii
(Karla pov)Masaya kaming nagkukwentuhan ni Jelay habang kumakain sa isang fast food chain. Nagkita kaming dalawa at syempre nagkamustahan. Sinabi ko sa kanya na uuwi na ako sa bahay namin sa susunod na buwan. “Teka, saan ka ba nagtatrabaho?” Tanong sa akin ni Jelay. “Para madalaw ka namin ni nanay. Boss mo ba si Timothy?” Muntik na akong masamid sa tanong niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila ang totoo. Alam ko kasi na magagalit si nanay kapag nalaman niya na nakatira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki. Sino bang ina ang matutuwa na ang anak niyang dalaga ay mayro’ng kasamang lalaki sa bahay. Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang ama ko. "Hindi mo ba sasagutin? Baka importante 'yan." Umiling ako kay Jelay. "Wrong number lang." Nang maghiwalay kaming dalawa ay saka ko binasa ang text messages na pinadala ng ama ko. Gusto nitong malaman kung may improvement na ba sa plano ko. Bumuga ako ng hangin. Mahal ko
(Karla pov)Iyak ako ng iyak dahil walang balita kay Jelay. Hindi ito matagpuan at kahit ang mga kapulisan ay hindi ito natagpuan. Maging si nanay ay sobra ng nag aalala rito.“Ma’am, sigurado ka ba na dito nakatira ang kaibigan mo?” Intriga sa akin ng pulis na may pagdududa. “Opo, mamang pulis. Tandang-tanda ko na iyan ang nakalagay sa ID ng kaibigan ko noong nagtatrabaho kami.” Dagdag ko pa.Kumunot ang noo ni Timothy, ang pulis ay kunot din ang noo, nagtataka tuloy ako kung bakit parang nagtataka silang dalawa.“Ma’am, ang lugar kasi na iyan ay isang exclusive subdivision, puro mayayaman ang nakatira sa lugar na ‘yan at iisang angkan lang… ang angkan ng mga Herendes. Kaya imposible na ri’yan nakatira ang kaibigan mo.” “Hon, hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Alalahanin mong mabuti, sigurado ka ba na dito siya nakatira?” Agad na tumango ako. “Oo, hon, sigurado ako. Kung gusto ninyo ay alamin ninyo sa dati naming pinapasukang pabrika, sigurado ako na mayro’ng record si Jelay doon.
(Timothy pov) Kumunot ang noo ko pagdating sa tapat ng pintuan ng condo ko. May nakita akong bulaklak at ilang regalo na para kay Karla. Naka-indicate ang pangalan ng nobya ko rito kaya takang-taka ako. Hindi kasi ako bumili ng bulaklak ngayon kay Karla dahil dumaan ako ngayon sa isang jewelry store para bilhan ito ng kwintas na mayro’ng picture naming dalawa.Tiningnan ko ng masama ang katapat ng pad ko, ang condo unit ni Bane. Lumapit ako rito at malakas na kumatok. Pero imbis si Bane ay isang babae ang nagbukas rito.“Clare!?” Gulat na gulat na bulalas ko. “Hi, Timothy!” Agad na bati ng dalaga na nakangiti. “Pasa sa akin ba ang mga bulaklak na ‘yan?”“Bakit ikaw ang nasa unit ni Bane? Nasaan siya?” Iniinis ako ng gag0ng ‘yon ah. Alam ko siya nagpadala nito kay Karla.“Sinong Bane?” Tanong ni Clare. “Ah, siya ba ‘yong dating nakatira dito? Well, sa akin na ang unit na ‘to dahil ibinenta na ito sa akin.” Ngumiti ito ng pilya. “Si Bane ba talaga ang hinahanap mo, oh baka naman ako t
(Karla pov) Sobrang saya ko dahil hindi na peke ang relasyon namin ngayon ni Timothy. Araw-araw ay dama ko ang pagmamahal niya sa akin. Wala siyang ginawa kundi ang suyuin ako, sabi nga nito ay 'liligawan niya ako ng pormal kahit kami na. "Salamat, Timothy," Pasalamat ko sa kanya ng abutan niya ako ng bulaklak. "Sabi ko naman sayo ay tama na e. Tingnan mo ang condo mo, malapit ng mapuno ng mga bulaklak." Dalawang buwan na matulin ang lumipas, tapos na ang agreement namin dalawa pero heto at masaya kaming nagpatuloy sa relasyon namin. "Kasalanan mo 'yan, hon. Hindi mo kasi tinatapon ang luma kong binibigay." Iiling-iling na sabi nito sa akin na ikinairap ko sa kanya. "Bakit ko itatapon, eh binigay mo sa akin lahat ng 'to." Sa totoo lang ay sinubukan kong sundin ang sinabi niya sa akin pero hindi ko talaga kaya. Bukod sa nanghihinayang ako ay gustong-gusto ko ang mga bulaklak na nakikita sa umaga. Hindi ako magsasawang titigan ang mga ito dahil galing ang lahat ng ito sa kanya. Kumu