Salamat po sa mga GEMS! Kung nagustuhan ninyo ang story nina TYLER at MAYA ay maaari po kayong magbigay ng RATE. Thank you!
(Maya pov)Lahat ng nakakasalubong ko dito sa unibersidad ay binabati ako sa nalalapit naming kasal ni Tyler. Nalaman ng lahat na ikakasal ulit kami dahil laman ng lahat ng balita sa telebisyon, mga magazine, at social media ang tungkol sa kasal namin.Agad akong hinalikan ni Tyler sa labi ng dumating siya para sunduin ako. Noong una ay nahihiya ako kapag nilalambing niya ako sa harap ng ibang tao o kung may nakakakita. Pero ngayon ay sanay na ako at balewala na lamang sa akin."I miss you and I love you." Nakangiting sambit niya matapos humalik. "Dumating na ang wedding dress na susuotin mo sa wedding natin. Sukatin mo agad pagkauwi para makita ko kung gaano ka kaganda habang suot ito.""Di'ba bawal 'yon?" Kumunot ang kanyang noo kaya nagpaliwanag ako. "Ang sabi nila kapag sinukat daw ang wedding gown bago ikasal ay hindi daw matutuloy ang kasal." Malakas na natawa si Tyler kaya napanguso ako."Kasabihan iyan para sa mga hindi pa mag- asawa." Marahan niyang pinisil ang pisngi ko. "Mag
[Maya pov]Pinigilan ko na huwag matawa dahil nakikita ko na nahihiya siya. Nabi- believe ako kay Tyler sa totoo lang dahil hanggang ngayon ay ginagalang niya ang desisyon ko na hiwalay muna kami ng kwarto. Ni minsan ay hindi niya ako pinilit sa bagay na siya lamang ang may gusto.Tumikhim ako at itinulak siya papasok ng kanyang kwarto. Puro kulay pula at puti ang theme ng kwarto ni Tyler. Lalaking-lalaki ang dating ng disenyo ng kanyang kwarto. Napaawang ang aking labi ng matuon ang aking mata sa wall sa bandang headboard ng kanyang kama.Sa taas ng wall ay naroon ang wedding picture namin no'ng ikasal kami. Nakangiti si Tyler at halatang masaya, samantalang ako ay walang kangiti-ngiti at may luha pa sa mata dahil ng panahon na iyon ay sobra akong natatakot, nalulungkot, dahil ikinasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal."Kapag tumitingin ako sa wedding photo natin ay sumasaya ako at nabubuhayan ng pag asa na baka isang araw ay mamahalin mo rin ako." Tumabi si Tyler sa akin at tumin
[Tyler]KANINA pa ako hindi mapalagay. Nang mawalan siya ng malay ay agad na dinala ko siya rito sa hospital. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng nalakad ng pabalik-balik ang pasilyo ng hospital habang hinihintay ang doktor na sumusuri sa asawa ko. Sobra akong nag-aalala ngayon, gustong-gusto ko ng pasukin ang kwarto kung nasaan si Maya."Relax, Tyler. I'm sure your wife is safe." Pag-aalo ni Kier sa akin habang tinatapik ang balikat ko."Yeah. So, don't worry, matutuloy ang honeymoon niyo." Biro ni Grant, alam ko na pinapagaan lang nito ang loob ko.Nang makita ko ang doktor na lumabas ng silid kung nasaan si Maya ay halos takbuhin ko ito para lapitan. "Doc, how's my wife?" Agad kong tanong na puno ng pag aalala. Ilang beses akong napalunok ng hindi ito sumagot, kaya naman kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko. "Please, tell me she's okay." Parang batang pakiusap ko pa, parang anumang sandali ay iiyak ako. Hindi naman ako ganito mag alala sa ibang tao bukod sa mommy at daddy
[Tyler pov]Gusto kong sapakin ang sarili ko. Ako ang matanda sa aming dalawa pero nakalimutan ko na pwedeng magbunga ang ginawa namin. Inosente ito at walang alam kaya dapat ay naisip ko na ang mga posibleng mangyari. Pero wala na akong magagawa... Hindi ko naman maitatanggi na masayang-masaya ako dahil magkakaanak na kami... Oo, sobrang saya ko ngayon, at nasasaktan din ako dahil baka hindi matanggap ni Maya ang kalagayan niya. Natatakot ako na baka dahil dito ay magalit siya sa akin, baka isipin niya na sinira ko ang pangarap niya."Dahil hindi ako naging maingat ay maa-apektuhan ang pangarap mo—""Ano ba ang sinasabi mo, Tyler?" Pinahid ni Maya ang luha at tumingin sa akin. Natigilan ako dahil may ngiti siya sa labi. "Bakit ka humihingi ng pasensya?" Kinuha ni Maya ang kamay ko at dinala sa tiyan niya. Biglang nag init ang sulok ng mata ko ng marinig ang sunod niyang sinabi."Hindi ako umiiyak dahil malungkot ako, Tyler... Umiiyak ako dahil masaya ako na dinadala ko ang anak natin
[Maya]MAS naging maasikaso at maalaga si Tyler simula ng magdalantao ako. Halos hindi na ito pumapasok para lang ibigay ang lahat ng gusto kong kainin o samahan ako sa pagpapacheck up ko. Kahit sa pagbabanyo ko nga ay nakaalalay siya sa takot na baka mawalan ako ng balanse at mapahamak kami ni baby.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya simula ng malaman kong buntis ako sa magiging anak namin ni Tyler. Oo, marami pa akong pangarap, pero kaya kong isantabi ang mga iyon para sa magiging anak namin. Pinapangako ko na magiging mabuting ina din ako katulad ni nanay, at syempre ay magiging mabuting asawa din ako kay Tyler.Hinaplos ko ang may kalakihan ko ng tiyan habang hinihintay si Tyler dito sa parking lot ng Supermarket. Galing kami ng department store para mamili ng mga gamit ng anak namin na si Trevor— yes, lalaki ang magiging anak namin. Tuwang-tuwa nga si Tyler dahil nakalalaki daw siya agad sa panganay namin. Pitong buwan na akong buntis ngayon, kaunting panahon na lang
[Maya pov]"Maya!" Lumapit si Vanjie sa akin ng makita ako.Nagulat ako dahil ang laki ng ipinayat ni Vanjie kumpara no'ng huli ko siyang nakita. Nabigla ako ng lumuhod siya sa harapan ko."Vanjie, tumayo ka nga ri'yan." Hinila ko siya dahil naiilang ako sa ginagawa niya. Hindi naman ako Diyos para luhuran niya."M-Maya... alam kong hindi naman tayo matagal nagkasama, o naging sobrang malapit na magkaibigan... P-Pero kakapalan ko na ang mukha ko. P-Please, tulungan mo ako. K-Kailangan ko ng pera para ma-operahan ang kapatid ko... siya na lang ang nag iisang pamilya na mayro'n ako kaya hindi ko kayang malaaa siya sa akin... N-Nagmamakaawa ako sa'yo, Maya... T-Tulungan mo ako." Bakas ang labis na paghihinagpis sa mukha na pagmamakaawa ni Vanjie habang puno ng luha ang mukha nito."W-Wala na akong iba pang malalapitan, Maya. I-Ikaw na lang ang kaisa-isang taong naisip ko na makakatulong sa akin, kaya pasensya ka na kung nagpunta lang ako dito para humingi ng tulong sa'yo."Kahit anong hil
[Tyler]PAGKATAPOS ng meeting ko with board directors ay agad na tumayo ako para maghanda sa pag uwi. Ang lahat ay halatang nagtataka habang nakatingin sa akin dahil hindi sanay ang mga ito na ako ang mauunang tumatayo pagkatapos ng meeting namin, hindi lamang 'yon, nagtataka din ang mga ito dahil malaki ang ngiting nakapaskil sa labi ko simula pa ng makita ako ng mga ito. Hindi ko masisisi kung bakit may pagtataka sila, dati kasi ay hindi naman ako ganito, palagi akong seryoso noon sa pagharap sa kanila, ni ang pagngiti ay hindi ko magawa. Pero ngayon na maisip ko pa lang si Maya ay hindi ko makontrol ang sarili ko na sumaya at masabik na umuwi, lalo na ngayon na dinadala nito ang aming anak.Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga ito na mayron akong asawa, kaya nga ang iba sa kanila ay mayrong mapanuksong ngiti sa labi. Simula nang makita at maging asawa ko si Maya ay naging ganito na ako araw-araw— palaging may ngiti sa labi at nagmamadaling umuwi nang bahay. Nasasabik palagi ang pus
[MAYA POV]PAGOD na pagod na ako. Gusto ko ng sumuko dahil sa ginagawang pagpapahirap sa akin ni Suzy, pero sa tuwing maiisip ko ang anak ko ay lumalakas ako at pilit na lumalaban kahit pa pakiramdam ko ay bibigay na ako.Tama, si Suzy ang nagpapahirap sa akin. Tauhan niya ang dumakip sa akin at dinala ako sa lugar na hindi ko alam. Simula ng magising ako ay wala na itong ginawa kundi saktan ako. Sobrang sakit na ng katawan ko at nanghihina na din ako. Sa tuwing sisipain niya ako at susuntukin ay agad kong niyayakap ang tiyan ko para protekhan ito mula sa kanya. Hindi ko hahayaan na maging ang aking anak na nasa aking sinapupunan ay madamay at masaktan. Hangga’t kaya ko ay poprotektahan ko ang anak namin ni Tyler.‘Tyler, pakiusap ‘iligtas mo kami’ Piping bulong nang puso ko habang tinatanggap ang pananakit sa akin."Ang tibay mo din, Maya, no? Hanggang ngayon ay buhay ka pa rin?" Sinabunutan ni Suzy ang buhok kong nanlalagkit na dahil sa dugong natuyo galing sa ulo ko na puro sugat ga