Kahapon pa pumasok sa inbox ng kanyang email ang liham na nagmula sa email address ni Ella. Ayaw niyang pagkaabalahan muna ang kung ano man na nilalaman ng ng email na iyon, dahil hindi niya gustong magulo ang kanyang isip.
“Napakarami kong backlog na kailangang asikasuhin. Mamaya ko na lang babasahin ‘yan.”
Higit na mahalaga para sa kanya ang mga email na nagmula sa mga kliyente, business associates at iba pang liham na may kaugnayan sa negosyo ng kanilang pamilya.
“Puro reklamo lang ang mababasa ko sa email na ‘yan.”
Ah, pagud na pagod na siya sa maraming complain ng yaya-bantay ni Sophie. Kinukulili na ang kanyang tainga ng mga reklamo nito, mula pa noong unang araw na bumalik siya mula Korea.
Ngunit hindi rin niya natiis na hindi buksan ang email.
“Alamin ko na nga kung ano man ang reklamo ng babaing ‘to, para matapos na ang lahat, once and for all.”
Hindi madali ang yumuko at humingi ng kapatawaran, ngunit isinagawa iyon ni Sophie bilang pag-amin ng kanyang pagkakamali kay Ella.“Kilala kita, Sophie,” saad ni Ella, “impulsive ka. Pabigla-bigla sa iyong desisyon lalo pa at nababangga ang iyong pride. A child-woman. A rebel with undetermined cause,” pagpapatuloy ni Ella, “but you are so intelligent and have a very photographic memory. Kaya nga idol kita, e!”“Maryosep, nagso-sorry lang ako sa ‘yo ang dami mo nang sinabi!” Angal ni Sophie.“Alam ko kung gaano kahirap ang humingi ng sorry. Hindi madali ang lumunok ng pride. Pero ginawa mo.”“E, mali nga kasi ako. Alangan namang magmataas pa ako, e, alam ko namang ako ang may pagkakamali,” paliwanag ni Sophie, “kayabangan na ‘yon kapag ganoon. Walang kuwentang tao ang mayayabang na tao, noh!”“Kaya nga idol na idol kita,
“Napanaginipan ko si mama kagabi,” pagbabalita ni Sophie sa kanyang papa, “binigyan niya ako ng white rose, tapos pumunta siya sa liwanag na hindi ko alam kung saan nanggagaling, tapos dinala siya ng liwanag at bigla na lang nawala.”“Napatawad na nga siya sa kanyang mga kasalanan, gaya ng aking inaasahan.” Saad ni Gener.“Ganoon ba ‘yon, Pa?”“Ayon sa mga matatandang nakilala ko noong kabataan ko. Kahit ang mga Lolo’t lola ko ganoon ang sinasabi.”“Ano ba ang mabigat na naging kasalanan ni mama?”Hindi nakapagsalita ang ama.Hindi nais ni Gener na masira ang imahe ni Cory sa anak nila. Ayaw niyang mawalan ito ng respeto sa kanyang asawa.“Mabait naman si mama, ‘di ba?” Pangungulit ng anak.“Oo, tama ka. Mabait talaga ang mama mo.”“Ano ba a ng naging sakit ni mama, bak
Ilang araw na sa bahay nila sa Palawan si Victor, at pinagtatakhan ni Amanda ang excited na pagkokondisyon ng anak sa kotse nitong Mustang, na gamit kapag lumalaban ng pakikipagkarera ng sasakyan.“May laban ka, anak?” Tanong niya.“Laban ng buhay, Ma. Pakikipaglaban para sa pag-ibig.” Sagot ng anak na may excitement sa tinig.Si Sophie lang ang nag-iisang pag-ibig ng kanyang anak, kahit pa nagkaroon ito ng kuwintas ng affair sa kung sinu-sinong babae, na kahit ang pangalan ay hindi na niya maalala pa. Si Sophie ang nag-iisang babaing minahal ni Victor, nang higit kahit pa sa first love nito na nagdulot dito ng kabiguang naging sanhi upang maging mapaglaro ito sa pag-ibig.Si Sophie ang nag-iisang babae na naging dahilan upang maging seryoso sa buhay ang kanyang anak.“Itatakas mo si Sophie?” Tanong ni Amanda.Hindi sumagot ang anak na ipinagpatuloy ang pagkakalikot sa mga
Nagpalagay ng TV monitor si Tony sa silid na kinaroroonan ni Sophie, at ipinagbilin dito na laging manood sa ano mang palabas na lilitaw sa monitor, upang makita niya ang mga nagaganap sa paghahanda ng kasal nila. Ang nais ng groom ay maging updated siya sa bawat pangyayaring nagaganap sa papalapit na araw ng kasalan.Ngunit hindi siya interesado sa kasalang iyon. Magiging masaya at payapa ang kanyang isip kung wala siyang malalamang kahit ano tungkol sa event na iyon. Ngunit batas si Tony sa mansiyong ng mga Sandoval. Lahat ng sasabihin nito ay kailangang masunod, at kasama siya sa pinasusunod ng nag-iisang anak ni Senyor Gaspar Sandoval."Basta't sundin mo lang kung ano man ang gusto niya," naalala niyang bilin sa kanya ni Ella, "ang importante lang ay huwag ka niyang mahawakan, you know what I mean," pagpapatuloy nito, "just don't rock the boat. You'll see makakarating din tayo sa dapat nating puntahan."Pasulyap-sulyap lamang siya
Bisperas ng kasal ni Tony. Paroo’t parito siyang naglalakad sa kanyang silid tulugan. Pakiramdam niya’y para siyang bibitayin. Nasa puso niya ang takot at pag-aalala, na dahilan kung bakit walang tigil ito sa malakas na pagtibok ang kanyang puso na akala mo dumadambang kabayo sa loob ng kanyang katawan.“Paano kung hindi mag-work out ang marriage namin?”Buhay at kinabukasan nila ng babaing pakakasalan niya ang nakataya sa pag-iisang dibdib nilang iyon.“Parang hindi ko kayang magpatali sa kanya,” pag-aalala niya, “sa isang pagkakamali nagsimula ang lahat, kailangan bang sa isang pagkakamali rin ito matapos?”Si Ella ang totoong mahal niya, ang tunay na ititibok ng kanyang puso. Ang babaing sa bawat sandali ay kinasasabikan niyang makasama, kahit pa nga madalas silang mag-away dahil sa sobrang insecure nito sa relasyon nila.Miss na miss na niya si Ella. Hindi natiis
Araw na ng kasalang Sophie Samonte-Tony Sandoval. Maliban sa mga kasambahay na nagkakagulo at excited sa magaganap na kasalan, ay tahimik ang buong mansiyon ng mga Sandoval. Walang bisitang dumarating, walang kakilalang nagpupunta.Tiniyak ni Tony at ng kanyang staff na walang sino man ang papayagan na makapasok sa loob ng mansiyon, upang matiyak ang privacy ng mga ikakasal. Sa simbahan lang at sa hotel, kung saan gaganapin ang reception ng kasal tatanggapin ang sino mang imbitado na pupunta.Nag-iisa sa kanyang silid si Tony, na kahit ang kanyang mga groomsmen ay hindi niya pinayagang makapasok. May itinakda siyang oras para sa mga ito para siya puntahan. Nais niyang mapag-isa ng mga panahong iyon at sa mga oras pang darating bago sumapit ang takdang sandali ng kanyang pagpunta sa simbahan.Ibig niya’y namnamin ang bawat huling sandali ng kanyang pagiging binata.Maraming katanungan sa kanyang isip ang nangangailangan ng
Paulit-ulit niyang tinatawagan si Victor, ngunit; “the number you dialed cannot be reach” ang lagi niyang naririnig sa kanyang phone. Natataranta na siya. Nagpa-panic.Nag-aalala siya. Iniisip na baka may masamang nangyari sa katipan. Baka nagaganap na ang inaalala ni Victor na gagawing katrayduran ng kaibigan niya. Baka nga totoo ang tungkol sa ahas na panaginip nito.Muli niyang idinayal ang numero ng telepono ng nobyo.“The number you dialed is now unattended”Gigil na pinindot niya ang kanyang cellphone.“My God, Victor nasaan ka,” gigil na naitanong niya sa wala, “magparamdam ka naman!” naisigaw na tuloy niya.Pilit pinakakalma ang sariling nagpalakad-lakad siya sa silid tulugan. Panay ang tingin sa oras sa cellphone na kanyang hawak.“OMG! Padating na ang sinasabi ni Ella na susundo sa akin, pero hindi ko pa rin makontak ang Victor na ‘
Lumingon sa nagmamartsang bride ang lahat ng nasa simbahan. Nasa mga upuang malapit sa altar ang mga bisitang kabilang sa mga elite sa lipunan, ang mga sikat na naghahangad na sumikat pa, kaya hindi pinalampas ang pagkakataong makita sa kasal ng isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas, bukod sa gusto rin nilang sukatin ang babaing piniling pakasalan ni Tony Sandoval.Naroon ang designer ng wedding gown na suot ng bride, at ang assistant nito. Nasasabik silang makita ang wedding gown na creation nila, habang ito ay suot ng babaing ikakasal.“Ang ganda talaga ang creation mong wedding gown, Madam,” pagpuri ng assistant sa designer na pinagmamasdan ang bride na suot ng wedding gown, “parang Egyptian Princess ‘yong ikakasal sa suot niyang veil. Very mysterious. Nakakasuspens.”Taas ang noong ipinakita ng designer ang kanyang mukha sa mga naroon, na hindi naman siya pinansin.Ah, hindi lamang ang p
Tahimik ang paligid. Namamahinga at natutulog na sa kanilang mga hotel room ang mga bisita ng hotel. May iilan na naglalanguyan sa pool, na hindi ganap na naiilawan. At hindi makikilalang ganap ang sino mang naglalakad sa palibot kung hindi lalapitan at ang mukha ay pagmamasdan. May isa na naglilibot, nakikiramdam sa paligid. Ninamnam ang kasiyahan ng paglalakad nang malaya. Si Moira. “Sayang hindi ko nakita ang kasal ni Victor at ng nurse na ‘yon,” inilibot niya ang tingin sa paligid, “saan kaya dito ang suite na kinaroroonan nila,” naku-curious na tanong sa wala. Wala siyang tangkang manggulo. Kuryusidad lang ang nagtulak sa kanya upang habulin ang kasalan na hindi naman inabutan. “Gusto ko ring makita kung masaya ang magpakasal,” pakikipag-usap niya sa sarili, “nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras ng kasal namin ng boyfriend kong German.” Salapi ang tanging dahilan kung
Payapa ang isip at damadamin, kausap ni Senyor Gaspar si Nadine sa telepono. Masaya siyang nagbibigay ng payo sa babae at mga kasama nito, na nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng loudspeaker ng phone.Nagdadabog na biglang pumasok ang stressed na si Amanda.Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal, ngunit wala pa ang bride.“Ano ba namang babae ‘yon,” ang sabi, kasabay sa pagbagsak ng katawan paupo sa kama, “napaka-inconsiderate!”Hinihintay niyang magbigay ng komento ang Senyor, ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa phone.Napatingin ang babae sa asawa. Sumama ang loob, inisip na hindi siya pinapansin nito, at mas binibigyang halaga ang kausap sa telepono.“Sino na naman ba ‘yang kausap mo?“ Ang tanong na paangil.“Si Nadine. Makakasama na raw nila sa kanilang tropa si Marcel.” Sagot ni Senyor Gaspar, na halata ang saya sa ki
Inip na si Moira. Kinakabahan at nagdududa na rin. Nabubuo na sa kanyang utak ang hinalang niloko lang siya ni Atty. Jasmine Martin, upang mapapirma sa blankong dokumento.Kumakalat na ang takot sa buo niyang pagkatao. Nakakaramdam ng kawalang pag-asa.“Hindi ko dapat pinaniwalaan ang abogagang ‘yon,”naibulong ni Moira nang may pagsisisi, “hindi ko dapat pinirmahan ang blankong papel na ‘yon. Para ko na ring inihulog ang sarili ko sa impiyerno kapag nagkataon.”Umaga pa niya pinirmahan ang blank document na pinapirmahan sa kanya ng abogada, at sinabi nito na agad aasikasuhin ang pagpapalaya sa kanya, pagkatapos niyang mapirmahan ang pinapipirmahan sa kanya.“Tatakas ako, oras na hindi nila ako pinalaya,” pagpaplano nya, “gagantihan ko ang lintik na abogadang ‘yon once na makalabas ako piitang ito. Pagsisisihan niyang niloko niya si Moira Corpuz.”Halo-halong damdamin ang umiiko
Hindi nagugustuhan ni Moira ang mga pangyayaring nagaganap. Ilang araw na siyang naghihintay sa tawag ni Victor, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam.“Walanghiya kang Victor ka. Gagawin kong impiyerno ang buhay n’yo ng magiging asawa mo kapag hindi mo naipaatras ang demanda sa akin ni Ella at ng mga barkada niya!”Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa piitang kanyang kinakukulungan.“Buwisit naman kasi ang mga nagbigay ng stag party na 'yon,e,” gigil na naisip niya, “hindi man lang ako winarningan na asawa pala ni Tony Sandoval ang best friend ng pakakasalan ni Victor.”Kilala niya ang pangalang Tony Sandoval, bilang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa buong Asia na si Senyor Gaspar Sandoval. Maraming koneksyon ang taong 'yon. Powerful!Sabi nga ng mga kakilala niya, wala sa matinong pag-iisip ang sino man, na magtatangkang kalabanin ang sino ma
CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGETGumala ang tingin ni Ella sa paligid ng restaurant na kanyang pinasok. Iyon ang lugar na pinili ni Victor upang makipagkita sa kanya.Hindi niya gusto ang pakikipagtagpong iyon sa lalaking pakakasalan ng kanyang kaibigan. Ngunit curious siya sa sasabihin nito na hindi magawang sabihin sa telepono.Natanaw niya ang sulok na kinaroroonan ni Victor. Nakangiting kumaway ito sa kanya.Umakyat ang kanyang dugo sa ulo.Gustong sumabog ni Ella sa galit.Nagmamadali siyang lumapit kay Victor, sa paghahangad na matapos na agad ang magiging pag-uusap nila.“Ano’ng gusto mong orderin?” Tanong nito sa kanya nang makalapit siya.“Wala,” sagot niya na nanggigigil sa inis, “sabihin mo na, ano man ang sasabihin mo at nang makaalis na agad ako,” angil niyang inis na inis.“Init naman ng ulo!” Komento ni Victor.
Simple white wedding gown ang isusuot ni Sophie sa araw ng kanyang kasal, na si Amanda ang pumili ng design at designer.Mababa ang neckline ng wedding gown, ngunit may lining na kulay balat. Sa biglang tingin ay aakalaing balat mismo ng ikakasal ang kumikislap na nakalantad sa malalim na leeg ng damit. Ngunit kung muling pagmamasdan ay mahahalatang may lining itong nakakapit sa balat ng ikakasal.Handmaid ang mga burda sa pang-itaas na bahagi ng pangkasal na iyon, na gawa sa manipis, mamahaling telang ramie.Manipis, malambot na uri ng tela ang ginamit sa ibabang bahagi ng wedding gown, na sumusunod sa bawat galaw ng may suot nito. May lining din itong kulay balat. Mapapansin ang tila gintong mga butones sa likod ng wedding gown na backless hanggang baywang. Kumikinang sa makintab na tila gold powder ang guwantes, na hanggang lampas sa siko ng ikakasal.“You look so stunning!” Paghanga ni Amanda sa mama
Pakiramdam ni Victor ay masisiraan na siya ng bait. Lahat ng paraan ay ginawa na niya upang makausap si Sophie. Ngunit pinanatili nito ang invisible na pader, na inilagay nito sa pagitan nila.Matigas ang loob ng kanyang kasintahan. Nakipag-break na ito sa kanya, sa pamamagitan ng text, bagay na hindi niya matanggap.“Pag-usapan natin ito, Sophie. Ilang araw na lamang ay ikakasal na tayo.” Sagot niya sa text ng pakikipagkalas ng babae sa kanya.KRRIIINNNNGGGG…Hindi na niya tiningnan sa screen kung sino ang tumatawag, agad na sinagot ni Victor ang kanyang phone.“Babe, thanks at tumawag ka rin sa wakas!”“Victor, tulungan mo ako!” ang sabi agad ng tumawag sa kanya, “patung-patong na demanda ang inihain ni Ella at ng mga kaibigan niya sa korte laban sa akin. ‘Yong simpleng trespassing ay dinagdagan ng robbery, pagbabasag ng mga gamit at naglagay daw ako ng drug
Dala ang tray ng pagkain, marahang kinatok ni Gener ang pintuan ng silid tulugan ni Sophie. Halos maghapon nang nakakulong sa silid tulugan nito ang kanyang anak, at ang mag-alala’y hindi na niya maiwasan.“Sophie, anak,” pagtawag niya, “may dala akong pananghalian mo,“ pagbibigay alam niya, “hindi ka nag-almusal kaninang umaga, baka kung mapaano ka na kung hindi ka pa manananghali.”Walang sagot. Wala ring nagbubukas ng pintuan.“Pagbuksan mo si papa, anak,” pakiusap na ng ama, “nangangawit na ang kamay ko sa pagbuhat nitong tray ng pagkain mo.”Narinig niya ang mahihinang yabag na papalapit sa pintuan, na nabuksan, makaraan ang ilang sandali.“Hindi na sana kayo nag-abala sa paghahanda ng pagkain ko, Papa,” saad ng anak, “hindi naman ako nagugutom, e.”“Ano bang hindi nagugutom ang sinasabi mo, e, kaninang umaga ka pa
Hindi mapakali si Victor.KRIIIIINNG…KRIIIIINNGG…Paulit-ulit niyang tinatawagan si Sophie, ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.KRIINNGGG…KRIINNGGG…“Pick up, Sophie… pick up!”Nag-aalala siya kay Sophie. Ibig niyang matiyak na nasa ayos itong kalagayan at hindi nalalagay sa ano mang uri ng kapahamakan.“Nasaan ka ba, Sophie? Bakit hindi mo sinasagot ang iyong phone.”Bigla ay nakadama siya ng takot.“Baka kinausap siya ni Moira, ah,” naisip niya, “baka nalaman na niya ang totoo at gusto na niyang layuan ako.”Muli niyang idinayal ang numero ng cellphone ni Sophie. Paulit-ulit.…….Naririnig, ngunit hindi pinapansin ni Sophie ang pag-iingay ng kanyang telepono. Hindi siya interesadong makipag-usap kanino man, higit at lalo kay Victor. Ang nais niya ay mapag-isa. Hanapin at