Home / Romance / ANG TAKAS / CHAPTER 70 : NASAAN SI VICTOR?

Share

CHAPTER 70 : NASAAN SI VICTOR?

last update Last Updated: 2022-02-03 21:22:45

Paulit-ulit niyang tinatawagan si Victor, ngunit; “the number you dialed cannot be reach” ang lagi niyang naririnig sa kanyang phone. Natataranta na siya. Nagpa-panic.

Nag-aalala siya. Iniisip na baka may masamang nangyari sa katipan. Baka nagaganap na ang inaalala ni Victor na gagawing katrayduran ng kaibigan niya. Baka nga totoo ang tungkol sa ahas na panaginip nito.

Muli niyang idinayal ang numero ng telepono ng nobyo.

“The number you dialed is now unattended”

Gigil na pinindot niya ang kanyang cellphone.

“My God, Victor nasaan ka,” gigil na naitanong niya sa wala, “magparamdam ka naman!” naisigaw na tuloy niya.

Pilit pinakakalma ang sariling nagpalakad-lakad siya sa silid tulugan. Panay ang tingin sa oras sa  cellphone na kanyang hawak.

“OMG! Padating na ang sinasabi ni Ella na susundo sa akin, pero hindi ko pa rin makontak ang Victor na ‘

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • ANG TAKAS   CHAPTER 71 : THE KISS

    Lumingon sa nagmamartsang bride ang lahat ng nasa simbahan. Nasa mga upuang malapit sa altar ang mga bisitang kabilang sa mga elite sa lipunan, ang mga sikat na naghahangad na sumikat pa, kaya hindi pinalampas ang pagkakataong makita sa kasal ng isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas, bukod sa gusto rin nilang sukatin ang babaing piniling pakasalan ni Tony Sandoval.Naroon ang designer ng wedding gown na suot ng bride, at ang assistant nito. Nasasabik silang makita ang wedding gown na creation nila, habang ito ay suot ng babaing ikakasal.“Ang ganda talaga ang creation mong wedding gown, Madam,” pagpuri ng assistant sa designer na pinagmamasdan ang bride na suot ng wedding gown, “parang Egyptian Princess ‘yong ikakasal sa suot niyang veil. Very mysterious. Nakakasuspens.”Taas ang noong ipinakita ng designer ang kanyang mukha sa mga naroon, na hindi naman siya pinansin.Ah, hindi lamang ang p

    Last Updated : 2022-02-04
  • ANG TAKAS   CHAPTER 72 : BROKEN PROMISES

    Ang designer ng wedding gown ang nagmamaneho ng sasakyan, katabi niya si Chevy, ang kaibigan niyang may kaalaman sa hipnotismo.“Bakit mo naman naisip na hinipnotismo ng Ella Caprichosa ang multii billionaire na si Tony Sandoval?” tanong ni Chevy sa babae.“E, hindii naman sa Ella na ‘yon supposedly ikakasal si Tony kungdi kay Sophie Samonte,” sagot ng designer, “bakit hindii man lang nagulat si Tony ng angatin niya ang wedding veil ng bride at nalantad ang mukha ni Ella Caprichosa?”“Ang mga kamag-anak ng groom, wala rin bang reaksiyon?”“Hiindi ko kilala ang mga kamag-anak ni Tony. Pero nakapagtatakang wala doon ang kanyang papa na si Senyor Gaspar Sandoval. Noon pa ay alam ko na, na si Senyor Gaspar ang totoong may gusto na maging asawa ni Tony ang Sophie Samonte na ‘yon.”Hindi naitago ni Chevy ang labis na paghanga nang makarating sila sa sila s

    Last Updated : 2022-02-05
  • ANG TAKAS   CHAPTER 73 : HONEYMOON NIGHT

    Humakbang papalayo kay Victor si Sophie. Agad namang sumunod sa kanya ang nobyo.“Saan ka pupunta?” Tanong nito.“Gusto ko lang maglakad-lakad, hanggang sa mapagod.”“Sasamahan kita.”Nang matanaw ni Sophie ang kamalig, kung saan nakatigil ang mga kabayong inaalagaan ni Jose.“Expert ka ba sa horse riding?” Tanong niya sa kasama.“Marunong lang, hindi eksperto.”Nagtatakbo si Sophie patungong kamalig, kasunod si Victor na walang nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya.Nilapitan ni Sophie ang mga kabayong naroon at hinimas ang bawat isa.“Garnet ang pangalan niyang kabayong hinahaplos mo,” pagbibigay alam ni Victor sa nobya, “kay Ate Amelia ang kabayong ‘yan. Pinangalanan niyang Garnet ang kabayong ‘yan, dahil ipinanganak ‘yan ng January. Garnet kasi ang birthstone ng mga ipinanganak ng January.&rdqu

    Last Updated : 2022-02-06
  • ANG TAKAS   CHAPTER 74 : TRAUMA

    “Kumusta siya, dok?” Tanong ni Amanda sa kanilang family doktor na sumuri kay Sophie.“She’s still under observation,” saad ng doktor na ang tingin ay hindi iniaalis sa mukha ni Sophie, “bantayan n’yo siyang mabuti. Tawagan n’yo ako agad kapag nagsuka siya, sumakit ang kanyang ulo o nagkaroon ng pamamanhid sa kanyang katawan, lalo na sa braso.”“Malala ba ang naging pinsala sa kanya ng pagkakahulog niya sa kabayo?”“Neck sprain pa lang ang nakikita kong pinsala niya sa ngayon,” sagot ng manggagamot, “bigyan n’yo siya ng pain reliever kapag idinaing niyang masakit ang leeg or batok niya.”“Miss Amanda, Doktor, excuse me,” hinging paumanhin ni Senyor Gaspar na sumingit sa pag-uusap ng dalawa, “gusto ko sanang i-suggest na dalhin na natin ngayon sa ospital si Sophie,” suhestiyon niya, “at doon n’yo na

    Last Updated : 2022-02-07
  • ANG TAKAS   CHAPTER 75 : JUSTICE FOR SOPHIE

    Matagal nang nakatingin sa wala si Ella. Ibinabalik niya sa kanyang imahinasyon ang nakapikit na mukha ni Sophie ng ito ay dalawin niya. Ang sama ng loob ay hindi niya naiwasan ng ang nakakunot na noo nito ay naging simangot nang marinig ang boses niya, at ni hindi pinagkaabalahang dumilat upang makita siya.“Galit siya sa akin,” pagkokonklusiyon niya, “Pero bakit? Ano ang nangyari sa pagtakas niya sa mansiyon? Ang ayos ng usapan namin ng maghiwalay kami…”Naputol ang kanyang pag-iisip ng hawakan siya sa magkabilang balikat ng asawa.“Ano ang iniisip mo, My dear sweet baby Ella?” Paglalambing nito.“Si Sophie.”“What about?”Malalim na buntunghininga si Ella. Tumindig mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Humakbang patungo sa balcony ng hotel room na kanilang kinaroroonan.Sumunod sa kanya ang asawa.Huminga siya nang malalim. Pinuno a

    Last Updated : 2022-02-08
  • ANG TAKAS   CHAPTER 76 : THE VOICE

    Matangkad, makinis ang balat na hindi naman kaputian, matikas kung tumindig at buo ang kumpiyansa sa sarili ng lalaking nakatayo sa harapan ni Amanda. Ngumiti ito, ngiti na Lalong nagpatingkad sa angking kaguwapuhan ng lalake.Napatingin siya sa basket ng prutas na iniaabot nito sa kanya.“Para po kay Nurse Sophie.” Saad nito.“Kanino galing?” Tanong niya, kasabay sa pagkuha ng basket ng prutas na hawak ng lalake.Tatlong ulit na kumurap ang mga mata ng kanyang kausap, bago nakasagot sa kanyang tanong.“Kay Ella Caprichosa po.” Ang wika.“Ah! Halika pumasok ka sa loob.” Pagpapatuloy ni Amanda sa lalake sa kuwartong kinaroroonan ni Sophie, “Nasaan si Ella,” tanong niya,“ habang inilalapag sa mesang nasa tabi ng kama, ang iniabot ng kanyang kausap.Gising ang nakapikit na si Sophie. Pinakikinggan niya ang pakikipag-usap ni Amanda sa dumat

    Last Updated : 2022-02-09
  • ANG TAKAS   CHAPTER 77 : BURNED BRIDGE

    Palabas na ang lalaking nakasuot ng doctor's uniform sa ward na kinaroroonan ni Sophie, nang dumating si Victor. Mabilis na sinalubong at hinarang niya ito.“Dok, kumusta ho si Sophie Samonte,” tanong niya, “is she okay?”Tiningnan ng doktor ang binata, “kamag-anak ka ba niya,” tanong nito.“Girlfriend ko po siya.”Nakakunot ang noong matagal na tumingin sa kanya ang inaakala niyang manggagamot. Dikawasa’y umiling ito.“Dok, bakit? Ano’ng nangyari kay Sophie?” Pagpa-panic ng binata.“Kaya mo bang mahalin ang babaing hindi na nakakatayo? ‘Yung forever invalid at parang lantang gulay na lamang na walang silbi?”“God, No! Bakit naman ganoon?” Paghihimutok agad ni Victor.Tatakbo sanang papunta kay Sophie si Victor, ngunit mahigpit siyang pinigilan ng manggagamot sa balikat.“Saan ka pupunta

    Last Updated : 2022-02-10
  • ANG TAKAS   CHAPTER 78 : TRUTH HURTS

    Umaga pa lamang ay hinahanap na ni Victor ang kanyang mama. Hindi niya ito nakasabay sa almusal at hindi rin nakasabay sa pamamasyal sa bukid na nakagawian na nilang gawing mag-ina.Tanghali na. Nakaluto at nakapaghain na ng pananghalian si Denang ay hindi pa rin nila malaman kung nasaan si Amanda.“Nasaan ba si mama?” tanong ni Victor kay Denang, “wala na siya nang magising ako. Hanggang ngayon, wala pa rin,” mula sa kabahayan ay nagtungo ang binata sa komedor, “nagugutom na ‘ko.” nasambit niya nang maamoy ang masarap na pagkaing inihain ng kanilang kasambahay.“Sumubo na lang po muna kayo nang kaunti, Sir Victor,” payo ni Denang, “kumain na lang po ulit kayo mamaya ‘pag dating ni mama n’yo.”“Nasaan ba kasi si mama?” pangungulit ng anak ni Amanda, “hindi dadaan sa lalamunan ko ang pagkain hangga’t hindi ko alam kung nasaan si

    Last Updated : 2022-02-11

Latest chapter

  • ANG TAKAS   CONCLUSION : THE WEDDING

    Tahimik ang paligid. Namamahinga at natutulog na sa kanilang mga hotel room ang mga bisita ng hotel. May iilan na naglalanguyan sa pool, na hindi ganap na naiilawan. At hindi makikilalang ganap ang sino mang naglalakad sa palibot kung hindi lalapitan at ang mukha ay pagmamasdan. May isa na naglilibot, nakikiramdam sa paligid. Ninamnam ang kasiyahan ng paglalakad nang malaya. Si Moira. “Sayang hindi ko nakita ang kasal ni Victor at ng nurse na ‘yon,” inilibot niya ang tingin sa paligid, “saan kaya dito ang suite na kinaroroonan nila,” naku-curious na tanong sa wala. Wala siyang tangkang manggulo. Kuryusidad lang ang nagtulak sa kanya upang habulin ang kasalan na hindi naman inabutan. “Gusto ko ring makita kung masaya ang magpakasal,” pakikipag-usap niya sa sarili, “nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras ng kasal namin ng boyfriend kong German.” Salapi ang tanging dahilan kung

  • ANG TAKAS   CHAPTER 117 : WHEN IT RAINS, IT POURS

    Payapa ang isip at damadamin, kausap ni Senyor Gaspar si Nadine sa telepono. Masaya siyang nagbibigay ng payo sa babae at mga kasama nito, na nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng loudspeaker ng phone.Nagdadabog na biglang pumasok ang stressed na si Amanda.Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal, ngunit wala pa ang bride.“Ano ba namang babae ‘yon,” ang sabi, kasabay sa pagbagsak ng katawan paupo sa kama, “napaka-inconsiderate!”Hinihintay niyang magbigay ng komento ang Senyor, ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa phone.Napatingin ang babae sa asawa. Sumama ang loob, inisip na hindi siya pinapansin nito, at mas binibigyang halaga ang kausap sa telepono.“Sino na naman ba ‘yang kausap mo?“ Ang tanong na paangil.“Si Nadine. Makakasama na raw nila sa kanilang tropa si Marcel.” Sagot ni Senyor Gaspar, na halata ang saya sa ki

  • ANG TAKAS   CHAPTER 116 : UNDECIDED

    Inip na si Moira. Kinakabahan at nagdududa na rin. Nabubuo na sa kanyang utak ang hinalang niloko lang siya ni Atty. Jasmine Martin, upang mapapirma sa blankong dokumento.Kumakalat na ang takot sa buo niyang pagkatao. Nakakaramdam ng kawalang pag-asa.“Hindi ko dapat pinaniwalaan ang abogagang ‘yon,”naibulong ni Moira nang may pagsisisi, “hindi ko dapat pinirmahan ang blankong papel na ‘yon. Para ko na ring inihulog ang sarili ko sa impiyerno kapag nagkataon.”Umaga pa niya pinirmahan ang blank document na pinapirmahan sa kanya ng abogada, at sinabi nito na agad aasikasuhin ang pagpapalaya sa kanya, pagkatapos niyang mapirmahan ang pinapipirmahan sa kanya.“Tatakas ako, oras na hindi nila ako pinalaya,” pagpaplano nya, “gagantihan ko ang lintik na abogadang ‘yon once na makalabas ako piitang ito. Pagsisisihan niyang niloko niya si Moira Corpuz.”Halo-halong damdamin ang umiiko

  • ANG TAKAS   CHAPTER 115 : BLANK DOCUMENT

    Hindi nagugustuhan ni Moira ang mga pangyayaring nagaganap. Ilang araw na siyang naghihintay sa tawag ni Victor, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam.“Walanghiya kang Victor ka. Gagawin kong impiyerno ang buhay n’yo ng magiging asawa mo kapag hindi mo naipaatras ang demanda sa akin ni Ella at ng mga barkada niya!”Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa piitang kanyang kinakukulungan.“Buwisit naman kasi ang mga nagbigay ng stag party na 'yon,e,” gigil na naisip niya, “hindi man lang ako winarningan na asawa pala ni Tony Sandoval ang best friend ng pakakasalan ni Victor.”Kilala niya ang pangalang Tony Sandoval, bilang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa buong Asia na si Senyor Gaspar Sandoval. Maraming koneksyon ang taong 'yon. Powerful!Sabi nga ng mga kakilala niya, wala sa matinong pag-iisip ang sino man, na magtatangkang kalabanin ang sino ma

  • ANG TAKAS   CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGET

    CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGETGumala ang tingin ni Ella sa paligid ng restaurant na kanyang pinasok. Iyon ang lugar na pinili ni Victor upang makipagkita sa kanya.Hindi niya gusto ang pakikipagtagpong iyon sa lalaking pakakasalan ng kanyang kaibigan. Ngunit curious siya sa sasabihin nito na hindi magawang sabihin sa telepono.Natanaw niya ang sulok na kinaroroonan ni Victor. Nakangiting kumaway ito sa kanya.Umakyat ang kanyang dugo sa ulo.Gustong sumabog ni Ella sa galit.Nagmamadali siyang lumapit kay Victor, sa paghahangad na matapos na agad ang magiging pag-uusap nila.“Ano’ng gusto mong orderin?” Tanong nito sa kanya nang makalapit siya.“Wala,” sagot niya na nanggigigil sa inis, “sabihin mo na, ano man ang sasabihin mo at nang makaalis na agad ako,” angil niyang inis na inis.“Init naman ng ulo!” Komento ni Victor.

  • ANG TAKAS   CHAPTER 113 : WEDDING JITTERS

    Simple white wedding gown ang isusuot ni Sophie sa araw ng kanyang kasal, na si Amanda ang pumili ng design at designer.Mababa ang neckline ng wedding gown, ngunit may lining na kulay balat. Sa biglang tingin ay aakalaing balat mismo ng ikakasal ang kumikislap na nakalantad sa malalim na leeg ng damit. Ngunit kung muling pagmamasdan ay mahahalatang may lining itong nakakapit sa balat ng ikakasal.Handmaid ang mga burda sa pang-itaas na bahagi ng pangkasal na iyon, na gawa sa manipis, mamahaling telang ramie.Manipis, malambot na uri ng tela ang ginamit sa ibabang bahagi ng wedding gown, na sumusunod sa bawat galaw ng may suot nito. May lining din itong kulay balat. Mapapansin ang tila gintong mga butones sa likod ng wedding gown na backless hanggang baywang. Kumikinang sa makintab na tila gold powder ang guwantes, na hanggang lampas sa siko ng ikakasal.“You look so stunning!” Paghanga ni Amanda sa mama

  • ANG TAKAS   CHAPTER 112 : LOVE IS FORGIVING

    Pakiramdam ni Victor ay masisiraan na siya ng bait. Lahat ng paraan ay ginawa na niya upang makausap si Sophie. Ngunit pinanatili nito ang invisible na pader, na inilagay nito sa pagitan nila.Matigas ang loob ng kanyang kasintahan. Nakipag-break na ito sa kanya, sa pamamagitan ng text, bagay na hindi niya matanggap.“Pag-usapan natin ito, Sophie. Ilang araw na lamang ay ikakasal na tayo.” Sagot niya sa text ng pakikipagkalas ng babae sa kanya.KRRIIINNNNGGGG…Hindi na niya tiningnan sa screen kung sino ang tumatawag, agad na sinagot ni Victor ang kanyang phone.“Babe, thanks at tumawag ka rin sa wakas!”“Victor, tulungan mo ako!” ang sabi agad ng tumawag sa kanya, “patung-patong na demanda ang inihain ni Ella at ng mga kaibigan niya sa korte laban sa akin. ‘Yong simpleng trespassing ay dinagdagan ng robbery, pagbabasag ng mga gamit at naglagay daw ako ng drug

  • ANG TAKAS   CHAPTER 111 : COMPASSION

    Dala ang tray ng pagkain, marahang kinatok ni Gener ang pintuan ng silid tulugan ni Sophie. Halos maghapon nang nakakulong sa silid tulugan nito ang kanyang anak, at ang mag-alala’y hindi na niya maiwasan.“Sophie, anak,” pagtawag niya, “may dala akong pananghalian mo,“ pagbibigay alam niya, “hindi ka nag-almusal kaninang umaga, baka kung mapaano ka na kung hindi ka pa manananghali.”Walang sagot. Wala ring nagbubukas ng pintuan.“Pagbuksan mo si papa, anak,” pakiusap na ng ama, “nangangawit na ang kamay ko sa pagbuhat nitong tray ng pagkain mo.”Narinig niya ang mahihinang yabag na papalapit sa pintuan, na nabuksan, makaraan ang ilang sandali.“Hindi na sana kayo nag-abala sa paghahanda ng pagkain ko, Papa,” saad ng anak, “hindi naman ako nagugutom, e.”“Ano bang hindi nagugutom ang sinasabi mo, e, kaninang umaga ka pa

  • ANG TAKAS   CHAPTER 110 : ANG PAG-ATRAS SA KASAL

    Hindi mapakali si Victor.KRIIIIINNG…KRIIIIINNGG…Paulit-ulit niyang tinatawagan si Sophie, ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.KRIINNGGG…KRIINNGGG…“Pick up, Sophie… pick up!”Nag-aalala siya kay Sophie. Ibig niyang matiyak na nasa ayos itong kalagayan at hindi nalalagay sa ano mang uri ng kapahamakan.“Nasaan ka ba, Sophie? Bakit hindi mo sinasagot ang iyong phone.”Bigla ay nakadama siya ng takot.“Baka kinausap siya ni Moira, ah,” naisip niya, “baka nalaman na niya ang totoo at gusto na niyang layuan ako.”Muli niyang idinayal ang numero ng cellphone ni Sophie. Paulit-ulit.…….Naririnig, ngunit hindi pinapansin ni Sophie ang pag-iingay ng kanyang telepono. Hindi siya interesadong makipag-usap kanino man, higit at lalo kay Victor. Ang nais niya ay mapag-isa. Hanapin at

DMCA.com Protection Status