Umaga pa lamang ay hinahanap na ni Victor ang kanyang mama. Hindi niya ito nakasabay sa almusal at hindi rin nakasabay sa pamamasyal sa bukid na nakagawian na nilang gawing mag-ina.
Tanghali na. Nakaluto at nakapaghain na ng pananghalian si Denang ay hindi pa rin nila malaman kung nasaan si Amanda.
“Nasaan ba si mama?” tanong ni Victor kay Denang, “wala na siya nang magising ako. Hanggang ngayon, wala pa rin,” mula sa kabahayan ay nagtungo ang binata sa komedor, “nagugutom na ‘ko.” nasambit niya nang maamoy ang masarap na pagkaing inihain ng kanilang kasambahay.
“Sumubo na lang po muna kayo nang kaunti, Sir Victor,” payo ni Denang, “kumain na lang po ulit kayo mamaya ‘pag dating ni mama n’yo.”
“Nasaan ba kasi si mama?” pangungulit ng anak ni Amanda, “hindi dadaan sa lalamunan ko ang pagkain hangga’t hindi ko alam kung nasaan si
Walang tigil sa paghagulgol si Sophie. Hindi niya matanggap ang katotohanang ipinagtapat ng ama.“Hindi totoo ang sinabi mo, Pa,” pagtutumanggi niya, “ikaw ang papa ko! Ikaw lang!”Hindi napigil ni Gener ang mapaiyak. Maingat na niyakap ang anak. Hinaplos ang buhok nito. Hinagkan.“Ikaw lang ang nag-iisa kong anak.” Saad niya.“Ikaw lang ang kikilalanin kong ama, Papa,” pahayag ni Sophie, “buburahin ko sa isip ko ang lahat ng sinabi mo. Kakalimutan ko ang mga sandaling ito. Manantiling ikaw ang nag-iisang papa ko, forever,” pahayag pa rin nito sa pagitan ng mga sigok at hikbi.Nagpatuloy sa pagduduweto sa kanilang pag-iyak si Gener at Sophie, nang pumasok ang orthopedic surgeon na nangangalaga kay Sophie.“Eherm…” pagpaparamdam nito sa mag-amang nag-iiyakan.Sabay na napatingin sa manggagamot ang mag-ama. Mabilis na umalis sa kam
Tumatakbong dumating si Gener, matapos itong ipahanap ni Amanda sa buong bahay. Sinugod ang anak at mabilis itong niyakap. Patuloy sa pag-iyak si Sophie na halos ay magsara na ang namumugtong mga mata.Mahigpit na yumakap sa kanya ang dalaga“Ano’ng nangyari? Bakit ka umiiyak?” Tanong niya, na puno ng pag-aalala.Matagal bago nakasagot ang dalaga.“Hindi ko alam,” sagot nito, “basta parang bigla lang akong nalungkot tapos…” muli itong humagulgol ng iyak na hindi nagawang tapusin ang gustong sabihin.“Mabuti pa’y magpahinga ka na.” Wika ni Gener na walang tigil sa paghaplos sa likod ng anak, pilit na pinakakalma ito.“Mas mabuti po sigurong dalhin n’yo na siya sa kanyang silid na tutulugan,” suhestiyon ni Victor kay Gener, “baka nai-stress siya sa gulo ng kapaligiran.”Agad binuhat ng ama ang an
Nagpapalitan ng kuru-kuro ang mga abogado ng mga Sandoval sa depensang gagawin kapag nag-file na ng complaint si Sophie sa husgado, tungkol sa pagpapakidnap ni Tony sa babae.“Kidnapping is a non-bailable offense,” pahayag ng isa sa mga abogado, “siguradong makukulong agad si Tony, once na ma-approve ng piskalya, na itaas sa husgado ang nai-file na complaint si Miss Sophie Samonte,” dagdag na paliwanag pa.“Hindi ako papayag na makulong ang anak ko,” saad ni Senyor Gaspar, “napakaraming pagdurusa ang pinagdaanan ng anak ko, dahilan sa pagpipilit kong sila ni Nurse Sophie ang maging mag-asawa. Ako ang dapat parusahan kung mayroong dapat parusahan.”Tumingin sa paligid ang mga abogado. Tiningnan kung nasa conference room ang anak ng Senyor.“Nasaan nga pala si Tony, Senyor Gaspar?” Tanong ng isa sa mga abogado, nang hindi mamataan ang hinahanap ng tinginHumarap k
Matagal na pinagmasdan ni Gener ang nakapikit na anak.“Sophie…” mahinang pagtawag niya dito.“Yes, Papa.” Sagot ng anak na hindi dumilat.“Gusto mo bang samahan kita dito,” tanong niya, “puwede akong matulog dito sa sofa, komportable namang matulog dito, e,” pahayag pa.“Mas gusto kong mapag-isa, Pa.” Sagot ni Sophie na hindi pa rin dumidilat.Napabuntunghininga si Gener. Gusto niyang bantayan ang anak, na sa kanyang sapantaha ay nagkakaroon ng problema sa isip at damdamin.“Okay. Pero huwag mong ila-lock ang pinto ‘pag labas ko, ha,” hiling niya dito, “para matsi-check kita every now and then nang hindi ko maaabala ang pagtulog mo.”Inaalala ni Gener ang magulong takbo ng utak ng anak. Ang pagkakaroon ng depression at posibleng pagkakaroon ng nervous breakdown ang iniiwasan niyang mangyari dito.Isinara
Akward na ang pakiramdam ni Ella sa naging sitwasyon nila ni Tony. Nag-iisIp pa rin siya ng magandang paraan upang malusutan ang mga naging kilos at salita ng asawa, na nagbibigay hinala kay Sophie.Nang makarinig siya ng magandang awitin mula sa malayo.And I’d climb every mountain, and swim every ocean…just to be with you and fix what I’ve broken… Oh, ‘cause I need you to see…that you are the reason…“Ang ganda ng kantang ‘yan,” saad niya, “alam mo ba kung sino’ng kumanta niyan,” tanong niya kay Sophie.Nanainga si Sophie. Ipinokus ang isip sa tinutukoy ni Ella.“I don’t wanna fight no more, I don’t wanna hide no more…. I don’t wanna cry no more…come back I need you to hold me…“That’s Calum Scott.” Sagot niya sa tanong ni Ella.N
Excited si Victor, habang bumababa sila ng kanyang mama sa hagdanan ng eroplanong sinakyan mula sa Mindoro. Kung puwede lang na liparin niya ang papunta sa tahanan ng Samonte ay ginawa na sana niya. Sabik na sabik na siyang makita ang babaing pinakamamahal niya.“Makakarating ba agad kay Sophie ang mga prutas na ipinasakay mo sa cargo plane, Ma?”“Oo, naman! Relax ka lang. Masyado kang excited, e.”“Kung hindi nga lang kita kasama, Ma, malamang sa hindi na tumatakbo na ako palabas ng airport.”“Malamang sa hindi ay may sumunod na security sa iyo kapag ginawa mo ‘yon. At tiyak for questioning ka.” Wika ni Amanda na nagtatawa.Nilapitan ni Victor ang ina. Inakbayan.“Bilisan na kasi natin.” Wika niya sa ina.Nakalabas ng airport ang mag-ina. Agad iginiya ni Victor ang ina sa isang naghihintay na sasakyan. Inalalayan siyang makapasok sa loob niy
Hindi inasahan ni Sophie ang biglang pagdating ni Senyor Gaspar, na umabala sa seryosong pag-uusap nila ni Victor. Nasa harap na ito ng main door ng kanilang bahay, sa ikatlong baitang ng hagdan patungo sa sala kung saan sila naroon ni Victor, nang ito ay kanyang mapansin.“Tumuloy po kayo, Sir,” pagpapatuloy ni Sophie sa Senyor, “hindi po ba kayo nagkita nina papa at Ma’m Amanda?”“Nandito si Amanda?” Masaya, may ningning sa mga matang naitanong ng Senyor.Na si Victor ang agad na sumagot.“Opo, nasa hardin po siya kasama si Sir. Gener.”Nagdalawang isip ito kung pupuntahan ba muna si Amanda o uunahin ang pakikipag-usap kay Sophie.“Puwede n’yo po siyang puntahan do’n,” ani Sophie, “siguradong matutuwa silang dalawa ni papa kapag nakita kayo.”“Sige, sige, pupuntahan ko sila!” Pagdedesisyon na niya.
Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ni Ella, habang papalapit nang papalapit ang mukha ni Tony sa mukha niya.“Nakikilala mo na ako?” Halos pabulong na naitanong niya.Ibig niyang matiyak na alam ng hahalik sa kanya na siya si Ella Caprichosa. Na tiyak nito sa isip at sa puso na ang hahagkan nito ay ang asawang pinakasalan, at hindi ang kung sino man na nasa lumang alaala nito at naiwan doon, kahit ang lahat ng iba pang mga alaala ay nabura na.Natitigilang tumitig sa mukha niya ang lalake. Wari ay kinikilala siyang mabuti.“Naalala mo na ako, ‘di ba? Ako ng iyong Sweet Baby Ella. Ang babaing iyong pinakasalan… asawa mo!”Marahang binitawan ni Tony ang magkabilang pisngi niya, na hawak nito nang dalawang kamay. Umatras sa pagkakaupo. Laglag ang mga balikat na yumuko. Wari ay pagod na pagod itong naghahangad na makapagpahinga. Umatras. Nahiga. Ipinatong ang kaliwang braso sa n
Tahimik ang paligid. Namamahinga at natutulog na sa kanilang mga hotel room ang mga bisita ng hotel. May iilan na naglalanguyan sa pool, na hindi ganap na naiilawan. At hindi makikilalang ganap ang sino mang naglalakad sa palibot kung hindi lalapitan at ang mukha ay pagmamasdan. May isa na naglilibot, nakikiramdam sa paligid. Ninamnam ang kasiyahan ng paglalakad nang malaya. Si Moira. “Sayang hindi ko nakita ang kasal ni Victor at ng nurse na ‘yon,” inilibot niya ang tingin sa paligid, “saan kaya dito ang suite na kinaroroonan nila,” naku-curious na tanong sa wala. Wala siyang tangkang manggulo. Kuryusidad lang ang nagtulak sa kanya upang habulin ang kasalan na hindi naman inabutan. “Gusto ko ring makita kung masaya ang magpakasal,” pakikipag-usap niya sa sarili, “nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras ng kasal namin ng boyfriend kong German.” Salapi ang tanging dahilan kung
Payapa ang isip at damadamin, kausap ni Senyor Gaspar si Nadine sa telepono. Masaya siyang nagbibigay ng payo sa babae at mga kasama nito, na nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng loudspeaker ng phone.Nagdadabog na biglang pumasok ang stressed na si Amanda.Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal, ngunit wala pa ang bride.“Ano ba namang babae ‘yon,” ang sabi, kasabay sa pagbagsak ng katawan paupo sa kama, “napaka-inconsiderate!”Hinihintay niyang magbigay ng komento ang Senyor, ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa phone.Napatingin ang babae sa asawa. Sumama ang loob, inisip na hindi siya pinapansin nito, at mas binibigyang halaga ang kausap sa telepono.“Sino na naman ba ‘yang kausap mo?“ Ang tanong na paangil.“Si Nadine. Makakasama na raw nila sa kanilang tropa si Marcel.” Sagot ni Senyor Gaspar, na halata ang saya sa ki
Inip na si Moira. Kinakabahan at nagdududa na rin. Nabubuo na sa kanyang utak ang hinalang niloko lang siya ni Atty. Jasmine Martin, upang mapapirma sa blankong dokumento.Kumakalat na ang takot sa buo niyang pagkatao. Nakakaramdam ng kawalang pag-asa.“Hindi ko dapat pinaniwalaan ang abogagang ‘yon,”naibulong ni Moira nang may pagsisisi, “hindi ko dapat pinirmahan ang blankong papel na ‘yon. Para ko na ring inihulog ang sarili ko sa impiyerno kapag nagkataon.”Umaga pa niya pinirmahan ang blank document na pinapirmahan sa kanya ng abogada, at sinabi nito na agad aasikasuhin ang pagpapalaya sa kanya, pagkatapos niyang mapirmahan ang pinapipirmahan sa kanya.“Tatakas ako, oras na hindi nila ako pinalaya,” pagpaplano nya, “gagantihan ko ang lintik na abogadang ‘yon once na makalabas ako piitang ito. Pagsisisihan niyang niloko niya si Moira Corpuz.”Halo-halong damdamin ang umiiko
Hindi nagugustuhan ni Moira ang mga pangyayaring nagaganap. Ilang araw na siyang naghihintay sa tawag ni Victor, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam.“Walanghiya kang Victor ka. Gagawin kong impiyerno ang buhay n’yo ng magiging asawa mo kapag hindi mo naipaatras ang demanda sa akin ni Ella at ng mga barkada niya!”Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa piitang kanyang kinakukulungan.“Buwisit naman kasi ang mga nagbigay ng stag party na 'yon,e,” gigil na naisip niya, “hindi man lang ako winarningan na asawa pala ni Tony Sandoval ang best friend ng pakakasalan ni Victor.”Kilala niya ang pangalang Tony Sandoval, bilang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa buong Asia na si Senyor Gaspar Sandoval. Maraming koneksyon ang taong 'yon. Powerful!Sabi nga ng mga kakilala niya, wala sa matinong pag-iisip ang sino man, na magtatangkang kalabanin ang sino ma
CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGETGumala ang tingin ni Ella sa paligid ng restaurant na kanyang pinasok. Iyon ang lugar na pinili ni Victor upang makipagkita sa kanya.Hindi niya gusto ang pakikipagtagpong iyon sa lalaking pakakasalan ng kanyang kaibigan. Ngunit curious siya sa sasabihin nito na hindi magawang sabihin sa telepono.Natanaw niya ang sulok na kinaroroonan ni Victor. Nakangiting kumaway ito sa kanya.Umakyat ang kanyang dugo sa ulo.Gustong sumabog ni Ella sa galit.Nagmamadali siyang lumapit kay Victor, sa paghahangad na matapos na agad ang magiging pag-uusap nila.“Ano’ng gusto mong orderin?” Tanong nito sa kanya nang makalapit siya.“Wala,” sagot niya na nanggigigil sa inis, “sabihin mo na, ano man ang sasabihin mo at nang makaalis na agad ako,” angil niyang inis na inis.“Init naman ng ulo!” Komento ni Victor.
Simple white wedding gown ang isusuot ni Sophie sa araw ng kanyang kasal, na si Amanda ang pumili ng design at designer.Mababa ang neckline ng wedding gown, ngunit may lining na kulay balat. Sa biglang tingin ay aakalaing balat mismo ng ikakasal ang kumikislap na nakalantad sa malalim na leeg ng damit. Ngunit kung muling pagmamasdan ay mahahalatang may lining itong nakakapit sa balat ng ikakasal.Handmaid ang mga burda sa pang-itaas na bahagi ng pangkasal na iyon, na gawa sa manipis, mamahaling telang ramie.Manipis, malambot na uri ng tela ang ginamit sa ibabang bahagi ng wedding gown, na sumusunod sa bawat galaw ng may suot nito. May lining din itong kulay balat. Mapapansin ang tila gintong mga butones sa likod ng wedding gown na backless hanggang baywang. Kumikinang sa makintab na tila gold powder ang guwantes, na hanggang lampas sa siko ng ikakasal.“You look so stunning!” Paghanga ni Amanda sa mama
Pakiramdam ni Victor ay masisiraan na siya ng bait. Lahat ng paraan ay ginawa na niya upang makausap si Sophie. Ngunit pinanatili nito ang invisible na pader, na inilagay nito sa pagitan nila.Matigas ang loob ng kanyang kasintahan. Nakipag-break na ito sa kanya, sa pamamagitan ng text, bagay na hindi niya matanggap.“Pag-usapan natin ito, Sophie. Ilang araw na lamang ay ikakasal na tayo.” Sagot niya sa text ng pakikipagkalas ng babae sa kanya.KRRIIINNNNGGGG…Hindi na niya tiningnan sa screen kung sino ang tumatawag, agad na sinagot ni Victor ang kanyang phone.“Babe, thanks at tumawag ka rin sa wakas!”“Victor, tulungan mo ako!” ang sabi agad ng tumawag sa kanya, “patung-patong na demanda ang inihain ni Ella at ng mga kaibigan niya sa korte laban sa akin. ‘Yong simpleng trespassing ay dinagdagan ng robbery, pagbabasag ng mga gamit at naglagay daw ako ng drug
Dala ang tray ng pagkain, marahang kinatok ni Gener ang pintuan ng silid tulugan ni Sophie. Halos maghapon nang nakakulong sa silid tulugan nito ang kanyang anak, at ang mag-alala’y hindi na niya maiwasan.“Sophie, anak,” pagtawag niya, “may dala akong pananghalian mo,“ pagbibigay alam niya, “hindi ka nag-almusal kaninang umaga, baka kung mapaano ka na kung hindi ka pa manananghali.”Walang sagot. Wala ring nagbubukas ng pintuan.“Pagbuksan mo si papa, anak,” pakiusap na ng ama, “nangangawit na ang kamay ko sa pagbuhat nitong tray ng pagkain mo.”Narinig niya ang mahihinang yabag na papalapit sa pintuan, na nabuksan, makaraan ang ilang sandali.“Hindi na sana kayo nag-abala sa paghahanda ng pagkain ko, Papa,” saad ng anak, “hindi naman ako nagugutom, e.”“Ano bang hindi nagugutom ang sinasabi mo, e, kaninang umaga ka pa
Hindi mapakali si Victor.KRIIIIINNG…KRIIIIINNGG…Paulit-ulit niyang tinatawagan si Sophie, ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.KRIINNGGG…KRIINNGGG…“Pick up, Sophie… pick up!”Nag-aalala siya kay Sophie. Ibig niyang matiyak na nasa ayos itong kalagayan at hindi nalalagay sa ano mang uri ng kapahamakan.“Nasaan ka ba, Sophie? Bakit hindi mo sinasagot ang iyong phone.”Bigla ay nakadama siya ng takot.“Baka kinausap siya ni Moira, ah,” naisip niya, “baka nalaman na niya ang totoo at gusto na niyang layuan ako.”Muli niyang idinayal ang numero ng cellphone ni Sophie. Paulit-ulit.…….Naririnig, ngunit hindi pinapansin ni Sophie ang pag-iingay ng kanyang telepono. Hindi siya interesadong makipag-usap kanino man, higit at lalo kay Victor. Ang nais niya ay mapag-isa. Hanapin at