Hindi malaman ni Amanda kung paano aaluin ang anak. Ilang araw nang ayaw nitong makipag-usap sa kahit kanino, mula nang matalo sa pakikipagkarera kay Tony. Nagngingitngit ito, sa dahilang hindi patas ang naging pagkatalo niya sa lalaking ngayon ay nababalitang ikakasal kay Sophie Samonte. Hindi naman nito makontak si Sophie, para ipaliwanag ang lahat.
“Hayup ka, Tony Sandoval. Hindi ako papayag na makasal sa ‘yo ang babaing pinakaiibig ko!”
Ibig niyang malaman ng babaing minamahal na hindi siya nagpabaya. Kahit ang sariling buhay ay kanyang itinaya, para lamang maipanalo ang pakikipagkarera sa mandarayang kalaban.
Muli niyang sinubukang tawagan si Sophie.
“The number you dialed is now unattended.”
Bagsak ang pag-asang ibinagsak ni Victor ang katawan sa kama. Naiiyak na siya sa inis at galit na nararamdaman.
Naiinis siya sa sarili, dahil hindi niya nabasa ang paraan ng pandarayang gaga
Nagwawala ang puso ni Ella sa labis na pagdaramdam. Hindi niya matanggap ang sinasabi ni Tony na siya ang mahal nito, subalit ang lahat ng panahon ng lalake ay nasa paghahanda sa pagpapakasal kay Sophie. Walang panahon sa kanya ang nag-iisang anak ni Senyor Gaspar Sandoval, at ang parang naging papel na lamang niya sa buhay nito ay ang pagiging yaya ni Sophie.Napakasakit!“Hindi ako makakapayag!”Kailangang makausap niya si Tony. Kailangang ipaglaban niya ang kanyang pagiging girlfriend ng magmamana ng lahat ng yaman ng mga Sandoval. Hindi siya makakapayag na maging isang mistress lamang at manatiling yaya ni Sophie Samonte.“Ano ba talaga ako sa buhay mo, Mr. Tony Sandoval?” Tanong agad niya , pagpasok sa upisina ng unico hijo ng mga Sandoval.“Ssshhh,” saway agad ni Tony kay Ella, “baka may makarinig sa ‘yo! Ano ka ba? Alam mong walang dapat makaalam sa relasyon nating d
Pinag-iisipan ni Senyor Gaspar ang dahilan ng kamatayan ni Donya Cory Samonte. Ang dahilan kung bakit ang driver na si Maxwell lamang ang kasama nito sa sasakyang sumabog na naging dahilan ng pagkasunog nito at ng lumaon nga ay naging sanhi ng kamatayan ng babae.“Ano naman ang nakapagtataka ‘don,” tanong ni Gener sa Senyor, “driver namin si Maxwell at may kailangang asikasuhin ang asawa ko, sa mga properties na binili niya sa Laguna, so, ano ang nakapagtatakang magkasama sila sa kotse ng maaksidente? Hindi ba natural lang na si Maxwell ang mag-drive ng kotse para ihatid si Cory sa pupuntahan niyang lugar sa Laguna?”Tumango-tango ang Senyor, habang nag-iisip.“Ang nakapagtataka lang kasi, bakit dis-oras ng gabi naganap ang aksidente? At ayon sa imbestigasyon ay nakainom sila ng inyong driver at may mga bote pa ng alak sa sasakyan.”Idinaan ni Gener sa pagtawa ang nararamdamang pagkapah
Tigmak na ng luha ang kanyang mukha. Hirap na hirap na ang kanyang loob sa pagpipigil ng kanyang damdamin.Pero hindi siya susuko. Hindi niya idadamay sa kanyang pagdurusa ang lalaking lubhang napakahalaga sa kanya. Siya lamang at wala ng iba pa ang dapat magdusa sa kasalanang siya ang may likha, bagama’t hindi niya iyon sinadya.Pinigil ni Sophie ang pag-iyak. Pilit na pinakalma ang sarili, bago nagsalita. Ayaw niyang mahalata ni Victor ang paghihirap ng kanyang kalooban.“Gusto ko na ng tahimik na buhay, Victor,” saad niya sa malumanay na pagsasalita, “gusto ko nang harapin ang buhay bilang asawa ni Tony. Unawain mo sana ako. Magpapakasal na ako sa kanya.”“Hindi ka magiging masaya sa piling ng lalaking ‘yon, Sophie. Baka pahirapan ka lang niya. Saktan! ”“Walang kasiguruhan ang buhay natin, Victor. Lahat ay walang katiyakan.” Pangangatwiran ni Sophie.
Nahahati ang kanyang isip at damdamin. Hindi niya malaman kung ano ang tamang desisyon na kailangan niyang gawin. Gusto niyang palayain ang kanyang damdamin at sumama na kay Victor, upang madama ang kaligayahan ng tunay na pag-ibig nila para sa isa’t isa. Ngunit nakatining sa kanyang isip ang katotohanang imposible siyang maging masaya kung habang panahon siyang gagambalain ng kaalamang gagawa at gagawa ng paraan si Tony upang magkaroon ng kaganapan ang isinumpa nitong paghihiganti sa kanya at sa kanyang pamilya. Abot din ng kanyang pag-iisip, na madadamay ang mag-inang Madrid sa lahat ng problemang kaakibat ng mga nagawa niyang pagkakamali, kung sasama siya kay Victor.Muli at muli ay bumabalik siya sa desisyong magpatianod na lamang at magpakasal kay Tony Sandoval, upang mabura na ang lahat ng kanyang mga pag-aalala.Hindi niya nilingon ang pintuan, kahit narinig niya ang pagbukas ng lock nito. Nanatili siyang nakasubsob
Patuloy sa kanyang masayang pagbibidyo ang security personnel ni Tony. Hindi pa nasiyahan sa malayong pagkuha ng bidyo, lumabas ito ng gate upang malapitang kunan ng bidyo si Ella.“Kailangan ‘yung kitang kita siya nang harap-harapan. Para hindi siya makapalag kapag ipinakita ko na kay Boss Tony ang aking ebidensiya.” Pakikipag-usap pa rin nito sa sarili.Nakita ni Ella ang paglabas niya ng bakuran ng mga Samonte.“Ano na namang hokus-pokus ‘yang ginagawa mo?” Tanong ni Ella, sabay sa mariing pagkamot sa ulo, inis na inis.“Ipapadala ko ito kay Boss Tony,” pagyayabang ng lalake, “para makita niya na puro paglalakwatsa lang ang ginagawa m, habang kami ay aligagang-aligaga sa kahahanap sa tumakas na hostage.”"Aligagang-aligaga ka d'yan! May aligaga bang ganyan, na super cool sa pagbi-video sa kagandahan ko?"Nagtawa ang nagbibidyo."Ganda lang talag
Nagpaplano si Sophie. Nag-iisip ng paraan kung paano muling matatakasan ang kasal kay Tony Sandoval.“Saan ka naman pupunta pagtakas mo?” Tanong ni Ella.Napatingin si Sophie kay Ella. Nagtaka.“Sino naman ang nagsabi sa iyong tatakas ako?” Tanong niya.“Kilala kita, Sophie,” sagot ni Ella, “’yang pagmamartsa mo nang paroo’t parito dito sa kuwarto at halos malunod ka na sa lalim ng iniisip mo,” nagtawa ito, “sigurado ko, pinaplano mo na naman ang pagtakas sa kasal n'yo ni Tony.”Kumunot ang noo ni Sophie. Nainis.Nagpatuloy si Ella.“Ako ang natatakot sa plano mo,e. Baka mamaya sa pagtakas mo this time, e, ‘yong papa naman ni Tony ang matigok.”“Walang sakit sa puso ang papa ni Tony.”“How did you know? Ang dami ng masasakit na pangyayaring naganap sa buhay ng matandang ‘yon, Sophi
Agad napansin ng pinaka-lider na pulis ang mahigpit na pagkakahawak ng kamay ni Ella sa kamay ni Sophie. Agad nakaramdam ito ng paghihinala. Paghihinalang hindi niya gustong maramdaman ng babaing kanyang pinaghihinalaan.Kailangang maging maayos ang kanyang imbestigasyon. Walang maaalerto. Walang magpa-panic.“You seem to be so sweet sa isa’t isa,” wika niya nang nakangiti, “ayaw n’yong bumitaw sa pagkakahawak kamay sa isa’t isa, e.”“We’re best friend,” sagot agad ni Ella, na sinundan ng pagtingin sa mukha ng kahawak kamay, “’di ba bff?” tanong ditoHindi nakaila sa imbestigador ang bahagyang pagnginig ng boses ng kanyang kausap. Ang pagkinig ng mga labi nito habang nagsasalita.Maliwanag din niyang nabasa mukha ni Sophie ang matinding tensiyon. Ang magkakahalong damdaming nagsusumiksik sa puso at isipan isipan nito. Takot, pag-asa pag-a
Hindi inaasahan at hindi nagustuhan ni Amanda ang pagdating ni Ella Caprichosa sa kanyang bahay sa Palawan.“Ikaw ang kaibigang Hudas ni Sophie, right?” Tanong niya nang may halong pang-iinsulto.Ngumiti si Ella. Pinilit na tolerahin ang magkahalong inis at galit nito sa kanya. Nauunawaan niya ang damdamin ng isang ina, na nagmamahal sa anak. Nauunawaan din niya na mahalaga kay Amanda ang kapakanan ni Sophie, na naging malapit din sa kaharap na babae.“Alam ko ang lahat ng ginawa mo kay Sophie. Ang mga panloloko at pagkukunwaring mabuting kaibigan, ngunit sinaksak siya sa likuran. Ikaw ‘yong kaibigang nangako, na tutuliungan siyang tumakas, ngunit lalo lang ibinaon sa pagkakakulong sa mansiyon ng mga Sandoval.”Hindi umimik si Ella. Nanatili lamang siyang nakatingin sa mukha ng nagsasalitang babae. Hindi niya gustong dagdagan pa ang galit nito sa kanya, subalit nag-aapoy na rin ang galit sa kanyang