Ilang araw na siyang inip na inip. Gusto niyang makita at makaharap si Ella, na magmula noong tulungan siya nitong tumakas ay hindi na nagpakita sa kanya. Nanggigigil siya at gusto niyang manakit sa tuwing maaalala ang katraydurang ginawa nito sa kanila ni Victor.
“Hayup kang babae ka talaga,” bulong ni Sophie “wala ka talagang kuwenta. Hindi ka talaga dapat na pinagkakatiwalaan!”
Hindi na niya bilang kung ilang araw na ang nakakaraan mula noong araw na nagtangka siyang tumakas sa pamimilit na rin ni Ella. Pagtakas na nalaman niyang pakana pala ni Tony Sandoval, upang makaramdam siya ng pagkapahiya. Pagkapahiyang hanggang sa mga sandaling iyon ay ramdam na ramdam pa rin niya.
Nanliliit ang kanyang pakiramdam sa tuwing maaalala ang ginawa niyang paglambitin sa lubid at pagtalon sa hardin, hanggang sa paglabas ng gate ng mansiyon ng mga Sandoval. Ang dami niyang mixed emotions noon.
Excited siya sa pag-asa
Masayang dumating ang designer kasama ang kanyang assistant upang sukatan si Sophie, para sa tatahiing wedding gown.“So, siya pala ang Nurse Sophie Samonte na pakakasalan ni Tony Sandoval,” saad ng assistant, “maganda pala siya talaga.”Hindi umiimik, nanatiling nakasalampak sa sahig ang nurse.“E, ma’am, puwede po bang tumayo ka para masukatan na kita?” Puno ng paggalang na wika ng assistant.Parang walang narinig si Sophie. Walang tinag na nanatili ito sa pagkakasalampak.Napatingin ang designer at assistant nito kay Ella.“Bingi ba siya? At saka bakit siya nakasalampak sa lapag?” Tanong ng assistant.“A, siguro mas madali kung ako ang sukatan n’yo. Tutal naman ay halos magkasing-katawan kami ng bespren ko.”Pinaglipat-lipat ng designer ang kanyang tingin kay Sophie at Ella, habang nakatingin naman sa kanya ang assistant niya,
Hindi malaman ni Amanda kung paano aaluin ang anak. Ilang araw nang ayaw nitong makipag-usap sa kahit kanino, mula nang matalo sa pakikipagkarera kay Tony. Nagngingitngit ito, sa dahilang hindi patas ang naging pagkatalo niya sa lalaking ngayon ay nababalitang ikakasal kay Sophie Samonte. Hindi naman nito makontak si Sophie, para ipaliwanag ang lahat.“Hayup ka, Tony Sandoval. Hindi ako papayag na makasal sa ‘yo ang babaing pinakaiibig ko!”Ibig niyang malaman ng babaing minamahal na hindi siya nagpabaya. Kahit ang sariling buhay ay kanyang itinaya, para lamang maipanalo ang pakikipagkarera sa mandarayang kalaban.Muli niyang sinubukang tawagan si Sophie.“The number you dialed is now unattended.”Bagsak ang pag-asang ibinagsak ni Victor ang katawan sa kama. Naiiyak na siya sa inis at galit na nararamdaman.Naiinis siya sa sarili, dahil hindi niya nabasa ang paraan ng pandarayang gaga
Nagwawala ang puso ni Ella sa labis na pagdaramdam. Hindi niya matanggap ang sinasabi ni Tony na siya ang mahal nito, subalit ang lahat ng panahon ng lalake ay nasa paghahanda sa pagpapakasal kay Sophie. Walang panahon sa kanya ang nag-iisang anak ni Senyor Gaspar Sandoval, at ang parang naging papel na lamang niya sa buhay nito ay ang pagiging yaya ni Sophie.Napakasakit!“Hindi ako makakapayag!”Kailangang makausap niya si Tony. Kailangang ipaglaban niya ang kanyang pagiging girlfriend ng magmamana ng lahat ng yaman ng mga Sandoval. Hindi siya makakapayag na maging isang mistress lamang at manatiling yaya ni Sophie Samonte.“Ano ba talaga ako sa buhay mo, Mr. Tony Sandoval?” Tanong agad niya , pagpasok sa upisina ng unico hijo ng mga Sandoval.“Ssshhh,” saway agad ni Tony kay Ella, “baka may makarinig sa ‘yo! Ano ka ba? Alam mong walang dapat makaalam sa relasyon nating d
Pinag-iisipan ni Senyor Gaspar ang dahilan ng kamatayan ni Donya Cory Samonte. Ang dahilan kung bakit ang driver na si Maxwell lamang ang kasama nito sa sasakyang sumabog na naging dahilan ng pagkasunog nito at ng lumaon nga ay naging sanhi ng kamatayan ng babae.“Ano naman ang nakapagtataka ‘don,” tanong ni Gener sa Senyor, “driver namin si Maxwell at may kailangang asikasuhin ang asawa ko, sa mga properties na binili niya sa Laguna, so, ano ang nakapagtatakang magkasama sila sa kotse ng maaksidente? Hindi ba natural lang na si Maxwell ang mag-drive ng kotse para ihatid si Cory sa pupuntahan niyang lugar sa Laguna?”Tumango-tango ang Senyor, habang nag-iisip.“Ang nakapagtataka lang kasi, bakit dis-oras ng gabi naganap ang aksidente? At ayon sa imbestigasyon ay nakainom sila ng inyong driver at may mga bote pa ng alak sa sasakyan.”Idinaan ni Gener sa pagtawa ang nararamdamang pagkapah
Tigmak na ng luha ang kanyang mukha. Hirap na hirap na ang kanyang loob sa pagpipigil ng kanyang damdamin.Pero hindi siya susuko. Hindi niya idadamay sa kanyang pagdurusa ang lalaking lubhang napakahalaga sa kanya. Siya lamang at wala ng iba pa ang dapat magdusa sa kasalanang siya ang may likha, bagama’t hindi niya iyon sinadya.Pinigil ni Sophie ang pag-iyak. Pilit na pinakalma ang sarili, bago nagsalita. Ayaw niyang mahalata ni Victor ang paghihirap ng kanyang kalooban.“Gusto ko na ng tahimik na buhay, Victor,” saad niya sa malumanay na pagsasalita, “gusto ko nang harapin ang buhay bilang asawa ni Tony. Unawain mo sana ako. Magpapakasal na ako sa kanya.”“Hindi ka magiging masaya sa piling ng lalaking ‘yon, Sophie. Baka pahirapan ka lang niya. Saktan! ”“Walang kasiguruhan ang buhay natin, Victor. Lahat ay walang katiyakan.” Pangangatwiran ni Sophie.
Nahahati ang kanyang isip at damdamin. Hindi niya malaman kung ano ang tamang desisyon na kailangan niyang gawin. Gusto niyang palayain ang kanyang damdamin at sumama na kay Victor, upang madama ang kaligayahan ng tunay na pag-ibig nila para sa isa’t isa. Ngunit nakatining sa kanyang isip ang katotohanang imposible siyang maging masaya kung habang panahon siyang gagambalain ng kaalamang gagawa at gagawa ng paraan si Tony upang magkaroon ng kaganapan ang isinumpa nitong paghihiganti sa kanya at sa kanyang pamilya. Abot din ng kanyang pag-iisip, na madadamay ang mag-inang Madrid sa lahat ng problemang kaakibat ng mga nagawa niyang pagkakamali, kung sasama siya kay Victor.Muli at muli ay bumabalik siya sa desisyong magpatianod na lamang at magpakasal kay Tony Sandoval, upang mabura na ang lahat ng kanyang mga pag-aalala.Hindi niya nilingon ang pintuan, kahit narinig niya ang pagbukas ng lock nito. Nanatili siyang nakasubsob
Patuloy sa kanyang masayang pagbibidyo ang security personnel ni Tony. Hindi pa nasiyahan sa malayong pagkuha ng bidyo, lumabas ito ng gate upang malapitang kunan ng bidyo si Ella.“Kailangan ‘yung kitang kita siya nang harap-harapan. Para hindi siya makapalag kapag ipinakita ko na kay Boss Tony ang aking ebidensiya.” Pakikipag-usap pa rin nito sa sarili.Nakita ni Ella ang paglabas niya ng bakuran ng mga Samonte.“Ano na namang hokus-pokus ‘yang ginagawa mo?” Tanong ni Ella, sabay sa mariing pagkamot sa ulo, inis na inis.“Ipapadala ko ito kay Boss Tony,” pagyayabang ng lalake, “para makita niya na puro paglalakwatsa lang ang ginagawa m, habang kami ay aligagang-aligaga sa kahahanap sa tumakas na hostage.”"Aligagang-aligaga ka d'yan! May aligaga bang ganyan, na super cool sa pagbi-video sa kagandahan ko?"Nagtawa ang nagbibidyo."Ganda lang talag
Nagpaplano si Sophie. Nag-iisip ng paraan kung paano muling matatakasan ang kasal kay Tony Sandoval.“Saan ka naman pupunta pagtakas mo?” Tanong ni Ella.Napatingin si Sophie kay Ella. Nagtaka.“Sino naman ang nagsabi sa iyong tatakas ako?” Tanong niya.“Kilala kita, Sophie,” sagot ni Ella, “’yang pagmamartsa mo nang paroo’t parito dito sa kuwarto at halos malunod ka na sa lalim ng iniisip mo,” nagtawa ito, “sigurado ko, pinaplano mo na naman ang pagtakas sa kasal n'yo ni Tony.”Kumunot ang noo ni Sophie. Nainis.Nagpatuloy si Ella.“Ako ang natatakot sa plano mo,e. Baka mamaya sa pagtakas mo this time, e, ‘yong papa naman ni Tony ang matigok.”“Walang sakit sa puso ang papa ni Tony.”“How did you know? Ang dami ng masasakit na pangyayaring naganap sa buhay ng matandang ‘yon, Sophi
Tahimik ang paligid. Namamahinga at natutulog na sa kanilang mga hotel room ang mga bisita ng hotel. May iilan na naglalanguyan sa pool, na hindi ganap na naiilawan. At hindi makikilalang ganap ang sino mang naglalakad sa palibot kung hindi lalapitan at ang mukha ay pagmamasdan. May isa na naglilibot, nakikiramdam sa paligid. Ninamnam ang kasiyahan ng paglalakad nang malaya. Si Moira. “Sayang hindi ko nakita ang kasal ni Victor at ng nurse na ‘yon,” inilibot niya ang tingin sa paligid, “saan kaya dito ang suite na kinaroroonan nila,” naku-curious na tanong sa wala. Wala siyang tangkang manggulo. Kuryusidad lang ang nagtulak sa kanya upang habulin ang kasalan na hindi naman inabutan. “Gusto ko ring makita kung masaya ang magpakasal,” pakikipag-usap niya sa sarili, “nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras ng kasal namin ng boyfriend kong German.” Salapi ang tanging dahilan kung
Payapa ang isip at damadamin, kausap ni Senyor Gaspar si Nadine sa telepono. Masaya siyang nagbibigay ng payo sa babae at mga kasama nito, na nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng loudspeaker ng phone.Nagdadabog na biglang pumasok ang stressed na si Amanda.Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal, ngunit wala pa ang bride.“Ano ba namang babae ‘yon,” ang sabi, kasabay sa pagbagsak ng katawan paupo sa kama, “napaka-inconsiderate!”Hinihintay niyang magbigay ng komento ang Senyor, ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa phone.Napatingin ang babae sa asawa. Sumama ang loob, inisip na hindi siya pinapansin nito, at mas binibigyang halaga ang kausap sa telepono.“Sino na naman ba ‘yang kausap mo?“ Ang tanong na paangil.“Si Nadine. Makakasama na raw nila sa kanilang tropa si Marcel.” Sagot ni Senyor Gaspar, na halata ang saya sa ki
Inip na si Moira. Kinakabahan at nagdududa na rin. Nabubuo na sa kanyang utak ang hinalang niloko lang siya ni Atty. Jasmine Martin, upang mapapirma sa blankong dokumento.Kumakalat na ang takot sa buo niyang pagkatao. Nakakaramdam ng kawalang pag-asa.“Hindi ko dapat pinaniwalaan ang abogagang ‘yon,”naibulong ni Moira nang may pagsisisi, “hindi ko dapat pinirmahan ang blankong papel na ‘yon. Para ko na ring inihulog ang sarili ko sa impiyerno kapag nagkataon.”Umaga pa niya pinirmahan ang blank document na pinapirmahan sa kanya ng abogada, at sinabi nito na agad aasikasuhin ang pagpapalaya sa kanya, pagkatapos niyang mapirmahan ang pinapipirmahan sa kanya.“Tatakas ako, oras na hindi nila ako pinalaya,” pagpaplano nya, “gagantihan ko ang lintik na abogadang ‘yon once na makalabas ako piitang ito. Pagsisisihan niyang niloko niya si Moira Corpuz.”Halo-halong damdamin ang umiiko
Hindi nagugustuhan ni Moira ang mga pangyayaring nagaganap. Ilang araw na siyang naghihintay sa tawag ni Victor, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam.“Walanghiya kang Victor ka. Gagawin kong impiyerno ang buhay n’yo ng magiging asawa mo kapag hindi mo naipaatras ang demanda sa akin ni Ella at ng mga barkada niya!”Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa piitang kanyang kinakukulungan.“Buwisit naman kasi ang mga nagbigay ng stag party na 'yon,e,” gigil na naisip niya, “hindi man lang ako winarningan na asawa pala ni Tony Sandoval ang best friend ng pakakasalan ni Victor.”Kilala niya ang pangalang Tony Sandoval, bilang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa buong Asia na si Senyor Gaspar Sandoval. Maraming koneksyon ang taong 'yon. Powerful!Sabi nga ng mga kakilala niya, wala sa matinong pag-iisip ang sino man, na magtatangkang kalabanin ang sino ma
CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGETGumala ang tingin ni Ella sa paligid ng restaurant na kanyang pinasok. Iyon ang lugar na pinili ni Victor upang makipagkita sa kanya.Hindi niya gusto ang pakikipagtagpong iyon sa lalaking pakakasalan ng kanyang kaibigan. Ngunit curious siya sa sasabihin nito na hindi magawang sabihin sa telepono.Natanaw niya ang sulok na kinaroroonan ni Victor. Nakangiting kumaway ito sa kanya.Umakyat ang kanyang dugo sa ulo.Gustong sumabog ni Ella sa galit.Nagmamadali siyang lumapit kay Victor, sa paghahangad na matapos na agad ang magiging pag-uusap nila.“Ano’ng gusto mong orderin?” Tanong nito sa kanya nang makalapit siya.“Wala,” sagot niya na nanggigigil sa inis, “sabihin mo na, ano man ang sasabihin mo at nang makaalis na agad ako,” angil niyang inis na inis.“Init naman ng ulo!” Komento ni Victor.
Simple white wedding gown ang isusuot ni Sophie sa araw ng kanyang kasal, na si Amanda ang pumili ng design at designer.Mababa ang neckline ng wedding gown, ngunit may lining na kulay balat. Sa biglang tingin ay aakalaing balat mismo ng ikakasal ang kumikislap na nakalantad sa malalim na leeg ng damit. Ngunit kung muling pagmamasdan ay mahahalatang may lining itong nakakapit sa balat ng ikakasal.Handmaid ang mga burda sa pang-itaas na bahagi ng pangkasal na iyon, na gawa sa manipis, mamahaling telang ramie.Manipis, malambot na uri ng tela ang ginamit sa ibabang bahagi ng wedding gown, na sumusunod sa bawat galaw ng may suot nito. May lining din itong kulay balat. Mapapansin ang tila gintong mga butones sa likod ng wedding gown na backless hanggang baywang. Kumikinang sa makintab na tila gold powder ang guwantes, na hanggang lampas sa siko ng ikakasal.“You look so stunning!” Paghanga ni Amanda sa mama
Pakiramdam ni Victor ay masisiraan na siya ng bait. Lahat ng paraan ay ginawa na niya upang makausap si Sophie. Ngunit pinanatili nito ang invisible na pader, na inilagay nito sa pagitan nila.Matigas ang loob ng kanyang kasintahan. Nakipag-break na ito sa kanya, sa pamamagitan ng text, bagay na hindi niya matanggap.“Pag-usapan natin ito, Sophie. Ilang araw na lamang ay ikakasal na tayo.” Sagot niya sa text ng pakikipagkalas ng babae sa kanya.KRRIIINNNNGGGG…Hindi na niya tiningnan sa screen kung sino ang tumatawag, agad na sinagot ni Victor ang kanyang phone.“Babe, thanks at tumawag ka rin sa wakas!”“Victor, tulungan mo ako!” ang sabi agad ng tumawag sa kanya, “patung-patong na demanda ang inihain ni Ella at ng mga kaibigan niya sa korte laban sa akin. ‘Yong simpleng trespassing ay dinagdagan ng robbery, pagbabasag ng mga gamit at naglagay daw ako ng drug
Dala ang tray ng pagkain, marahang kinatok ni Gener ang pintuan ng silid tulugan ni Sophie. Halos maghapon nang nakakulong sa silid tulugan nito ang kanyang anak, at ang mag-alala’y hindi na niya maiwasan.“Sophie, anak,” pagtawag niya, “may dala akong pananghalian mo,“ pagbibigay alam niya, “hindi ka nag-almusal kaninang umaga, baka kung mapaano ka na kung hindi ka pa manananghali.”Walang sagot. Wala ring nagbubukas ng pintuan.“Pagbuksan mo si papa, anak,” pakiusap na ng ama, “nangangawit na ang kamay ko sa pagbuhat nitong tray ng pagkain mo.”Narinig niya ang mahihinang yabag na papalapit sa pintuan, na nabuksan, makaraan ang ilang sandali.“Hindi na sana kayo nag-abala sa paghahanda ng pagkain ko, Papa,” saad ng anak, “hindi naman ako nagugutom, e.”“Ano bang hindi nagugutom ang sinasabi mo, e, kaninang umaga ka pa
Hindi mapakali si Victor.KRIIIIINNG…KRIIIIINNGG…Paulit-ulit niyang tinatawagan si Sophie, ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.KRIINNGGG…KRIINNGGG…“Pick up, Sophie… pick up!”Nag-aalala siya kay Sophie. Ibig niyang matiyak na nasa ayos itong kalagayan at hindi nalalagay sa ano mang uri ng kapahamakan.“Nasaan ka ba, Sophie? Bakit hindi mo sinasagot ang iyong phone.”Bigla ay nakadama siya ng takot.“Baka kinausap siya ni Moira, ah,” naisip niya, “baka nalaman na niya ang totoo at gusto na niyang layuan ako.”Muli niyang idinayal ang numero ng cellphone ni Sophie. Paulit-ulit.…….Naririnig, ngunit hindi pinapansin ni Sophie ang pag-iingay ng kanyang telepono. Hindi siya interesadong makipag-usap kanino man, higit at lalo kay Victor. Ang nais niya ay mapag-isa. Hanapin at