Home / Romance / ANG TAKAS / CHAPTER 44 : KUNG ANO ANG INUTANG...

Share

CHAPTER 44 : KUNG ANO ANG INUTANG...

last update Last Updated: 2022-01-03 11:03:47

Malinaw ang mga salitang narinig ni Ella.

“Ayoko siyang makita o makausap.”

“Si Sophie na anak n’yo, ayaw n‘yong makita o makausap kahit sa phone man lang?” Tanong niya na hindi makapaniwala.

“You heard me right, Ella. Kaya please lang, tantanan mo na ang pangungulit mo sa ‘kin.”

“Gusto niyang dalawin ang mama n’ya. Karapatan niya ‘yon bilang anak.” Pangangatwiran ni Ella.

Hindi agad nakapagsalita si Gener.

“Please, Don Generoso… “

“Sinabi ko na sa ‘yong ‘wag mo akong tawaging Don!” Agaw ni Gener sa pagsasalita ni Ella.

“Okey, sige Mang Gener… “ 

“Get out of here!” Biglang utos ni Gener, sabay turo sa pintuan.

“Wait lang,” tanggi ni Ella, “nasaan muna si Ma’m Cory?  Saan n’yo siya inilipat na ospit

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • ANG TAKAS   CHAPTER 45 : INGGIT AT PANIBUGHO

    Maliwanag ang resulta ng mga test at diagnosis ng mga doktor kay Gener Samonte. Barren siya. Baog at imposibleng maging biological father siya ni Sophie.Natural lamang sa mga lalaking lampas sa kanilang kabataan ang nagkukulang na sa sperm count upang makabuo ng sanggol sa katawan ng kapartner nito sa kama. Pero hindi iyon ang dahilan ng kawalan niya ng kakayahang magkaanak.Ayon sa mga doctor, may mga dilated na ugat sa lalagyan ng kanyang mga sperm. At ang pamamagang iyon ng mga ugat sa paligid ng lalagyan niya ng sperm, ang nagiging dahilan upang mabarahan ang pagdaloy ng sperm mula sa kanya, patungo sa fallopian tube ng babae, upang doon ay katagpuin ang egg cell na galing sa obaryo ng kanyang asawa, magsasama at magiging isa upang maging sanggol sa sinapupunan ng ina.Napakagandang paraan ng paglikha. Na mula sa dalawang katawan ng mga taong pinag -isa ay magmumula ang dalawang sangkap na magsasama at magiging isa, upang malikha

    Last Updated : 2022-01-05
  • ANG TAKAS   CHAPTER 46 : ANG PAG-IBIG AY SUGAL

    Inihahanda na ni Gener ang pagbebenta ng lahat ng ari-ariang binili ng kanyang asawa noong ito ay nabubuhay pa. Kasabay noon ay kinukuwenta niya ang halagang mapagbebentahan, kasama ang mga iba pa nilang ari-arian. Ibig niyang matiyak kung aabot ang lahat ng perang makakalap niya, bilang pambayad sa napakalaking utang niya sa mga Sandoval. Ibig niyang matapos na ang lahat ng problema niya sa mga Sandoval, upang makalaya na ang kanyang anak sa mga ito.KRRRIIINNNGG…Tiningnan ni Gener ang cellphone niyang nakalapag sa center table ng kanilang sala. Binasa ang pangalang nasa screen niyon.Senyor Gaspar Sandoval.Hindi pa siya handa sa pakikipag-usap sa Senyor. Kailangan muna niyang matiyak na sasapat na pambayad sa kanyang utang, ang magiging pera sa pagbebentahan ng kanyangmga aria-arian. Nakapagdesisyon na siyang kukumpletohin muna niya ang perang pambayad, kasama pati ang interest bago niya kausapin ang kanyang pinagkak

    Last Updated : 2022-01-07
  • ANG TAKAS   CHAPTER 47 : MOTHER'S LOVE

    Taas noong hinarap ni Victor ang humahamon sa kanya ng pakikipagkarera ng kotse. Hindi lamang ang pag-ibig ni Sophie ang nakataya sa pagtanggap niya sa hamon, kundi pati ang kanyang pagkalalake at ang karangalan ng kaniyang pangalan bilang isang Madrid.“Tinatanggap ko ang hamon mo, sabihin mo kung saan at kung kailan.”Itinago ni Tony naramdamang paghanga sa tatag ng pananalita at tapang ni Victor sa pagtanggap sa kanyang hamon. “Gusto ko munang malaman mo na walang rules ang magiging labanan natin. Do or die.”Pagpipilit pa rin niyang mabasag ang kumpiyansa nito sa sarili. Ang gusto niya'y makaramdam ito ng takot at pagkaandap sa kanya. Ibig niyang maramdaman nito na higit ang kanyang pagkalalake kaysa dito.“Call!” Tugon ni Victor nang walang gatol.Sarkastikong ngiti ang ginawa niya sa bibig para sa lalaking kanyang hinahamon at pinipilit durugin ang tiwala sa sarili.

    Last Updated : 2022-01-08
  • ANG TAKAS   CHAPTER 48 : KARERA NG KAMATAYAN

    Ilang araw na siyang inip na inip. Gusto niyang makita at makaharap si Ella, na magmula noong tulungan siya nitong tumakas ay hindi na nagpakita sa kanya. Nanggigigil siya at gusto niyang manakit sa tuwing maaalala ang katraydurang ginawa nito sa kanila ni Victor.“Hayup kang babae ka talaga,” bulong ni Sophie “wala ka talagang kuwenta. Hindi ka talaga dapat na pinagkakatiwalaan!”Hindi na niya bilang kung ilang araw na ang nakakaraan mula noong araw na nagtangka siyang tumakas sa pamimilit na rin ni Ella. Pagtakas na nalaman niyang pakana pala ni Tony Sandoval, upang makaramdam siya ng pagkapahiya. Pagkapahiyang hanggang sa mga sandaling iyon ay ramdam na ramdam pa rin niya.Nanliliit ang kanyang pakiramdam sa tuwing maaalala ang ginawa niyang paglambitin sa lubid at pagtalon sa hardin, hanggang sa paglabas ng gate ng mansiyon ng mga Sandoval. Ang dami niyang mixed emotions noon.Excited siya sa pag-asa

    Last Updated : 2022-01-09
  • ANG TAKAS   CHAPTER 49 : ANG PINAKAMATINDING TAKOT

    Masayang dumating ang designer kasama ang kanyang assistant upang sukatan si Sophie, para sa tatahiing wedding gown.“So, siya pala ang Nurse Sophie Samonte na pakakasalan ni Tony Sandoval,” saad ng assistant, “maganda pala siya talaga.”Hindi umiimik, nanatiling nakasalampak sa sahig ang nurse.“E, ma’am, puwede po bang tumayo ka para masukatan na kita?” Puno ng paggalang na wika ng assistant.Parang walang narinig si Sophie. Walang tinag na nanatili ito sa pagkakasalampak.Napatingin ang designer at assistant nito kay Ella.“Bingi ba siya? At saka bakit siya nakasalampak sa lapag?” Tanong ng assistant.“A, siguro mas madali kung ako ang sukatan n’yo. Tutal naman ay halos magkasing-katawan kami ng bespren ko.”Pinaglipat-lipat ng designer ang kanyang tingin kay Sophie at Ella, habang nakatingin naman sa kanya ang assistant niya,

    Last Updated : 2022-01-10
  • ANG TAKAS   CHAPTER 5O : HIDDEN AGENDA

    Hindi malaman ni Amanda kung paano aaluin ang anak. Ilang araw nang ayaw nitong makipag-usap sa kahit kanino, mula nang matalo sa pakikipagkarera kay Tony. Nagngingitngit ito, sa dahilang hindi patas ang naging pagkatalo niya sa lalaking ngayon ay nababalitang ikakasal kay Sophie Samonte. Hindi naman nito makontak si Sophie, para ipaliwanag ang lahat.“Hayup ka, Tony Sandoval. Hindi ako papayag na makasal sa ‘yo ang babaing pinakaiibig ko!”Ibig niyang malaman ng babaing minamahal na hindi siya nagpabaya. Kahit ang sariling buhay ay kanyang itinaya, para lamang maipanalo ang pakikipagkarera sa mandarayang kalaban.Muli niyang sinubukang tawagan si Sophie.“The number you dialed is now unattended.”Bagsak ang pag-asang ibinagsak ni Victor ang katawan sa kama. Naiiyak na siya sa inis at galit na nararamdaman.Naiinis siya sa sarili, dahil hindi niya nabasa ang paraan ng pandarayang gaga

    Last Updated : 2022-01-11
  • ANG TAKAS   CHAPTER 51 : AKO ANG MAHAL, IKAW ANG PAKAKASALAN

    Nagwawala ang puso ni Ella sa labis na pagdaramdam. Hindi niya matanggap ang sinasabi ni Tony na siya ang mahal nito, subalit ang lahat ng panahon ng lalake ay nasa paghahanda sa pagpapakasal kay Sophie. Walang panahon sa kanya ang nag-iisang anak ni Senyor Gaspar Sandoval, at ang parang naging papel na lamang niya sa buhay nito ay ang pagiging yaya ni Sophie.Napakasakit!“Hindi ako makakapayag!”Kailangang makausap niya si Tony. Kailangang ipaglaban niya ang kanyang pagiging girlfriend ng magmamana ng lahat ng yaman ng mga Sandoval. Hindi siya makakapayag na maging isang mistress lamang at manatiling yaya ni Sophie Samonte.“Ano ba talaga ako sa buhay mo, Mr. Tony Sandoval?” Tanong agad niya , pagpasok sa upisina ng unico hijo ng mga Sandoval.“Ssshhh,” saway agad ni Tony kay Ella, “baka may makarinig sa ‘yo! Ano ka ba? Alam mong walang dapat makaalam sa relasyon nating d

    Last Updated : 2022-01-13
  • ANG TAKAS   CHAPTER 52 : LET BYGONES BE BYGONES

    Pinag-iisipan ni Senyor Gaspar ang dahilan ng kamatayan ni Donya Cory Samonte. Ang dahilan kung bakit ang driver na si Maxwell lamang ang kasama nito sa sasakyang sumabog na naging dahilan ng pagkasunog nito at ng lumaon nga ay naging sanhi ng kamatayan ng babae.“Ano naman ang nakapagtataka ‘don,” tanong ni Gener sa Senyor, “driver namin si Maxwell at may kailangang asikasuhin ang asawa ko, sa mga properties na binili niya sa Laguna, so, ano ang nakapagtatakang magkasama sila sa kotse ng maaksidente? Hindi ba natural lang na si Maxwell ang mag-drive ng kotse para ihatid si Cory sa pupuntahan niyang lugar sa Laguna?”Tumango-tango ang Senyor, habang nag-iisip.“Ang nakapagtataka lang kasi, bakit dis-oras ng gabi naganap ang aksidente? At ayon sa imbestigasyon ay nakainom sila ng inyong driver at may mga bote pa ng alak sa sasakyan.”Idinaan ni Gener sa pagtawa ang nararamdamang pagkapah

    Last Updated : 2022-01-14

Latest chapter

  • ANG TAKAS   CONCLUSION : THE WEDDING

    Tahimik ang paligid. Namamahinga at natutulog na sa kanilang mga hotel room ang mga bisita ng hotel. May iilan na naglalanguyan sa pool, na hindi ganap na naiilawan. At hindi makikilalang ganap ang sino mang naglalakad sa palibot kung hindi lalapitan at ang mukha ay pagmamasdan. May isa na naglilibot, nakikiramdam sa paligid. Ninamnam ang kasiyahan ng paglalakad nang malaya. Si Moira. “Sayang hindi ko nakita ang kasal ni Victor at ng nurse na ‘yon,” inilibot niya ang tingin sa paligid, “saan kaya dito ang suite na kinaroroonan nila,” naku-curious na tanong sa wala. Wala siyang tangkang manggulo. Kuryusidad lang ang nagtulak sa kanya upang habulin ang kasalan na hindi naman inabutan. “Gusto ko ring makita kung masaya ang magpakasal,” pakikipag-usap niya sa sarili, “nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras ng kasal namin ng boyfriend kong German.” Salapi ang tanging dahilan kung

  • ANG TAKAS   CHAPTER 117 : WHEN IT RAINS, IT POURS

    Payapa ang isip at damadamin, kausap ni Senyor Gaspar si Nadine sa telepono. Masaya siyang nagbibigay ng payo sa babae at mga kasama nito, na nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng loudspeaker ng phone.Nagdadabog na biglang pumasok ang stressed na si Amanda.Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal, ngunit wala pa ang bride.“Ano ba namang babae ‘yon,” ang sabi, kasabay sa pagbagsak ng katawan paupo sa kama, “napaka-inconsiderate!”Hinihintay niyang magbigay ng komento ang Senyor, ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa phone.Napatingin ang babae sa asawa. Sumama ang loob, inisip na hindi siya pinapansin nito, at mas binibigyang halaga ang kausap sa telepono.“Sino na naman ba ‘yang kausap mo?“ Ang tanong na paangil.“Si Nadine. Makakasama na raw nila sa kanilang tropa si Marcel.” Sagot ni Senyor Gaspar, na halata ang saya sa ki

  • ANG TAKAS   CHAPTER 116 : UNDECIDED

    Inip na si Moira. Kinakabahan at nagdududa na rin. Nabubuo na sa kanyang utak ang hinalang niloko lang siya ni Atty. Jasmine Martin, upang mapapirma sa blankong dokumento.Kumakalat na ang takot sa buo niyang pagkatao. Nakakaramdam ng kawalang pag-asa.“Hindi ko dapat pinaniwalaan ang abogagang ‘yon,”naibulong ni Moira nang may pagsisisi, “hindi ko dapat pinirmahan ang blankong papel na ‘yon. Para ko na ring inihulog ang sarili ko sa impiyerno kapag nagkataon.”Umaga pa niya pinirmahan ang blank document na pinapirmahan sa kanya ng abogada, at sinabi nito na agad aasikasuhin ang pagpapalaya sa kanya, pagkatapos niyang mapirmahan ang pinapipirmahan sa kanya.“Tatakas ako, oras na hindi nila ako pinalaya,” pagpaplano nya, “gagantihan ko ang lintik na abogadang ‘yon once na makalabas ako piitang ito. Pagsisisihan niyang niloko niya si Moira Corpuz.”Halo-halong damdamin ang umiiko

  • ANG TAKAS   CHAPTER 115 : BLANK DOCUMENT

    Hindi nagugustuhan ni Moira ang mga pangyayaring nagaganap. Ilang araw na siyang naghihintay sa tawag ni Victor, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam.“Walanghiya kang Victor ka. Gagawin kong impiyerno ang buhay n’yo ng magiging asawa mo kapag hindi mo naipaatras ang demanda sa akin ni Ella at ng mga barkada niya!”Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa piitang kanyang kinakukulungan.“Buwisit naman kasi ang mga nagbigay ng stag party na 'yon,e,” gigil na naisip niya, “hindi man lang ako winarningan na asawa pala ni Tony Sandoval ang best friend ng pakakasalan ni Victor.”Kilala niya ang pangalang Tony Sandoval, bilang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa buong Asia na si Senyor Gaspar Sandoval. Maraming koneksyon ang taong 'yon. Powerful!Sabi nga ng mga kakilala niya, wala sa matinong pag-iisip ang sino man, na magtatangkang kalabanin ang sino ma

  • ANG TAKAS   CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGET

    CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGETGumala ang tingin ni Ella sa paligid ng restaurant na kanyang pinasok. Iyon ang lugar na pinili ni Victor upang makipagkita sa kanya.Hindi niya gusto ang pakikipagtagpong iyon sa lalaking pakakasalan ng kanyang kaibigan. Ngunit curious siya sa sasabihin nito na hindi magawang sabihin sa telepono.Natanaw niya ang sulok na kinaroroonan ni Victor. Nakangiting kumaway ito sa kanya.Umakyat ang kanyang dugo sa ulo.Gustong sumabog ni Ella sa galit.Nagmamadali siyang lumapit kay Victor, sa paghahangad na matapos na agad ang magiging pag-uusap nila.“Ano’ng gusto mong orderin?” Tanong nito sa kanya nang makalapit siya.“Wala,” sagot niya na nanggigigil sa inis, “sabihin mo na, ano man ang sasabihin mo at nang makaalis na agad ako,” angil niyang inis na inis.“Init naman ng ulo!” Komento ni Victor.

  • ANG TAKAS   CHAPTER 113 : WEDDING JITTERS

    Simple white wedding gown ang isusuot ni Sophie sa araw ng kanyang kasal, na si Amanda ang pumili ng design at designer.Mababa ang neckline ng wedding gown, ngunit may lining na kulay balat. Sa biglang tingin ay aakalaing balat mismo ng ikakasal ang kumikislap na nakalantad sa malalim na leeg ng damit. Ngunit kung muling pagmamasdan ay mahahalatang may lining itong nakakapit sa balat ng ikakasal.Handmaid ang mga burda sa pang-itaas na bahagi ng pangkasal na iyon, na gawa sa manipis, mamahaling telang ramie.Manipis, malambot na uri ng tela ang ginamit sa ibabang bahagi ng wedding gown, na sumusunod sa bawat galaw ng may suot nito. May lining din itong kulay balat. Mapapansin ang tila gintong mga butones sa likod ng wedding gown na backless hanggang baywang. Kumikinang sa makintab na tila gold powder ang guwantes, na hanggang lampas sa siko ng ikakasal.“You look so stunning!” Paghanga ni Amanda sa mama

  • ANG TAKAS   CHAPTER 112 : LOVE IS FORGIVING

    Pakiramdam ni Victor ay masisiraan na siya ng bait. Lahat ng paraan ay ginawa na niya upang makausap si Sophie. Ngunit pinanatili nito ang invisible na pader, na inilagay nito sa pagitan nila.Matigas ang loob ng kanyang kasintahan. Nakipag-break na ito sa kanya, sa pamamagitan ng text, bagay na hindi niya matanggap.“Pag-usapan natin ito, Sophie. Ilang araw na lamang ay ikakasal na tayo.” Sagot niya sa text ng pakikipagkalas ng babae sa kanya.KRRIIINNNNGGGG…Hindi na niya tiningnan sa screen kung sino ang tumatawag, agad na sinagot ni Victor ang kanyang phone.“Babe, thanks at tumawag ka rin sa wakas!”“Victor, tulungan mo ako!” ang sabi agad ng tumawag sa kanya, “patung-patong na demanda ang inihain ni Ella at ng mga kaibigan niya sa korte laban sa akin. ‘Yong simpleng trespassing ay dinagdagan ng robbery, pagbabasag ng mga gamit at naglagay daw ako ng drug

  • ANG TAKAS   CHAPTER 111 : COMPASSION

    Dala ang tray ng pagkain, marahang kinatok ni Gener ang pintuan ng silid tulugan ni Sophie. Halos maghapon nang nakakulong sa silid tulugan nito ang kanyang anak, at ang mag-alala’y hindi na niya maiwasan.“Sophie, anak,” pagtawag niya, “may dala akong pananghalian mo,“ pagbibigay alam niya, “hindi ka nag-almusal kaninang umaga, baka kung mapaano ka na kung hindi ka pa manananghali.”Walang sagot. Wala ring nagbubukas ng pintuan.“Pagbuksan mo si papa, anak,” pakiusap na ng ama, “nangangawit na ang kamay ko sa pagbuhat nitong tray ng pagkain mo.”Narinig niya ang mahihinang yabag na papalapit sa pintuan, na nabuksan, makaraan ang ilang sandali.“Hindi na sana kayo nag-abala sa paghahanda ng pagkain ko, Papa,” saad ng anak, “hindi naman ako nagugutom, e.”“Ano bang hindi nagugutom ang sinasabi mo, e, kaninang umaga ka pa

  • ANG TAKAS   CHAPTER 110 : ANG PAG-ATRAS SA KASAL

    Hindi mapakali si Victor.KRIIIIINNG…KRIIIIINNGG…Paulit-ulit niyang tinatawagan si Sophie, ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.KRIINNGGG…KRIINNGGG…“Pick up, Sophie… pick up!”Nag-aalala siya kay Sophie. Ibig niyang matiyak na nasa ayos itong kalagayan at hindi nalalagay sa ano mang uri ng kapahamakan.“Nasaan ka ba, Sophie? Bakit hindi mo sinasagot ang iyong phone.”Bigla ay nakadama siya ng takot.“Baka kinausap siya ni Moira, ah,” naisip niya, “baka nalaman na niya ang totoo at gusto na niyang layuan ako.”Muli niyang idinayal ang numero ng cellphone ni Sophie. Paulit-ulit.…….Naririnig, ngunit hindi pinapansin ni Sophie ang pag-iingay ng kanyang telepono. Hindi siya interesadong makipag-usap kanino man, higit at lalo kay Victor. Ang nais niya ay mapag-isa. Hanapin at

DMCA.com Protection Status