Home / Romance / ANG TAKAS / CHAPTER 36 : THE CONFRONTATION

Share

CHAPTER 36 : THE CONFRONTATION

last update Huling Na-update: 2021-12-21 21:30:10

Walang maipakitang ID sa Transportation Security Administration (TSA) si Sophie. Paulit-ulit niyang hinanap ang kanyang mga ID. Nahugot na niya ang lahat ng nga nakaipit na papel sa kanyang wallet, ngunit pa hindi pa rin niya makita ‘yon.  Makailang ulit na rin niyang kinalkal ang lahat ng laman ng kanyang backpack, ngunit hindi pa rin niya makita ang kahit isa man lang sa kanyang identification card.

“Nandito lang sa wallet ko ‘yon, e. Bakit nawala? Saan napunta ‘yon?” Nagkakandaiyak na pakikipag-usap niya sa sarili, habang patuloy ang paghahalungkat sa backpack.

Nagsimula nang dumami ang tao sa airport checkpoint.

Hindi pa rin makita ni Sophie ang kanyang mga ID.  

“Miss, kanina ka pa hanap ng hanap d’yan wala ka naman yatang hinahanap,” saad ng babaing nasa kanyang likuran, “baka naman puwedeng paunahin mo muna kami habang nagkakalikot ka sa bag mo. Sayang ang o

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • ANG TAKAS   CHAPTER 37 : FACE YOUR FEAR

    Lahat ng dahilan ay idnahilan na ni Tony sa ama upang makasama ito sa pag-uwi ng Maynila. Ngunit lahat ng mga ito ay nabigyang katwiran ni Senyor Gaspar upang iwan siya ng anak sa Palawan.“Talagang ako na lang mag-isa ang mag-aasikaso ng ating mga negosyo, gano’n ba, Papa?” Pagpapa-guilty ng anak sa ama.“Don’t be foolish, Tony, Puwede naman tayong mag-meeting online. Mag-zoom, mag G meet ,” pangangatwiran ng ama, “pati ang pakikipag-deal sa mga client natin can be done thru internet.”Ang gusto lang ni Tony ay mailayo ang ama kay Amanda. Hindi niya gustong mahulog nang todo-todo ang loob nito sa ina ng lalaking inaakala niyang karelasyon ng hinahanting nilang nars.“Baka lalo pang gumulo ang mga sitwasyon natin at ng mga Samonte kung…”Hindi pinatapos ng Senyor ang pagsasalita ng anak.“Don’t treat me like a stupid kid, Tony. I am not

    Huling Na-update : 2021-12-22
  • ANG TAKAS   CHAPTER 38 : THE BETRAYAL PART 2

    CHAPTER 38 : BETRAYAL PART 2Nakalulunos ang eksenang pinanonood ni Don Generoso Samonte. Hindi niya matagalang tingnan ang asawang lumuluha ang walang talukap na mga mata, habang ginagamot ito ng mga doktor na dalubhasa sa third degree burn.Hindi rin nito magawang isigaw ang sakit na nararamdaman, dahil ni hindi maibuka ang mga labing magkadikit, at alam niyang higit na sakit ang nararamdaman ng asawa dahil sa halos napupunit ang mga laman niyon sa bawat pagnanais na isigaw ang sakit na nararamdaman. Sa kadahilanang hindi na flexible ang mga muscle ng mukhang niyon.Pumikit ang Don. Hindi niya gustong makita ang nakapanghihilakbot na mukha, na dating napakaganda at napakakinis. Wala na ang mahahaba, maiitim, natural na pilik na binagayan ang mga mapupungay na mga matang umaakit sa matitingnan. Wala na ang matangos, magandang hugis na ilong, butas na lamang ang naroon. Hindi na niya natagalan ang lahat ng kanyang nakikita. Nangingini

    Huling Na-update : 2021-12-23
  • ANG TAKAS   CHAPTER 39 : KAIBIGANG AHAS

    Umaalimpuyo ang galit sa damdamin ni Sophie, habang tinititigan ang babae na minsan nang nagtraydor sa kanya.“Talagang ang ahas, libong ulit mang magpalit ng balat, ahas pa rin!” Nasabi ni Sophie na ang tinig ay pagitan ng nagngangalit na mga ngipin lumabas.Malakas na humalakhak si Ella. Umiinsulto. Nang-iinis.Umaakyat na ang dugo sa utak ng kanyang iniinis. Hindi matanggap na muli siyang napaikot at niloko ng mapagkunwaring kaibigan. Siya na kinikilalang matalino ay pinagmukhang tanga ng babaing hindi man lang pumangalawa sa kanya.“Matalino man ang matsing, napaglalalangan din, right, dear friend? And besides, matalino ka lang, pero mautak ako. Kaya lagi kitang nauutakan.” pang-aasar pa rin ni Ella na muling humalakhak. “I am right, right friend?” Sarkastikong tanong pa.“Hindi kita kaibigan! Wala akong kaibigang hudas!”“Ayan ka na naman, e,”

    Huling Na-update : 2021-12-24
  • ANG TAKAS   CHAPTER 40 : DO I LOVE YOU?

    Pilit nilalabanan ni Sophie ang antok na nararamdaman.“Hindi ako puwedeng matulog. Kailangang gising ako sa oras na may papasok dito.”Kinukondisyon niya ang sariling utak. Inuutusan ang katawan na maging alerto."Hindi ako papayag na gigisingin ako sa sipa at tadyak. Sipain man nila ako o tadyakan, gusto ko ay gising ako. At least kahit paano ay makakalaban ako nang may dignidad. Hindi katulad nang kung tulog ako, magmumukha akong basahang sinisipa-sipa lang.Tumayo siyang muli, mula sa pagkakalupasay sa sahig. Inikut-ikot ng pabalik-balik ang ulo. Nag-shadow boxing. Tumalon nang tumalon. Sumipa nang sumipa. Front kick. Back kick. Side kick. Roundhouse kick at flying kick. Pinraktis ang mga karate punch na napag-aralan nila ni Ella noong college days nila. Mula sa simpleng jab, hanggang sa back fist at reverse punch.Hanggang sa sumuko ang katawan sa sobrang pagod, at hindi na kinaya ang hirap.

    Huling Na-update : 2021-12-26
  • ANG TAKAS   CHAPTER 41 : THE MANIPULATOR

    Naghihinala si Sophie na inuutakan na naman siya ni Ella, at pagkatapos ay muli siyang pagtatawanan.“Isa kang ahas, Ella. A scheming manipulator. Pero hindi mo na ako muling matutuklaw. I’ve learned my lesson. Hindi mo na ako mapapaikot pang muli!”Ihahanda niya ang sarili sa paglaban.“User ka, Ella at tatapatan ko ang pagiging user mo,” pakikipag-usap ni Sophie sa wala, “alam kong ginagamit mo lang ako for reasons na hindi ko pa lubos na alam. Okey lang. Gagamitin din kita para sa sarili kong pakinabang. Maggagamitan tayo, traydor kong kaibigan.”Ah, ang baliw niyang kaibigan, na may prinsipyong wala sa lugar. Hindi niya naiwasan ang matawa nang maalala kung bakit hindi nito tinanggap ang yellow belt na dapat sana’y siyang unang may kulay na sinturon nila, ay dahil ayaw nito sa kulay na sinisimbulo ng yellow sa pulitika. Pulitika rin ang dahilan kung bakit hindi nila sinipot an

    Huling Na-update : 2021-12-27
  • ANG TAKAS   CHAPTER 42 : SASAKYAN KITA

    Gulantang na nagising si Sophie sa mainit na sinag ng araw na nakadantay sa kanyang katawan. Pabiglang bumangon, iginala niya ang tingin sa paligid.Ang malaking telebisyon na nakakabit sa medyo mataas na bahagi ng dinding sa paanan ng kama ang unang napansin niya.Bigla ay naalala niyang pinalipat nga pala siya ng silid ni Senyor Gaspar, at doon siya dinala sa malaking silid na iyon na halos kasinlaki na ng isang simple, maayos na bahay.Ibinagsak agad niya ang katawan sa kama nang makaalis si Senyor Gaspar at mga tauhan ni Tony. Dahil sa sobrang pagod, stress, tensyon at kasabikan na rin na makapagpahinga sa maayos na kama ay ipinikit niya ang kanyang mga mata. Pinakiramdaman ang parang ulap sa lambot na higaan, at ang kasiyahang hatid niyon sa likod niyang nakalapat doon.Nakatulog siya nang hindi niya alam kung gaano katagal at nagising lang sa matinding init ng sikat ng araw.Tiningnan niya ang pinto ng

    Huling Na-update : 2021-12-29
  • ANG TAKAS   CHAPTER 43 : CORAZON SALVACION

    Naghihinagpis at tila sasabog na ang kanyang puso sa labis na sama ng loob na nadarama. Hindi niya maunawaan kung ano ang dahilan, kung ano ang kanyang naging kasalanan o pagkukulang sa asawa.“Bakit mo nagawa sa akin ang ganitong kalupitan, Cory? Ano ba ang napakalaking kasalanan ko sa iyo at nagawa mo akong lokohin nang ganito?”Kahit anong pilit niyang pagbabalik tanaw sa mga nakaraan nila ng asawa, ay wala siyang maalal

    Huling Na-update : 2022-01-02
  • ANG TAKAS   CHAPTER 44 : KUNG ANO ANG INUTANG...

    Malinaw ang mga salitang narinig ni Ella.“Ayoko siyang makita o makausap.”“Si Sophie na anak n’yo, ayaw n‘yong makita o makausap kahit sa phone man lang?” Tanong niya na hindi makapaniwala.“You heard me right, Ella. Kaya please lang, tantanan mo na ang pangungulit mo sa ‘kin.”“Gusto niyang dalawin ang mama n’ya. Karapatan niya ‘yon bilang anak.” Pangangatwiran ni Ella.Hindi agad nakapagsalita si Gener.“Please, Don Generoso… ““Sinabi ko na sa ‘yong ‘wag mo akong tawaging Don!” Agaw ni Gener sa pagsasalita ni Ella.“Okey, sige Mang Gener… ““Get out of here!” Biglang utos ni Gener, sabay turo sa pintuan.“Wait lang,” tanggi ni Ella, “nasaan muna si Ma’m Cory? Saan n’yo siya inilipat na ospit

    Huling Na-update : 2022-01-03

Pinakabagong kabanata

  • ANG TAKAS   CONCLUSION : THE WEDDING

    Tahimik ang paligid. Namamahinga at natutulog na sa kanilang mga hotel room ang mga bisita ng hotel. May iilan na naglalanguyan sa pool, na hindi ganap na naiilawan. At hindi makikilalang ganap ang sino mang naglalakad sa palibot kung hindi lalapitan at ang mukha ay pagmamasdan. May isa na naglilibot, nakikiramdam sa paligid. Ninamnam ang kasiyahan ng paglalakad nang malaya. Si Moira. “Sayang hindi ko nakita ang kasal ni Victor at ng nurse na ‘yon,” inilibot niya ang tingin sa paligid, “saan kaya dito ang suite na kinaroroonan nila,” naku-curious na tanong sa wala. Wala siyang tangkang manggulo. Kuryusidad lang ang nagtulak sa kanya upang habulin ang kasalan na hindi naman inabutan. “Gusto ko ring makita kung masaya ang magpakasal,” pakikipag-usap niya sa sarili, “nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras ng kasal namin ng boyfriend kong German.” Salapi ang tanging dahilan kung

  • ANG TAKAS   CHAPTER 117 : WHEN IT RAINS, IT POURS

    Payapa ang isip at damadamin, kausap ni Senyor Gaspar si Nadine sa telepono. Masaya siyang nagbibigay ng payo sa babae at mga kasama nito, na nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng loudspeaker ng phone.Nagdadabog na biglang pumasok ang stressed na si Amanda.Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal, ngunit wala pa ang bride.“Ano ba namang babae ‘yon,” ang sabi, kasabay sa pagbagsak ng katawan paupo sa kama, “napaka-inconsiderate!”Hinihintay niyang magbigay ng komento ang Senyor, ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa phone.Napatingin ang babae sa asawa. Sumama ang loob, inisip na hindi siya pinapansin nito, at mas binibigyang halaga ang kausap sa telepono.“Sino na naman ba ‘yang kausap mo?“ Ang tanong na paangil.“Si Nadine. Makakasama na raw nila sa kanilang tropa si Marcel.” Sagot ni Senyor Gaspar, na halata ang saya sa ki

  • ANG TAKAS   CHAPTER 116 : UNDECIDED

    Inip na si Moira. Kinakabahan at nagdududa na rin. Nabubuo na sa kanyang utak ang hinalang niloko lang siya ni Atty. Jasmine Martin, upang mapapirma sa blankong dokumento.Kumakalat na ang takot sa buo niyang pagkatao. Nakakaramdam ng kawalang pag-asa.“Hindi ko dapat pinaniwalaan ang abogagang ‘yon,”naibulong ni Moira nang may pagsisisi, “hindi ko dapat pinirmahan ang blankong papel na ‘yon. Para ko na ring inihulog ang sarili ko sa impiyerno kapag nagkataon.”Umaga pa niya pinirmahan ang blank document na pinapirmahan sa kanya ng abogada, at sinabi nito na agad aasikasuhin ang pagpapalaya sa kanya, pagkatapos niyang mapirmahan ang pinapipirmahan sa kanya.“Tatakas ako, oras na hindi nila ako pinalaya,” pagpaplano nya, “gagantihan ko ang lintik na abogadang ‘yon once na makalabas ako piitang ito. Pagsisisihan niyang niloko niya si Moira Corpuz.”Halo-halong damdamin ang umiiko

  • ANG TAKAS   CHAPTER 115 : BLANK DOCUMENT

    Hindi nagugustuhan ni Moira ang mga pangyayaring nagaganap. Ilang araw na siyang naghihintay sa tawag ni Victor, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam.“Walanghiya kang Victor ka. Gagawin kong impiyerno ang buhay n’yo ng magiging asawa mo kapag hindi mo naipaatras ang demanda sa akin ni Ella at ng mga barkada niya!”Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa piitang kanyang kinakukulungan.“Buwisit naman kasi ang mga nagbigay ng stag party na 'yon,e,” gigil na naisip niya, “hindi man lang ako winarningan na asawa pala ni Tony Sandoval ang best friend ng pakakasalan ni Victor.”Kilala niya ang pangalang Tony Sandoval, bilang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa buong Asia na si Senyor Gaspar Sandoval. Maraming koneksyon ang taong 'yon. Powerful!Sabi nga ng mga kakilala niya, wala sa matinong pag-iisip ang sino man, na magtatangkang kalabanin ang sino ma

  • ANG TAKAS   CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGET

    CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGETGumala ang tingin ni Ella sa paligid ng restaurant na kanyang pinasok. Iyon ang lugar na pinili ni Victor upang makipagkita sa kanya.Hindi niya gusto ang pakikipagtagpong iyon sa lalaking pakakasalan ng kanyang kaibigan. Ngunit curious siya sa sasabihin nito na hindi magawang sabihin sa telepono.Natanaw niya ang sulok na kinaroroonan ni Victor. Nakangiting kumaway ito sa kanya.Umakyat ang kanyang dugo sa ulo.Gustong sumabog ni Ella sa galit.Nagmamadali siyang lumapit kay Victor, sa paghahangad na matapos na agad ang magiging pag-uusap nila.“Ano’ng gusto mong orderin?” Tanong nito sa kanya nang makalapit siya.“Wala,” sagot niya na nanggigigil sa inis, “sabihin mo na, ano man ang sasabihin mo at nang makaalis na agad ako,” angil niyang inis na inis.“Init naman ng ulo!” Komento ni Victor.

  • ANG TAKAS   CHAPTER 113 : WEDDING JITTERS

    Simple white wedding gown ang isusuot ni Sophie sa araw ng kanyang kasal, na si Amanda ang pumili ng design at designer.Mababa ang neckline ng wedding gown, ngunit may lining na kulay balat. Sa biglang tingin ay aakalaing balat mismo ng ikakasal ang kumikislap na nakalantad sa malalim na leeg ng damit. Ngunit kung muling pagmamasdan ay mahahalatang may lining itong nakakapit sa balat ng ikakasal.Handmaid ang mga burda sa pang-itaas na bahagi ng pangkasal na iyon, na gawa sa manipis, mamahaling telang ramie.Manipis, malambot na uri ng tela ang ginamit sa ibabang bahagi ng wedding gown, na sumusunod sa bawat galaw ng may suot nito. May lining din itong kulay balat. Mapapansin ang tila gintong mga butones sa likod ng wedding gown na backless hanggang baywang. Kumikinang sa makintab na tila gold powder ang guwantes, na hanggang lampas sa siko ng ikakasal.“You look so stunning!” Paghanga ni Amanda sa mama

  • ANG TAKAS   CHAPTER 112 : LOVE IS FORGIVING

    Pakiramdam ni Victor ay masisiraan na siya ng bait. Lahat ng paraan ay ginawa na niya upang makausap si Sophie. Ngunit pinanatili nito ang invisible na pader, na inilagay nito sa pagitan nila.Matigas ang loob ng kanyang kasintahan. Nakipag-break na ito sa kanya, sa pamamagitan ng text, bagay na hindi niya matanggap.“Pag-usapan natin ito, Sophie. Ilang araw na lamang ay ikakasal na tayo.” Sagot niya sa text ng pakikipagkalas ng babae sa kanya.KRRIIINNNNGGGG…Hindi na niya tiningnan sa screen kung sino ang tumatawag, agad na sinagot ni Victor ang kanyang phone.“Babe, thanks at tumawag ka rin sa wakas!”“Victor, tulungan mo ako!” ang sabi agad ng tumawag sa kanya, “patung-patong na demanda ang inihain ni Ella at ng mga kaibigan niya sa korte laban sa akin. ‘Yong simpleng trespassing ay dinagdagan ng robbery, pagbabasag ng mga gamit at naglagay daw ako ng drug

  • ANG TAKAS   CHAPTER 111 : COMPASSION

    Dala ang tray ng pagkain, marahang kinatok ni Gener ang pintuan ng silid tulugan ni Sophie. Halos maghapon nang nakakulong sa silid tulugan nito ang kanyang anak, at ang mag-alala’y hindi na niya maiwasan.“Sophie, anak,” pagtawag niya, “may dala akong pananghalian mo,“ pagbibigay alam niya, “hindi ka nag-almusal kaninang umaga, baka kung mapaano ka na kung hindi ka pa manananghali.”Walang sagot. Wala ring nagbubukas ng pintuan.“Pagbuksan mo si papa, anak,” pakiusap na ng ama, “nangangawit na ang kamay ko sa pagbuhat nitong tray ng pagkain mo.”Narinig niya ang mahihinang yabag na papalapit sa pintuan, na nabuksan, makaraan ang ilang sandali.“Hindi na sana kayo nag-abala sa paghahanda ng pagkain ko, Papa,” saad ng anak, “hindi naman ako nagugutom, e.”“Ano bang hindi nagugutom ang sinasabi mo, e, kaninang umaga ka pa

  • ANG TAKAS   CHAPTER 110 : ANG PAG-ATRAS SA KASAL

    Hindi mapakali si Victor.KRIIIIINNG…KRIIIIINNGG…Paulit-ulit niyang tinatawagan si Sophie, ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.KRIINNGGG…KRIINNGGG…“Pick up, Sophie… pick up!”Nag-aalala siya kay Sophie. Ibig niyang matiyak na nasa ayos itong kalagayan at hindi nalalagay sa ano mang uri ng kapahamakan.“Nasaan ka ba, Sophie? Bakit hindi mo sinasagot ang iyong phone.”Bigla ay nakadama siya ng takot.“Baka kinausap siya ni Moira, ah,” naisip niya, “baka nalaman na niya ang totoo at gusto na niyang layuan ako.”Muli niyang idinayal ang numero ng cellphone ni Sophie. Paulit-ulit.…….Naririnig, ngunit hindi pinapansin ni Sophie ang pag-iingay ng kanyang telepono. Hindi siya interesadong makipag-usap kanino man, higit at lalo kay Victor. Ang nais niya ay mapag-isa. Hanapin at

DMCA.com Protection Status