Chapter 90 Habang naglalakad kami palabas ng company, hindi ko maiwasang magtaka. Parang may ibang pakiramdam na humahapil sa akin, isang pakiramdam na tila may mga mata na nakatutok sa akin. Parang may hindi tamang nangyayari, at kahit na wala akong nakikitang tao na nakatingin, ramdam ko ang bigat ng presensya. Napalingon ako sa likod, pero wala namang ibang tao maliban sa amin. “Ano kaya yun?” tanong ko sa sarili ko, ngunit sinubukan ko ring pigilan ang sarili ko na mag-isip ng malalim. “Pipay, okay ka lang?” tanong ni Lucas, napansin niyang parang may bumabagabag sa akin. "Oo," sagot ko, pilit na ngumiti. "Siguro napagod lang ako, hindi ko lang talaga alam kung anong nararamdaman ko." "Kung may problema, nandito lang kami," sabi ni Rafael, na may bahid ng pag-aalala sa boses. “Salamat,” sagot ko, pero may halong kaba. Parang may nagmamasid, at ang mga mata na iyon, kahit hindi ko nakikita, ay tila nagpapalakas sa aking mga kaba. "So, saan tayo pupunta?" tanong ni Tristan.
Chapter 91 "Good morning!" sagot ko nang magiliw, sabay ngiti sa mga empleyado ko. Nakakatuwa na makita silang masaya at proud sa mga nagawa namin, pati na rin sa mga pagbabago sa kumpanya. Habang patuloy kaming naglalakad, naramdaman ko ang respeto at pagpapahalaga mula sa mga tao sa paligid ko. Isang bagay na hindi ko noon inisip na mararanasan ko. Ngayon, nakatayo ako sa isang posisyon na puno ng responsibilidad, ngunit masaya ako sa aking narating. "Ms. CEO, napakaganda ng bagong layout ng office!" wika ng isa pang empleyado mula sa marketing team. "Salamat," sagot ko, "Nais ko lang na maging komportable at epektibo ang lahat sa pagtatrabaho." Patuloy ang mga pagbati at papuri mula sa kanila, at sa kabila ng lahat ng pressure at stress, pakiramdam ko ay nakatagpo na ako ng tamang balance sa buhay. Sa bawat hakbang, sa bawat papuri, ramdam ko ang lahat ng pinaghirapan ko ay unti-unting nagbubunga. Paglingon ko sa mga kasamahan ko, napansin ko ang mga ngiti nila—mga ngiti ng t
Chapter 92 "Kung nag-aalala ka na baka kasama niya ang fiancée niya, huwag na,” sabat ni Rafael, nakahalata sa tahimik kong pag-iisip. "Alam mong hindi ka dapat naaapektuhan.” Umirap ako. “Hindi ako apektado.” "Talaga?” tukso ni Tristan. “Eh bakit parang ang lalim ng iniisip mo?” “Dahil iniisip ko ang strategy natin para sa deal na ‘to,” sagot ko agad. “Hindi si Ethan at lalo nang hindi ang fiancée niya.” Lucas chuckled. "Relax ka lang, Pipay. Ang importante, nasa tamang mindset ka pagharap mo sa kanya. Huwag mong hayaang makalamang siya, hindi lang sa negosasyon kundi sa emosyon mo.” Tumango ako. Alam kong tama sila. Business is business. Hindi ako dapat matinag. Pero kahit anong pilit kong itatak sa isip ko ‘yun, hindi ko maiwasang kabahan. Dahil kung may isang bagay na natutunan ko kay Ethan Monteverde noon, iyon ay—hindi siya madaling kalabanin. "Sige na, kailangan kong manghanda para bukas!" wika ko. "Umalis na kayo at pumunta sa inyong pwesto, di yung ako ang ginugulo n
Chapter 93 Nagtagis ang kanyang panga, halatang hindi niya inaasahan ang tanong ko. Tumikhim siya bago nagsalita, “Gusto ko lang siguraduhin na maayos ang lahat bago pa ang meeting bukas.” Tinitigan ko siya, sinusubukang basahin ang totoong dahilan sa likod ng kanyang mga mata. “O gusto mo lang akong makita agad?” diretsahan kong tanong. Bahagyang lumalim ang kanyang tingin, pero mabilis niyang itinago ang anumang emosyon sa kanyang mukha. “Business is business, Ms. Vega,” sagot niya, pero ramdam kong may laman ang kanyang tono. Ngumiti ako nang bahagya, pilit na ipinapakitang hindi ako naaapektuhan sa presensya niya. “Kung gano’n, bumalik ka na lang bukas. Wala sa schedule ko ang makipag-usap sa Monteverde Corp. ngayon.” Tumayo siya, pero hindi pa rin inalis ang titig sa akin. “I see,” aniya. “Then I’ll see you tomorrow… Ex-wife.” Nanigas ang katawan ko sa huling salitang binitiwan niya, pero hindi ko pinahalata. Pinanood ko siyang lumabas ng opisina, at doon ko lang napansing
Chapter 94 "Tsk, saan mo naman nabalitaan na may anak ka sa akin, Mr. Monteverde? At isa pa ipalagay nating may naka ka nga sa akin. Tanga ba ako na ibigay ko ang anak ko sayo kung malapit kanang ikasal?" pang-uuyam kong sabi dito. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago sumandal sa upuan, nakatitig sa akin na tila binabasa ang isip ko."Hindi ako nakikipagbiruan, Pipay," seryoso niyang tugon. "May sapat akong dahilan para maniwalang may anak tayo. At alam mong hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang totoo."Matalim ang tingin ko sa kanya. "At ano namang ebidensya mo? May dala ka bang DNA test? May nakita ka bang birth certificate na may pangalan mo?"Napangisi siya, pero hindi iyon ngiti ng saya—ngiti iyon ng isang lalaking sigurado sa kanyang nalalaman."Alam mong hindi ko kailangang magkaroon ng papel para maramdaman kong may koneksyon ako sa bata." Yumuko siya nang bahagya, bumaba ang tono ng kanyang boses. "May anak ba tayo, Pipay?"Saglit akong nat
Chapter 95 Ethan POV Pagkatalikod ni Pipay ay gusto ko itong yakapan at humingi ng tawad pero nanaig ang aking pride kaya tumalikod na lang din ako saka nagtungo sa pintuan upang umalis na lamang. Habang naglalakad ako patungo sa elevator ay bumalik ang kanyang mga sinabi sa akin. Habang naglalakad ako patungo sa elevator, paulit-ulit na tumutunog sa isipan ko ang bawat salitang binitiwan ni Pipay. "Nakunan ako, noong panahong kailangan kita..." Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng paninikip sa dibdib. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo o isa lang iyong paraan para itago ang isang bagay na ayaw niyang ipaalam sa akin. Pero kung totoo nga ang sinabi niya… kung nawala nga ang anak namin noon, bakit wala akong nalaman? Bigla akong napatigil sa tapat ng elevator. Hindi ko namalayang nasa harapan ko na ito, pero parang ayaw kong pindutin ang button. ''Damn it!" bigkas ko ng mariin. Ilang taon ko siyang hindi nakita. Ilang taon ko r
Chapter 96Habang naglalakad papunta sa kotse, ramdam ko pa rin ang kaguluhan sa aking isipan. Ang mga sinabi ni Pipay, ang mga nararamdaman ko, pati na ang mga alalahanin ko kay Cie Jill—lahat ng iyon ay nagugulo ang aking utak."Sigurado ba akong tamang desisyon ito?" tanong ko sa sarili ko. Pero kahit na may mga tanong, alam kong kailangan kong ituloy ang kasal.Nang sumakay na ako sa kotse, huminga ako ng malalim. "Kailangan kong mag-focus," bulong ko sa sarili. "Cie Jill deserves this. Hindi ko dapat hayaang ang nakaraan ay maging sagabal sa hinaharap ko."Habang binabaybay ang daan, iniisip ko pa rin si Pipay, kung paano siya nagbago at kung anong mangyayari sa amin sa hinaharap.Sa ngayon, iniisip ko lang ang kasal at ang mga plano ko kay Cie Jill. Tinutok ko ang aking isip sa mga susunod na hakbang, at pinipilit kong alisin ang mga alalahanin na hindi ko pa kayang harapin.Habang papalapit ako sa lugar kung saan kami magkikita ni Cie Jill, pakiramdam ko'y isang malaking pagkat
Chapter 97 Pagkatapos naming nilakad ang lahat na kailangan ay agad ko itong hinatid sa kanyang bahay. Sa Mansyon ng Francisco. Pagdating namin sa Mansyon ng Francisco, nagbigay ako ng isang matamis na ngiti kay Cie Jill. "Here we are, mahal," sabi ko, bago binuksan ang pinto ng kotse at tumulong sa kanya palabas. Habang naglalakad kami papasok sa mansyon, naisip ko kung paano magpatuloy sa buhay ko, lalo na’t nasa tabi ko si Jill, ngunit may mga alaala pa ring hindi ko maialis—ang mga tanong at ang nararamdaman ko kay Pipay. Pero sa ngayon, kailangan ko munang mag-focus sa kasalukuyan at sa mga desisyon ko. "Babe, maraming salamat," sabi ni Jill habang papasok kami sa loob, iniabot sa akin ang kanyang mga kamay para magpasalamat. "I’m really excited for our wedding," dagdag pa niya. Ngunit sa loob-loob ko, habang tinitingnan ko ang mansyon at si Jill, may isang bahagi ng puso ko na hindi pa rin nakakalimos sa nararamdaman ko kay Pipay. "Halika, pasok ka muna sa loob, and
Hello all, sana ay napasaya ko po kayo sa aking akda.... ako po ay lubos nagpapasalamat sa inyong suporta... Sana po ay subaybayan ninyo ang iba kong story naisulat... maraming salamat sa inyong lahat. Love Inday Stories......
Pipay POVHabang naglalakad ako palayo, ramdam ko ang bigat ng puso ko. Dalawang taon. Dalawang taon akong namuhay sa sakit at pangungulila, tinanggap na wala na si Ethan, at pilit na binuo ang buhay ko kasama si Jhovel.At ngayon, parang isang iglap lang, bumalik siya—buhay at humihingi ng puwang sa buhay namin.Napahinto ako at mariing pumikit. Hindi ko alam kung paano haharapin ang katotohanang ito. Kung paano pipigilan ang emosyon sa loob ko na parang gusto nang sumabog."Mommy?" tinig ni Jhovel ang pumukaw sa akin.Paglingon ko, nakatitig siya sa akin, hawak ang kamay ng lalaking akala ko’y hindi ko na muling makikita. May pag-aalinlangan sa kanyang mukha, halatang may gusto siyang itanong ngunit hindi alam kung paano.Napangiti ako nang pilit. "Anak, halika na sa loob. Magpapalit ka pa ng damit para sa birthday party mo.""Pero Mommy… si Daddy?" may halong pag-aalalang tanong niya.Napatingin ako kay Ethan, at doon ko siya muling nasilayan nang buo. Matangkad, gwapo pa rin tulad
Chapter 119Dalawang taon. Dalawang taon mula nang huli kong makita si Pipay at si Jhovel. Ngayon, narito ako sa harap ng Vega Mansion, hindi alam kung paano ko haharapin ang mag-inang matagal kong iniwan.Birthday ng anak ko. Ika-pitong taon niya, at ito ang unang pagkakataong makikita ko siya nang malapitan bilang ama niya—hindi bilang isang anino mula sa malayo.Huminga ako nang malalim, pinapakiramdaman ang kaba sa aking dibdib. Sa loob ng dalawang taon, wala akong nagawa kundi panoorin sila mula sa malayo. Ngayon, oras na para ipakita kong buhay ako—at bumalik ako hindi lang bilang Ethan Monteverde, kundi bilang isang ama kay Jhovel.Pinunasan ko ang pawis sa aking palad bago ako naglakas-loob na lumapit sa gate. Sa loob, maririnig ko ang masasayang tawanan ng mga bata, ang halakhak ng mga bisita, at ang malambing na tinig ng babaeng matagal kong iniwan.Si Pipay.Hindi ko alam kung paano niya ako tatanggapin, kung paano siya tutugon sa muli kong pagbabalik. Pero kahit anong mang
Ethan POVSa malayo, nakamasid ako sa kanila nakasuot ng itim na hoodie at tahimik na nakamasid sa kanila. Nakatayo ako sa likod ng isang malaking puno, hindi magawang lumapit.Nakita niyang dahan-dahang sumakay si Pipay sa sasakyan, karga si Jhovel. Halata ang lungkot sa kanyang mukha. Mula rito, rinig niya ang mahina ngunit punong-punong sakit na tinig nito nang sabihing, "Daddy is in heaven now, baby…"Napapikit siya, pilit nilulunok ang kirot sa kanyang dibdib."Pipay…" Mahinang bulong niya sa hangin.Gusto niyang lumapit, gusto niyang yakapin ito, gusto niyang sabihing nandito lang siya, buhay siya. Pero hindi niya kaya. Hindi pa.Sa ngayon, kailangan niyang manatiling patay sa mata ng mundo.Huminga siya nang malalim at nilingon ang isang babaeng lumapit sa kanya. Si Cie Jill, ang tanging nakakaalam ng kanyang sikreto."Umalis na sila," mahina niyang sabi sa lalaki. "Huwag ka munang magpapakita sa kanila, lalo na kay Pipay."Mahigpit niyang isinara ang kanyang mga kamao. "Alam k
Chapter 117 Kinabukasan, isang madilim at makulimlim na umaga ang bumungad sa amin. Parang nakikisama ang panahon sa bigat ng nararamdaman ko. Tahimik akong nagbihis ng itim, hinanda si Jhovel, at pilit na pinatatag ang sarili ko. Habang nasa sasakyan papunta sa sementeryo, mahigpit kong hawak ang maliit na kamay ni Jhovel. Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Kahit hindi pa niya lubusang nakilala ang kanyang ama, alam kong dama niya ang pagkawala nito. Pagdating namin sa huling hantungan ni Ethan, marami nang tao roon—mga kaibigan, pamilya, at kasamahan niya sa negosyo. Tahimik ang lahat, tanging ang mahinang iyakan at panaghoy lang ang maririnig. Dahan-dahang inihatid ang kabaong niya sa hukay. Habang bumababa ito, parang unti-unting nababasag ang puso ko. Napakapit ako nang mahigpit kay Jhovel, pinipigilan ang mga luhang pilit na gustong bumagsak. Si Ma’am Margaret ay tahimik na nakatayo sa harapan, ni hindi kumikilos. Kita ko ang sakit sa kanyang
Chapter 116Naramdaman kong lumapit si Rafael at marahang pinisil ang balikat ko. "Pipay... kailangan mong magpakatatag para kay Jhovel."Huminga ako nang malalim at pilit na pinunasan ang aking luha. "Alam ko, Rafael... pero ang sakit."Tahimik lang siya, halatang hindi rin alam kung ano ang sasabihin. Ilang sandali pa, bigla kong narinig ang mahina at tila nag-aalalang tinig ni Ma’am Margaret mula sa labas ng pinto."Pipay... handa ka na ba?"Hindi ko alam kung paano ako sasagot. Pero alam kong wala na akong magagawa—bukas, haharapin ko ang pinakamalaking sakit ng buhay ko.Biglang nagsalita si Jhovel nakaupo sa kama habang nakamasid sa paligid. "Mom, what happened? Bakit po tayo andito? Bakit pong daming tao sa labas?" inosente nitong tanong.Napalunok ako at pilit na pinigilan ang muling pag-agos ng luha ko. Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyari? Paano ko sasabihin na ang ama niyang hindi niya pa nakikilala ay… wala na?Lumapit ako sa kama at marahang hinaplos ang buhok ni J
Chapter 115Pipay POVPakiramdam ko ay biglang gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ni Ma’am Margaret. Bukas na ang libing ni Ethan.Para akong sinampal ng reyalidad. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang magpaalam.Mabigat ang bawat pintig ng puso ko habang pinagmamasdan ang kabaong sa harapan ko. Pilit kong iniisip na baka isang masamang panaginip lang ang lahat. Baka kapag nagising ako bukas, nariyan pa rin si Ethan, nakangiti, tatawagin ang pangalan ko gaya ng dati.Pero hindi. Hindi ito panaginip."P-pero, Ma'am... baka puwede nating ipagpaliban kahit isang araw pa?" mahina kong pakiusap, halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses.Napatingin siya sa akin, ngunit hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Para bang may iniisip siyang ibang dahilan na hindi niya kayang sabihin sa akin."Hindi na natin pwedeng patagalin pa," sagot niya nang matigas. "Mas mabuti na rin na matapos agad ang lahat."Tumulo ang luha ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa mapipigilan ang saki
Chapter 114Tahimik akong tumayo sa harap ng kabaong, pinagmamasdan ang bawat detalye nito. Napakabigat sa loob ko ang pagpapanggap na ito, pero wala akong ibang pagpipilian.Biglang bumukas ang pinto ng mansyon, at pumasok sina Pipay kasama sina Rafael, Lucas, at Tristan. Agad kong napansin ang pamumugto ng kanyang mga mata—halatang kakaiyak lang niya.Napalunok ako. Paano ko matitiis ang sakit na pinapasan niya ngayon?Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong, nanginginig ang kamay habang hinahaplos ang ibabaw nito. "Ethan..." mahina niyang tawag, na parang umaasang sasagot ito.Hindi ko napigilan ang sarili ko. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin ang totoo. Pero hindi ko maaaring sirain ang plano namin."Ma'am Margaret," basag ni Pipay sa katahimikan. Lumingon siya sa akin, at doon ko nakita ang matinding hinanakit sa kanyang mga mata. "Paano po nangyari ito? Bakit po siya kinuha nang ganito kabilis?"Napapikit ako at pilit na pinakalma ang sarili. "Isang aksidente, anak..." m
Chapter 113 Margaret POVPinamasdan ko ang bulto sa likuran ni Pipay habang papaalis. "Patawad, Pipay anak. Kailangan kong gawin ito para sa ikabubuti ninyong dalawa," mahina kong sabi."Tita, sure ka na ba sa plano mong palihim kay Pipay na hindi pa patay si Ethan?" wika sa ex-fiance sa aking anak."Oo, buo na ang loob ko, Cie Jill. Kailangan kong gawin 'to!" tugon ko dito.Alam ko magagalit ito kapag nalaman niyang totoo na buhay si Ethan, pero kailangan itong maoperahan sa ibang bansa dahil matindi ang damage natamo nito sa disgrasya kanina."Pero, Tita, paano kung matuklasan ni Pipay ang totoo?" nag-aalalang tanong ni Cie Jill.Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Hindi ko hahayaan na mangyari 'yon sa ngayon. Kailangan niyang lumayo sa sitwasyon, at higit sa lahat, kailangan nating bigyan si Ethan ng pagkakataong mabuhay."Napayuko si Cie Jill, halatang nag-aalinlangan. "Pero, Tita, may karapatan si Pipay na malaman ang totoo. Anak niya si Jhovel, at—"Pinutol ko siya. "At kay