Chapter 88 "Good, ngayon ay umpisahan na natin!" seryoso kong sabi kay Ethan. Kahit na malakas pa din ang kanyang ipekto sa akin ay kailangan kong pigilan ang aking sarili. "Wag kang mapusok, Pipay!" bulong ko sa aking isipan. Umupo si Ethan sa harapan ko, nakasandal at walang bahid ng kaba o pag-aalinlangan. Ganoon pa rin siya—kumpiyansa, sigurado, at tila ba laging may kontrol sa sitwasyon. Pero hindi na ako ang dating Pipay na madaling matinag sa presensya niya."Alright, let’s start," malamig kong sabi, binuksan ang laptop ko at ipinakita ang detalyadong proposal. "This project is designed to be sustainable at may long-term impact sa market. The projected ROI is within three to five years, depending on the execution."Tahimik lang siyang nakikinig, pero ramdam ko ang matalim niyang tingin. Pilit kong binalewala iyon at nagpatuloy sa pagpapaliwanag.“Based on these projections, we expect at least a 20% increase in revenue by the second year,” dagdag ko, ipinaliwanag ang mga figur
Chapter 89 "Fine," ani Rafael, taas-kamay na kunwari sumusuko. "Kung ayaw mong pag-usapan, hindi na namin ipipilit." "Pero isang tanong na lang," singit ni Lucas. "Ano’ng pakiramdam na kaharap siya ulit?" Hindi agad ako sumagot. Lihim akong napalunok, pero hindi ko pwedeng ipahalata sa kanila na kahit papaano ay may naramdaman pa rin ako. "Tulad ng dati," sagot ko nang walang emosyon. "Walang epekto." Tumango-tango si Rafael, pero halata sa ngisi niya na hindi siya naniniwala. "Sige, Pipay," aniya. "Kung ‘yan ang gusto mong sabihin, paniniwalaan ka namin. For now." "Whatever," sagot ko, saka naglakad na palayo. Alam kong hindi pa sila tapos sa pang-aasar, pero hindi ko na pinansin. Ang mas importante ngayon, tapos na ang meeting. Pero sa kabila ng lahat, hindi ko mapigilan ang kaba sa dibdib ko. Dahil kahit anong pagtatanggi ko, alam kong hindi pa rin talaga tapos ang kwento namin ni Ethan Monteverde.Habang naglalakad ako palayo, narinig ko pa rin ang bulungan nina Lucas, R
Chapter 90 Habang naglalakad kami palabas ng company, hindi ko maiwasang magtaka. Parang may ibang pakiramdam na humahapil sa akin, isang pakiramdam na tila may mga mata na nakatutok sa akin. Parang may hindi tamang nangyayari, at kahit na wala akong nakikitang tao na nakatingin, ramdam ko ang bigat ng presensya. Napalingon ako sa likod, pero wala namang ibang tao maliban sa amin. “Ano kaya yun?” tanong ko sa sarili ko, ngunit sinubukan ko ring pigilan ang sarili ko na mag-isip ng malalim. “Pipay, okay ka lang?” tanong ni Lucas, napansin niyang parang may bumabagabag sa akin. "Oo," sagot ko, pilit na ngumiti. "Siguro napagod lang ako, hindi ko lang talaga alam kung anong nararamdaman ko." "Kung may problema, nandito lang kami," sabi ni Rafael, na may bahid ng pag-aalala sa boses. “Salamat,” sagot ko, pero may halong kaba. Parang may nagmamasid, at ang mga mata na iyon, kahit hindi ko nakikita, ay tila nagpapalakas sa aking mga kaba. "So, saan tayo pupunta?" tanong ni Tristan.
Chapter 91 "Good morning!" sagot ko nang magiliw, sabay ngiti sa mga empleyado ko. Nakakatuwa na makita silang masaya at proud sa mga nagawa namin, pati na rin sa mga pagbabago sa kumpanya. Habang patuloy kaming naglalakad, naramdaman ko ang respeto at pagpapahalaga mula sa mga tao sa paligid ko. Isang bagay na hindi ko noon inisip na mararanasan ko. Ngayon, nakatayo ako sa isang posisyon na puno ng responsibilidad, ngunit masaya ako sa aking narating. "Ms. CEO, napakaganda ng bagong layout ng office!" wika ng isa pang empleyado mula sa marketing team. "Salamat," sagot ko, "Nais ko lang na maging komportable at epektibo ang lahat sa pagtatrabaho." Patuloy ang mga pagbati at papuri mula sa kanila, at sa kabila ng lahat ng pressure at stress, pakiramdam ko ay nakatagpo na ako ng tamang balance sa buhay. Sa bawat hakbang, sa bawat papuri, ramdam ko ang lahat ng pinaghirapan ko ay unti-unting nagbubunga. Paglingon ko sa mga kasamahan ko, napansin ko ang mga ngiti nila—mga ngiti ng t
Chapter 92 "Kung nag-aalala ka na baka kasama niya ang fiancée niya, huwag na,” sabat ni Rafael, nakahalata sa tahimik kong pag-iisip. "Alam mong hindi ka dapat naaapektuhan.” Umirap ako. “Hindi ako apektado.” "Talaga?” tukso ni Tristan. “Eh bakit parang ang lalim ng iniisip mo?” “Dahil iniisip ko ang strategy natin para sa deal na ‘to,” sagot ko agad. “Hindi si Ethan at lalo nang hindi ang fiancée niya.” Lucas chuckled. "Relax ka lang, Pipay. Ang importante, nasa tamang mindset ka pagharap mo sa kanya. Huwag mong hayaang makalamang siya, hindi lang sa negosasyon kundi sa emosyon mo.” Tumango ako. Alam kong tama sila. Business is business. Hindi ako dapat matinag. Pero kahit anong pilit kong itatak sa isip ko ‘yun, hindi ko maiwasang kabahan. Dahil kung may isang bagay na natutunan ko kay Ethan Monteverde noon, iyon ay—hindi siya madaling kalabanin. "Sige na, kailangan kong manghanda para bukas!" wika ko. "Umalis na kayo at pumunta sa inyong pwesto, di yung ako ang ginugulo n
Chapter 93 Nagtagis ang kanyang panga, halatang hindi niya inaasahan ang tanong ko. Tumikhim siya bago nagsalita, “Gusto ko lang siguraduhin na maayos ang lahat bago pa ang meeting bukas.” Tinitigan ko siya, sinusubukang basahin ang totoong dahilan sa likod ng kanyang mga mata. “O gusto mo lang akong makita agad?” diretsahan kong tanong. Bahagyang lumalim ang kanyang tingin, pero mabilis niyang itinago ang anumang emosyon sa kanyang mukha. “Business is business, Ms. Vega,” sagot niya, pero ramdam kong may laman ang kanyang tono. Ngumiti ako nang bahagya, pilit na ipinapakitang hindi ako naaapektuhan sa presensya niya. “Kung gano’n, bumalik ka na lang bukas. Wala sa schedule ko ang makipag-usap sa Monteverde Corp. ngayon.” Tumayo siya, pero hindi pa rin inalis ang titig sa akin. “I see,” aniya. “Then I’ll see you tomorrow… Ex-wife.” Nanigas ang katawan ko sa huling salitang binitiwan niya, pero hindi ko pinahalata. Pinanood ko siyang lumabas ng opisina, at doon ko lang napansing
Chapter 94 "Tsk, saan mo naman nabalitaan na may anak ka sa akin, Mr. Monteverde? At isa pa ipalagay nating may naka ka nga sa akin. Tanga ba ako na ibigay ko ang anak ko sayo kung malapit kanang ikasal?" pang-uuyam kong sabi dito. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago sumandal sa upuan, nakatitig sa akin na tila binabasa ang isip ko."Hindi ako nakikipagbiruan, Pipay," seryoso niyang tugon. "May sapat akong dahilan para maniwalang may anak tayo. At alam mong hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang totoo."Matalim ang tingin ko sa kanya. "At ano namang ebidensya mo? May dala ka bang DNA test? May nakita ka bang birth certificate na may pangalan mo?"Napangisi siya, pero hindi iyon ngiti ng saya—ngiti iyon ng isang lalaking sigurado sa kanyang nalalaman."Alam mong hindi ko kailangang magkaroon ng papel para maramdaman kong may koneksyon ako sa bata." Yumuko siya nang bahagya, bumaba ang tono ng kanyang boses. "May anak ba tayo, Pipay?"Saglit akong nat
Chapter 95 Ethan POV Pagkatalikod ni Pipay ay gusto ko itong yakapan at humingi ng tawad pero nanaig ang aking pride kaya tumalikod na lang din ako saka nagtungo sa pintuan upang umalis na lamang. Habang naglalakad ako patungo sa elevator ay bumalik ang kanyang mga sinabi sa akin. Habang naglalakad ako patungo sa elevator, paulit-ulit na tumutunog sa isipan ko ang bawat salitang binitiwan ni Pipay. "Nakunan ako, noong panahong kailangan kita..." Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng paninikip sa dibdib. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo o isa lang iyong paraan para itago ang isang bagay na ayaw niyang ipaalam sa akin. Pero kung totoo nga ang sinabi niya… kung nawala nga ang anak namin noon, bakit wala akong nalaman? Bigla akong napatigil sa tapat ng elevator. Hindi ko namalayang nasa harapan ko na ito, pero parang ayaw kong pindutin ang button. ''Damn it!" bigkas ko ng mariin. Ilang taon ko siyang hindi nakita. Ilang taon ko r
Dear Readers, Maraming salamat sa pagsama sa amin sa kwento nina Tristan at Rachel. Mula sa mga hindi inaasahang pagkikita hanggang sa pag-usbong ng tunay na pagmamahalan, naging saksi kayo sa kanilang paglalakbay — isang kwentong nagsimula sa kasunduan ngunit nauwi sa wagas na pag-ibig. Sa bawat pagtawa, pagluha, at pagsubok na kanilang hinarap, ipinakita nina Tristan at Rachel na ang pagmamahal ay hindi kailanman perpekto. Ngunit sa pagtanggap, pag-unawa, at pagpapatawad, ito ay nagiging mas matibay at totoo. Sana ay nadama ninyo ang bawat emosyon at aral na nais naming iparating sa kwentong ito. At tulad ng natutunan nina Tristan at Rachel, nawa’y hanapin at pahalagahan ninyo rin ang pagmamahal na tunay at wagas. Maraming salamat sa inyong suporta, hanggang sa muli nating pagkikita sa susunod na kwento! With love and gratitude, Inday Stories
Special Chapter 27 Bigla na lang sumigaw si Jhovel, ang anim na taong gulang na anak nina Pipay at Ethan, na may labis na tuwa. "Yehey! We have cousin soon!" malakas niyang sabi, sabay talon-talon pa. Natahimik ang lahat ng saglit, pagkatapos ay halos sabay-sabay na nagtawanan. "Aba, Jhovel!" sabi ni Pipay, hinila siya papalapit. "Saan mo naman nakuha ‘yang idea na ‘yan?" "Eh kasi po," aniya, nakangiti at inosente. "Sabi ni Daddy, kapag ikinasal na si Tito Tristan at Tita Rachel, magkakaroon na ako ng kalaro! Sabi niya rin, maganda daw ‘yun para may kakampi ako pag kalaban si Mommy sa board games!" Halos mapahagalpak ako sa tawa, at pati si Rachel ay napapailing habang natatawa. "Ethan!" singhal ni Pipay, bagamat natatawa rin. "Ikaw pala may pakana nito!" "Wala akong kasalanan!" depensa ni Ethan, nagtataas ng kamay. "Totoo naman ah! Mas masaya kung may cousin si Jhovel!" "Hala, mukhang may pressure na tayo agad, Tristan," bulong ni Rachel sa akin, nakangiti ngunit ma
Special Chapter 26Pagkatapos magsalita ni Rachel, muling nagsalita ang pari."Sa harap ng Diyos at ng mga mahal ninyong kaibigan at pamilya, narinig natin ang inyong mga sumpa ng pagmamahalan at katapatan sa isa’t isa. Ngayon, sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin, idinedeklara ko kayo bilang mag-asawa."Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko inakala na ganito pala ang pakiramdam ng ganap na maging isang asawa."Tristan, maaari mo nang halikan ang iyong asawa," dagdag ng pari na may malumanay na ngiti.Dahan-dahan akong lumapit kay Rachel. Kitang-kita ko ang tuwa at pag-ibig sa kanyang mga mata. Para bang sa mga sandaling ito, kami lang ang nasa mundo. Inabot ko ang kanyang mukha, hinaplos ang pisngi niya, at marahan siyang hinalikan.Narinig ko ang palakpakan at masasayang hiyawan ng mga bisita, ngunit para sa akin, tanging si Rachel lamang ang mahalaga."Congrats, Tristan!" sigaw ni Pipay habang tumatalon sa tuwa. "Officially Mrs. Rachel Dela Vega ka na!"
Special Chapter 25Kanina pa ako hindi mapakali. Narito na ako sa harap ng altar, suot ang itim na tuxedo, pero parang mas nahihirapan pa akong huminga kaysa sa araw ng mga malalaking business deals ko."Relax lang, Tristan!" sabi ni Ethan, asawa ni Pipay, sabay tapik sa balikat ko. "Darating din 'yun.""Alam ko naman 'yun," sagot ko, pilit na ngumiti. "Pero hindi ‘yun ang dahilan ng kaba ko."Napakunot-noo si Ethan. "Eh, ano pa ba? Sigurado ka bang wala ka nang ibang tinatago? Baka may surprise guest ka diyan o may ex na biglang sumulpot—""Hoy!" inis kong putol sa kanya. "Wala akong ganun!"Tumawa lang si Ethan, pero ako? Hindi ko talaga mapigilan ang kaba. Lalo na’t kanina ko pa iniisip ang tatlo kong pinsan — sina Pipay, Rafael, at Lucas — na nasa bridal room kasama si Rachel."Paano kung tinuruan nila ng kung anu-anong kabalastugan ang asawa ko?" bulong ko kay Ethan, tila nanlalambot na ako sa pag-aalala. "Kilala mo naman ‘yung mga ‘yun! Wala akong laban sa trip ng tatlong ‘yun!"
Special Chapter 24Isang buwan ang mabilis na lumipas, at ngayon nga ay narito na ang araw na pinakahihintay namin ni Tristan — ang araw ng aming muling kasal. Hindi na ito isang kasunduan, kundi isang seremonya ng pagmamahalan.Sa mga nakalipas na linggo, mas lalo kong minahal si Tristan. At sa bawat araw na kasama ko siya, napagtanto kong siya ang lalaking gusto kong makasama habambuhay.Naging masaya rin akong makilala ang ilan sa mga pinsan niya — sina Pipay, Rafael, at Lucas. Sadyang nasa dugo ng mga Dela Vega ang pagiging mabait at masayahin. Si Pipay lalo na, palaging may kwentong nakakatawa at laging nagpapagaan ng paligid. Pareho kaming mahilig sa kape at madalas kaming magkwentuhan tungkol sa kung ano-ano lang."Rachel! Siguraduhin mong handa ka na mamaya, ha?" biro ni Pipay habang tinutulungan akong ayusin ang mga bridal essentials."Oo naman!" natatawang tugon ko. "Pero, kinakabahan pa rin ako.""Normal lang 'yan!" sabi ni Lucas, sabay kindat. "Si Tristan nga kanina pa nag
Special Chapter 23Rachel POVPagkatapos ng halik na iyon, ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung paano ko mapapakalma ang sarili ko, pero isa lang ang sigurado — totoo ang lahat ng nangyayari.Nasa mga mata ni Tristan ang sinseridad. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa puntong ito, pero narito na kami, at hindi ko na gustong umatras."Rachel," bulong niya habang marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. "Simula ngayon, hindi na tayo kailangang magtago. Hindi na natin kailangang magpanggap sa harap ng iba. Totoo na ‘to, ikaw at ako."Napangiti ako, pero ramdam ko pa rin ang kaba. "Paano kung… paano kung magbago ang isip mo, Tristan? Paano kung isang araw magising ka at maisip mong hindi ako sapat?"Hinawakan niya ng mas mahigpit ang mga kamay ko. "Rachel, hindi ako basta-basta nagbabago ng isip. At kung sakali mang may mga pagsubok na dumating, haharapin natin ‘yon. Magkasama."Hindi ko napigilan ang luha na pumatak mula sa mga mata ko. Hindi ito luha ng
Special Chapter 22Tristan's POVPagkatapos ng mahabang araw, narito ako sa veranda ng mansion ng mga Rosales, katabi si Rachel. Isang basong wine ang hawak ko, pero ang mas matindi kong nararamdaman ay ang bigat ng mga salitang binitiwan niya kanina."Kahit na alam nating hindi ito totoo?"Paulit-ulit iyong tumatakbo sa isip ko. Oo, kasal nga kami sa papel, pero hanggang kailan namin itatago ang kasinungalingang ito? Hindi ko maipaliwanag, pero sa tuwing tinitingnan ko si Rachel, may kung anong pumipiga sa dibdib ko. Parang gusto kong patunayan na pwedeng maging totoo ang lahat."Tristan, okay ka lang ba?" tanong niya, halatang napansin ang malalim kong iniisip.Napangiti ako ng bahagya, pilit itinatago ang bumabagabag sa akin. "Oo naman. Medyo naisip ko lang kung paano ko nakuha agad ang loob ng Daddy mo."Natawa siya. "Kailangan ko yatang matuto ng mga business tactics mo.""Pwede kitang turuan," sabi ko, sabay sulyap sa kanya. "Pero sa tingin ko, hindi ka naman mahirap matuto. Mat
Special Chapter 21"Welcome, Rosales Family, Iho!" bungad ni Daddy, sabay abot ng kamay kay Tristan.Nagulat ako sa naging tono ni Daddy — malumanay at tila may sinseridad. Hindi ko inaasahan ang ganitong pagtanggap. Agad namang tinanggap ni Tristan ang kanyang kamay at magalang na ngumiti."Salamat po, Sir," sagot ni Tristan. "Malaking karangalan pong makilala kayo."Nakahinga ako nang maluwag at napangiti. Sa isang iglap, nawala ang kaba ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa maayos na pagtanggap ni Daddy o dahil sa paraan ng pakikipag-usap ni Tristan na laging may respeto."Halika na, iho. Huwag na tayong magpanggap na pormal. Sabihin mo na lang 'Dad'," nakangiting dagdag ni Daddy na ikinagulat ko.Napatingin ako kay Mommy, at nagkibit-balikat lang siya na parang nagsasabing 'I told you so.'"Thank you, Dad," tugon ni Tristan, bakas sa mukha niya ang kasiyahan."Rachel, anak," tawag ni Mommy habang hinawakan ang kamay ko. "Dapat sinabi mo agad sa amin na ganito kaguwapo at maayos ang n
Special Chapter 20 "Mom, huwag naman po ganyan," mahina kong sabi habang pinipigilan ang pag-ikot ng mga mata ko. "Kahapon lang halos maputol ang mga linya ng telepono ko kakatawag niyo para sermonan ako. Ngayon naman, bigla na lang kayo masaya?" "Aba syempre, anak!" sagot ni Mommy na tila tuwang-tuwa. "Hindi naman kasi namin inakala na isang Dela Vega pala ang napangasawa mo. Kilalang-kilala ang pamilya nila, Rachel! Napakayaman at makapangyarihan. Naku, siguradong secured na ang future mo!" Napabuntong-hininga ako. "Mom, hindi naman po tungkol sa pera o kapangyarihan ang buhay." "Alam ko, anak. Pero hindi mo rin maikakaila na malaking bagay 'yan. Isa pa, hindi na namin kailangang mag-alala kung magiging maayos ba ang buhay mo." "Mom, mahalaga po ba talaga kung gaano kayaman si Tristan? Hindi po ba mas mahalaga kung masaya ako?" Natigilan si Mommy. Narinig ko ang isang malalim na hininga mula sa kabilang linya bago siya muling nagsalita. "Anak, syempre gusto ko naman talaga an