"And what do you think you're doing?!" Salubong ang dalawang kilay ni Andy na dinampot ang bote ng gatorade sa basurahan.Takang-taka na napatingin si Yolly rito. "A-anong ginagawa mo rito?""Dinadalaw ka dahil ayaw ko man sana ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na kamustahin ka. And this is all I can see? Really?" Masama talaga ang loob ni Andy.Inirapan ni Yolly ang binata. Ito pa talaga ang may ganang magalit? Wow! Ito nga ang hindi namamansin sa school, eh. "Umalis ka na nga!" Hinablot niya ang bote ng gatorade tapos ay padabog na itinapon ulit iyon sa basurahan at saka mataas na humalukipkip.Napasinghap naman sa hangin si Andy. Masama ang tingin sa kanya na dinampot ulit sa basurahan ang bote ng gatorade.Pero hinablot din agad niya iyon at tinapon ulit. Kinuha niya ang takip ng basurahan at padabog nang tinakpan. "Huwag mo nang pulutin dahil wala nang pakinabang ang bote na 'yan sa 'kin! Wala nang halaga!""Talaga lang, ha?" Inalis ni Andy ang takip ng basurahan at kin
"Waaahhh!" ngawa pa rin ni Cristine na sinasabayan ni Yolly. Nagyayakapan silang dalawa, tapos maghihiwalay, tapos magyayakapan na naman tapos maghihiwalay rin ulit. Parehas na silang parang tanga na nag-iiyakan sa isa't isa na hindi naman alam ang dahilan kung ano’ng iniiyakan nila.Si Cristine dahil buntis nga ito.At si Yolly dahil sa virginity niyang nawala na hindi man lang niya namalayan, tapos ay may posibilidad pang mabuntis siya."Bakit ka ba grabe kung makaiyak?" tanong niya sa pinsan sa gitna ng paghahagulgol."Eh, ikaw bakit ka rin umiiyak?" ngunit balik-tanong ni Cristine sa kanya.Natigilan silang magpinsan. Makikita sa mukha nila na may gusto silang sabihin sa isa't isa kaya lang ay parehas din naman nilang hindi masabi kung ano ang mga iyon. Siguro dahil sa takot o hiya kaya naman iyakan na lang ulit silang dalawa.Sa isip-isip ni Cristine. "Paano na ang kinabukasan ko?"At sa isip-isip naman ni Yolly. "Paano na ang virginity ko?""Okay ka na ba?" tanong ni Yolly haban
"Hi, Yolly." Sinamantala ni Andy na batiin ang dalaga nang magtyempo sila sa canteen ng school. Sakto na sila lang dalawa. Maaga pa kaya wala pang katao-tao masyado ang campus. Tanging si Manang Sonya na bantay lang ng canteen ang nandoon.Si Yolly ay bumili ng tubig dahil nauuhaw siya. Habang si Andy ay talagang nandoon na dahil nag-aalmusal. Ginawa nang bahay ang campus dahil umuuwi lang ito para lang maligo at magbihis."Breakfast?" alok pa ni Andy kay Yolly.Tipid na ngiti lang naman ang itinugon ni Yolly sa binata. Ayaw niya talaga ng tsismis lalo na't kung makatingin sa kanya si Manang Sonya ay kakaiba na naman. Tiyak na iba na naman ang iniisip nito.Kung alam lang sana ng mga tao sa Sanchi College na nag-s*x na sila ni Andy malamang ay literal na mapapanganga ang mga ito o OA na mawawalan ng mga malay. Lalo na ang mga babaeng kumakaringking sa binata.Hay!Pero hindi, hindi niya ipapangalandakan iyon dahil nakakahiya. Nakakahiya na hindi na siya v*rgin.Sakto namang nagro-rovi
"Samahan mo ako mamaya after class. Punta tayo sa tahimik na lugar. I have something to confess," pasimple at mahinang sabi ni Andy kay Yolly. Nakatakip ang kamay niyang nakapangalumbaba sa bunganga habang kampanteng nakaupo sa upuan ni Cristine. Kung titingnan ay para siyang mabait na college student na matamang nakikinig sa lecture ng prof. At ang tinukoy niya na tahimik na lugar ay ang simbahan na pinuntahan nila noong isang araw.Kunot ang noong binalingan siya ng tingin ni Yolly.Tiningnan naman niya ito at nginitian. Ang totoo ay nami-miss lang niya ang company ni Yolly. Hindi niya kasi maramdaman ang lungkot kapag kasama niya ang dalaga kumpara kapag kasama niya ang mga barkada na walang ginawa kundi ang magpa-cute sa mga babae na hindi naman na niya hilig.Iba talaga ang saya niya kapag si Yolly ang kasama niya. Para bang wala siyang dapat intindihin. Iyong feeling na malayang-malaya siyang sabihin o gawin ang kahit na anong gusto niya. He wasn’t ashamed or afraid to make a mi
Grabe ang ngawa ni Yolly. Buntis siya. Buntis nga siya. Ang mga pangarap niya, wala na. Animo’y salamin na nabasag at naging mga bubog na parang imposible nang mabuo pa kahit kailan."Yolly, Anak? Halika na!" tawag na naman ng nanay niya sa kanya.Sa halip na lumabas ay nagmadali niyang ini-lock ang pinto ng silid niya para hindi muna makapasok ang ina. Hindi siya puwedeng makita ng nanay niya na umiiyak. Siguradong magtatanong iyon kung bakit at hindi siya titigilan. Lalong hindi pupuwede na malaman nitong buntis siya. Ayaw niyang masampal o makalbo. Hu-hu! Halu-halo na ang nararamdaman niya pero nangunguna pa rin ang matinding takot. Nasa kamay pa rin niya ang PT, mahigpit niya iyong hawak. Ni ang ilapag saglit o bitawan ay hindi niya magawa dahil sa sobrang takot.Ano’ng gagawin niya?Si Andy! Oo, si Andy! Dapat malaman ito ni Andy!Natarantang kinuha niya ng cellphone niya kaso ay wala pala siyang number ng binata kaya napangiwi na naman siya.Sa Facebook! Oo, sa Facebook! Puwede
Gulat na gulat si Yolly nang mahimasmasan siya mula sa pag-iyak. May nakapa kasi siyang malapad na likod. Luh, Sino 'tong kayakap niya?!"Are you okay now?" At lumuwa talaga ang mga mata niya nang marinig niya ang boses na iyon. Bigla siyang kumawala sa pagkakayakap. Naitulak niya pati ang lalaking kanyang kayapak.And capital! O! M! at G!Isa pang capital O!M! at G!Si Andy! Si Andy pala ang kayakap niya! Waaahhh!Paanong? Natutop ni Yolly ang kanyang bunganga. Oo nga pala. Naalala niya na nalaman niyang buntis siya kanina at namoblema siya kung paano sasabihin sa lahat. Nawawala siya sa kanyang sarili kaya siguro nang makita niya ang binata ay nahibang na siya.Pero bakit naman yakap agad? Naman, oh!“Okay ka na ba?" tanong ulit sa kanya ni Andy na may pag-aalala sa mukha.Lalo siyang nawala sa sarili. OMG ulit! OMG dahil niyakap niya ang heartthrob ng school nila! Niyakap niya ang crush ng campus! Halla ka! Bitay na 'to!"No! No! No!" hiyaw niya sa isip niya na pinunas-punas ang da
Nagligpit agad si Leandro sa mga gamit niya nang pumatak sa pambisig niyang orasan na tapos na ang oras ng duty niya. Buti na lang at dumating na ang kapalitan niya sa duty. Uuwi na siya, pero bago iyon ay naisip niyang dadaanan muna siya sa bahay nina Yolly.Antok na antok man siya ay hindi na siya makapaghintay na malaman kung buntis ba ang dalaga o hindi. Atat na siya na pormahan ang dalaga oras na hindi ito buntis. Hinding-hindi na siya magpapakatorpe."Una na ako, Pare," paalam niya sa kasamang si Max at agad sumakay sa kanyang motor.May hitsura naman siya. Guwapo siya. Ang totoo nga ay madaming nagka-crush sa kanya na mga estudyante. ‘Poging Kuya Guard’ nga ang tawag sa kanya ng ilan. Pero ewan ba niya bakit kay Yolly siya nagkagusto. Siguro nga tama ang kasabihan na LOVE IS BLIND.Nagsimula ang lahat noong inaapi-api si Yolly ng mga kapwa nito estudyante. Noong nakita niya ito unang duty pa lang niya sa Sanchi College ay kanyang tinulungan agad. Hanggang sa ipinagtanggol niya
"Nay?" Iyak nang iyak si Yolly sa may likod ni Leandro. Ngayon lang siya natakot ng ganoong katindi sa kanyang nanay. "'Yung Andy bang iyon ang ama?!" pasigaw na ulit na tanong ni Aling Yolanda sa dalawa. Galit na talaga ito. As in galit na galit na. "Siya ba ang ama?! Sumagot kayo! Isa!" Walang nagawa kundi ang tumango si Yolly at baka kung mapaano na naman ang nanay niya. Sobrang namumula na ang mukha nito at nanginginig. "Diyos ko." Stress si Aling Yolanda na hinawi ang mga buhok sa bandang noo nito. Mas nag-unahan naman sa pagpatak ang mga luha ni Yolly. Napasubsob na siya sa likod ni Leandro. Hirap ang kalooban niya na makita sa ganoong hitsura ang ina. Ayaw niyang saktan ang nanay niya sa ganitong sitwasyon. Ayaw niya. "Bakit ka nagpabuntis?! Bakit?! Hindi mo na naisip ang tatay mo na nagpapakahirap sa Saudi makapag-aral ka lang!” Napatutop sa dibdib si Aling Yolanda. Parang mawawalan na naman ito ng malay-tao, hirap na naman itong huminga. Lalong napaiyak pa si Yolly nang
"’Tay?" approach ni Andy sa byenan na lalaki na galing Saudi habang nagkakasayahan ang lahat dahil sa triplets baby. Idagdag pa ang pagpo-propose niya kay Yolly kanina.Nagkita na silang magbyenan at nagkakilala sa airport nang sunduin nila ito last week, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap. Hinayaan muna kasi niya sina Aling Yolanda at Yolly na masolo o makasama nila ang haligi ng tahanan nila at masulit ang muling pagkikita nilang magkakapamilya. Nagkamayan lang sila noon at nagngitian nang unang magkita."Oh, Andy, congrats, Anak. Tatlo agad." Akbay naman sa kanya ni Mang Lino. "Salamat at binigyan mo agad kami ng tatlong apo."Nahihiyang napahimas siya sa kanyang pisngi."Saka salamat dahil sa wakas ay ihaharap mo na ang anak ko sa altar. Noong nasa Saudi ako akala ko, eh, hindi kayo ang magkakatuluyan dahil ang gulo niyo. Hindi niyo alam pero updated ako sa inyo kahit nasa malayo ako,” nakatawang sabi pa ni Mang Lino."Pasensiya na po kayo, ‘Tay. Medyo naging ma
Panay ang sign of the cross ni Yolly sa banyo ng silid ni Andy at saka "Oh my God" niya. Kesye nemen unang gabi nila ni Andy na magsasama sa isang silid na maayos na ang lahat. Sa totoo lang gusto niya sana ay sa bahay muna nila siya uuwi kaso ayaw na ni Andy. Magkaka-baby na nga raw sila aarte pa ba raw sila?"Pano 'yan? Kailangan na ninyong magpakasal," sabi ng nanay niya kanina pero siya na rin ang tumutol."’Nay, ayoko naman pong mag-wedding gown na bundat ang tiyan.""Oo nga naman, balae. Antayin muna nating manganak si Yolly bago sila ikasal para mas maganda," sang-ayon ni Madam Angie."Opo. Handa naman po akong maghintay," sabi rin ni Andy na may mighty bond na yata ang kamay dahil hindi na matanggal ang pagkaka-holding hands nito sa kanya at paminsan-minsan ay akbay."Sabagay next year pa uuwi ang tatay mo, Yolly. Sige pagkatapos na lang ng panganganak mo," pumayag na ring saad ni Aling Yolanda.Nagkatinginan sila ni Andy tapos ay hinalikan ni Andy ang noo niya.At 'di na rin
"Diyos ko, Yolly!" Masayang-masaya si Madam Angie nang nakita nitong kasama ni Andy si Yolly na pumasok sa bahay. Halos mahulog pa ang ginang sa hagdan kamamadaling lapitan at yakapin ang dalagang ilang buwan nilang pinaghahanap. "Saan ka ba nagpuntang bata ka?! Tingnan mo nga 'yang hitsura mo bumalik na naman! Magpapa-salon tayo ngayon din!"Toinks!Umasim ang mukha nina Andy at Yolly na nagkatinginan. 'Yon agad talaga ang napansin? Seryoso?"Mom, pwede saka na 'yang salon-salon na 'yan. Kadarating lang ni Yolly, eh," saway ni Andy sa pasaway na namang ina.Nagkatinginan sina Madam Angie at Yolly. Nagkangitian at pagkuwa'y nagyakap."God, na-miss kitang bata ka.""Na-miss din po kita, Tita."Kumawala sa pagkakayakap si Madam Angie. "Kumusta ka? Are you okay?" Tuwang-tuwa si Madam Angie na sinipat-sipat at sinuri si Yolly sa buong katawan."Okay lang po ako, Tita.""Mabuti naman. Huwag ka nang aalis, ha? Halos mabaliw kami lahat kakahanap sa 'yo." Muling niyakap ng mayaman at napakaba
May galit na tinabig ni Andy ang bike na sinakyan ni Yolly. Aalma sana ang magbabalut dahil bike nito iyon pero kasi ay mabilis ang naging kilos ni Karen. Inabutan ng dalaga ito ng makakapal na tig-isang libong pera ang magbabalut. Nagningning ang mga mata ng magbabalut, palibhasa ay noon lang nakakita ng ganoon kakapal na pera."Sobra-sobra na 'yan na pambili mo ng bago mong bike, Kuya," nakangiting saad ni Karen. Kinindatan din niya ang magbabalut.Ngumiti na rin ang magbabalut. Tuwang-tuwa na kinuha ang pera at excited n binilang dahil ngayon lang ito nakahawak ng ganoong kadaming pera. 'Yung bike naman nito ay luma na kaya para rito ay sobra-sobra na ang binigay na pera ng dalaga.Sinenyasan ito ni Karen na manahimik na at manood na lang kina Andy at Yolly."Mag-usap tayo, Yolly," sa wakas ay mahina ngunit madiin nang basag ni Andy sa katahimikang namamagitan sa kanila ni Yolly.Ngunit si Yolly, parang nalulon na niya ang kanyang dila dahil hindi pa rin niya magawang magsalita. Na
"Andy, magpagaan ka naman! Ang bigat mo kaya!" Hirap na hirap si Karen sa pag-alalay kay Andy papasok ng bahay. Nguyngoy kasi talaga ang binata dahil sa kalasingan. Si Karen na ang nag-drive para rito dahil pati pagmamaneho ay hindi na kaya ni Andy. "Karen, nakita mo ba si Yolly?" Gayunman ay matino pa rin naman ang isip ni Andy pagdating sa babaeng minamahal niya. "Aissttt! Puro ka na lang Yolly! Wala na 'yon! Itinanan na ni Leandro!" Bigla na lang napatayo ng tuwid si Andy at tila ba nakalimutan niyang babae si Karen dahil kwinelyuhan niya ito. Gulat na gulat tuloy ang dalaga. "Don't you dare say that again! Dahil ako! Ako ang mahal ni Yolly hindi ang shokoy na iyon! Hindi siya sasama sa isang shokoy! Do you understand?!" Inis na tinabig ni Karen ang mga kamay ni Andy. "Nababaliw ka na talaga!" ta's singhal nito at sinampal ang binata. "Gumising ka sa katotohanan na hindi ang babaeng 'yon ang para sa 'yo!" Naniningkit ang mga matang tiningnan ni Andy si Karen. Subalit bigla na
As usual, parang magnanakaw si Yaya Chadeng na pumasok sa malaking bahay ng mga Pagdatu. Kasi naman, palinga-linga ito na papanhik habang dala-dala ang isang plastik bag. Pagkatapos ay kabilis na pumasok sa maid’s quarter."Heto. Hiniram ko pa 'yan sa kapitbahay natin na si Kiara. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa." Napaantada ang matanda na napatingala sa langit.Habang si Yolly ay napangiwi naman. "Kay Kiara po talaga?"Si Kiara kasi ay kapitbahay nila na namatay raw. Gosh!"Wala ka naman kasing ibang ka-size rito sa village na maisip ko maliban kay Kiara. Kung si Faith naman, eh, masyadong matangkad 'yon. Kung si Crisma maliit naman siya sa 'yo. At lalong hindi naman puwedeng pahiramin kita kaya pagtiisan mo na 'yan. Wala na talaga akong mahihiraman pa. Buti nga nandoon sa bahay nila 'yung lola ni Kiara, eh," paliwanag na sagot sa kanya ni Yaya Chadeng.Lalabi-labing binulalat niya ang plastic bag at kinilabutan siya na tinaas ang damit para sipatin kung maganda ba at kasya ba i
"Singsing ni Yolly 'to, ah?" Gulat na gulat si Madam Angie nang ipakita ni Andy rito ang bagay na nawala sa isip nila. "Where did you get it?""Sa parking, Mom. Ibinato sa 'kin ng pulubi. Siguro napulot niya kasi do'n din banda 'yung nabangga ko noon si Yolly. Baka nabitawan noon ni Yolly," sagot ni Andy sa ina. Naka-cross arms at cross legs siyang nakaupo sa couch sa opisina ng mommy niya."Ay, Diyos ko. Wala man lang nakaalala sa 'tin nitong singsing. Buti na lang at naibalik sa 'yo. Salamat sa pulubi na iyon. Dapat binigyan mo ng reward, Son.""Tumakbo na, eh.""Gano'n ba." Nalungkot si Madam Angie. Madamdaming tinitigan na nito ang singsing. "Nasa'n na kaya si Yolly? Sigurado, tuwang-tuwa sana siya kapag nakita niya ito ngayon."Nalungkot din si Andy. His eyes had the silence of pain, of torment… and anguish.Tama nga talaga ang kasabihan na saka mo lang mari-realize ang kahalagan ng isang tao kapag wala na ito sa piling mo. Kung malalaman lang sana ni Yolly ngayon na siya na ulit
"Uhmmp!" Napapikit nang mariin si Yolly at halos bumaon ang kanyang mga kuko sa likod ni Andy. Masakit kasi, masakit ang ginagawang pagpasok ni Andy sa kanyang napakasikip na kaloob-looban, kahit pa dahan-dahan iyon, masuyo at puno ng pagmamahal."Kaya mo ba?" pabulong na tanong ni Andy sa kanyang tenga. Tumigil muna sandali sa ginagawa nito dahil nakita at naramdaman nito ang kanyang paghihirap.Nagmulat si Yolly ng kanyang mga mata. May konting luha pa sa kanyang gilid ng mga mata na napatitig sa mas gumuwapo pa 'atang mukha ni Andy. Wet look ang peg!“Oo,” ngumiti siyang sumagot saka hinalikan ang mga labi ni Andy. Siya na ang kumilos dahil gusto niya matapos ang namamagitan sa kanila ngayon ng binata. Ayaw niyang maudlot pa ito. Gustong-gusto na niyang iparamdam kay Andy kung gaano na niya ito kamahal sa kabila ng madami niyang kasalanan. Na kahit sa paraan man lang na iyon ay makabayad siya.Magkadugtong ang mga labi nilang pinilit ang kagustuhan nilang maging isa ang katawan nil
Marahas na hinawakan ni Andy ang magkabilang-balikat ni Yolly. "Niloloko mo na naman ba ako, Yolly, huh?!" tapos ay nagngangalit ang mga ngipin niyang tanong. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa mga balikat ni Yolly."Answer me!" bulyaw na niya ng pagkalakas-lakas nang hindi pa rin naimik si Yolly. Ang dilim-dilim na rin ng mukha niya. Tumataas-baba ang dibdib niya sa matinding galit. Humihingal na siya at halos magsalubong ang mga kilay niya.Ngunit mga luha ang sinagot lamang sa kanya ni Yolly. Luha na nag-unahan sa pagpatak sa makinis na pisngi ng dalaga.Si Leandro ang akmang pipigil sa ginagawa ni Andy, ngunit pinigilan ito ni Yaya Chadeng. Takang-taka ang binata na napatingin sa matanda.“Hayaan mo silang mag-usap at lutasin ang problema nila,” pakiusap ni Yaya Chadeng.Napabuntong-hininga na lamang si Leandro nang ibalik niya ang tingin kina Andy at Yolly. Kay sakit para sa kanya na makitang nasasaktan ang babaeng mahal niya, subalit tama si Yaya Chadeng, hindi dapat siya