Salamat po sa pagbabasa ng story kong ito. Sana ay maging kaibigan ko rin po kayo sa F**cebook. AD SESA rin po ang name ko doon. See you.
"Ang mabuti pa ay umuwi ka na Cristine at sabihin mo sa mama mo ang kalagayan mo na 'yan. Dapat ay malaman 'yan ng mama mo," payo ni Aling Yolanda sa pamangkin. "Para hindi 'yung bigla na lang niya malalaman sa iba o sa ibang bagay na buntis ka," parinig din nito sa anak na si Yolly. "Mas masakit 'yon sa isang ina. Mas mabuti nang sa 'yo manggaling ang kalagayan mong 'yan.""'Nay, naman? Sasabihin ko naman sana sa 'yo kaso naunahan mo lang ako, eh," apila ni Yolly sabay yuko ng ulo. Natamaan siya, eh. Nakaramdam na naman siya ng matinding hiya sa nanay niya."Ano’ng ibig mong sabihin, Tita?" Nagtaka tuloy si Cristine sa kanila.Napahalukipkip si Aling Yolanda saka napabuntong-hininga. "Iyang pinsan mo. Parehas mo rin na buntis."Anong bilog ng mga mata ni Cristine na napatingin sa katabing si Yolly. "Weh? Buntis ka? 'Di nga?"Inirapan ni Yolly ang ina. Tsismosa talaga. Pero ano ba’ng magagawa niya sinabi na ng ina niya, eh? Tumango na lang siya sa pinsan."Talaga ba? Eh, sino’ng nakab
Maangas na tumayo si Andy at hinarap si Cindy. Tiningnan niya ito ng masama, as in masamang-masama. Pagkatapos ay nakabukol ang dila sa pisngi niya na inilapit ang mukha niya sa tainga nito saka bumulong."If you ever hurt someone here on campus, ako ang makakalaban mo. Don't dare me, Cindy, if you don't want me to forget that you're a woman."Hindi makapaniwalang napasinghap si Cindy. "Really, Andy? Magpapakagago ka dahil lang sa pangit na iyon?"Malademonyong ngumisi na lang siya rito. Ang mga kaklase naman nila ang hinarap niya, pero wala siyang sinabi. Tiningnan niya lang din ang mga ito ng masama, lalo na si Patrick na kaibigan pa naman niya. Naiinis siya dahil pati ito ay nakikisali sa walang kuwentang bagay."Dude?" tawag sa kanya ni Patrick nang nagpasya siyang huwag na lang um-attend ng klase. Nakapamulsa siya na umalis. Walang lingon-lingon.Sa hallway ay nakasalubong niya ang prof nila pero parang wala siyang nakita. Nababanas na siya sa lahat ng tao sa school na iyon. Laha
Takang-taka si Andy pagpasok niya sa campus nang araw na iyon. Ang lahat kasi ay parang ilag sa kanya at kung makatingin ay parang mga diring-diri sa kanya.“What the hell is happening again?” sa loob-loob niya. Mailap ang mga mata niya habang naglalakad. Nakikiramdam siya.Sobrang halata kasi na ibang-iba na naman ngayon ang ikinikilos ng mga kapwa niya estudyante. Kung noon ay puros paghanga sa kanya ang nakikita niya sa mga ito, ngayon ay parang lahat pangungutya. 'Yung bang ang mga tingin sa kanya ay kay dumi niya ngayon, tapos nagbubulungan at nagtatawanan pa sila.He couldn't help but check himself. At masasabi niyang okay naman. Bagay naman sa kanya ang outfit niya ngayon; a simple white t-shirt and denim pants.Sigurado siyang bagay sa kanya ang ganoong getup dahil lagi naman ganoon kasimple ang porma niya. Simpleng rugged ika nga.Napapailing siyang tumingin sa mga nagbubulungan, pero sa tuwing titingin siya ay iniiwas naman ng mga ito ang tingin sa kanya.Takang-taka na tala
"Andy, bitawan mo ako," piksi ni Yolly sa binata nang dire-diretso siyang hilahin nito papuntang parking lot ng Sanchi College."No! You will come with me!" ngunit matigas na sabi ni Andy."Ayoko!" Pumiglas siya. Marahas niyang binawi ang kanyang kamay."What's your f*ckin' problem?!" Pero nagulat siya nang bulyawan siya ni Andy. Madilim na madilim ang mukha ng binata. Halatang pigil na pigil nito ang matinding inis.Natigilan siya. Awang ang mga labi niyang napatitig sa guwapong mukha nito. Ngayon lang niya nakita na gano'n kagalit kasi ang binata. Nakakatakot pala."Ako ang ama niyan? Talaga lang, ha?" parang nang-uuyam na sabi at mabilis na sulyap ang ginawa ni Andy sa tiyan niya.Napasinghap siya. Parang binuhusan siya ng pagkalamig-lamig na tubig. Sa sinabi at ginawa na iyon ni Andy ay parang gustong magdilim ng kanyang paningin. Nakakaliit ng pagkatao. Ano’ng akala nito? Gumagawa siya ng kuwento lamang? Kapal!"Sure ka ba? Ako talaga?" sabi pa nito.Tiningnan niya ito nang pagka
"Naka-drugs ka ba?!" singhal ni Yolly sa binata. Hindi pa rin niya kasi maintindihan. Hindi ito ang inaasahan niyang gagawin ni Andy. Ang inasahan niya ay magagalit ito sa kanya, kamumuhian siya, at pagtataguan siya. Ang kaso ay kabaliktaran lahat dahil ito pala mismo ang lalapit sa nanay niya raw. Parang gusto niyang maloka.Kung iisiping mabuti kasi ay isang kagaguhan ang nais ni Andy na mangyari. Gawain ba 'to ng matinong pag-iisip ng isang lalaki? Hindi, 'di ba? Kaya alam niya, sigurado siya, malamang nga ay naka-dr*gs ang binata ngayon. Tumira ito kanina kaya ang isip ay parang ewan."What are you talking about?" Mas naging masama ang tingin sa kanya ni Andy."Hindi kasi normal ang ikinikilos mo. Baka kako tumira ka ng bato?"Napasinghap ng hangin si Andy."Alam mo ibaba mo na lang ako riyan tapos umuwi ka na at iuntog mo ang ulo mo sa pader niyo nang matauhan ka, okay? Tapos kapag hindi ka na naka-dr*gs ay saka tayo mag-usap. Sige na ibaba mo ako diyan sa tabi! Dali!"Kaso ay pa
"Sa tingin mo babalik pa ‘yon?” tanong na naman ni Aling Yolanda kay Yolly. Kung bibilangin mula kanina pang umalis si Andy para kumuha raw ng gamit sa bahay nila ay siguro mga pang-bente na ‘yun na tanong ng ginang. Panay rin ang silip nito sa bintana at labas ng bahay para i-check kung dumating na ang binata.Tumirik lang ang mga mata ni Yolly. Kampante lang siya na nanonood ng TV. Wala siyang pakialam kung babalik pa si Andy o hindi. Sana nga ay hindi na, eh, dahil kawawa lang talaga ang taong iyon kapag papatali ito sa gaya niyang panget."Matino naman iyon na kausap, 'di ba? 'Di ba, 'Nak?""Huwag na kasi kayong umasa dahil malamang nasa airport na 'yon, ‘Nay. Tatakas na ‘yon. If I know baka kunwari lang niya na pananagutan niya ako pero ang totoo ay tactic niya lang iyon para makatakas. Kung hindi naman, siguro habang nagda-drive siya pauwi, eh, nauntog kaya natauhan na.”Biglang batok sa anak si Aling Yolanda. "Ikaw, hindi ko alam kung nag-aral ka ba sa school niyo o natulog ka
Naalimpungatan si Yolly mula sa mababaw pa niyang pagkakatulog dahil sa mga boses na naririnig niya. Boses ng kanyang ina at isang hindi niya kilalang boses ng babae. At parang nag-aaway ang dalawa."Imposible na mabuntis ng anak ko ang anak mo! Alam ko na ang mga bagay na ganyan! If I know sinasabi niyo lang na ang anak ko ang nakabuntis sa anak mo pero ang totoo ay ibang lalaki ang nakabuntis sa kanya! Ang tawag 'don ay pamimikot!" malakas na boses ng babae. Pasigaw at halatang galit na galit."Ang kapal naman ng mukha mong sabihan 'yan sa anak ko! Ang sabihin mo ay g*go 'yang anak mo! Kung ayaw niyang panagutan ang anak ko! Dapat ay hindi niya ginalaw ang anak ko!" malakas na boses din ng kanyang nanay.Sa pagkakataong iyon ay kinabahan na si Yolly. Bumalikwas siya nang bangon. Agad isinuot ang salamin niya at dumadagundong ang puso niya sa matinding kaba na lumabas sa kanyang silid. Doon ay nakita niyang tama nga ang naisip niya. Para siyang naparalisa sa kanyang nakita.Ang nanay
"Umupo ka r’yan." Itinuro ni Yolly sa isang upuan sa kanilang kusina."Ano’ng gagawin mo?" nagtatakang tanong sa kanya ni Andy dahil hinila na lang niya ito basta-basta."Basta umupo ka."Alanganin man ay umupo na nga si Andy. Hawak-hawak pa rin nito ang pisnging nasampal.Pigil na pigil naman ni Yolly ang tawa. Nakakatawa talaga ang hitsura ni Andy. Para itong binugbog gayong nasampal lang naman."Subukan mong tumawa," banta sa kanya ng napapahiyang binata."Huwag ka ngang OA. Parang hindi ka lalaki, eh.""Eh, sa masakit nga. Ikaw kaya ang masampal nang ganoong kalutong? Nabingi pa nga yata ako.""Oo na. Kaya nga gagamutin natin para hindi mamaga." Kumuha na siya ng tube ice sa ref nang talikuran niya ito tapos ay isang face towel. Ibinalot niya roon ang mga yelo. "Bitawan mo na nga 'yan. Paano ko magagamot kung nandiyan 'yang kamay mo?"Dahan-dahan namang inalis ni Andy ang kamay nito sa pisngi. Kaso ay napabulanghit siya ng tawa nang makita niya ang namumulang pisngi ng binata. Kul
"’Tay?" approach ni Andy sa byenan na lalaki na galing Saudi habang nagkakasayahan ang lahat dahil sa triplets baby. Idagdag pa ang pagpo-propose niya kay Yolly kanina.Nagkita na silang magbyenan at nagkakilala sa airport nang sunduin nila ito last week, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap. Hinayaan muna kasi niya sina Aling Yolanda at Yolly na masolo o makasama nila ang haligi ng tahanan nila at masulit ang muling pagkikita nilang magkakapamilya. Nagkamayan lang sila noon at nagngitian nang unang magkita."Oh, Andy, congrats, Anak. Tatlo agad." Akbay naman sa kanya ni Mang Lino. "Salamat at binigyan mo agad kami ng tatlong apo."Nahihiyang napahimas siya sa kanyang pisngi."Saka salamat dahil sa wakas ay ihaharap mo na ang anak ko sa altar. Noong nasa Saudi ako akala ko, eh, hindi kayo ang magkakatuluyan dahil ang gulo niyo. Hindi niyo alam pero updated ako sa inyo kahit nasa malayo ako,” nakatawang sabi pa ni Mang Lino."Pasensiya na po kayo, ‘Tay. Medyo naging ma
Panay ang sign of the cross ni Yolly sa banyo ng silid ni Andy at saka "Oh my God" niya. Kesye nemen unang gabi nila ni Andy na magsasama sa isang silid na maayos na ang lahat. Sa totoo lang gusto niya sana ay sa bahay muna nila siya uuwi kaso ayaw na ni Andy. Magkaka-baby na nga raw sila aarte pa ba raw sila?"Pano 'yan? Kailangan na ninyong magpakasal," sabi ng nanay niya kanina pero siya na rin ang tumutol."’Nay, ayoko naman pong mag-wedding gown na bundat ang tiyan.""Oo nga naman, balae. Antayin muna nating manganak si Yolly bago sila ikasal para mas maganda," sang-ayon ni Madam Angie."Opo. Handa naman po akong maghintay," sabi rin ni Andy na may mighty bond na yata ang kamay dahil hindi na matanggal ang pagkaka-holding hands nito sa kanya at paminsan-minsan ay akbay."Sabagay next year pa uuwi ang tatay mo, Yolly. Sige pagkatapos na lang ng panganganak mo," pumayag na ring saad ni Aling Yolanda.Nagkatinginan sila ni Andy tapos ay hinalikan ni Andy ang noo niya.At 'di na rin
"Diyos ko, Yolly!" Masayang-masaya si Madam Angie nang nakita nitong kasama ni Andy si Yolly na pumasok sa bahay. Halos mahulog pa ang ginang sa hagdan kamamadaling lapitan at yakapin ang dalagang ilang buwan nilang pinaghahanap. "Saan ka ba nagpuntang bata ka?! Tingnan mo nga 'yang hitsura mo bumalik na naman! Magpapa-salon tayo ngayon din!"Toinks!Umasim ang mukha nina Andy at Yolly na nagkatinginan. 'Yon agad talaga ang napansin? Seryoso?"Mom, pwede saka na 'yang salon-salon na 'yan. Kadarating lang ni Yolly, eh," saway ni Andy sa pasaway na namang ina.Nagkatinginan sina Madam Angie at Yolly. Nagkangitian at pagkuwa'y nagyakap."God, na-miss kitang bata ka.""Na-miss din po kita, Tita."Kumawala sa pagkakayakap si Madam Angie. "Kumusta ka? Are you okay?" Tuwang-tuwa si Madam Angie na sinipat-sipat at sinuri si Yolly sa buong katawan."Okay lang po ako, Tita.""Mabuti naman. Huwag ka nang aalis, ha? Halos mabaliw kami lahat kakahanap sa 'yo." Muling niyakap ng mayaman at napakaba
May galit na tinabig ni Andy ang bike na sinakyan ni Yolly. Aalma sana ang magbabalut dahil bike nito iyon pero kasi ay mabilis ang naging kilos ni Karen. Inabutan ng dalaga ito ng makakapal na tig-isang libong pera ang magbabalut. Nagningning ang mga mata ng magbabalut, palibhasa ay noon lang nakakita ng ganoon kakapal na pera."Sobra-sobra na 'yan na pambili mo ng bago mong bike, Kuya," nakangiting saad ni Karen. Kinindatan din niya ang magbabalut.Ngumiti na rin ang magbabalut. Tuwang-tuwa na kinuha ang pera at excited n binilang dahil ngayon lang ito nakahawak ng ganoong kadaming pera. 'Yung bike naman nito ay luma na kaya para rito ay sobra-sobra na ang binigay na pera ng dalaga.Sinenyasan ito ni Karen na manahimik na at manood na lang kina Andy at Yolly."Mag-usap tayo, Yolly," sa wakas ay mahina ngunit madiin nang basag ni Andy sa katahimikang namamagitan sa kanila ni Yolly.Ngunit si Yolly, parang nalulon na niya ang kanyang dila dahil hindi pa rin niya magawang magsalita. Na
"Andy, magpagaan ka naman! Ang bigat mo kaya!" Hirap na hirap si Karen sa pag-alalay kay Andy papasok ng bahay. Nguyngoy kasi talaga ang binata dahil sa kalasingan. Si Karen na ang nag-drive para rito dahil pati pagmamaneho ay hindi na kaya ni Andy. "Karen, nakita mo ba si Yolly?" Gayunman ay matino pa rin naman ang isip ni Andy pagdating sa babaeng minamahal niya. "Aissttt! Puro ka na lang Yolly! Wala na 'yon! Itinanan na ni Leandro!" Bigla na lang napatayo ng tuwid si Andy at tila ba nakalimutan niyang babae si Karen dahil kwinelyuhan niya ito. Gulat na gulat tuloy ang dalaga. "Don't you dare say that again! Dahil ako! Ako ang mahal ni Yolly hindi ang shokoy na iyon! Hindi siya sasama sa isang shokoy! Do you understand?!" Inis na tinabig ni Karen ang mga kamay ni Andy. "Nababaliw ka na talaga!" ta's singhal nito at sinampal ang binata. "Gumising ka sa katotohanan na hindi ang babaeng 'yon ang para sa 'yo!" Naniningkit ang mga matang tiningnan ni Andy si Karen. Subalit bigla na
As usual, parang magnanakaw si Yaya Chadeng na pumasok sa malaking bahay ng mga Pagdatu. Kasi naman, palinga-linga ito na papanhik habang dala-dala ang isang plastik bag. Pagkatapos ay kabilis na pumasok sa maid’s quarter."Heto. Hiniram ko pa 'yan sa kapitbahay natin na si Kiara. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa." Napaantada ang matanda na napatingala sa langit.Habang si Yolly ay napangiwi naman. "Kay Kiara po talaga?"Si Kiara kasi ay kapitbahay nila na namatay raw. Gosh!"Wala ka naman kasing ibang ka-size rito sa village na maisip ko maliban kay Kiara. Kung si Faith naman, eh, masyadong matangkad 'yon. Kung si Crisma maliit naman siya sa 'yo. At lalong hindi naman puwedeng pahiramin kita kaya pagtiisan mo na 'yan. Wala na talaga akong mahihiraman pa. Buti nga nandoon sa bahay nila 'yung lola ni Kiara, eh," paliwanag na sagot sa kanya ni Yaya Chadeng.Lalabi-labing binulalat niya ang plastic bag at kinilabutan siya na tinaas ang damit para sipatin kung maganda ba at kasya ba i
"Singsing ni Yolly 'to, ah?" Gulat na gulat si Madam Angie nang ipakita ni Andy rito ang bagay na nawala sa isip nila. "Where did you get it?""Sa parking, Mom. Ibinato sa 'kin ng pulubi. Siguro napulot niya kasi do'n din banda 'yung nabangga ko noon si Yolly. Baka nabitawan noon ni Yolly," sagot ni Andy sa ina. Naka-cross arms at cross legs siyang nakaupo sa couch sa opisina ng mommy niya."Ay, Diyos ko. Wala man lang nakaalala sa 'tin nitong singsing. Buti na lang at naibalik sa 'yo. Salamat sa pulubi na iyon. Dapat binigyan mo ng reward, Son.""Tumakbo na, eh.""Gano'n ba." Nalungkot si Madam Angie. Madamdaming tinitigan na nito ang singsing. "Nasa'n na kaya si Yolly? Sigurado, tuwang-tuwa sana siya kapag nakita niya ito ngayon."Nalungkot din si Andy. His eyes had the silence of pain, of torment… and anguish.Tama nga talaga ang kasabihan na saka mo lang mari-realize ang kahalagan ng isang tao kapag wala na ito sa piling mo. Kung malalaman lang sana ni Yolly ngayon na siya na ulit
"Uhmmp!" Napapikit nang mariin si Yolly at halos bumaon ang kanyang mga kuko sa likod ni Andy. Masakit kasi, masakit ang ginagawang pagpasok ni Andy sa kanyang napakasikip na kaloob-looban, kahit pa dahan-dahan iyon, masuyo at puno ng pagmamahal."Kaya mo ba?" pabulong na tanong ni Andy sa kanyang tenga. Tumigil muna sandali sa ginagawa nito dahil nakita at naramdaman nito ang kanyang paghihirap.Nagmulat si Yolly ng kanyang mga mata. May konting luha pa sa kanyang gilid ng mga mata na napatitig sa mas gumuwapo pa 'atang mukha ni Andy. Wet look ang peg!“Oo,” ngumiti siyang sumagot saka hinalikan ang mga labi ni Andy. Siya na ang kumilos dahil gusto niya matapos ang namamagitan sa kanila ngayon ng binata. Ayaw niyang maudlot pa ito. Gustong-gusto na niyang iparamdam kay Andy kung gaano na niya ito kamahal sa kabila ng madami niyang kasalanan. Na kahit sa paraan man lang na iyon ay makabayad siya.Magkadugtong ang mga labi nilang pinilit ang kagustuhan nilang maging isa ang katawan nil
Marahas na hinawakan ni Andy ang magkabilang-balikat ni Yolly. "Niloloko mo na naman ba ako, Yolly, huh?!" tapos ay nagngangalit ang mga ngipin niyang tanong. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa mga balikat ni Yolly."Answer me!" bulyaw na niya ng pagkalakas-lakas nang hindi pa rin naimik si Yolly. Ang dilim-dilim na rin ng mukha niya. Tumataas-baba ang dibdib niya sa matinding galit. Humihingal na siya at halos magsalubong ang mga kilay niya.Ngunit mga luha ang sinagot lamang sa kanya ni Yolly. Luha na nag-unahan sa pagpatak sa makinis na pisngi ng dalaga.Si Leandro ang akmang pipigil sa ginagawa ni Andy, ngunit pinigilan ito ni Yaya Chadeng. Takang-taka ang binata na napatingin sa matanda.“Hayaan mo silang mag-usap at lutasin ang problema nila,” pakiusap ni Yaya Chadeng.Napabuntong-hininga na lamang si Leandro nang ibalik niya ang tingin kina Andy at Yolly. Kay sakit para sa kanya na makitang nasasaktan ang babaeng mahal niya, subalit tama si Yaya Chadeng, hindi dapat siya