“What’s wrong?” nag-aalalang tanong ni Lucas sa kaniya nang makita siya nitong umiiyak.“Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon din dahil ang sabi ni Tito Alex ay bigla na lamang daw nawalan ng malay si lolo at bumagsak sa sahig. Isinugod raw ito sa ospital at kasalukuyang nasa emergency room.” sagot niya na halos manginig.Matanda na ito at nito ngang mga nakaraang mga araw ay hindi na maganda ang lagay ng kalusugan nito. Hindi niya tuloy alam kung maayos pa ba itong makakalabas ng emergency room. Natatakot siya sa pwedeng mangyari rito. Natatakot siya na baka, na baka…Nahila siya mula sa kanyang pag-iisip nang mapansin niya na hindi pa rin pala gumagalaw ang kotse. Mabilis niyang nilingon ito. “Ano pang ginagawa mo Lucas? Tara na sa ospital.” galit na sabi niya rito at halos mag-isang linya ang kilay niya.…Napahigpit ang hawak ni Lucas sa manibela at kalmado pa ring nakaupo doon. Kung si Annie ay sobrang kinakabahan siya ay hindi. Nilingon niya ito. “Annie don’t worry. Sigura
Walang nagawa si Annie kundi ang mapaiyak nang marinig niya ang sinabi ng kanyang biyenan. Kung hindi pa ito ang nagsabi sa kanila ng tungkol sa bagay na iyon ay tiyak na hindi siya maniniwala sa balitang iyon dahil napaka-imposible.Paanong ang napakasiglang matanda at laging nakangiti sa kaniya tuwing magkikita sila ay magkakaroon ng ganuong klaseng sakit? At nang malaman nila ang tungkol doon ay nasa malalang stage na ito. Bakit? Hindi niya maiwasang mapatanong sa kanyang isip.Bakit ngayon lang nila nalaman? Bakit mas pinili nilang itago iyon sa kanila?…“Hindi… hindi ito totoo.” napailing si Lucas at pagkatapos ay napatitig sa kanyang ama na nangingilid na ang luha. “Hindi ako naniniwala sayo, nagsisinungaling lang kayo.” sabi niya rito napakagat-labi siya. “Simula bata ako ay napakahilig ni lolong lokohin akong may sakita siya para sumunod ako sa kaniya. Pwedeng ngayon ay ganun din, diba? Alam kong alam niyo rin na ayaw niyang maghiwalay kami ni Annie at handa akong mangako sa
Hindi nila alam kung gaano sila katagal naghintay hanggang sa tuluyang mamatay ang ilaw sa loob ng emergency room at kasunod nito ay bumukas ang pinto at lumabas doon ang doktor. Mabilis silang nagsilapitan rito.“Doc kumusta na ang lolo ko?” kaagad na tanong ni Lucas rito.Sa halos araw-araw nilang magkasama ni Lucas ay palagi itong kalamado ngunit sa mga oras na iyon ay iyon pa lamang ang unang beses na nanginig ang boses nito. Mugto na ang mga mata ni Annie dahil sa tuloy-tuloy na pag-iyak. Lahat sila ay pare-parehong naghintay ng sasabihin sa kanila ng doktor.Hanggang sa nagsalita na nga ito na halos ikapanghina nila pare-pareho. Hinubad nito ang suot nitong face mask at malungkot na tumingin sa kanila. “Pasensiya na po pero ang ginawa na po talaga namin ang lahat ng aming makakaya. Hindi na siya magtatagal at gusto kong magpaalam na kayo sa kaniya habang may oras pa.” sabi nito sa kaniya.Biglang nanghina si Annie ng marinig niya ang sinabi ng doktor at hindi niya maiwasang hind
Pagkalabas na pagkalabas lang nila ay bigla na lamang niyang nakita ang isang taong hindi niya gustong makita. Mabilis itong nakalapit sa kanila habang nakaupo sa wheelchair nito katulad ng dati. Bakas sa mukha nito ang pag-aaalala.Puno ng pawis ang mukha ni Lucas kaya malakas ang kutob ni Trisha na may hindi magandang nangyari sa lolo nito.“Lucas kamusta si lolo? Nang matanggap ko ang balita ay kaagad akong nagpunta rito.” sabi nito.Agad na nagsalubong ang mga kilay niya. “Paano mo nalaman na isinugod sa rito sa ospital si lolo?” tanong niya kaagad rito at pagkatapos ay sinulyapan din niya si Lucas.Mabilis na sumagot si Trisha sa kaniya dahil sa pagsulyap niya kay Lucas. “Annie mali ang iniisip mo. hindi si Lucas ang nagsabi sa akin kundi isang kakilala rito sa ospital.” mabilis nitong pagpapaliwanag sa kaniya.“Talaga?” matalim niyang tiningnan ito.Mabilis naman na sumagot si Lucas sa kaniya. “Sa tingin mo ba mahaharap ko pang sabihin sa kaniya?” inis na tanong nito sa kaniya k
Bahagyang natigilan si Lucas dahil sa tanong ng kanyang lolo ngunit sa huli ay tumango siya. “Opo lolo.” sagot niya rito at pagkatapos ay napahigpit ng hawak sa kamay nito. “Pinapangako po iyon sa inyo lolo.” dagdag pa niyang sabi rito.Agad na gumuhit ang ngiti sa labi nito pagkatapos. “Mabuti naman kung ganun.” sabi niti sa kaniya. “Mapapanatag na ang loob ko kung ganuon.” malalim na humugot ito ng hininga. “Gusto kong makausap ang apo ko.” sabi nito sa kaniya kaya mabilis siyang tumango rito at pagkatapos ay hinalikan niya muna ang noo nito bago tuluyang lumabas ng silid upang tawagin si Annie.…Nang lumabas si Lucas ay agad na napatayo siya at sinalubong ito. Tumingin ito sa kaniya. “Hinahanap ka ni lolo.” sabi nito sa kaniya.Sa kanilang lahat ay siya ang pinakahuling tinawag nito. Tinanguan niya ito at pagkatapos ay naglakad papasok ng silid ngunit nanduon pa lang siya sa tapat ng pinto ay nahulog na ang luha niya sa kanyang mga mata kaya mabilis siyang pinunasan iyon.Alam niy
“Oo.” sagot nito at pagkatapos ay tila lumipad ang isip nito. “Mahal na mahal na mahal na mahal.” sagot nito at pagkatapos ay tumitig sa kaniya. “Katulad mo rin si lolo na nagmamahal at namimiss ko na ang lola. Ngayon ay sobrang saya ko dahil malapit ko na siyang makasama ulit.” bulong nito. Pagkasabi nito ay bigla na lamang bumigat ang mga paghinga nito kaya mabilis siyang nagsalin ng tubig sa baso at ipinainom rito. Pagkatapos nitong inumin ang tubig ay pumikit ito. Napatitig si Annie sa nakapikit nitong mga mata at hindi niya maiwasang hindi makaramdaman ng takot ngunit hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita. Tumayo lamang siya sa tabi nito at tahimik na nakamasid. Ilang minuto pa ang nakalipas at dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata ng matanda at nahihirapang bumulong sa kaniya. “Hija may iniwan akong susi para sayo at gamitin mo ang susing iyon para buksan ang pangalawang drawer sa aking silid. May iniwan akong sulat para sayo dahil hindi ko na kayang sabihin pa
Isang araw lamang ang ginawang burol ng kanilang lolo at nang araw na iyon ay libing na nito. Nang araw na iyon ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Nakasuot siya ng kulay itim na damit na may nakalagay na kulay puting bulaklak sa side nito at pagkataposa y may hawak siyang kulay itim na payong habang nakatayo kasama ng iba.Sabi ng kanyang lolo ay huwag siyang umiyak at bilang isang masunurin na apo ay hindi nga talaga siya umiyak. Bumuhos ang napakalakas na ulan na tila ba maging ito ay nagluluksa sa pagkawala ng kanilang lolo. Habang pinapanuod niya ang pagpatak ng ulan sa lupa ay bigla niyang naisip ang kanyang lolo na nakangiti sa kaniya.At pagkatapos ay sinabi nito na, ‘hija huwag kag umiyak. Gusto kong makita ka lagi na nakangiti dahil ikaw ang pinakamaganda sa lahat’.Kaya naman pinigil niya ang sarili na hindi umiyak habang inililibing ito hanggang sa tuluyan na ngang umalis ang mga taong nakiramay sa kanilang pamilya at sila-sila na lamang ang natira doon. Mabilis siyang nag
Habang nakasakay sila sa kotse ay mas lalo pang naramdaman ni Annie ang pananakit ng kanyang tiyan. Bago pa man sila sumakay kanina sa kotse ay binilinan na ni Lucas si Kian na painitin na ang loob ng kotse upang kahit papano ay mabawasan man lang ang ginaw na nararamdaman nilang dalawa.Ngunit kahit na nga mainit na ay hindi pa rin magawang mapalagay ni Annie dahil patuloy pa rin ang pagsakit ng tiyan niya. Kaya niyang tiisin ang sakit ngunit hindi niya maiwasang hindi mag-alala sa sanggol dahil baka kung ano ang mangyari rito.Dahil sa naisip niyang iyon ay umahon ang takot sa dibdib niya at hindi lang basta takot kundi takot na takot siya.“Lucas gutso kong dalhin mo ako sa ospital ngayon na.” sabi niya rito.Agad naman itong tumingin sa kaniya at mabilis na tumango. “Sige. huwag ka ng mag-alala, dadalhin kita kaagad sa ospital.” sabi nito at pagkatapos ay inabot ang kamay niya at marahang pinisil. “Matulog kana muna at gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo sa ospital.”