Kinaumagahan ay inimpake na ni Annie ang kanyang mga gamit at nagpaalam sa kanyang biyenan at sa kanilang lolo na gusto na niyang umuwi sa bahay nila ni Lucas. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata ng matanda nang magpaalam siya at sa totoo lang ay halos nalungkot din siya.Ngunit alam niya na ang relasyon nila ni Lucas ay tuluyan nang nanlalamig. Nagawa niyang magpanggap na okay lang sila nitong mga nakaraang araw pero habang dumadaan ang araw ay hindi na niya kayang itago pa sa mga ito.Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang sumakay sa kotse habang ipinagmamaneho siya ng isang driver ng pamilya. Pagdating niya sa sentro ng siyudad ay kaagad niyang sinabi sa driver na ibaba na lamang siya doon.Agad naman na nag-alinlangan ang driver. “Pero ma’am ang sabi ni Sir ay ihatid ko kayo hanggang sa bahay ninyo.” sabi nito.Agad niya rin naman sinagot ito. “Susunduin ako rito ng driver namin huwag kang mag-alala.” sabi niya rito at pagkasabi nun ay bumaba na sa kotse si Annie. Sa malapi
Hindi maiwasan ni Annie na tumingin sa kanilang dinadaan, ang mga estudyanteng naglalakad, ang mga naglalako sa tabi ng daan at may mangilan-ngilang mga tao na naglalakad sa gilid mismo ng daan. Maging ang mga nakamotor ay hindi rin napalampas ng kanyang paningin.Habang pinapanuod ang mga ito ay hindi niya maiwasang isipin ang magiging buhay niya pagkatapos niyang umalis sa puder ni Lucas. Siguro ay magiging ganun din ang buhay niya sa mga ito, siguro nga ay iyon talaga ang buhay na nababagay sa kaniya.Kung hindi lang naman talaga dahil iniligtas ng kanyang ina ang Daddy at lolo ni Lucas ay tiyak na wala talaga siya ngayon sa pamilya Montenegro, baka kung sakali ay hindi siya nakasal kay Lucas. Siguro pagkatapos niyang makapagtapos ay magiging isa lang siyang ordinaryong mamamayan at hahanap ng trabaho at pag nakanap naman ay araw-araw siyang maghihintay ng sasakyan papunta sa kanyang trabaho at pauwi.Ngunit kung hindi nangyari iyon ay hindi sana niya nakilala si Lucas, hindi sigur
Napasigaw ang lalaking hawak-hawak ni Greg nang mas hilahin niya pa lalo ang mga kamay nito. “Nasaan ang ninakaw mong hikaw?” malamig na tanong niya rito.“Wala akong alam sa sinasabi mo! Bitiwan mo ako!” pagmamatigas ng lalaki sa kaniya.Mas hinila niya pa ang kamay nito at narinig niya ang pagda*ng nito dahil sa sakit. “Ilabas mo na dahil ayoko ng paulit-ulit. Huwag mong hinataying baliin ko pa itong kamay mo bago mo pa ilabas ang ninakaw mo.” sabi niya rito at sinamaan ito ng tingin.“Ibibigay ko na. Ibibigay ko na…” sumusukong sabi nito. Pagkatapos niyang marinig ito ay bahagya niyang niluwagan ng kaunti ang pagkakahawak sa kamay nito hanggang sa tuluyan niyang binitawan ang isang kamay nito ngunit nakadagan pa rin siya sa likuran nito.Ilang sandali pa ay inabot na sa kaniya nito ang isang hikaw. Nang mailagay nito sa kanyang kamay ang hikaw ay sinenyasan niya ang isa sa mga kasamahan niya na posasan na ang lalaki at pagkatapos ay tumayo na siya. Akmang ibibigay na sana niya ang
Nanlaki ang mga mata ni Annie nang marinig niya ang sinabi nito. “What?” salubong ang kilay niyang tanong rito dahil baka mali lang siya ng narinig.Ngunit bago pa man siya makapagtanong ulit ay mabilis siya nitong hinila palapit sa kotse at pagkatapos ay sapilitang pinasakay doon. Pagkasakay niya ay hindi pa rin siya makapagsalita dahil naguguluhan pa rin siya hanggang sa mga oras na iyon.Ilang sandali pa ay nakita niya mula sa rearview mirror ng sasakyan na sinulyapan siya ng driver ng kotse at pagkatapos ay ngumiti. Nilingon niya ang sumakay sa tabi nito. “Boss parang ang dami mong dapat ikwento sa akin ah. Ito na ba ang magiging hipag ko?” tukso nito sa katabi nito.“Magmaneho ka na nga lang. Masyado kang maraming sinasabi.” inis naman na sagot nito rito.Mas lalo lamang lumawak ang pagkakangiti nito at pagkatapos ay muli siyang sinulyapan bago nito pinaandar ang kotse.Ilang sandali pa nga ay tuluyan na siyang nakabawi mula sa pagkakagulat niya at pagkatapos ay nilingon ang lal
Pagkatapos ipa-check ni Annie ang kanyang tenga at makainom ng gamot ay kaagad siyang tumawag sa kanilang driver na sunduin siya doon. Isa pa ay mabuti na lamang at dala niya ang ilang card niya kaya hindi na niya pinroblema pa ang pambayad sa doktor. Idagdag pa na naki-charge pa siya doon para lamang makatawag sa bahay nila.Pagdating ni Annie sa kanilang bahay ay madilim na sa labas. Agad siyang dumiretso sa kanilang silid at pagbukas niya ng pinto ay sumalubong sa kaniya ang madilim na silid. Hindi pa nakasindi ang mga ilaw kaya tama ang hinala niya na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin umuuwi si Lucas doon.Pumasok siya at binuksan ang mga ilaw. Sa loob ng tatlong araw pagkatapos nitong umalis nang gabing iyon ay hindi man lang sila nakapag-usap na dalawa. Walang tawag o ni kahit isang text man lang galing rito. Dahil nga lowbat pa rin ang kanyang cellphone ay naisipan niyang i-charge na muna ito hanggang sa pagkasaksak na pagkasaksak niya pa lamang ay kaagad itong tumun
Pagdating nila sa ikalimang palapag ay hindi mapigilan ni Kian na hindi mapatitig sa nasa kanyang unahan na tila walang kapagod-pagod sa pamimili. Sa totoo lang ay medyo nahihirapan na siyang bitbitin ang mga pinamili nito at sumasakit na rin ang kanyang mga paa dahil sa kakalakad.Bigla tuloy niyang naalala na hindi naman ito ganuon noon. Hindi ito namimili ng katulad ngayon dahil napakatipid nito. Isa pa ay hindi ito bumibili ng mga bagay na sobrang mahal pero ngayon ay wala itong pakialam kung magkano ang presyo ng mga pinapamili nito at hindi niya maiwasang hindi mapasabi sa kanyang sarili na tila hindi ito normal ngayon.Napatigil siya sa kanyang paglalakad nang bigla na lamang din itong tumigil sa paglalakad at humarap sa kaniya. “Kailangan pa nating mamili sa ikalimang palapag.” sabi nito sa kaniya.Napatango na lamang siya at hindi sumagot rito. Sa totoo lang ay pagod na talaga siya at gustong-gusto na niyang ipahinga ang kanyang mga paa ngunit syempre ay hindi niya iyon pwed
Pagkalabas na pagkalabas ni Annie sa banyo at biglang umayos ng tayo si Lucas at pagkatapos ay nilapitan siya.“You look pale Annie. May sakit ka ba?” tanong nito sa kaniya.“Wala.” mabilis siyang sagot rito pagkatapos ay nilampasan na ito ngunit nagulat siya nang bigla na lamang hinawakan ni Lucas ang kanyang kamay upang pigilan siya sa paglalakad.“Tingnan mo nga yang sarili mo, napakaputla mo. huwag ka ng magmatigas pa at kailangan mong magpatingin sa doktor.” sabi nito sa kaniya.Hinila niya ang kamay niya mula rito at pagkatapos ay nagsalita. “Sinabi ko na sayo, wala akong sakit kaya hindi ko na kailangan pang magpacheck sa doktor.” sabi niya at muling tinalikuran ito ngunit mas naging mabilis ang mga kamay nito at muli siya nitong hinawakan sa kamay at hinila sa sulok.Kaagad siya nitong isinalya sa pader ngunit hindi naman masakit at pagkatapos ay iniharang nito ang dalawang kamay sa magkabila niyang side kaya hindi siya makagalaw.“Ano bang ginagawa mo Lucas ha?!” galit na sab
Nang malapit nang dumampi ang kanyang mga labi sa labi ni Lucas ay bigla na lamang sila pareho nakarinig ng lagapak kaya natigil din siya. Paglingon siya sa kanyang side ay nakita niyang nasa sahig na si Trisha at nahulog na mula sa wheelchair nito.Bigla siyang tiningnan ni Lucas. “Uuwi ako mamayang gabi, doon na lang tayo mag-usap sa bahay.” sabi nito bago ito nagtatakbo palapit sa babaeng mahal nito.“Anong nararamdaman mo? Okay ka lang?” sunod-sunod na tanong nito habang binubuhat nito ito pabalik sa wheelchair nito.Bigla naman niyang nakita ang pag-arte ni Trisha na may paiiyak-iyak pa. “Ang-ang sakit ng paa ko.” sabi nito at pagkatapos ay marahang hinaplos ang paa.Pagkatapos nitong maiupo si Trisha ay ito naman ang umupo sa harap nito at marahang minasahe ang bukong-bukong nito. Wala siyang nakagawa kundi ang mapairap na lamang mula sa kanyang kinatatayuan. Napakuyom din ang kanyang mga kamay habang pinapanuod niya si Lucas habang alalang-alala kay Trisha.Mukhang mahal na mah
Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu
Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag
Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin
“Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal
Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya
“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon
Sa kabilang banda, pag uwi ni Reid sa bahay nila ay naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina. “Anak, ano nakagawa ka ba ng paraan? Sinabi ko na sa tatay mo pero wala lang siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya. Malamig ang mukha ni Reid na sinulyapan niya ito at pagkatapos ay seryosong nagsalita. “Ma may tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ni Annie na kinidnap mo siya at binantaan? Wala akong alam doon.” sabi ni Reid rito.Dahil sa wala na ngang choice si Veron ay sinabi na niya nag totoo rito. “Anak, ang totoo ay hindi sinasadya ni Mommy at hindi naman grabeng kidnapping iyon at isa pa ay inimbitahan ko lang siya na magkape at hiniling ko sa kaniya na huwag niyang pakasalan si Lucas at ikaw ang pakasalan niya.” sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay hindi naman makapagsalita si Reid. hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang ina at hindi nagsalita ng ilang sandali. Pagkaraan ng mahabang pananahimik ay huminga siya ng malalim at walang magawa
“Mangarap ka hanggang gusto mo.” malamig na sabi ni Lian bago tuluyang umalis doon.Samantala, si Veron naman ay itinali ng mga tauhan ni Lian bago sila umalis at hinayaan lang sa sahig. Nasa palabas na sila nang bahay nang makasalubong ni Lian si Reid, ang bastardo ni Alejandro.Nang makita sila nito ay nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa kanila. “Anong ginawa mo sa Mommy ko?” tanong nito sa kaniya.Malamig naman siyang sinulyapan ni Lian. “kung ayaw mong mamatay ang nanay mo ay payo ko sayo na huwag na huwag mo na siyang hayaan pang gumawa ng ikasisira ng pamilya namin. Lubayan niyo kami at siguruhin mo na hinding-hindi ko na kayo makikita pa dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa lalo na sa ina mo.” malamig na sabi ni Lian at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.Napasunod si Reid sa likod nito at habang nakakuyom ang kanyang mga kamao at kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan. Nang maalala niya ang tungkol sa kanyang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa
Nang dumating si Lian sa villa ay wala ni isa sa mga tauhan ni Lucas ang umalis at nanatili silang lahat doon at hinihintay siya. Pagdating niya sa loob ay agad niyang nakita si Veron. Ito ay nakatali sa makapal na lubid at nakahiga ito sa may sahig na punong-puno ng kahihiyan.Nang makita niya si Lian na pumasok ay aaminin niya na natakot siya bigla.Walang balak na makipag-usap si Lian rito kaya direkta niya itong tiningnan ata pagkatapos ay nilapitan. “Veron hindi mo alam kung paano ako magalit. Hindi ako mahilig makipag-usap, isa pa ay nasaan ang original na kopya ng video.” tanong niya rito.“Wala na, sinira ng anak mo ang laptop kung nasaan ang original na video.” sabi nito ngunit ang mukha nitong nakakaawa habang sinasabi iyon ay hindi pwedeng linlangin si Lian.Dahil sa sinabi nito ay tinapakan niya ang kamay nito na nasa sahig. “Ako na ang nagsasabi sayo na huwag kang magsinungaling sa akin kung ayaw mo na mas malala pa ang gawin ko sayo.” sabi ni Lian rito at diniinan ang ka