Bukas na lang po yung karugtong hindi ko po natapos XD
Bago pa man matapos ng babae ang pagsasalita ay mabilis na ibinagsak ni Lucas ang mga kubyertos na hawak nito kaya natigil ito sa pagsasalita at nakita niya ang masamang tingin na ipinukol nito sa babae na tila ba kutsilyo. Kung nakamamatay lamang ang tingin ay tiyak na kanina pa nakahandusay ang babae sa sahig at duguan.Nagresulta ng malakas na tunog ang ginawang pagbagsak ni Lucas ng kubyertos sa lamesa kung saan ang lahat ay naging tahimik. Maging ang babaeng nakamata lang ay hindi nagawang magsalita. Ilang sandali pa ay dahan-dahang tumayo si Lucas mula sa kinauupuan nito at itinaas ang kamay at itinuro ang dalawang babaeng magkatabi.“Paalisin niyo ang dalawang yan dito ngayon din!” malamig at punong-puno ng awtorisasyon ang tinig nito.Napadako ang tingin niya sa dalawang babae. “A-ano?” nauutal na tanong ng babaeng nagtulak sa kaniya sa pool at bakas sa mukha nito ang hindi makapaniwala dahil sa narinig nito.…Nanlalaki ang mga mata ni Cathy habang nakatingin sa kanyang pinsa
Hinila niya ang kanyang braso mula rito at pagkatapos ay tiningnan ito. “Tama ka, ilang taon din kitang laging nakikita at nakaka-bonding pa kung minsan at isa pa ay kailangan kong kilalanin ang mga kamag-anak ng asawa ko kaya lang,” tumigil siya sandali at pagkatapos ay sumulyap sa anak nito. “Naisip niyo ba ng anak mo kung sino ang inalipusta niya kanina?” tanong niya rito.Hindi ito nagsalita kaya nagpatuloy siya. “Nung tinawanan niyo ang asawa ni Lucas ay parang tinawanan niyo na rin si Lucas mismo at maging ako.” sabi niya sa mga ito.Kung sana ay sumunod na lamang ang mga ito sa mga bodyguards at tahimik na sumunod ay hindi na niya kailangan pang ipahiya ang mga ito sa harap ng mga tao pero sadyang matigas ang mukha ng mga ito kaya wala siyang pagpipilian.Biglang na lamang itinulak ni Cathy ang isa sa mga bodyguards na nasa likod nit at pagkatapos ay nagtatakbo patungo sa harap ng kanilang Papa at pagkatapos ay lumuhod.“Lolo please, huwag niyo itong gawin sa amin. I’m begging
Pagkatapos ng napaka-busy na araw sa wakas ay nakabalik na rin muli si Annie sa kanilang silid para makapagpahinga pagkatapos na pagkatapos ng hapunan. Nang mga oras na iyon ay ramdam niya ang kanyang pagod sa maghapon pati na rin ang antok niya pero kailangan niya munang maligo bago man siya matulog. Kaaagad siyang dumiretso sa banyo upang maligo.NAPAKUNOT ang noo ni Lucas nang makarinig ng katok sa pint habang nakahiga siya sa kama samantalang si Annie naman ay nasa banyo para maligo. Kaagad siyang tumayo upang buksan ang pinto at kamuntikan pa siyang masubsob dahil medyo nahihilo siya sa dami ng nainom niya kanina.Pagbukas niya ng pinto ay kaagad niyang nakita ang kanyang Tita Alex na nakatayo sa labas ng pinto at may hawak na tray na may dalawang tasa na nakapatong doon. “Lucas ipinapabigay ito ng Mommy ninyo, siya raw ang nagtimpla nito para sa inyo ni Annie. Itong tsaa ay kay Annie at ito namang kape ay sayo dahil para daw kahit papano ay mabawasan ang kalasingan ninyo dahil a
Napalunok siya nang hindi sinasadyang mapatitig siya sa mga abs nito at kahit sino naman sigurong babae ang makakakita doon ay maglalaway. Bukod na nga sa gwapo na ito ay napakaganda pa ng pangangatawan nito kaya kung sakali man ay sino ba naman ang tatanggi sa katulad nito?Habang iniisip niya iyon ay hindi niya maiwasang hindi mamula ang mukha, kung ano-ano ang naiisip niya. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay wala na yatang hangin sa paligid niya at init na init siya. Kasalanan ito ni Lucas dahil inutusan siya nitong hubaran ito.“Sa ganyang galaw mo ay baka madaling araw na ako makakaligo.” sabi ni Lucas na ikinagitla niya.Upang pagtakpan ang kanyang pagkapahiya ay mabilis siyang napabuntung-hininga. “Bakit ba kasi napaka-perfect ng katawan mo? Hindi ko tuloy maiwasang hindi tingnan.” bulong niya sa kanyang isip.“Will I take that as a compliment Mrs.Montenegro?” biglang tanong nito pagkatapos ay sumandal sa dingding ng banyo.Bigla siyang nagulat dahil sa naging tanong nito?
“Kasi…” tumigil si Lucas at tila nag-isip. “Hindi ito masarap.” mabilis nitong sagot.Mas lalo lamang kumunot ang kanyang noo dahil sa naging sagot nito. “Hindi masarap? Tikman ko nga muna.” sabi niya rito at pagkatapos ay akmang lalapit na sana rito nang bigla na lamang itong umatras at bago pa man siya makapagsalita ulit ay mabilis nitong ininom ang tsaa na laman ng tasa.Ilang sandali pa ay ibinigay nito sa kaniya ang tasa na walang laman kahit na isang patak lang. Hindi makapaniwala siyang napatingin rito.“Kulang pa ba sayo ang ininom mong kape kanina para mahimasmasan?” tanong niya rito.Napailing ito. “Naman pala, e bakit mo ininom ang tsaa na para sa akin?” tanong niya ulit rito.Bukod pa doon ay bigla niyang naalala na ayaw nito ng tsaa dahil minsang pinilit nitong uminom ng ganun ay bigla na lamang itong nasuka. Pero bakit ngayon ay ininom nito ang isang tasa ng tsaa na halos isang lagok lang ang ginawa. Muli siyang napatitig sa baso na wala ng laman. Ilang sandali pa ay bi
Saglit na natigilan si Annie nang mga oras na iyon at hindi siya makagalaw dahil nga nakadagan si Lucas sa ibabaw niya. Hindi niya alam kung ano ba ang nangyayari rito ngunit ang kanyang paghinga ay bigla na lamang naging mabilis at ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng katawan niya.Napatitig siya sa pawisang noo ni Lucas na konti na lang ay halos tumulo na sa mukha niya. Pawis na pawis ito at hindi niya maiwasang mag-alala, mukhang nahihirapan ito. Natakot siya bigla dahil baka mamaya ay may malalang sakit na pala ito.“Lucas ano bang nangyayari sayo? Sabihin mo sa akin kung may masakit ba sayo?” tanong niya rito.Bigla naman siyang napakunot ng noo nang bigla na lamang tumawa si Lucas. “Hmm, hindi mo ba talaga alam?” namamaos na tanong nito sa kaniya.Napatitig siya sa mukha nito habang naguguluhan, ano ba ang sinasabi nito? Hindi niya ito maintindihan.…Napalunok siya habang nakatitig sa mga labi ni Annie ng mga oras na iyon. Sobrang pagpipigil ang ginagawa niya sa kanyang sari
Napalunok si Lucas nang marinig niya ang tinig ni Annie. Kaagad niyang iminulat ang kanyang mga mata at ramdam na ramdam niya ang pamumungay ng kanyang mga mata. Napalingon siya kay Annie, habang nakatitig rito ay sumisidhi lamang ang pagnanasang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.“Annie mas magandang lumabas ka na muna dahil, dahil nahihirapan ako lalo kapag nakikita kita.” namamaos ang tinig na sabi niya. “Kung, kung tatayo ka lang diyan at babantayan mo ako ay baka, baka hindi ko matantiya ang sarili ko at hilahin kita rito sa loob ng bathtub…” dagdag pa niya habang nagtataas-baba ang kanyang adams apple at ang kanyang sandata ay pumipintig.Nanlaki ang mga mata ni Annie pagkatapos nitong marinig ang sinabi niya at mabilis na nagmartsa palabas ng wala man lang iniwang salita. Naiwan siya doong nakapikit at pilit na nilalabanan ang pagnanasang lumulukob sa bawat himaymay ng pagkatao niya.…Nang makarating si Annie sa tapat ng kama ay mabilis siyang sumampa doon at binalot ang s
Hindi niya pinansin ang mga luhang namuo sa kanyang mga mata dahil sa pagkapahiya kanina, wala na siyang pakialam pa. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at naramdaman na lamang niya ay mahigpit na paghawak ni Lucas sa mga balikat niya at marahan siya nitong itinulak palayo rito.“Annie ano ba!” galit na sabi nito. “Ilang beses ko bang uulitin sayo? Lumabas ka na.” malamig na saad nito habang nag-aapoy ang mga mata.Upang pagtakpan ang labis niyang pagkapahiya ay bigla siyang nagtaas noong tumingin rito. “Paano kung ayokong lumabas?” hamon niyang tanong rito.“Kung ibibigay mo sa akin ang sarili mo paano na ang lalaking sinasabi mong sampung taon mo ng mahal? Isa pa ay hindi ko na kayang lokohin pa si Trisha.” sabi nito sa kaniya.Parang espadang tumarak sa dibdib niya ang mga salitang binitawan nito sa kaniya. Habang nakatitig siya rito ay hindi niya alam kung paano niya ba sasabihin rito na ang lalaking matagal na niyang mahal ay walang iba kundi ito.‘Ikaw yun Lucas, ikaw.’ bulong ni
Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu
Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag
Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin
“Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal
Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya
“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon
Sa kabilang banda, pag uwi ni Reid sa bahay nila ay naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina. “Anak, ano nakagawa ka ba ng paraan? Sinabi ko na sa tatay mo pero wala lang siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya. Malamig ang mukha ni Reid na sinulyapan niya ito at pagkatapos ay seryosong nagsalita. “Ma may tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ni Annie na kinidnap mo siya at binantaan? Wala akong alam doon.” sabi ni Reid rito.Dahil sa wala na ngang choice si Veron ay sinabi na niya nag totoo rito. “Anak, ang totoo ay hindi sinasadya ni Mommy at hindi naman grabeng kidnapping iyon at isa pa ay inimbitahan ko lang siya na magkape at hiniling ko sa kaniya na huwag niyang pakasalan si Lucas at ikaw ang pakasalan niya.” sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay hindi naman makapagsalita si Reid. hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang ina at hindi nagsalita ng ilang sandali. Pagkaraan ng mahabang pananahimik ay huminga siya ng malalim at walang magawa
“Mangarap ka hanggang gusto mo.” malamig na sabi ni Lian bago tuluyang umalis doon.Samantala, si Veron naman ay itinali ng mga tauhan ni Lian bago sila umalis at hinayaan lang sa sahig. Nasa palabas na sila nang bahay nang makasalubong ni Lian si Reid, ang bastardo ni Alejandro.Nang makita sila nito ay nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa kanila. “Anong ginawa mo sa Mommy ko?” tanong nito sa kaniya.Malamig naman siyang sinulyapan ni Lian. “kung ayaw mong mamatay ang nanay mo ay payo ko sayo na huwag na huwag mo na siyang hayaan pang gumawa ng ikasisira ng pamilya namin. Lubayan niyo kami at siguruhin mo na hinding-hindi ko na kayo makikita pa dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa lalo na sa ina mo.” malamig na sabi ni Lian at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.Napasunod si Reid sa likod nito at habang nakakuyom ang kanyang mga kamao at kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan. Nang maalala niya ang tungkol sa kanyang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa
Nang dumating si Lian sa villa ay wala ni isa sa mga tauhan ni Lucas ang umalis at nanatili silang lahat doon at hinihintay siya. Pagdating niya sa loob ay agad niyang nakita si Veron. Ito ay nakatali sa makapal na lubid at nakahiga ito sa may sahig na punong-puno ng kahihiyan.Nang makita niya si Lian na pumasok ay aaminin niya na natakot siya bigla.Walang balak na makipag-usap si Lian rito kaya direkta niya itong tiningnan ata pagkatapos ay nilapitan. “Veron hindi mo alam kung paano ako magalit. Hindi ako mahilig makipag-usap, isa pa ay nasaan ang original na kopya ng video.” tanong niya rito.“Wala na, sinira ng anak mo ang laptop kung nasaan ang original na video.” sabi nito ngunit ang mukha nitong nakakaawa habang sinasabi iyon ay hindi pwedeng linlangin si Lian.Dahil sa sinabi nito ay tinapakan niya ang kamay nito na nasa sahig. “Ako na ang nagsasabi sayo na huwag kang magsinungaling sa akin kung ayaw mo na mas malala pa ang gawin ko sayo.” sabi ni Lian rito at diniinan ang ka