Pagkarinig niya ng mga sinabi ni Finn ay bigla na lamang siyang natigilan. Ang kamay niyang nakahawak ng sigarilyo ay biglang tumigil sa ere. Sa mga sandaling iyon ay bigla siyang napaisip ng malalim. Dati ay ni hindi man lang iyon sumagi sa isip niya pero ngayon dahil sa sinabi ni Finn ay bigla siyang napaisip. Mula nang makipagkasundo siya kay Annie na bigyan pa ng isa pang pagkakataon ang pagsasama nila dahil sa hiling ng lolo niya ay hindi na pumasok pang muli sa isip niya na makasama si TRisha.Lalo na ngayon, kahit na maghiwalay man sila ni Annie ay hindi na niya pipiliin pa ang makasama pang muli si Trisha, pero napakalaking tanong sa isip niya ng mga oras na iyon kung bakit nga ba? Bakit nga ba ayaw niya? Mukhang gusto niyang sabihin na totoo nga ang hula ni Finn na kung sakali man na maghiwalay sila ni Annie ay hindi ba at sobrang saya niya sana dahil magkakabalikan na silang muli ni TRisha?Pero bakit patuloy niyang tinatanggihan ang pakikipaghiwalay ni Annie sa kaniya? Iyon
Samantala, nang magising naman si Lucas, bago pa man niya idilat ang kanyang mga mata ay kaagad na niyang iniunat ang kanyang kamay upang kapain ang katabi niya. Ngunit nang maramdaman niya na wala siyang katabi ay agad-agad na napamulat ang kaniyangg mga mata at mabilis na napabangon ng wala sa oras."Annie?!" sigaw niya pagkabangon niya kaagad at dali-dali siyang bumaba mula sa kama at hinanap ito aagad sa banyo. Ngunit wala ito doon at wala rin ito sa buong silid. Dahil sa nangyari kahapon ay talaga namang umahon ang takot sa didbib niya. Mabilis siyang lumapit sa mga bintana at hinawi ang mga kurtina ngunit maging doon ay wala ito doon."Annie!" sigaw niya ngunit walang sumagot sa kaniya. Nang makita niya na sarado ang mga bintana ay medyo nakahinga siya ng maluwag, iniisip niya kasi ay baka tumalon na ito doon ngunit mukhang hindi naman. Bago pa man siya makapag-isip ay dali-dali siyang lumabas ng silid at tumakbo pababa ng bahay upang doon ito hanapin.Nang makita niya ang isang
Agad naman na iniunat ni Annie ang kanyang kamay at dahan-dahan niyang inilagay ang mga ito sa kanyang tiyan at mahinang nagsalita."Alam mo ba dati ay may dalawang buhay rito? Naririnig ko ang bawat tibok ng mga puso nila at nakita ko pa sila mismo sa ultrasound. Alam mo ba kung gaano ko sila kamahal at napakarami pang bagay na handa akong isakripisyo para lang sa kanila? Pero ngayon…” muli siyang napakagat-labi. “Wala na sila…” sambit niya."Wala na sila… ayaw na nila sa akin…" sa huli ay hindi napigilan ni Annie na hindi mapaiyak. Nanginig ang kanyang mga labi dahil sa pagpipigil niya ng pag-iyak. Yumuko siya upang hindi nito makita ang sakit sa mga mata niya dahil sa pagkawala ng mga anak niya.Samantala ay halos hindi naman makagalaw si Lucas at para siyang na-estatwa dahil sa narinig niya. Mga baby? Ibig sabihin ay totoo ang sinabi nito noon sa kaniya. Totoo rin ang sinabi ni Greg sa kaniya? Ibig sabihin ay hindi kasinungalingan lahat ng iyon at totoong buntis ito nang maaksiden
"Sa huli ay wala na akong ibang maisip kundi ang mamatay na lamang dahil sa kawalan ng pag-asa.” pagatapos sabihin ni Annie ang mga iyon ay bigla na lamang siyang natahimik habang umiiyak at pagkatapos ay pinunasan niya ang kanyang mga luha at tumayo mula sa kanyang kinauupuan at tumalikod na rito dahil ayaw na niyang makita pa nito na umiiyak siya. Ayaw na niyang makita nito ang pagluha niya.Nang makatalikod siya rito ay doon bumalong ang luha sa mga mata niya at halos sumasakit na rin ang mga iyon dahil sa labis na pag-iyak niya. Ayaw na niyang umiyak. Pagod na siyang umiyak ngunit ayaw pang tumigil ng mga mata niya sa pag-iyak. Humakbang siya ngunit tumigil rin."Sa huli ay si Greg ang dumating para iligtas ako kung hindi siya dumating ay baka namatay na sana ako." sabi niya rito."Ngayon isipin mo na lang na isa na akong malamig na bangkay." dagdag pa niyang sabi rito. Matapos niya lang sabihin ang mga salitang iyon ay ramdam na ramdama niya ang pagkaubos ng lakas niya. Sobrang h
"Gusto mo ba talaga na maghiwalay tayo?" tanong ni Lucas sa kaniya habang nakatitig sa mga mata ni Annie at ang bawat pagbuka ng kanyang bibig ay napakahirap talaga para sa kaniya."Oo nga." mabilis na sagot nito sa kaniya at kitang-kita niya sa mga mata nito na wala man lang itong pagdadalawang isip na umoo sa kaniya. Dahil doon ay gumuhit ang sakit ng puso niya. Sobrang sakit. Sa totoo lang ay nagdadalawang isip pa rin siya pero ano pa nga ba ang magagawa, ayaw na siyang makasama nito.Humugot siya ng isang malalim na buntung-hininga. "Papayag ako sa isang kondisyon…" sabi niya rito habang nakatitig rin sa mga mata niya."Anong kondisyon?" kaagad na tanong nito sa kaniya."Kapag magaling ka na ay samahan mo ako sa bayan ng lolo't lola ko." sagot niya rito.Kaagad naman na tumango si Annie sa kaniya. "Okay, sige." sagot nito sa kaniya.…Ilang araw lang ang nakalipas ay tuluyan na ngang naka-recover si Annie at nag-hire pa talaga ng nurse si Lucas para personal na alagaan ito pati na
Kinaumagahan, agad silang nag-impakeng dalawa ng kaniya-kaniya nilang mga gamit at nagtungo sa bayan ng lolo at lola ni Lucas para sa pagkatapos nilang manggaling doon ay tyaka silang maghihiwalay. Tatlong araw ang napagkasunduan nila na itatagal nila doon at pagkatapos ng tatlong araw na iyon ay tuluyan na nga silang maghihiwalay at magkakaroon na sila ng kaniya-kaniya nilang buhay.Umaga pa lang ng umalis sila sa bahay nila ngunit dahil nga sa tagal ng byahe nila ay tanghali na sila nakarating doon. Isang liblib iyon na bayan. Agad silang dumiretso sa lumang bahay ng lolo at lola ni Lucas doon. Nang makita niya ang bahay ay nagulat siya at halos hindi makapaniwala. Isa lamang iyong simpleng bahay at malayong-malayo sa bahay na tinitirhan ni Lucas ngayon. Ang disenyo ng bahay ay nananatiling luma at hindi ginagalaw ngunit malinis naman ito at mukhang may naglilinis kaya malinis.Bago pa man siya makapagsalita ay agad na niyang narinig si Lucas na nagsalita. "Dito nakatira dati sina l
Agad naman na pinulot ni Lucas ang isang basahan sa ibabaw ng isang drawer at agad na pinunasan iyon ni Lucas. Sa totoo lang ay may nagpupunas nito araw-araw kaya napakalinis nito at walang alikabok, ngunit dalhil napalahalaga ng larawang iyon sa kaniya ay pinunasan niya pa rin ito.Pagkatapos ay ibinalik nito ang litrato kung saan nakalagay ito at pagkatapos ay nagsalita. "Pinakasalan ni Lola ang lolo ko sa edad na 18 at ipinanganak niya ang aking ama sa edad na 20. Ang larawang ito ay kuha pagkatapos lamang nilang magpakasal.” sabi nito sa kaniya."Ang kweto sa akin ni lola ay napakamahal pa raw noon magpakuha ng litrato kaya tanging siya lang ang nakaya ni lolo na makuhanan ng picture at hindi sila magkasamang dalawa." dagdag nitong sabi sa kaniya."So, ito lang ang picture ni lola nung bata pa siya?" tanong niya rito kung saan ay agad naman itong tumango sa kaniya bilang sagot sa tanong niya."Hmm, kung ganun diba dapat pagkatapos mamatay ni lola ay dala-dala ni lolo dapat ang l
Ngunit nang marinig niya ang salitang matagal na ay para bang tinusok ang puso niya ng libo-libong palaso. Matagal na? Oo nga pala, sinabi nga pala nito sa kaniya na may mahal na nga daw ito sa loob ng sampung taon, ibig lamang sabihin ay hindi siya ang tinutukoy nito kundi ang lalaking sampung taon na nitong minamahal. Ang lalaking iyon pa rin pala ay nananatili sa puso nito ng mahabang panahon.Hindi siya ang lalaking iyon at napaka-imposible talaga na maging siya iyon. Bigla siyang nakaramdam ng matinding selos ng mga oras na iyon. Sobrang selos ang nararamdaman niya. Umahon din ang galit sa dibdib niya na hindi niya man lang nakilala ang lalaking iyon kung sino ba iyon. Para hindi na siya masaktan pa ay nagpasya na lamang siyang baguhin ang paksa dahil habang pinag-uusapan pa nila iyon ay baka mas lumalim lang ang sakit na nararamdaman niya."Gutom ka na ba? Ano ang gusto mong kainin ngayong tanghali?" tanong niya rito.Agad naman itong napakurap-kurap sa kaniya at pagkatapos ay m
Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu
Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag
Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin
“Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal
Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya
“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon
Sa kabilang banda, pag uwi ni Reid sa bahay nila ay naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina. “Anak, ano nakagawa ka ba ng paraan? Sinabi ko na sa tatay mo pero wala lang siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya. Malamig ang mukha ni Reid na sinulyapan niya ito at pagkatapos ay seryosong nagsalita. “Ma may tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ni Annie na kinidnap mo siya at binantaan? Wala akong alam doon.” sabi ni Reid rito.Dahil sa wala na ngang choice si Veron ay sinabi na niya nag totoo rito. “Anak, ang totoo ay hindi sinasadya ni Mommy at hindi naman grabeng kidnapping iyon at isa pa ay inimbitahan ko lang siya na magkape at hiniling ko sa kaniya na huwag niyang pakasalan si Lucas at ikaw ang pakasalan niya.” sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay hindi naman makapagsalita si Reid. hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang ina at hindi nagsalita ng ilang sandali. Pagkaraan ng mahabang pananahimik ay huminga siya ng malalim at walang magawa
“Mangarap ka hanggang gusto mo.” malamig na sabi ni Lian bago tuluyang umalis doon.Samantala, si Veron naman ay itinali ng mga tauhan ni Lian bago sila umalis at hinayaan lang sa sahig. Nasa palabas na sila nang bahay nang makasalubong ni Lian si Reid, ang bastardo ni Alejandro.Nang makita sila nito ay nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa kanila. “Anong ginawa mo sa Mommy ko?” tanong nito sa kaniya.Malamig naman siyang sinulyapan ni Lian. “kung ayaw mong mamatay ang nanay mo ay payo ko sayo na huwag na huwag mo na siyang hayaan pang gumawa ng ikasisira ng pamilya namin. Lubayan niyo kami at siguruhin mo na hinding-hindi ko na kayo makikita pa dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa lalo na sa ina mo.” malamig na sabi ni Lian at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.Napasunod si Reid sa likod nito at habang nakakuyom ang kanyang mga kamao at kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan. Nang maalala niya ang tungkol sa kanyang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa
Nang dumating si Lian sa villa ay wala ni isa sa mga tauhan ni Lucas ang umalis at nanatili silang lahat doon at hinihintay siya. Pagdating niya sa loob ay agad niyang nakita si Veron. Ito ay nakatali sa makapal na lubid at nakahiga ito sa may sahig na punong-puno ng kahihiyan.Nang makita niya si Lian na pumasok ay aaminin niya na natakot siya bigla.Walang balak na makipag-usap si Lian rito kaya direkta niya itong tiningnan ata pagkatapos ay nilapitan. “Veron hindi mo alam kung paano ako magalit. Hindi ako mahilig makipag-usap, isa pa ay nasaan ang original na kopya ng video.” tanong niya rito.“Wala na, sinira ng anak mo ang laptop kung nasaan ang original na video.” sabi nito ngunit ang mukha nitong nakakaawa habang sinasabi iyon ay hindi pwedeng linlangin si Lian.Dahil sa sinabi nito ay tinapakan niya ang kamay nito na nasa sahig. “Ako na ang nagsasabi sayo na huwag kang magsinungaling sa akin kung ayaw mo na mas malala pa ang gawin ko sayo.” sabi ni Lian rito at diniinan ang ka