Share

CHAPTER 45 - THE HIDDEN MASTER

Author: Scorpion Queen
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
“Paano Ciara, mauuna na kami ni Mylah sa Montana Cove resort.”nakangiting wika ni Edwin. Kasalukuyan silang nag-uusap ni Mylah sa loob ng silid, nang sumilip ito. Napatingin silang dalawa ng kaibigan sa gawi ni Edwin na pumasok sa loob ng silid. Hindi niya maiwasan na hindi na miss si Clarence ng tumingin siya kay Edwin na hinalikan sa labi si Mylah. Hindi na siya nagtataka kung bakit mabilis mahulog ang loob ni Mylah kay Edwin kahit pa noong simula ayaw nito sa lalaki.

“Best, ano, okay ka lang ba?” tanong ni Mylah ng mapansin ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.”

Ngumiti siya na tumango sa kaibigan. “Oo okay lang ako, ano ka ba.” Hinampas niya ito sa balikat. “Aayusin ko lang ang lahat na mga gamit ni Baby Adler, susunod na rin kami.” Ayaw sana niyang isama ang mga bata, ngunit si Edwin ang nag insist na isama ang mga ito para makadalo sa birthday ng Daddy nila. Kahit annulled na sila ni Clarence, dinala pa rin niya ang proof na minsan na silang kinasal dahil sa mga bata. Nagp
Scorpion Queen

Kayo na ang bahala sa mga typo error. Maraming salamat.

| 2
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (28)
goodnovel comment avatar
Lyn Pascua
si brando siguro nag pa kuha sa kanila
goodnovel comment avatar
Susie Garcia Gonzales
unlock please ...
goodnovel comment avatar
Lorna Medrano
kelan ulit update,tagal naman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   CHAPTER 46 - BEHIND HIS PLAN

    MONTANA COVE RESORT6:00 P.M.ALAS Sais pa lang ng hapon; unti-unti ng napuno ng mga bisita ang kabuuan ng resort. Sa ikatlong palapag ng hotel nakatayo si Clarence mula sa veranda sa labas ng silid niya. Hawak ang kopita na may laman na alak; panay ang pag lagok niya. Walang ekspresyon ang kanyang mukha, at mahirap basahin ang kanyang iniisip. Gayunpaman, suot ng kulay asul niyang longsleeve na pinatungan ng kulay asul din niyang tuxedo, kahit na sinong babae na makikita siya hindi maaaring hindi mapahanga at maglaway sa angking kagwapuhan niya. Ang mukha niyang perpektong hinulma sa angkan ni Adonis ay nagbibigay ng malakas na domino effect sa sinumang babae na nangangarap kahit isang sulyap mula sa kanya.Pinasok niya ang isang kamay sa loob ng bulsa ng pantalon habang ang isang kamay naman ay humahawak sa kopita. Lihim niyang pinagmamasdan ang bawat pagdating ng mga bisita sa ibaba. Napansin niya na halos lahat ng mga dumalo ay puro kilala ng kanyang ina. Kahit nga celebrity nagta

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   CHAPTER 47 - REUNITED

    "Master nandito na po tayo." Nakabalik si Clarence mula sa lumilipad nyang imahinasyon ng marinig ang sinabi ng kanyang tauhan. Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib niya ng bumaba na siya mula sa chopper. Hinubad niya ang suot na damit at pinalitan iyon ng puting t-shirt. Binigay niya ito kay Brando na kasalukuyang nasa loob pa rin ng chopper. “Ikaw na ang bahala riyan. Ituloy mo ang plano.” Kinuha naman iyon ni Brando. “Sigurado na po ba kayo dito, Master?” tanong nito. “Para sa pamilya ko, wala akong hindi kayang gawin.” sagot niya at tinalikuran na ito. Nagpakawala na lang ng buntong hininga si Brando habang sinusundan ng tingin ang papalayong master. “Sana naman matapos na ang lahat ng problema mo, Master at ng magkaroon din naman ako ng happy ending,” usal nito sa sarili, bago muling pinalipad ang chopper. Napahinto si Clarence sa paglalakad at humarap sa dagat. Nag-iispi siya ng plano kung paano sabihin kay Ciara ang lahat. Napatingin siya sa paligid. Binili niya ang flo

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   CHAPTER 48 - DARK SIDE OF FATE

    “What! Is this a joke? Well, it’s not funny!” namumula sa galit na wika ni Crystal. Hindi siya makapaniwala na sa isang iglap lang mawawala si Clarence sa kanila. Paano na ang mga shows niya? Paano na ang mga naka pending na negosyo ng kanyang mga magulang na kinakailangan ng pirma nito? “Totoo ang sinasabi ko Ma’am. Hindi po ako nagbibiro. Natagpuan namin ang mga damit ni Sir Clarence na nagkalat sa gubat. Pinaghihinalaan namin na baka may bumaril sa kanya na kalaban ngunit nakatakas siya at pumasok sa loob ng gubat. Isang virgin forest ang pinasukan niya at maraming mga mababangis na hayop. May posibilidad na naamoy ng hayop ang dugo sa katawan niya kaya siya nito—”“Stop!”sigaw niya kaya agad namang tumigil sa pagsasalita ang kabilang linya. Napatirik ang mga mata niya sa itaas sa sobrang stress. Hindi na niyang kayang pakinggan ang sunod na sasabihin nito.“Hindi pwedeng mawala si Clarence!” sigaw niya na parang iiyak. Hindi siya umiiyak dahil nawawala si Clarence. Umiiyak siya

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   CHAPTER 49 - LAST SUPPER

    “Mukhang andami niyan Bro, ah.. Last Supper na ba ‘yan?” ngiting biro ni Edwin ng pumasok ito sa kusina at naabutan siya na abala sa pag-ihaw ng mga preskong isda na nabingwit nila kanina ni Clyde. “Tangina bro, nang-aasar ka pa diyan; nagmamadali na nga ako rito na matapos na eh. Baka nagugutom na sila sa labas.” “Nasaan ba si Brando, bakit hindi ka nagpatulong?" "Abala ang gagong 'yon kay Lesly. Hinayaan ko na, at ng maka first base naman." Natatawa niyang sagot. "Ang ogag, hindi yata marunong manligaw eh. Tagal mo ng alalay, hindi man lang nakuha ang mga pang malakasan na diskarte mo sa babae." "Puta, mas lalong hindi ako marunong dumiskarte. Nakita mo ba akong dumiskarte sa babae noon? Sila lumalapit sa akin hindi ako." Pagyayabang niya rito. "Oo nga pala. Malakas ka lang pala sumisid. Wahahaha." Pumalatak ng tawa si Edwin. "Tangina ka, marinig ka ng asawa ko. Baka sabihin non marami akong sinisid na babae. Gago, sa asawa ko lang natutunan ang sumisid. Di ko pa yan nagawa

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   CHAPTER 50 - PICTURE FRAME

    THREE DAYS LATER"Master, nasa labas po si Crystal."Bahagyang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha ng marinig ang binulong ni Lesly. Kasalukuyan siyang nagluluksa sa harapan ng Urn ni Clarence. "Ano ang kailangan nya?" tanong niya ng hindi lumilingon. Muling yumuko si Lesly at bumulong sa tainga niya."Kukunin raw niya ang urn ni Master Black." Nakuyom niya ang kamao. Alam na niyang mangyayari ito, kaya nakapaghanda na siya. Si Lesly lang ang pinaiwan niya dahil pinadala niya si Brando kay Clarence. Ayaw niyang mag-isa lang ito na aalis. Si Mylah, gusto nitong umalalay sa kanya ngunit ayaw niyang madamay pati pinagbubuntis nito kaya minabuti na lang niya na pasamahin ito kay Edwin pabalik sa ibang bansa. Ang mga anak niya, kinukuha ng kanyang ina, ngunit hindi siya pumayag. Hindi pa rin siya matahimik kapag wala ito sa tabi niya, kaya naman pinagawan niya ng safe room ang mga ito sa basement na siya sila lamang ni Lesly ang makakapasok dahil sila ang may alam ng password. Bina

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   CHAPTER 51 - TRIAD

    "Leticia!" Halos na maos na ang boses ni Crystal sa kakasigaw ng pangalan nito sa labas ng pintuan. Kung ano-ano na ang tinatalak nito sa labas. Sarap lagyan ng Duct tape ang bunganga.Hinawakan ni Ciara ang wheelchair ng matanda at tinulak ito palabas. Naririndi na siya sa boses ng babae. “Chairman Leticia, pasensya na po, gusto ko man kayong manatili rito para sa anak niyo ngunit nakakabulahaw na ang bunganga ng hilaw mong manugang.” Binuksan niya ang pintuan kahit pa ayaw ni Leticia."Crystal, baka nakalimutan mo na isa kang modelo. Ano na lang ang sasabihin ng mga tagahanga mo kapag nakita nila na daig mo pa ang nasa palengke kung sumigaw!" Diniinan niya ang huling sinabi.Sa halip na sagutin siya, tinapunan lang siya ng matalim na tingin nito at muling tinuon ang atensyon kay Leticia. Halata ang galit sa mukha nito."Kunin nyo ang matandang 'yan at dalhin sa kotse!" Utos nito sa mga tauhan. Nagulat siya ng biglang kumapit ng mahigpit ang mga kamay ni Leticia sa laylayan ng besti

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   CHAPTER 52 - MY SON, PHOENIX

    “Sweetheart, kailangan nating makuha si Mommy.” bigla niya narinig ang boses ni Clarence. “Akala ko ba–”“Nagsasabi siya ng totoo.” Agaw nito sa sinabi niya. “Sweetheart alam ko malaki ang kasalanan niya sa atin, ngunit ang tungkol sa Triad at Planetarium na sinasabi niya, totoo lahat ng yun. Walang nakakakilala kay Demon Master, maliban sa akin at hindi iyon alam ni Mommy.Naguguluhan siya sa sinabi nito. “Paano mo siya nakilala gayung ang ibang boardlord, hindi?” curious niyang tanong.“Dahil siya ang tumulong sa akin kung paano lumaban. Kasama ko siya sa loob ng tatlong taon, noong nag-aaral pa lang ako sa states. Nagkakilala kami ng minsang iniligtas niya ang buhay ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Itinuring ko siyang parang aking ama. Simula pagkabata hindi ko nasilayan ang aking ama kaya siguro, magaan ang loob ko sa kanya. Walang sinuman na nakakaalam niyon, dahil sumumpa ako sa kanya na panatilihing lihim ang lahat. Matapang akong lumusob sa Triad noon upang kunin an

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   CHAPTER 53 - THE TRUTH

    Tumayo siya ng makita na pinipilit nito ang katawan upang makabangon sa higaan. Mabilis niyang nilapitan ito at tinulungan na makabangon. Ngunit nagulat siya ng bigla na lang yumakap sa kanya ng mahigpit.“My son,” naluluhang wika nito dahilan upang lalo siyang magtaka. “Master, sandali, naninibago po ako sa inyo. Di ba babae ang inyong anak?” takang tanong niya. “No, naalala ko na ang lahat. Ikaw ang anak ko.” Sagot nito. “Kung ganun, sino ang babaeng sanggol sa picture na pinakita mo sa akin?”muli niyang tanong. “Ang picture na nasa wallet ko ay anak ng matalik kong kaibigan.” "Huh?" Nagkasalubong ang dalawang kilay ni Clarence dahil sa narinig. Hindi kayang tanggapin ng kanyang sarili na ang lalaking hinahangaan, nagligtas, at nagturo sa kanya kung paano lumaban; ang taong naging dahilan kung bakit siya naging si Black Phoenix at tinanghal bilang ikapitong Boardlord ng Planetarium ay siyang totoo pala niyang ama. Kumalas siya ng yakap mula rito at tiningnan ng may pagtataka. G

Pinakabagong kabanata

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   SPECIAL CHAPTERS 1 - BRAND AMBASSADOR

    SIXTEEN YEARS LATER ** CLYDE DEL CASTRILLO *** Abala si Clyde sa pagtipa sa harap ng laptop niya nang biglang bumungad ang katawan ni Brando sa loob ng kanyang opisina. "Boss young," Hindi niya ito pinansin kahit naririnig naman niya ang pagtawag nito. Naiirita ang tainga niya kapag naririnig niyang tinatawag siya sa 'Boss young' 'Batang Boss.' Nakasanayan na siyang tawagin ni Brando sa ganitong pangalan kahit ilang beses na niyang sinaway ito. Tila nahulaan naman nito kung bakit hindi siya namamansin kaya binago nito ang pagtawag sa kanya. "Boss Clyde." "What?" Tinatamad niyang sagot habang nakatutok pa rin ang tingin sa monitor ng laptop. Narinig niya ang pagsara ng pinto ng kanyang opisina katibayan na tuluyan na itong pumasok. "Dumating na ang mga fresh flowers na in-order mo." Bakas ang galak at tuwa sa boses nito habang pinipresenta sa harapan niya ang magandang klase ng mga bulaklak. Sinulyapan niya lang ang mga iyon ngunit hindi din naman nagtagal. Muli niyang tinuon a

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   EPILOGUE

    Inabot ng isang linggo bago nakabalik si Lesly at Brando ganun din si Lauron. Nasundan pa ng maraming linggo ang paggawa ng gamot dahil kailangan pa muna itong e-test kung epektibo at tagumpay ang paggawa.Habang tumatagal lalo ng nanghihina si Clarence. Nagsisimula na rin maubos sa paglagas ng buhok niya sa ulo. Pinili munang dalhin ni Ciara si Clarence sa dating mansyon na binili niya noong una niyang umuwi ng pilipinas. Kasalukuyan silang nasa hardin ngayon habang nanonood ng iba’t-ibang klase at kulay ng paru-paru na masayang lumilipad sa hardin. Nakaupo silang mag-asawa sa damuhan habang nakasandal si Clarence sa balikat ni Ciara. Masaya silang nanonood sa kanilang mga anak na naghahabulan sa hardin kasama ng mga paru-paru.“Sweetheart, sakaling mawala ako, huwag kang tumigil magmahal–”“Kahit kailan hindi ako magmamahal ng iba, Ikaw lang ang gusto ko.” Agaw niya sa sinabi nito kaya napatigil ito sa pagsasalita. Nakita niyang ngumiti ito ng mapakla.“Ngunit hindi ko na masusukli

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   CHAPTER 81 - THE ANTIDOTE

    "Edwin!"Naabutan pa ni Edwin ang panghuling hilik niya ng marinig ang sigaw ni Mylah. Hinahanap niya kung saan ito habang pupungas-pungas."Babe, ano ka ba naman. Bakit ka ba sumisigaw? Baka magising na naman ang anak mo. Ang hirap pa naman patulugin ito." Reklamo niya."Kasalanan mo yan! Kailan ka pa natutong nagdesisyon na hindi muna ako tinatanong?" Mahinahon ngunit halata pa rin ang galit nito."Pumirma ka na?" Tanong nito."At bakit hindi ako pipirma gayung nakapirma ka na?" Singhal nito at pabagsak na umupo sa kama."Babe, isang taon lang naman ang kontrata nila eh. Sakaling hindi nila natutunang ibigin ang isa't-isa, mawawalan ng bisa ang kasal after 1 year.""Wala akong question sa pagpapakasal sa kanila dahil alam kong swerte ng anak natin mung si Clyde ang pakasalan niya. Ngunit bakit kailangan pang ilihim mo ito sa akin?""I'm sorry." Kinuha nito ang kamay niya at dinampian ng halik. "Alam ko kasi ang maging reaksyon mo kaya parang isang galit na lang hinayaan ko na si Cla

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   CHAPTER 80 - MARRIAGE CONTRACT AGREEMENT

    Umangat ng mukha si Clarence. “Saan niyo ito nakita Mom?” tanong niya habang nakatingin kay Donya Amanda. “Si Clyde ang nakakita niyan.” naluluhang sagot ni Donya Amanda. “Saan nga pala sila?” “Nauna na sila sa loob ng sasakyan.” sagot ni Ciara na ang tinutukoy ay ang bridal car niyang limousine. “Tamang-tama, doon na rin ako sasakay.” mabilis pa kaysa sa kanila na pumasok ito ng limousine. “Ako na ang magdadrive anak.” nakangiting wika ni Lauron at kinuha ang susi sa driver. “Mukhang naging masungit ngayon si Mommy sa inyo Dad, ah.” pabirong saad ni Ciara. “Hehe, hayaan mo siya anak. Lalambot din sa akin yan.” nakangiting sagot ni Lauron at tinulungan ng makapasok sa loob ng limo si Clarence. Matapos niyang e-fold ang wheelchair at ipasok rin sa loob. Agad na siyang lumipat sa driver seat. “Mi-amor, dito ka umupo sa tabi ko sa driver seat.” tawag niya kay Amanda ngunit tila wala itong narinig. “Mom, sa tingin ko po, doon na kayo umupo. Medyo masikip tayo rito.” wika ni Ciara.

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   CHAPTER 79 - THE NOTES

    "Kanina, habang binabaybay natin ang gitna ng Aisle, hindi pa rin ako makapaniwala na sa daming lalaki sa buong mundo ikaw ang lalaking itinakda ng panginoon sa akin upang maging kabiyak ng puso ko. Sa dinami-dami ng kamalasan na nangyari sa buhay ko minsan tinanong ko ang Diyos kung deserve ko ba ang lahat ng iyon ngunit ikaw ang naging sagot niya sa lahat ng mga tanong ko. Simula ng malaman ko na ikaw ang ama ng mga anak ko hindi ko alam kung paano kita tatanggapin sa buhay ko. Until I didn't realize that I was slowly falling in love with you. Walang kapantay ang saya na nararamdaman ko ng sinabi mo na mahal mo rin ako. Sa maikling salita nagsama tayo. Nasanay ako sa bawat araw na lagi akong nagigising habang nakaunan sa bisig mo. Lagi akong natutulog sa mga yakap at halik mo. But as the saying goes, love isn't perfect, so fate has put our love to the test several times. Minsan ng sinubukan ng tadhana na ilayo ka sa akin ngunit nagtiwala ako na babalik ka at hindi ako nabigo. Mas la

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   CHAPTER 78 - I WANNA GROW OLD WITH YOU

    “Clarence Adler, do you take Ciara Ella to be your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part? “I do,” mabilis na sagot ni Clarence sa tanong ng Pari. "Ciara Ella, do you take Clarence Adler to be your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?” “I do,” nakangiting sagot ni Ciara habang hawak ang kamay ni Clarence. Nakaupo pa rin ito sa wheelchair. Habang tinitingnan ni Donya Amanda ang dalawa sa harap ng Pari hindi niya maiwasan ang manghinayang. Siya ang nahihirapan para sa dalawa. Bongga ang set up ng simbahan. Puro Cherry blossoms ang theme. Napapaligiran ng mataas na puno ng Cherry Blossoms ang magkabilang gilid ng Aisle. Ang Gown naman ni Ciara abot mayroong limang metro ang haba sa likuran at puno ito ng swarovski Crystal beads. Talagang pinaghanda

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   CHAPTER 77 - THE WEDDING DAY

    “Besh okay ka lang ba?” Narinig niyang tanong ni Mylah habang inaayos ang kanyang mahabang wedding Gown sa likuran. Magkasunod siyang tumango. “Okay lang ako best. Hindi ko lang kasi maiiwasan na hindi mag-alala para kay Clarence.” Naiiyak niyang sagot habang maingat na pinapahid ng tissue ang mga luha niya. Nakita niya ang awa mula sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. “Nag-alala ka ba sa kanya dahil mas pinili niyang tumayo kaysa umupo sa wheelchair niya?” Hinawi nito ang ilang hibla ng pinakulot niyang buhok sa gilid ng pisngi. “Oo,” Naluluha niyang sagot. “Alam kong pinipilit niya lang tumayo para sa akin. Ayaw kasi niyang bigyan ako ng pasanin sa araw ng aming kasal. Parang sasabog na ang puso ko ngayon, best.” Magkasunod na pumatak ang mga luha niya na yumakap sa kaibigan. Hinimas naman nito ang likod niya upang maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. “Isipin mo na lang na masaya si Clarence sa pinili niya, best. Huwag mong isipin na may sakit siya, baka kapag nak

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   CHAPTER 76 - IN GOD'S PERFECT TIME

    “Hindi ko matatanggap na iwanan mo kami, lalaban pa rin tayo. Hahanap ako ng lunas sa sakit mo. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Kaya hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa.” “Sweetheart,” tawag nito sa kanya na may kasamang pamgumbinsi na dapat na siyang sumuko. “Hindi kita susukuan Clarence. Kahit kailan hindi kita sinukuan. Sana ganun ka rin! Utang na loob! Papayag ka na lang ba na paghihiwalayin tayo ng sakit mo? Nakalimutan mo na ba? Sabay tayong lumaban kahit gaano man kahirap labanan ang mga kalaban natin. Nalampasan natin iyon. Ngayon ka pa ba susuko?” Umangat siya ng ulo at tinitigan ang maamong mukha ng asawa na nahilamos na rin sa luha. Kinulong niya sa kanyang mga palad ang mukha nito at ginawaran ng mainit na halik sa labi. Napapikit si Clarence habang ginagawa iyon ni Ciara. “Huling laban na natin ito, nasa atin ang gabay ng Diyos, kaya naniniwala akong gagaling ka pa. Kahit sa bingit ka pa ng kamatayan hindi pa rin kita susukuan kahit ako na lang ang mag-isang lumalaban.”

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   CHAPTER 75 - HIS LIFESPAN

    Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe pauwi ng biglang mag ring ang telepono ni Clarence. Kinuha ni Ciara ang cellphone mula sa likurang upuan at ibinigay iyon kay Clarence.‘Sino ang tumatawag?” tanong nito habang nagmamaneho. Hindi muna nito kinuha ang cellphone sa kanya. Tiningnan niya ang screen. “Hindi ko alam. Numero lang kasi ang lumabas.” sagot niya.“Sagutin mo na muna,” pasuyo nito sa kanya.“Hello?” bungad niya.“Hello, sa kay Clarence Adler Del Castrillo po ba ito?”“Ito nga po.” agad niyang sagot.“Ah, Ma’am from St. Dominic Hospital po ito. Tumawag po kami to inform about sa pasyente namin na si Leticia Del Castrillo. Thirty minutes na po siyang binawian ng buhay. Ilang araw na po kasi siyang hindi kumakain. At kanina lang, natagpuan namin ang bangkay niya sa loob ng banyo. Uminom po siya ng muriatic acid na nandoon sa loob.”Napaawang ang labi ni Ciara habang nakatingin kay Clarence ng marinig ang balita. “Hello Ma’am? Nandiyan pa po ba kayo?”Agad na nakabalik si Ci

DMCA.com Protection Status