Tumayo siya ng makita na pinipilit nito ang katawan upang makabangon sa higaan. Mabilis niyang nilapitan ito at tinulungan na makabangon. Ngunit nagulat siya ng bigla na lang yumakap sa kanya ng mahigpit.“My son,” naluluhang wika nito dahilan upang lalo siyang magtaka. “Master, sandali, naninibago po ako sa inyo. Di ba babae ang inyong anak?” takang tanong niya. “No, naalala ko na ang lahat. Ikaw ang anak ko.” Sagot nito. “Kung ganun, sino ang babaeng sanggol sa picture na pinakita mo sa akin?”muli niyang tanong. “Ang picture na nasa wallet ko ay anak ng matalik kong kaibigan.” "Huh?" Nagkasalubong ang dalawang kilay ni Clarence dahil sa narinig. Hindi kayang tanggapin ng kanyang sarili na ang lalaking hinahangaan, nagligtas, at nagturo sa kanya kung paano lumaban; ang taong naging dahilan kung bakit siya naging si Black Phoenix at tinanghal bilang ikapitong Boardlord ng Planetarium ay siyang totoo pala niyang ama. Kumalas siya ng yakap mula rito at tiningnan ng may pagtataka. G
"Master Black, gusto kayong makausap ng Demon Master."Napalingon si Clarence ng marinig ang boses ni Brando. Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas simula ng malaman niya ang katotohanan. At sa loob ng dalawang linggo, wala na rin siyang ginawa kundi ang manood kung paano nahihirapan ang kanyang ama. Palala ng palala ang sakit nito, ngunit wala man lang siyang magawa para ito’y matulungan. Marami na siyang Doctor na nakausap tungkol sa kondisyon nito, ngunit lahat sila isa lang ang sinasabi, ang ihanda niya ang kanyang sarili dahil hindi na ito magtatagal.“Master.” Narinig na naman niya ang tawag Brando, ngunit nanatili lamang siyang nakaupo sa malaking bato habang nakatunghay sa dagat. Suminghot siya at lihim na pinahid ang luha niya. Alam na niya kung bakit siya pinapatawag ng kanyang ama. Ngunit wala siyang lakas ng loob upang harapin ito. “Master, alam kong mahirap man tanggapin ngunit kailangan mong harapin ang katotohanan. Mas masakit kung hayaan mo siyang mawala na hindi
Matapos nilang bumalik sa Planetarium, nagkanya-kanya ng trabaho ang lahat ng mga tauhan niya ayon sa kanyang inutos. Papasok na sana siya sa kanyang chamber ng biglang lumuhod ang isa sa kanyang mga tauhan sa kanyang harapan dahilan upang huminto siya sa paglalakad.“My Lord, patawad po, ngunit nakatakas po ang dalawang bihag natin.”Hindi man lang niya pinag-aksayahan na tingnan ang tauhan niya na lumuhod sa kanyang harapan. Pinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya. “Bakit nakatakas?” kalmado niyang tanong ngunit ramdam ng lahat na mga nakapaligid sa kanya ang takot.“M–my Lord, hindi ko po alam kung bakit, ngunit pagbalik ko po sa kanilang kulungan, wala na po sila.”“At nasaan ka?” unti-unting lumiliit ang pasensya niya.Namumutla ang tauhan nag nagbabantay sa bihag. Pautal-utak itong sumagot. “Ka-kasalukuyan po ak-akong may ginagawa noong tumakas sila, m-my Lord.” “Baril,” isang salita lang ang binigkas niya ngunit naintindihan agad iyon ni Levi na kanyang na
"Zariah, why did you do that?" Galit na wika ni Clyde habang hinahabol ang kapatid sa paglalakad. Kasalukuyan sila nasa loob ng DelCas School. Kung dati hiwalay sila ng eskwelahan, ngayon dalawa na sila ang nag-aaral dito. Alam na rin ng lahat na kambal sila na anak ng CEO. Galit siya dahil sinuntok ng kapatid ang kaklase nila."To escape the Class!" Huminto si Zariah sa paglalakad at binalingan siya."Why? What is your problem, huh?" Lumapit siya sa kapatid. Protector siya nito physically and emotionally. Ayaw niyang nakikita na nasasaktan ang kapatid niya. Niyakap niya ito ng bigla na lang umiyak."Tell me my little sister," bulong niya sa kapatid."Kuya I'm sorry, but that is part of the plan. I have no problem, but we need to go out and find mommy," sagot ni Zariah sa pabulong na paraan na sila lang ang nakakarinig. Maraming mga men in black na nagbabantay sa kanila, ngunit alam ni Zariah na may ilan na nagpapanggap lang. Sa tuwing gabi, nakababad siya sa harapan ng laptop upang p
Sumenyas si Clyde sa kambal na siya muna ang tatayo para alamin kung tuluyan ng nakaalis ang mga tauhan. Hindi naman gumalaw si Zariah mula sa kanyang kinaroroonan. Bumangon lang siya ng makita na pinapaypay siya ng kambal. "Tulungan mo akong humanap ng panghukay." Wika ni Clyde at nagmamadaling inikot ang paligid sa paghahanap ng gagamitin."Kuya, ito ang ginagamit nila sa paghuhukay kanina." Tinaas ni Zariah ang spade at shovel para makita ng kuya niya.Mabilis naman na lumapit si Clyde sa kambal at kinuha ang spade. "Halika bilisan natin, baka hindi na makahinga si Mommy. Almost 3 minutes na ang nakalipas." Nagmamadaling wika ni Clyde habang hinuhukay ang pinag libingan sa mommy nila. Hawak naman ni Zariah ang shovel, tinulungan niya ang Kuya niya na magbungkal ng lupa."Bohoho, Kuya I'm really tired na, ngunit hindi pa tayo nangalahati sa paghuhukay. Baka hindi na makahinga si mommy." Binalingan ni Clyde ang kapatid. Kahit nanlalabo na sa pinaghalong pawis at luha ang kanyang mg
Malakas na hinagis ni Clarence ang katawan ng tauhan na pinaghahampas niya sa hukay bago patakbong hinabol ang apat na gustong tumakas sa kanya.“Saan kayo pupunta, huh?” Nanlilisik ang kanyang mga mata na inunahan sa pagtakbo ang apat at hinarangan ang mga ito. Mabilis niyang tinadyakan ang dalawa at pinatid sa paa ang sumunod na dalawa pa. Sabay-sabay ang mga ito na natumba. Tinagurian ang mga ito na malakas sa mga grupo na pinili niya, ngunit parang papel lang ang lakas ng mga ito para sa kanya. Sabay-sabay na lumuhod ang mga ito sa kanyang harapan habang umiiyak. “My Lord, pata—,” Pak “Arrgh!” umigting na naman ang mga panga niya ng marinig ang salitang patawad. Kaya hindi na niya pinatapos pa na kumpletuhin ang pagsasalita nito at agad na niyang binali ang buto sa leeg. Walang puwang sa puso niya ang salitang patawad, lalo na at binigay niya ang buong tiwala niya. Ipinagkatiwala niya sa kamay ng mga ito ang kanyang pamilya dahilan na kahit sarili niya ngayon hindi niya rin kayan
"Bakit master?" Nag-alalang tanong ni Lesly ng marinig ang pagmumura ni Clarence. Imbes na sagutin ang tanong ni Lesly. Iba ang pumapasok sa isipan ni Clarence kaya niya ito tinanong. "Nakita niyo na ba si Jano?" "Hindi pa master. May iniwan akong mga tauhan doon upang magmanman sa lugar sakaling may barkong parating. Nabalitaan ko kasi mula kay Donya Amanda ang nangyari kay Master Red kaya nagmamadali kaming bumalik rito." "Ano oras ang dating ng barko nila?" tanong niya. "Mamayang mga alas onse ng gabi pa raw ang dating nila, Master. Inutusan lang kami ni Master Red na magmanman doon ng maaga upang makapaghanda kaagad kami. Baka daw sinabi lang na sa gabi darating ang mga iyon ngunit ang totoo sa umaga pala sila aatake." Nagbuga ng hangin si Clarence. Nakapamewang na tinitigan niya si Lesly. "Sino ang nag inform kay Ciara na parating si Jano?" "Mayroon lang daw siyang natanggap na impormasyon, Master. Kaya pinapunta niya kami upang kumpirmahin kung totoo ang impormasyon na kan
“Doctor Cail!” sigaw ni Clarence ng maabutan niya ang Doctor na papasok sa sasakyan nito. Nakita niyang sandali itong tumigil sa pagbukas ng pintuan ng kotse. Malaki ang kanyang mga hakbang na nilapitan ito bago pa ito tumakas sa kanya.“Ano ang kailangan mo?” Halata ang panunuyo ng lalamunan ng Doctor habang nagsasalita. Ramdam niya ang kaba nito.“Alam mo kung ano ang dahilan kung bakit gusto ka namin makausap ng asawa ko.” sagot niya dahilan upang mapatitig sa kanya ang Doctor.“Ikaw ang ama ng dalawang kambal?” tanong nito.“Oo, kaya gusto kong malaman kung ano ang nangyari bakit nagkahiwalay sila? Paano napunta sa akin ang isang anak ko, samantalang ang isa naman nanatili kay Ciara?” naguguluhan niyang tanong. Nakita niyang nagpalinga-linga ang Doctor sa paligid bago binalingan siya.“Hindi na mahalaga na malaman mo. Kung gusto mo ng tahimik na buhay, huwag mo ng alamin.” sagot nito sa kanya dahilan upang umakyat ang dugo sa ulo niya. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito na
SIXTEEN YEARS LATER ** CLYDE DEL CASTRILLO *** Abala si Clyde sa pagtipa sa harap ng laptop niya nang biglang bumungad ang katawan ni Brando sa loob ng kanyang opisina. "Boss young," Hindi niya ito pinansin kahit naririnig naman niya ang pagtawag nito. Naiirita ang tainga niya kapag naririnig niyang tinatawag siya sa 'Boss young' 'Batang Boss.' Nakasanayan na siyang tawagin ni Brando sa ganitong pangalan kahit ilang beses na niyang sinaway ito. Tila nahulaan naman nito kung bakit hindi siya namamansin kaya binago nito ang pagtawag sa kanya. "Boss Clyde." "What?" Tinatamad niyang sagot habang nakatutok pa rin ang tingin sa monitor ng laptop. Narinig niya ang pagsara ng pinto ng kanyang opisina katibayan na tuluyan na itong pumasok. "Dumating na ang mga fresh flowers na in-order mo." Bakas ang galak at tuwa sa boses nito habang pinipresenta sa harapan niya ang magandang klase ng mga bulaklak. Sinulyapan niya lang ang mga iyon ngunit hindi din naman nagtagal. Muli niyang tinuon a
Inabot ng isang linggo bago nakabalik si Lesly at Brando ganun din si Lauron. Nasundan pa ng maraming linggo ang paggawa ng gamot dahil kailangan pa muna itong e-test kung epektibo at tagumpay ang paggawa.Habang tumatagal lalo ng nanghihina si Clarence. Nagsisimula na rin maubos sa paglagas ng buhok niya sa ulo. Pinili munang dalhin ni Ciara si Clarence sa dating mansyon na binili niya noong una niyang umuwi ng pilipinas. Kasalukuyan silang nasa hardin ngayon habang nanonood ng iba’t-ibang klase at kulay ng paru-paru na masayang lumilipad sa hardin. Nakaupo silang mag-asawa sa damuhan habang nakasandal si Clarence sa balikat ni Ciara. Masaya silang nanonood sa kanilang mga anak na naghahabulan sa hardin kasama ng mga paru-paru.“Sweetheart, sakaling mawala ako, huwag kang tumigil magmahal–”“Kahit kailan hindi ako magmamahal ng iba, Ikaw lang ang gusto ko.” Agaw niya sa sinabi nito kaya napatigil ito sa pagsasalita. Nakita niyang ngumiti ito ng mapakla.“Ngunit hindi ko na masusukli
"Edwin!"Naabutan pa ni Edwin ang panghuling hilik niya ng marinig ang sigaw ni Mylah. Hinahanap niya kung saan ito habang pupungas-pungas."Babe, ano ka ba naman. Bakit ka ba sumisigaw? Baka magising na naman ang anak mo. Ang hirap pa naman patulugin ito." Reklamo niya."Kasalanan mo yan! Kailan ka pa natutong nagdesisyon na hindi muna ako tinatanong?" Mahinahon ngunit halata pa rin ang galit nito."Pumirma ka na?" Tanong nito."At bakit hindi ako pipirma gayung nakapirma ka na?" Singhal nito at pabagsak na umupo sa kama."Babe, isang taon lang naman ang kontrata nila eh. Sakaling hindi nila natutunang ibigin ang isa't-isa, mawawalan ng bisa ang kasal after 1 year.""Wala akong question sa pagpapakasal sa kanila dahil alam kong swerte ng anak natin mung si Clyde ang pakasalan niya. Ngunit bakit kailangan pang ilihim mo ito sa akin?""I'm sorry." Kinuha nito ang kamay niya at dinampian ng halik. "Alam ko kasi ang maging reaksyon mo kaya parang isang galit na lang hinayaan ko na si Cla
Umangat ng mukha si Clarence. “Saan niyo ito nakita Mom?” tanong niya habang nakatingin kay Donya Amanda. “Si Clyde ang nakakita niyan.” naluluhang sagot ni Donya Amanda. “Saan nga pala sila?” “Nauna na sila sa loob ng sasakyan.” sagot ni Ciara na ang tinutukoy ay ang bridal car niyang limousine. “Tamang-tama, doon na rin ako sasakay.” mabilis pa kaysa sa kanila na pumasok ito ng limousine. “Ako na ang magdadrive anak.” nakangiting wika ni Lauron at kinuha ang susi sa driver. “Mukhang naging masungit ngayon si Mommy sa inyo Dad, ah.” pabirong saad ni Ciara. “Hehe, hayaan mo siya anak. Lalambot din sa akin yan.” nakangiting sagot ni Lauron at tinulungan ng makapasok sa loob ng limo si Clarence. Matapos niyang e-fold ang wheelchair at ipasok rin sa loob. Agad na siyang lumipat sa driver seat. “Mi-amor, dito ka umupo sa tabi ko sa driver seat.” tawag niya kay Amanda ngunit tila wala itong narinig. “Mom, sa tingin ko po, doon na kayo umupo. Medyo masikip tayo rito.” wika ni Ciara.
"Kanina, habang binabaybay natin ang gitna ng Aisle, hindi pa rin ako makapaniwala na sa daming lalaki sa buong mundo ikaw ang lalaking itinakda ng panginoon sa akin upang maging kabiyak ng puso ko. Sa dinami-dami ng kamalasan na nangyari sa buhay ko minsan tinanong ko ang Diyos kung deserve ko ba ang lahat ng iyon ngunit ikaw ang naging sagot niya sa lahat ng mga tanong ko. Simula ng malaman ko na ikaw ang ama ng mga anak ko hindi ko alam kung paano kita tatanggapin sa buhay ko. Until I didn't realize that I was slowly falling in love with you. Walang kapantay ang saya na nararamdaman ko ng sinabi mo na mahal mo rin ako. Sa maikling salita nagsama tayo. Nasanay ako sa bawat araw na lagi akong nagigising habang nakaunan sa bisig mo. Lagi akong natutulog sa mga yakap at halik mo. But as the saying goes, love isn't perfect, so fate has put our love to the test several times. Minsan ng sinubukan ng tadhana na ilayo ka sa akin ngunit nagtiwala ako na babalik ka at hindi ako nabigo. Mas la
“Clarence Adler, do you take Ciara Ella to be your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part? “I do,” mabilis na sagot ni Clarence sa tanong ng Pari. "Ciara Ella, do you take Clarence Adler to be your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?” “I do,” nakangiting sagot ni Ciara habang hawak ang kamay ni Clarence. Nakaupo pa rin ito sa wheelchair. Habang tinitingnan ni Donya Amanda ang dalawa sa harap ng Pari hindi niya maiwasan ang manghinayang. Siya ang nahihirapan para sa dalawa. Bongga ang set up ng simbahan. Puro Cherry blossoms ang theme. Napapaligiran ng mataas na puno ng Cherry Blossoms ang magkabilang gilid ng Aisle. Ang Gown naman ni Ciara abot mayroong limang metro ang haba sa likuran at puno ito ng swarovski Crystal beads. Talagang pinaghanda
“Besh okay ka lang ba?” Narinig niyang tanong ni Mylah habang inaayos ang kanyang mahabang wedding Gown sa likuran. Magkasunod siyang tumango. “Okay lang ako best. Hindi ko lang kasi maiiwasan na hindi mag-alala para kay Clarence.” Naiiyak niyang sagot habang maingat na pinapahid ng tissue ang mga luha niya. Nakita niya ang awa mula sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. “Nag-alala ka ba sa kanya dahil mas pinili niyang tumayo kaysa umupo sa wheelchair niya?” Hinawi nito ang ilang hibla ng pinakulot niyang buhok sa gilid ng pisngi. “Oo,” Naluluha niyang sagot. “Alam kong pinipilit niya lang tumayo para sa akin. Ayaw kasi niyang bigyan ako ng pasanin sa araw ng aming kasal. Parang sasabog na ang puso ko ngayon, best.” Magkasunod na pumatak ang mga luha niya na yumakap sa kaibigan. Hinimas naman nito ang likod niya upang maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. “Isipin mo na lang na masaya si Clarence sa pinili niya, best. Huwag mong isipin na may sakit siya, baka kapag nak
“Hindi ko matatanggap na iwanan mo kami, lalaban pa rin tayo. Hahanap ako ng lunas sa sakit mo. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Kaya hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa.” “Sweetheart,” tawag nito sa kanya na may kasamang pamgumbinsi na dapat na siyang sumuko. “Hindi kita susukuan Clarence. Kahit kailan hindi kita sinukuan. Sana ganun ka rin! Utang na loob! Papayag ka na lang ba na paghihiwalayin tayo ng sakit mo? Nakalimutan mo na ba? Sabay tayong lumaban kahit gaano man kahirap labanan ang mga kalaban natin. Nalampasan natin iyon. Ngayon ka pa ba susuko?” Umangat siya ng ulo at tinitigan ang maamong mukha ng asawa na nahilamos na rin sa luha. Kinulong niya sa kanyang mga palad ang mukha nito at ginawaran ng mainit na halik sa labi. Napapikit si Clarence habang ginagawa iyon ni Ciara. “Huling laban na natin ito, nasa atin ang gabay ng Diyos, kaya naniniwala akong gagaling ka pa. Kahit sa bingit ka pa ng kamatayan hindi pa rin kita susukuan kahit ako na lang ang mag-isang lumalaban.”
Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe pauwi ng biglang mag ring ang telepono ni Clarence. Kinuha ni Ciara ang cellphone mula sa likurang upuan at ibinigay iyon kay Clarence.‘Sino ang tumatawag?” tanong nito habang nagmamaneho. Hindi muna nito kinuha ang cellphone sa kanya. Tiningnan niya ang screen. “Hindi ko alam. Numero lang kasi ang lumabas.” sagot niya.“Sagutin mo na muna,” pasuyo nito sa kanya.“Hello?” bungad niya.“Hello, sa kay Clarence Adler Del Castrillo po ba ito?”“Ito nga po.” agad niyang sagot.“Ah, Ma’am from St. Dominic Hospital po ito. Tumawag po kami to inform about sa pasyente namin na si Leticia Del Castrillo. Thirty minutes na po siyang binawian ng buhay. Ilang araw na po kasi siyang hindi kumakain. At kanina lang, natagpuan namin ang bangkay niya sa loob ng banyo. Uminom po siya ng muriatic acid na nandoon sa loob.”Napaawang ang labi ni Ciara habang nakatingin kay Clarence ng marinig ang balita. “Hello Ma’am? Nandiyan pa po ba kayo?”Agad na nakabalik si Ci