Ngunit ang higit na ikinagulat ni Rose ay ang solong pagkakatiwala ni Don Manolo kay Alexander bilang legal guardian ni Alexa. Labis ang kanyang pagkabigla. Gusto niyang i-kontest ang bagay na iyon. Ano ang karapatan ni Alexander sa kanyang anak? Oo nga at magkapatid ang mga ito, pero naroon siya bilang ina ng bata. Maaaring hindi siya pinakasalan ng Don ngunit nararapat na nasa kanya ang pagpapasya. Ano ang dahilan ni Manolo para gawin sa kanya ang mga bagay na ito? Naging maayos ang kanilang pagsasama. Hanggang sa huling sandali ng buhay nito ay nasa tabi lamang sya. Parte pa ba ito ng kanilang kasunduan? At paano niya ipagkakatiwala ang anak sa isang estranghero? Higit siyang may karapatan kay Alexa dahil siya ang ina. Kung kanina ay puno ng kaba at kalituhan ang isip niya, ngayon ay may umuusbong na galit sa kanyang dibdib. Kahit pa ba may awtorisasyon si Manolo sa pagkakatiwala sa bata sa kapatid nito ay wala sila sa posisyon para alisin ang kanyang karapatan sa pagpapasya p
“This is the last thing that he wanted huh?" Alexander gritted his teeth. Muling pinasadahan ang bahagi ng testamento kung saan nakasaad ang kahilingan ng ama. "To babysit his child." Naikuyom niya ang mga palad at pahagis na binitawan ang ilang pahina ng kasulatan sa lamesa. "Are there options we can do about it, Lance?" Baling ni Alexander sa kaibigan. Kasalukuyan silang nasa opisina ng ama at nire-repaso ang will na iniwan ni Don Manolo. Humarap si Lance kay Alexander. Inayos ang salamin sa mata at nagde-kuwatro. "Afraid so Alexander, but the will is authentic," mariing sagot ni Lance. "Wala akong makitang butas na maaaaring magamit upang mabago ang nilalaman nito," paliwanag pa nito. "Isa pa, iyan ang pinakamahalagang bagay na ipinakikiusap ng iyong ama na kailangan mong sundin," seryosong wika ni Lance kay Alexander. "And one more thing lest you forget, your father not only wants you to babysit his child, he also demands you to marry his woman," paalala ng kaibi
Tunog ng pumaradang sasakyan ang naulanigan ni Rose mula sa garahe. Hindi na niya pinansin ang bagay na iyon dahil abala siya sa pagpapakain kay Alexa. Nagmamarakulyo na naman ang anak niya. Panay iyak nito dahil na miss na raw ang yumaong ama. Ngayon ay siya ang personal na nag-aasikaso kay Alexa. Hindi pa rin pumapasok sa iskwela ang bata. Naging malulungkutin kasi ito mula nang sumakabilang buhay ang Don. Napilitan tuloy siyang mag leave muna sa trabaho. Sabagay talagang gagawin niya ang bagay na iyon. Katunayan ay nag-iisip na rin siyang magpasa ng resignation letter. Ngayong naririto na si Alexander ay nasa lalaki na ang lahat ng karapatan at kontrol sa kompanya. "Ma'am Rose, dumating na po si senyorito Alexander," imporma ni Bela. Napalingon siya, tipong nagulat. Hindi niya inaasahan na darating ang binata sa gabing ito. Isang linggo na ang nakakalipas mula nang huli silang magkita sa mansion. Hindi rin ito dumating sa eksaktong araw na sinabi nito. Kaya't buong akal
Sa ilang araw pa lamang na pamamalagi ni Alexander sa mansion ay naging mas malapit ang loob rito ni Alexa. Magkasundong-magkasundo ang dalawa at tingin pa nga ni Rose ay labis nitong pina-pamper ang kanyang anak. Naging palaisipan sa dalaga kung bakit hinayaan ng lalaki ang bata na kilalanin ito bilang pangalawang ama. Madalas na itong tawaging daddy ni Alexa. She's not comfortable, subalit sa tuwing nakikita niya ang anak na masaya ay gumagaan ang loob niya. Sa tulong ni Alexander ay nabawasan ang pagiging malulungkutin ng bata. Tama bang makaramdam siya ng kapanatagan? Malayo sa hinagap ni Rose na magiging mahirap para sa lalaki na tanggapin si Alexa bilang bagong kapamilya. Ngunit mainit ang naging pagtanggap nito sa kanyang anak. Ang buong akala pa mandin niya ay magiging kumplikado ang lahat. May mga pagkakataon na nakikita niya ang sarili na nakangiti habang pinagmamasdan ang dalawa. At lagi na'y nahuhuli siya ni Alexander sa ganoong senaryo. Mabilis naman siyang nagba
“Miss dalawang kuwarto ang kailangan namin." Ang pinagkadiin-diinang wika ni Rose sa babaing receptionist. Apparently ay hindi siya nito naririnig dahil ang buong pansin nito ay nakatuon lamang kay Alexander. Nakapagkit pa sa mga labi ng babae ang nakakairitang ngiti. Pangitang nagpapa-cute sa lalaki. Wala sa loob na napaismid sya. "Haven't you heard her? Iisang kuwarto na lang ang availabale nila." Sambit ni Alexander na nilingon siya. Tumaas ang isang kilay nito nang mahuli syang nakasimangot habang nakatitig sa babaing umi - estima sa kanila. Ang lalaki kasi ang nakikipag-usap sa counter. Nahuli ni Rose na nagbulungan ang dalawang babaing nasa front desk. Mas lalo siyang nairita kaya't tinaasan niya ng kilay ang dalawa. Mabilis namang nagbaba ng tingin ang mga ito. "Rose..." pukaw ni Alexander sa dalaga. Tila naman nahimasmasan na binalingan ito ng tingin ni Rose. Pormal na ang mukha ng binata. "Masyadong hassle kung lilipat pa tayo ng ibang lodging house. Nakita mo n
Lumingon ang lalaki sa nagsalita. Nagsalubong ang kilay, sabay ngisi. Hinapit si Rose sa baywang palapit rito at inakbayan. Si Rose, bagama't nabigla sa biglang pagsulpot ni Alexander, ay nagliwanag ang mukha sa kabila ng takot. "Pare, 'wag kang makialam dito. Away mag-syota to." Sambit ng lalaki. "You're hurting her." Patuloy na sita ni Alexander. "Sabi nang 'wag kang makialam, pare. Wala ka sa ayos ah," maangas na turan na ng lalaki. Naglakas na ito ng boses. "Ikaw ang wala sa ayos, pare. Asawa ko iyang akbay-akbay mo." ani Alexander sa paraang kalmado. Nagulat ang lalaki pero hindi nagpawindang. Sa mukha ay naroon ang hindi paniniwala sa sinabi ni Alexander. Bagkus ay bigla itong humalakhak. "Asawa mo? Eh, syota ko nga to and she's enjoying my company, hindi ba sweetie?" Inilapit ng lalaki ang mukha kay Rose, na nahintakutan. Akmang hahalikan nito ang dalaga sa labi nang mabilis na nakalapit si Alexander at nahila ang pangahas. "No one can touch my wife," mariing
“Alexander at Rose sa bisa na iginawad sa akin ng Saligang Batas, kayong dalawa ay idini-deklara kong tunay nang mag-asawa." pagtatapos ni Judge Arevalo sa seremonya. Si Rose ay labis ang nadaramang tensyon. Kanina pa niya hindi maunawaan ang sinasabi ng hukom. Napakislot siya nang maramdaman ang paggagap ni Alexander sa mga palad niya. She slowly looked up to him. She gasped at the sight of his handsome profile. Ubod tamis sa pagkakangiti ang lalaki. Marahan siya nitong hinawakan sa magkabilang pisngi. Kung pagsuyo man ang nababanaag niya sa mga mata nito ay hindi niya mawari. Maaari na sadyang magaling lang itong magpanggap. He vows his head to give her a tender loving kiss. Parte ng seremonya. Mariin niyang naipikit ang mga mata nang lumapat ang mga labi ni Alexander. Kay lambot niyon sa kanyang pandama. Nagtagal din ng kung ilang minuto ang mga halik nito. At nang unti-unti siya nitong pakawalan ay nais niya sanang magprotesta at habulin ang mga labi nitong palayo
Sa lobby ay namataan nila Rose at Lance is Alexander. Mag-isa na ang lalaki na naglalakad palapit sa kanila. Wala nang anino ni Avira. Kung paano naidispatsa ni Alexander ang babaing iyon ay ayaw niyang pagka-abalahang isipin. Nagbabago kasi ang timpla ng mood niya sa tuwing naaalala ang eksenang ginawa nito kanina. Kinausap ng asawa si Lance, bago sinenyasan siyang maghintay dahil tuloy-tuloy na sana siya palabas ng hall. Andap siyang tumigil sa isang tabi. Pagkatapos makipag-usap ng ilang minuto ni Alexander sa kaibigan ay nilapitan na siya nito agad. Hindi naman niya malaman kung paanong approach ang gagawin niya sa lalaki. Matipid siyang ngumiti rito nang bigla ay... His right hand clutches her waist which surprisingly excites her. Mahigpit na tila ayaw siyang pakawalan. Hindi niya inasahan na gagawin iyon ni Alexander. Bigla tuloy siyang nailang sa pagkakadikit ng kanilang mga katawan. Hanggang sa makarating sila ng parking lot ay nanatiling nakayakap ang mga kamay ng l