Hinayaan ni Rose sa patuloy na pagdaloy sa katawan niya ang tubig na nagmumula sa dutsa. Sinusubukan niyang lunurin sa tubig ang iba't-ibang emosyong nagsasabayan sa isip at pandama. Kanina ay kinuskos niya nang maigi ang mga bahagi ng katawan upang mabura ang mga marka ng kamay doon ni Barok. Maituturing na pangalawang bangungot na naman ang lahat. Nagpapasalamat siyang nananatili siyang buhay magpa-hanggang ngayon. At lahat ng iyon ay utang na loob niya kay Dmitri. Si Dmitri ang lalaking lagi na'y laman ng kanyang puso. Subalit ang katatagan ay unti-unting pinahihina ng hapdi at kirot na dala ng kanyang pagkabigo. Mas ramdam pa niya ito kaysa sa mga sugat at galos sa katawan. Tinapos na niya ang paliligo at lumabas na tanging roba ang suot. Hindi na siya nangiming gamitin iyon dahil nakabalot pa sa plastic nang kunin niya at mukhang hindi pa gamit. Maliban sa nauna nang nabanggit ni Lita na maaaari niya gamitin ang anumang gamit na naroon. Nabigla siya nang
Pinaalab ng mga halik ang mga puso nilang nasabik sa isa't-isa. Pinakawalan ni Dmitri ang kanyang mga labi. Lumipat ang labi nito sa balikat ni Rose, paakyat sa leeg, hanggang sa likod ng tenga. Hindi na namalayan ni Rose na napa-upo na siya sa kanlungan ni Dmitri. Patuloy ang paggalugad ng bibig ni Dmitri. Sinapo ang kanyang kanang dibdib. Bumalik sa kaliwa at tuluyan itong sinubo. Labis na ligaya ang dating kay Rose ng sensasyon. Ungol ng pagpaparaya at labis na kaligayahan. Halos ikapugto ng hininga ng dalaga ang daluyong ng bibig ni Dmitri sa kanyang dibdib. Salit-salitan Lunod na lunod ang dalaga sa init na dulot ng kanilang mga katawan. Hinila ni Dmitri ang balakang ni Rose. Tamang madama ang pagbabago sa loob ng pantalon nito. Nang biglang may maaalala ang dalaga. "Are you sure you wanna do this? I mean you may get hurt?" "Gusto mo bang tumigil ako, sabihin mo. Gusto kong marinig mula sayo," wika ni Dmitri, sa pinakamalambing na tono. Hinalikan siya
“Mommy!" Hustong kabababa lang ni Rose ng sasakyan nang marinig ang maliit at matinis na boses na nagmumula sa isang batang babae. It's Alexa, her five-year-old adorable daughter. Tumakbo ang bata palapit sa kanya upang salubungin siya. Cute na cute sa suot nitong maong jumpsuit na may character pa ni Dora. May kabilugan ang pangangatawan ng anak na nagpapakitang malusog itong bata. Awtomatikong lumabas ang cute dimples nito sa mabilog at mamula-mulang pisngi. Naka-pigtail ang may kahabaan nitong buhok na may mga maliliit pang ipit na ibat-iba ang mga kulay. Sa likod ni Alexa ay nakasunod ang tagapag-alaga nito na si Carol. Tumatagaktak ang pawis sa noo ng yaya habang hawak sa kamay ang kulay rosas na tuwalya. Paliliguan na siguro nito ang anak subalit mukhang nangulit na naman ang alaga. Napapailing na sinalubong ni Rose ang bata. "How's my lil girl?" Aniya. Inabot niya ang dalang bag kay Carol at lumuhod upang mayakap si Alexa. "I'm super-duper mabait po today.
Naupo si Rose sa gilid ng kama. Hinawakan ang medyo yayat na kamay ng matanda at dinala sa pisngi niya upang damhin. Naramdaman niya ang panginginig ng mga palad nito. "Hmmm...ano iyong nabalitaan kong kumain ka na naman daw ng mga bawal sa'yo?" Lambing na bungad niya sa Don. "At pinagod mo pa ang iyong sarili sa pakikipaglaro saiyong anak. Manolo..." Ngumiti ang Don. Inawat si Rose sa pagsasalita. Binawi nito ang kamay mula sa babae at inabot ang mga kamay ng dalaga bago ikinulong sa kanyang mga palad. Tinitigan ng Don si Rose ng diretso sa mga mata. Naroon ang pagmamahal, kagalakan at pasasalamat. "Rose, hija, nasa dapit-hapon na ako ng aking buhay. Quota na kumbaga. Ang konting bawal ay hindi na makasasama sa aking katawan.” ani Manolo. "Alam kong konting panahon na lamang ang ilalagi ko sa mundo at gusto kong ilaan iyon sainyo at sulitin ang mga nalalabi ko pang mga araw na masaya, kasama kayo ni Alexa.” dagdag pa nito. Umingos ang dalaga. Pilit na pinipigil na mag
Napaupong bigla Si Rose, tuluyang bumigay ang kanyang mga tuhod. Mabilis naman siyang dinaluhan ng tiyahin na katabi lamang niya. Nang matuklasan niya ang pagkakaroon ng iba pang anak ni Manolo ay nabahala na siya sa magiging kalagayan nilang mag-tiyahin. Higit siyang nag-alala para sa anak. Paano tatanggapin ng lalaki ang pagkakaroon nito ng kapatid sa ama? At si Alexa, paano niya ipaliliwanag sa anak kung sino si Alexander sa buhay nito? Makakaya bang tanggapin ng pang-unawa ng bata ang mabilis na pagbabago sa buhay nito? Ngayon niya lamang higit na naunawaan kung bakit ng mga nakaraang buwan ay nagpabalik-balik si Manolo sa Amerika. Pilit pala nitong inaayos ang problema sa pagitan nito at ng anak.Subalit nabigo ang Don. Napag-alaman niya na matigas ang loob ni Alexander. Sumama ang loob niya nagkaroon ng munting galit sa lalaki. Tanong niya ay paano nito nasisikmura na ignorahin ang ama nito sa abang kalagayan. Subalit ay hindi na niya inalam ang buong kuwento. S
Ngunit ang higit na ikinagulat ni Rose ay ang solong pagkakatiwala ni Don Manolo kay Alexander bilang legal guardian ni Alexa. Labis ang kanyang pagkabigla. Gusto niyang i-kontest ang bagay na iyon. Ano ang karapatan ni Alexander sa kanyang anak? Oo nga at magkapatid ang mga ito, pero naroon siya bilang ina ng bata. Maaaring hindi siya pinakasalan ng Don ngunit nararapat na nasa kanya ang pagpapasya. Ano ang dahilan ni Manolo para gawin sa kanya ang mga bagay na ito? Naging maayos ang kanilang pagsasama. Hanggang sa huling sandali ng buhay nito ay nasa tabi lamang sya. Parte pa ba ito ng kanilang kasunduan? At paano niya ipagkakatiwala ang anak sa isang estranghero? Higit siyang may karapatan kay Alexa dahil siya ang ina. Kung kanina ay puno ng kaba at kalituhan ang isip niya, ngayon ay may umuusbong na galit sa kanyang dibdib. Kahit pa ba may awtorisasyon si Manolo sa pagkakatiwala sa bata sa kapatid nito ay wala sila sa posisyon para alisin ang kanyang karapatan sa pagpapasya p
“This is the last thing that he wanted huh?" Alexander gritted his teeth. Muling pinasadahan ang bahagi ng testamento kung saan nakasaad ang kahilingan ng ama. "To babysit his child." Naikuyom niya ang mga palad at pahagis na binitawan ang ilang pahina ng kasulatan sa lamesa. "Are there options we can do about it, Lance?" Baling ni Alexander sa kaibigan. Kasalukuyan silang nasa opisina ng ama at nire-repaso ang will na iniwan ni Don Manolo. Humarap si Lance kay Alexander. Inayos ang salamin sa mata at nagde-kuwatro. "Afraid so Alexander, but the will is authentic," mariing sagot ni Lance. "Wala akong makitang butas na maaaaring magamit upang mabago ang nilalaman nito," paliwanag pa nito. "Isa pa, iyan ang pinakamahalagang bagay na ipinakikiusap ng iyong ama na kailangan mong sundin," seryosong wika ni Lance kay Alexander. "And one more thing lest you forget, your father not only wants you to babysit his child, he also demands you to marry his woman," paalala ng kaibi
Tunog ng pumaradang sasakyan ang naulanigan ni Rose mula sa garahe. Hindi na niya pinansin ang bagay na iyon dahil abala siya sa pagpapakain kay Alexa. Nagmamarakulyo na naman ang anak niya. Panay iyak nito dahil na miss na raw ang yumaong ama. Ngayon ay siya ang personal na nag-aasikaso kay Alexa. Hindi pa rin pumapasok sa iskwela ang bata. Naging malulungkutin kasi ito mula nang sumakabilang buhay ang Don. Napilitan tuloy siyang mag leave muna sa trabaho. Sabagay talagang gagawin niya ang bagay na iyon. Katunayan ay nag-iisip na rin siyang magpasa ng resignation letter. Ngayong naririto na si Alexander ay nasa lalaki na ang lahat ng karapatan at kontrol sa kompanya. "Ma'am Rose, dumating na po si senyorito Alexander," imporma ni Bela. Napalingon siya, tipong nagulat. Hindi niya inaasahan na darating ang binata sa gabing ito. Isang linggo na ang nakakalipas mula nang huli silang magkita sa mansion. Hindi rin ito dumating sa eksaktong araw na sinabi nito. Kaya't buong akal
🌹Chapter Sixty🌹(Ang Katapusan)Rose was stunned. Her eyes still went wide. Tama ba siya nang rinig? "Na... naaaalala mo?" atubiling tanong niya. "Yes, I remembered everything, particularly...us." malambing na sagot ni Alexander, habang nakatunghay sa maliit niyang mukha. Sa nanlalaking mata ay muling umawang ang mga labi niya. Hindi agad siya nakapagsalita. Pilit inaaabot ng isip ang mga salitang nagmula sa lalaki. Baka kasi dinadaya lamang siya ng pandinig. "P...pero sabi ni Lance..." "Ni Lance? putol ni Alexander na may pagkunot ng noo. "Yes, he said you did not remem...," she paused. "Oh that bastard, he tricked me!" She hissed. Sukat humalakhak si Alexander. "You two have the same feathers," sabi ni Rose, na kinakitaan ng pagkapikon. "So devastating that you may remember parts of the memory but not all of it," dagdag niya. "You're the most beautiful part of it," Alexander said softly, while gently caressing her shoulder. "But you set me up.
Abala man sa ginagawa ay hindi magkamayaw si Rose sa katatanaw kay Alexander. Tinutulungan niya sa paghahanda ng pagkain ang Tiyang Linda niya. Kanina ay pinilit niyang magpaka-kaswal habang kaharap si Alexander. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga natuklasan ngayong araw. Gimbal pa rin siya at hindi agad-agad makabawi sa naging pag-uusap nila ni Lancelot. Hindi rin niya matiyak sa sarili kung ano ba ang nararapat niyang maramdaman sa mga sandaling ito. Ang kaalamang buhay si Dmitri ay labis na nagpagalak ng kanyang puso. Subalit ang katotohanang burado sya sa mga alala nito ay nagdudulot ng 'di matawarang hapdi at kirot sa kanyang damdamin. Ibang klase magbiro ang tadhana. Dumarating sa mga panahong hindi mo inaasahan at hindi ka handa. Huminga sya ng ubod lalim nang makaramdam ng pagbigat sa dibdib. Hinagod niya iyon gamit ang kamay dahil sa pakiramdam na paninikip. Pinuno niya ng hangin ang kanyang busto. Muli niyang sinulyapan si Alexander. Puno ng kasiyaha
“Kung ganoon ay saan dinala ni Alexander ang anak ko?" aniyang pilit na ginagawang pormal ang tinig. Napaupo siya sa katapat na silya ng lalaki. Larawan ng kalituhan at kawalan ng magawa. Punong-puno siya ng pangamba para sa anak. Nakakahiya man ay nawawala ang composure niya sa harap ng abogado. Mistulang balisa at tuliro sa itinatakbo ng mga pangyayari. Kagabi lamang ay talo pa ni Alexander ang totoong mangingibig sa pagpapadama ng pagmamahal. Sadyang ginugulo ng lalaki ang isip at damdamin niya. Sa isang pitik lamang ay dagli nitong naparupok ang kanyang depensa bilang babae. Paano kung ang lahat ng ipinakita nitong pagsuyo ay pawang balatkayo lamang upang makuha ang kanyang loob at pagtitiwala? Saan hahantong ang lahat? Isa ba sa mga istratehiya nito ang magpanggap upang mapagbayad siya sa isang pagkakamali na hindi niya mahanapan ng sagot? Spare my daughter Alexander, Oh God. she mouthed. Handa siyang harapin ang anumang kaso na maaring ipataw ng asawa. Kung
Nag-alala si Tiyang Linda para kay Rose na noo'y nagdadalaga pa lamang. Sa wari nito ay sinasamantala ni Don Manolo ang kanilang pangangailangan dala ng kahirapan. Ilang beses nitong pinayuhan ang pamangkin na pag-isipan o pagnilayang mabuti ang mga proposisyon ng Don. Subalit hindi nagpapigil si Rose at agad na pumirma sa kontrata. Nabahala si Tiya Linda noong una sa pag-aakalang hindi maganda ang hangarin ni Don Manolo sa pagtulong. Kalaunan ay nakita niya ang kabutihang loob ng matanda lalo na at malaki ang nagawa nito upang maging maayos ang kanilang buhay. At aminado siya sa bagay na iyon. Pagkat nagkaroon ng magandang kinabukasan ang pamangkin at siya naman ay nagkaroon ng maayos na hanap-buhay. Nakapagtapos si Rose ng pag-aaral sa isang de -kalidad na unibersidad at nakapagtrabaho sa radyo't telebisyon maging sa kilalang pahayagan. Naging kilala itong magaling na mamamahayag at kalaunan ay naging komentarista. Kasabay noon ay nakakatanggap si Rose ng iba't iba
Nagising kinabukasan si Rose na mag-Isa na lamang sa kanyang silid. Nang kapain niya ang bahagi ng kama ay bakante na iyon at wala ni anino ni Alexander. Tuluyang nagising ang kanyang diwa at iginala ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Subalit ay walang palatandaan ng lalaki. Nagmamadaling inabot ni Rose ang roba sa tabi. Mabilis na isinuot upang mapagtakpan ang kahubaran. Saglit na nag-init ang kanyang mukha sa pagka-alaala sa nangyari nang nagdaang gabi. Pinakiramdaman niya ang banyo baka sakaling naroon lamang ang asawa. Nang hindi makuntento ay sinubukan niyang kumatok ng mahina. Subalit walang senyales na may tao sa loob. Ni wala siyang ingay o kaluskos man lamang na maririnig. Agad siyang nag-ayos ng sarili at nagbihis nang mapagtantong baka nauna nang lumabas ang asawa. Sa kusina ay nabungaran niya ang tyahin na abala sa pagluluto. Tinapunan siya ng tingin ni Tiya Linda nang may kahulikap na ngiti. "O, mabuti at nagising ka na, aba'y umalis ang asawa mo." imporma ni
Hesusmaryosep! Anang tiya Linda na napaantada, larawan ito nang pagkagulat sa natunghayan sa kusina. "Tiyang!" lingon dito ni Rose. Mabilis siyang kumawala kay Alexander. Tumayo at inayos ang sarili. Pagkatapos ay nahihiyang napatitig sa tiyahing mulagat. A…Alexander?" sambit ng tiyahin, hindi makapaniwala ang babae na mabubungaran sa kusina ang lalaki kasama ang pamangkin sa isang mainit na tagpo. "Magandang gabi po, Tiyang Linda." Seryosong bati rito ni Alexander. Agad na nagmano ang lalaki sa matanda na bagama't nagpaunlak ay larawan ng kalituhan. Sinulyapan ni tiya Linda si Rose na hindi malaman kung paano magpapaliwanag at hindi rin makatingin ng diretso sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa na puno ng pagdududa. Aktong magpapaliwanag na sana si Alexander nang unahan ito ni Rose. "N... Nagkita po kami sa event." aniya sa tiyahin. "Hinatid niya po ako dito sa bahay at..." "At...?" tuloy na tanong ni tiyang Linda na may halong pagkainip. "
Muling pinasibad ni Alexander ang Ducati nito pagkatapos ng ilang saglit. Hindi alintana ng lalaki ang rumaragasang ulan. Nagpatuloy ito at mas lalo pang binilisan ang pagpapatakbo. Hindi naman magkamayaw sa pag-aalala si Rose. Dahil basang-basa na ang asawa. At ang buhos ng ulan ay tila nakikipaggirian sa lakas ng bayo. Kay bilis rin ng takbo nila. At sa dilim na bumabalot sa paligid ay duda siyang naaaninag pa ng asawa ang kalsada. Subalit tila gamay na gamay ni Alexander ang dinaraanan. Mariin na lamang syang pumikit at mahigpit na yumakap sa lalaki. Sa kabila naman ng pangamba ay gising na gising ang mga pandama niya sa init na hatid ng pagkakalapit muli ng kanilang mga katawan. Nakailang bitiw siya ng malalim na paghinga. Nakakaloka ang senses niya at gusto pa ata siyang ipahiya. "We're here," bulong ni Alexander na nagpa-igtad sa kanya. Paglinga niya ay unang tumambad sa paningin niya ang bakod ng kanilang bahay na yari sa bakal. Namamanghang napatitig siya sa la
Hindi na nagawang makapag-reklamo pa ni Rose. Wala siyang nagawa kundi ang madismaya na lamang sa itinakbo ng mga pangyayari. Tumigil na rin sya sa kapapalag dahil nagmumukha lang siyang katawa-tawa. Sa higpit ng pagkakabitbit sa kanya ni Alexander malabong makaalpas sya. At ang tanga niya sa parteng wala siyang ni ideya na magkakilala pala sila Dusan at ang asawa. Kung ang pangunahing pakay ni Alexander sa pagtungo sa Cotabato ay para kastiguhin siya, nakapagtataka ang pagiging kalmante nito. Katunayan ay halos gustong lumundag ng puso niya nang masilayan sa muling pagkakataon ang guwapong mukha ng lalaki. Her defenses were weakened by his grin. For the past few weeks, she had never seen him. In her heart, she longed for this man. Buong akala pa mandin niya ay sasalubungin siya nito ng poot at galit. Ngunit malayo roon ang ipinapakitang kilos ng lalaki. Halos kabaliktaran. She heaved a sigh of relief. Gayunpaman ay nilinga niya ang paligid. Malay ba niya kung may mga
Eksaktong ika-walo ng gabi nang marating nila ang Plaza Hotel. Iginiya sila ng usherette na sumalubong sa kanila pagpasok pa lamang sa bulwagan. Habang naglalakad ay ramdam ni Rose ang mga matang nakamasid. Mula pa kanina sa entrance ay takaw-pansin na ang pagdating nila ng alkalde. Mayroong kababakasan ng paghanga; may tinging nang-iintriga; at mayroon ding nakaarko ang mga kilay. Ipinakilala siya ni Dusan sa mga kaalyado nito. May tuksuhan subalit tinapos ng kaibigan sa salitang magkaibigan lamang sila. Ilang dating katrabaho sa larangan ng media ang natanaw niya sa 'di kalayuan. Kuntodo kaway ang mga ito kaya't saglit siyang nagpaalam kay Dusan na nagpaunlak naman. "OMG! Are you dating the elusive Mayor Dusan Aguirre?"Salubong ni Karla, na namimilog ang mga mata. Dati niya itong nakasama sa isang malaking network as anchor. Nakipag-beso ang babae. "We're just friends," Rose simply responded. "Then you've got everybody fooled here, darling." sambit ni Karla, na h