“Mom!" Sigaw ni Alexa nang mapansin siya pagtingala nito sa may bintana. Sumunod na lumingon ang asawa. Huli na upang kumubli. Wala siyang nagawa kundi ang kumaway at magbigay ngiti sa anak. Pinamulahan siya ng mukha nang maramdaman ang humahagod na tingin ng lalaki. Mas lalo siyang namula nang sumilip si Manang Choleng at makita siya sa ganoong itsura na halos kumot lang ang saplot sa katawan. Napaungol siya sa kahihiyan. Bumalik sa loob at lumipat sa guestroom. Mabilis na naligo at nagbihis. Isang dilaw na mini dress ang kanyang isinuot na tinernuhan niya ng sandalyas. Paano niya ba haharapin ang asawa ng hindi naiilang. Ah, bahala na ...bulong niya sa sarili. Sa isang panig ng malawak na bakuran ay may nakatayong dampa o bamboo hut. Nakita niya roon si Manang Choleng, at abala sa paghahanda ng mga pagkain. Minabuti niyang doon na lamang tumuloy. Sinulyapan niya ang asawa at anak. Patuloy pa rin ang mga ito sa paglalaro. "Magandang umaga po, Manang Cho
“Avira?" Ang gulat na si Alexander na hustong kapapasok lang sa pintuan. Hindi nito inaasahan na madadatnan ang babae sa pag-uwi. Sabay pang napalingon sila Rose at Avira sa lalaki. "Oh darling, so happy to see you." Salubong ng babae at akmang hahalikan sana ang lalaki. "What brought you here, Avira?" Tanong ni Alexander sa malamig na tono. "I have a surprise for you," sagot ni Avira, na may kasamang pag-angat ng kilay. Mukhang hindi nito nagustuhan ang malamig na pakikitungo ni Alexander. "See this?" Itinaas nito ang hawak na brown envelope. "Ito ang tatapos sa pagpapanggap ng babaing iyan," duro nito Kay Rose sa nanlilisik na mata. Kumunot ang noo ni Alexander. Si Rose naman ay walang maintindihan sa mga pinagsasabi ng babae. Niladlad ni Avira ang nilalaman ng malaking sobre. Inabot ang bagay na iyon Kay Alexander. Pinasadahan ng lalaki ang papel o kung anuman iyon. Umigting ang panga nito at nagbago ang anyo, naging mabalasik. Ngumisi si Avira.
“You're a fool, Alexander!" Puno ng hinanakit na wika ni Avira. Sinundan ni Alexander ang babae pagkatapos ng eskandalo nito sa mansion. Hindi upang amuhin o makipag-ayos kundi upang klaruhin ang mga bagay sa pagitan nilang dalawa. Kasama na ang pag-amin niya sa tunay na nararamdaman niya para sa asawa. Bagay na hindi matanggap ng babae. "Paano mo nasikmurang tanggapin ang tira-tira na lamang ng iyong ama? Mas higit kang marupok kaysa kay Manolo. Nakakababa ng pagkatao na isang basura lang ang ipinalit mo sa akin. Dapat nga ay magpasalamat ka pa dahil hinubaran ko ng maskara ang babaing iyon." Mataas at pauyam na dagdag pa ni Avira. Pinukol ng masamang tingin ni Alexander ang dating kasintahan. Sa una palang ay batid na ng babae na wala siyang pag-ibig rito. Na ang namamagitan sa kanila ay walang commitment. At maliwanag iyon kay Avira. "Ako ang magpapasya sa mga bagay na iyan Avira. Kaya kong alamin ang buong katotohanan sa lahat ng sinabi mo. And I want to clarify somethi
Isang oras na ang nakalilipas mula nang makausap niya si Lance. Nakakainip ang bawat minutong dumadaan at naiinip na siya. Kasalukuyan siyang nasa study room at hinihintay ang kaibigan. Nakailang ikot na siya sa oval na lamesa. Nakakaramdam na siya ng pagkabagot. "Damn it Lancelot, what's taking you so long?" Mariing bulong ni Alexander sa sarili. Punong-puno siya ng mga katanungan. Halos gustong sumabog ng utak niya sa mga natuklasan ngayong araw. Unti-unti na siyang nakararamdam ng pagkirot ng ulo. Kahit anong pilit niyang alalahanin si Rose sa isipan ay wala siyang maalala. He honestly can't recall one incident of meeting her. Ano ang ibig sabihin ni Manolo sa sulat nito? Paano niyang naging anak si Alexa kung ni minsan ay hindi sila nagtagpo ng asawa? Imposibleng makalimutan niya si Rose kung isa man ito sa mga babaing napaugnay sa kanya. She's exceptional. Umangat ang ulo niya nang bumukas ang pintuan. Lumiwanag ang kanyang mukha ng pumasok si Lance. "I'm so
“Drop your gun or you're dead." Pagbabanta ni Lucas. Ngunit walang paggalaw mula kay Dmitri. Nanatili itong nakatayo at nakikiramdam sa lalaking nasa likuran. Lucas gritted his teeth. Gustong mawalan ng pasensya. Kung hindi siya nagkakamali ang lalaking nakatalikod ang kanilang subject. Mula pa kanina sa engkuwentro ay nababaghan na siya sa lalaki. Kapwa bandido nito ang inaasinta at kinikitlan ng buhay. Kita ang mga pinsala nito sa katawan. Na nagpapatunay lamang na dumaan ito sa mabigat na laban. Ngunit pangitang-pangita ang pagiging bihasa nito. Ni hindi alintana ang mga tama sa katawan. "I said drop it," he ordered. Marahan namang binitiwan ni Dmitri ang hawak na baril sa lupa. Sinubukan ni Lucas na lapitan ang lalaki para sinuhin. Subalit mabilis si Dmitri. Ang lapit niyang iyon ay mabilis nitong nasangga ang kamay niya at sinubukang baliin. Nagulat man ay mabilis rin siyang nakabawi. Nagsukatan sila ng lakas. Isang suntok sa mukha ang nagpatulig sa kanya mul
Tahimik ang paligid ng kuta. May mangilan-ngilang rebelde sa paligid na nagbabantay. Ngunit wala ni isang nakapansin na may mga sundalong naka-puwesto na sa paligid. Sinenyasan ng kapitan ang mga kasamahan. Kailangan na nilang kumilos. Umiikot ang oras at mahalaga ang bawat minuto para sa isang misyon. Una nilang pinuntirya ang mga bantay. Saglit pa at isa-isang nagsipag-bulagtaan sa lupa ang mga katawan na wala ng mga buhay. Subalit isang bandido ang nakaramdam ng kanilang pag-atake. Sumigaw ito upang mabigyan babala ang mga kasamahan. Na-alarma ang lahat kaya't nagkaron na ng malaking komosyon. Nagpalitan na ng mga putok. Naging marahas ang engkuwentro. Dahil hindi rin basta-basta nagpalupig ang mga bandido. Kitang-kita ang kahandaan ng mga ito, gamit ang mga de klaseng armas. Ngunit hindi kinakitaan ng pagkabahala ang kapitan. Layon ng misyon ang iligtas ang bise presidente mula sa pagkakadukot ng mga tulisang kilala sa pagiging berdugo sa pagkitil ng buhay
Tunog nang pumaradang sasakyan ang naulanigan ni Rose mula sa labas. Lumapit siya sa may bintana at sumilip sa munting siwang na ginawa. Isang Lexus RX ang natanaw niyang nakahimpil sa 'di kalayuan. Napangiti siya nang bumaba mula roon si Dusan Aguirre. He looks stunningly handsome in his off-white suit. Mag-isa lang ang lalaki at wala ni isang bodyguard na kasama man lang kasama. Limang taon ang nakalilipas ay nakilala niya si Dusan sa isa sa mga press conference sa Cotabato. Bagong halal pa lamang noon ang lalaki bilang alkalde ng San Fabian. Bagama't bago sa larangan ng public service ay umani ito ng mga papuri't parangal. Kinakitaan niya ng kababaanng loob ang lalaki. Maginoo subalit mabalasik. Napatunayan niya iyon nang minsang bastusin siya ng isa sa mga kaalyado nitong congressman sa isang ambush interview. Medyo lasing na noon ang nasabing pulitiko. Sa pag-akalang isa lamang siyang ordinaryong mamahayag sa crowd ay naging bastos ang lalaki sa mga pa
Eksaktong ika-walo ng gabi nang marating nila ang Plaza Hotel. Iginiya sila ng usherette na sumalubong sa kanila pagpasok pa lamang sa bulwagan. Habang naglalakad ay ramdam ni Rose ang mga matang nakamasid. Mula pa kanina sa entrance ay takaw-pansin na ang pagdating nila ng alkalde. Mayroong kababakasan ng paghanga; may tinging nang-iintriga; at mayroon ding nakaarko ang mga kilay. Ipinakilala siya ni Dusan sa mga kaalyado nito. May tuksuhan subalit tinapos ng kaibigan sa salitang magkaibigan lamang sila. Ilang dating katrabaho sa larangan ng media ang natanaw niya sa 'di kalayuan. Kuntodo kaway ang mga ito kaya't saglit siyang nagpaalam kay Dusan na nagpaunlak naman. "OMG! Are you dating the elusive Mayor Dusan Aguirre?"Salubong ni Karla, na namimilog ang mga mata. Dati niya itong nakasama sa isang malaking network as anchor. Nakipag-beso ang babae. "We're just friends," Rose simply responded. "Then you've got everybody fooled here, darling." sambit ni Karla, na h