Share

Chapter Forty -Five

“Mom!" Sigaw ni Alexa nang mapansin siya pagtingala nito sa may bintana.

Sumunod na lumingon ang asawa.

Huli na upang kumubli.

Wala siyang nagawa kundi ang kumaway at magbigay ngiti sa anak.

Pinamulahan siya ng mukha nang maramdaman ang humahagod na tingin ng lalaki.

Mas lalo siyang namula nang sumilip si Manang Choleng at makita siya sa ganoong itsura na halos kumot lang ang saplot sa katawan.

Napaungol siya sa kahihiyan.

Bumalik sa loob at lumipat sa guestroom. Mabilis na naligo at nagbihis.

Isang dilaw na mini dress ang kanyang isinuot na tinernuhan niya ng sandalyas. Paano niya ba haharapin ang asawa ng hindi naiilang. Ah, bahala na ...bulong niya sa sarili.

Sa isang panig ng malawak na bakuran ay may nakatayong dampa o bamboo hut. Nakita niya roon si Manang Choleng, at abala sa paghahanda ng mga pagkain. Minabuti niyang doon na lamang tumuloy.

Sinulyapan niya ang asawa at anak.

Patuloy pa rin ang mga ito sa paglalaro.

"Magandang umaga po, Manang Cho
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status