NANG UMAGANG nagising si Demani ay ang nangyaring pagtatalo nilang mag-asawa kagabi ang kaagad na pumasok sa isip. She felt heavy; parang ayaw niyang lumabas ng silid at harapin ito. Alam niyang maya-maya ay papasok ito sa silid nila upang maghanda na sa pagpasok sa opisina, at hindi pa siya handang kausapin ito. Naroon pa rin ang sama ng loob sa kaniyang dibdib. Pero naroon din ang bigat—sa unang pagkakataon ay nag-away sila ni Van at wala siyang ideya kung papaano niyang pakikitunguhan ang bagay na iyon. She didn’t know how to fix it. Hindi niya alam kung sino ang unang dapat na gumawa ng hakbang upang magkaayos sila. It should be him, bulong ng isang bahagi ng kaniyang utak.He should be the one to talk to me first and apologize. Tutal ay siya ang may p
“PIZZA? ARE YOU SERIOUS?” Nagkibit-balikat siya at naupo na sa pwesto niya saka balewalang kumuha ng isang slice ng pizza na mainit-init pa dahil kararating lang niyon bago dumating si Van galing opisina. Inabutan nito ang nagdeliver niyon at salubong ang mga kilay na pumasok sa dining area upang makita na isang plate ng pizza at isang karton ng apple juice lang at nakahain doon. “May ginawa ako buong araw at wala ako sa mood para magluto ng dinner,” balewalang sagot niya bago nag-umpisang sumubo. She ordered supreme meat fl
“MABUTI AT NAKARATING KA SA LINGGONG ITO, VAN,” ani Luis, ang ama ni Demani, nang makalapit silang mag-asawa sa mga ito. Everybody was already in the house for the Sunday-get together, at mukhang silang dalawa na lang ang hinihintay. “Nakakuha ako ng bakanteng oras, Dad,” Van answered, smiling at his father-in-law. Si Daliah naman, ang ina ni Demani, ay lumusot mula sa likuran ng asawa saka lumapit sa anak at humalik sa pisngi nito. “Just about time, darling. Katatapos ko lang magluto.” Si Van naman ang hinarap nito. "How have you been, hijo?" Nagmano muna si Van bago sumagot sa mother-in-law. "I'm good, Mom. Pasensya na
TULAD NG KANIYANG inasahan, tahimik lang si Van sa durasyon ng kanilang byahe pauwi. Maayos itong nagpaalam sa buong pamilya nang sila’y umalis, at inalalayan pa siya nitong makapasok sa sasakyan. Palabas sila ng siyudad nang tanongin siya nito kung gusto niyang dumaan na lang sila sa isang restaurant upang magdinner subalit dahil busog pa siya sa masaganang lunch kasama ang buong pamilya ay tumanggi siya. Simula noon ay tahimik nang nagmaneho ang asawa, habang siya nama’y hindi komportable dahil alam niyang sirang-sira ang mood nito sa nangyari sa lunch at pilit lang na nakikipag-usap sa kaniya. At alam niyang mananatili itong tahimik at kikimkimin na lang ang inis kung hindi niya ito pipiliting kausapin siya. &n
HUWEBES NG HAPON at naisipan ni Demani na magtungo sa isang shopping center upang mamili ng mga bagong summer dresses na dadalhin niya sa bakasyon nila ng asawa sa El Nido, Palawan. Nag-e-empake na siya ng mga gamit na dadalhin nila nang mapagtanto niyang wala siyang gaanong beach clothes kaya naisipan niyang pumunta muna sa Ortigas para mamili. Nakausap na niya ang mga magulang noong isang araw na bumisita siya sa mga ito. Nagpaalam siyang magbabakasyon sila ni Van at sa susunod na Lunes na makauuwi. Surprisingly, her family didn’t question it, at nang magpaalam siya sa Lola Val niya ay natuwa pa nga ito nang malamang nagkaroon ng oras si Van para sa kaniya.
AYAW NIYANG MAKITA SIYA NI VAN na ganoon ang itsura kaya umiwas siya at lumabas ng kusina. Sirang-sira ang mood niya na hindi niya magawang magpanggap na maayos lang at ngumiti rito. Sirang-sira ang mood niya—katulad ng kung papaanong nasira ang dinner na pinaghirapan pa man din niyang ihanda. Sa nanlalabong tingin ay umakyat siya sa hagdan patungo sa sila nila sa itaas. Nang marating iyon ay kaagad siyang dumiretso sa banyo. Sinulyapan niya ang sarili sa harap ng salamin, at nang makitang para siyang loka sa itsura niya ay lalo siyang nanlumo. Her hair was messy, na marahil ay dahil sa pagkakataranta niya kanina. Her eyes were red in tears, and her lips were shaking in annoyance. Dagdagan pa ang pamumula ng ilong niya sa pag-iyak, at ang damit niyang bahagyang lumaylay dahilan upang makita niya sa s
ISA-ISANG INAYOS ni Demani ang mga damit na dadalhin nila ng asawa patungong Palawan. Mamayang alas sinco ng hapon ay darating ito upang sunduin siya. They would be leaving tonight, at hindi na siya makapaghintay na makasama ang asawa at makapagliwaliw matapos ang mahabang panahon. The last time they were away was after the wedding. Iyong honeymoon pa nila, at hindi na nasundan pa iyon. Van had been busy with work; with the company. At walang problema sa kaniya iyon. Naiintindihan niya. Hindi siya nagre-reklamo dahil para rin naman iyon sa kinabukasan ng kanilang pamilya. Besides... kahit walang honeymoon ay hindi nagkulang sa kaniya si Van. She was always loved.&n
“WHY?" tanong niya sa asawa. "We can still go, hon. Hindi mo ba natanggap ang text message ko kanina? I suggested na ilipat na lang natin ang oras ng flight. Siguro mamayang madaling araw? O bukas ng umaga. We still have time—” “Nah, don’t worry about it. Naisip kong marami rin pala akong kailangang gawin sa opisina.” Ibinaba na nito ang mga papeles at inilapag sa sidetable. “Besides…” he trailed off and looked at her. “…who knows, baka bukas ay tawagan ka na naman ng isa sa mga miyembro ng pamilya. Baka kailanganin ka na naman nila. Or worse, baka kahit naroon tayo sa bakasyon ay hindi ka pa rin nila tatantanan.” She could hear mockery and sarcasm. At dahil kasalanan niya ay hindi niya papatulan ang sinabi ng asawa. Naiintindihan niya kung bakit nito iyon sinabi. May