ILANG MALALIM NA paghinga ang pinakawalan ng padre de pamilya ng mga Gadaza. Ayon sa nurse na kausap niya ay magaling na ang kanyang anak. Pinatunayan pa iyon ng doctor na kanyang nakausap kung kaya naman naibsan ang pag-aalala ng matanda na kahit pakawalan niya sa lansangan ang anak na panganay, at
HINDI NAGKOMENTO SA sinabi niya ang ama. Binuksan lang nito ang drawer sa ibaba ng kanyang table at kinuha doon ang kanyang cellphone. Mabilis iyong dinampot ni Oliver at sinubukang buhayin. Walang battery. Baka mamaya ay tawag na nang tawag sa kanya ang asawa at hindi nito alam na naroon na siya ng
ISINUBSOB NA NI Oliver ang kanyang mukha sa dalawang palad. Sobrang gulong-gulo na siya. Pata na ang utak niyang patuloy pang mag-isip. Parang nasa madilim na yugto na naman siya ng kanyang buhay kagaya na lang noong nakulong siya nang dahil napagbintangan. Hinang-hina. Wala siyang liwanag na natata
KALMADONG ISINANDAL NG kanyang ina ang likod sa inuupuan niyang sofa. Sinundan iyon ng mga mata ni Oliver. Hindi niya rin inalis ang tingin sa anak na nagpupuyos na doon sa galit. Nakakuyom ang kamao nito. Isang pitik pa ay parang bulkang sasabog na sa galit ang kanyang hitsura. Inaasahan na ng Gina
KASABAY NG PAGTANGGI ni Oliver na muling hawakan ang kumpanya ay parang nawalan ng pakpak ang lalaki at lakas. Nabalian ito at hindi na muling nakabawi pa. Iyon ang napansin ni Alyson. Okay naman ang kanyang mag-iina sa ibang bansa. Mabilis ang paglaki ng pamangkin niyang si Nero at ng kapatid na si
MULING TINANGGAP NI Oliver ang kumpanya na malugod na ipinagkatiwala naman muli ng kanyang ama. Isinubsob niya sa trabaho ang sarili. Inubos niya ang oras doon kasabay ng patuloy na paghahanap niya kung saan-saan sa kanyang mag-ina. Ngunit tila yata pinagdadamutan siya lagi ng tadhana. Lahat ng nata
ILANG ARAW PA ang lumipas bago magising si Oliver na nalaman nilang lahat na naapektuhan ang mga binti. Maliit na ang tsansa nitong muling makalakad. Iyon ay kung papalarin at pagsisikapan ang therapy. Bagay na nagpagulantang sa kanyang buong pamilya. Hindi iyon matanggap ni Oliver. Paano niya pa ha
HINDI NAPUTOL ANG kanilang communication, subalit naging limitado naman iyon. Nakikipag-video call pa rin naman si Alyson sa kanila lalo na ang mga bata sa mga anak nito, ngunit hindi na iyon kagaya ng dati noong mga una hanggang pangalawang taon nila na naninirahan sa bansa. Busy rin naman si Alia
INIHATID SIYA NG tanaw ng Ginang nang lumabas na doon at hindi nagpapigil na lisanin ang mansion ng mga Gadaza. Bumalik siya ng hotel kung saan doon na lang niyang hihintaying umuwi ang mga anak. Ginugol niya lang ang buong maghapon sa pagre-research online tungkol sa naging buhay-buhay ni Oliver ha
NAPAPITLAG AT NAGBALIK sa kanyang katinuan si Alia matapos na balikan iyon sa kanyang isipan. Minabuti ng lumapit sa guard na malayo pa lang ay nakangiti na sa kanya dahil agad siya nitong nakilala kahit matagal na noong magpunta siya ng mansion ng mga Gadaza sa unang pagkakataon. Pagkatapos na buma
KANINA PA NAKATAYO sa harapan ng mansion ng mga Gadaza si Alia matapos niyang bumaba ng taxi kung saan siya nakalulan, ngunit hindi niya magawang lumapit sa gate at magsabi sa guard na papasok siya sa loob ng bakuran. Alam naman niyang makikilala siya ng guwardiya kung sasabihin niya lang ang pangal
NILUBOS NG MAG-AAMA ang muli nilang pagkikita. Tatlumpung minuto pa ang lumipas bago mapatahan ni Oliver si Nero na ibinuhos lang ang kanyang mga luha mula sa kanyang kinikimkim na sama ng loob at pananabik sa ama. Gayunman ni isa ay walang naging sumbat dito ang bata. Hindi rin siya nagtanong ng mg
NANGINGINIG ANG KAMAY na nagmamadaling pinalis ni Oliver ang kanyang mga luha upang hindi iyon makita ng mga batang nasa likuran niya. Umayos siya ng upo at kinalma muna ang sarili bago tuluyang lingunin ang dalawang bata na tinawag siyang Daddy. Hindi niya inaasahan ang pagpunta nila dito ngayon, n
NAKAILANG BUNTONG-HININGA NA si Oliver habang tinatanaw ang mas uminit pang sinag ng araw sa langit. Wala siyang schedule ng therapy sa araw na iyon pero maaga pa rin naman siyang gumising. Sa halip na sa dining room na siya tumuloy ay nagpadala siya sa garden ng mansion upang magpasikat ng araw. W
KINABUKASAN AY SABAY-SABAY na ang mag-iinang bumaba ng lobby ng hotel. Maagang tumawag si Alyson upang sunduin ang mga bata, kung kaya naman maaga niya rin na pinukaw ang mga anak sa kama. Ang plano niya ay sasabay na siyang umalis upang puntahan naman ang CENOMAR na hindi pa nakukuha. Kaunti lang d
PINILI NI ALIA na palawakin pa ang sakop ng kanyang pang-unawa kahit na pigtas na pigtas na iyon. Iyong tipong parang malulunod na siya sa lalim noon ay pilit niya pa ‘ring lalanguyin ang mas pinalalim niyang pundasyon ng pasensya para kay Jeremy. Hindi niya pwedeng sabayan ang galit nito dahil kasa
PARANG SINAMPIGA SA mukha si Alia ng mag-asawang sampal sa lakas ng boses ni Jeremy at hindi lang iyon nakasingga pa ang nobyo. Noon na lang siya muling nakarinig na pagtaasan siya ng boses magmula ng magdesisyon siyang iwanan ang dating asawang si Oliver. Gumapang ang takot sa bawat himaymay ng kat